You are on page 1of 3

Traslacion Nazareno

‘Si Jesus na isang Nazareno, …Hari ng Hudyo?’


For Pilate, the notion of a suffering messiah is a
contradiction.
Tila sinasabi ni Pilato, “Ito ba ang tingin ninyong
tagapagligtas? ...napaka hina, walang kwenta!”
Ang imahe ng Poong Nazareno ay nag mula sa isang
hangaring pagyurak at panghihiya ng isang liderato.

May tatlong mahalagang bagay upang mas lumalim ang


ating unawa sa ating debosyon sa poong Nazareno. Ang
una ay ang kasaysayan ng imahe ng Poong Itim na
Nazareno. Ang pangalawa ay ang Daan ng Krus na mula sa
tradisyon at bibliya. Ang pangatlo ay ang pananaw ng mga
may kapangyarihan at liderato ng mga Hudyo at
pamahalaang Romano noong panahon ni Hesus upang
maunawaan ang plotika na umiral sa pagpasakit at
pagpatay kay Kristo.

Kasaysayan ng Imahe ng Poong Itim na Nazareno

Ang Itim na imahe ng Poong Nazareno ay inukit sa bansang Mexico at inangkat sa Pilipinas ng mga
Agustinian noong taong 1606. Ang ukit ay gawa sa maitim na uri ng kahoy. Nagsimula ang kapistahan
ng Traslacion noong 1787 sa isang solemneng ritual na paglipat ng Poong Nazareno galing sa Intramuros
pa punta sa Parokya ng Quiapo na ngayon ay kilalang Quiapo Church sa Plaza Miranda. Ang mga
namamanata ay naniniwalang milagrosa ang imahe ng Poong Hesus at ang pagsasakripisyo ay tanda ng
pagsisilbi kay Hesu Kristo na nagdudulot ng pagtubos sa kasalanan.

May dalwang pananaw na nagpapalalim sa pananalig na ito. Ang una ay ang PAMAMANATA. Ang
pamamanata ng deboto ay makikita sa mga nakaluhod na lumalakad sa simbahan ng Quiapo. Noong
2013, Ang sabi nga Nick Joaquin, isang National Artist, “…Our style of worship approches the
extravagant. We chant or sob our prayers out loud, we walk on our knees; we dance in church; we carry
holy images on our sholders in howling procession…”. Sa mga namamanata, ang pag-halik sa imahe ay
nagbibigay ng lunas laban sa mga sakit at nagdudulot ng kapatawaran sa mga kasalanan. Ang
debosyong pamamnata ay ang pagpapatunay o pag-sasabuhay ng malalim na pangako sa pananalig.

Ang pangalawang pananaw na nagpapalalim ay ang Pananalig na may PAGSISILBI. Ang matiyaga at
mapagkumbabang pagsunod sa Poong Nazareno ay tanda ng debotong pagsisilbi. Ang paghatak sa
karwaye ng Poong Nazareno tuwing Enero ay isang pribilehiyo at karangalan.

Ang kasaysayan ng Imahe ng Poong Itim na Nazareno ay ang nagbibigay ng kakaibang kulay at hugis sa
pananalig natin bilang Katolikong Pilipino. Sa debosyon ng panata at pagsisilbi, pinapatunay nating
Pilipino ang pagmamahal at pananalig natin kay Kristo bilang isang Diyos at tagapagligtas.

Daan ng Krus, Daan ng Hapis, Via Dolorosa, o Kalbaryo ng Pagtutubos ayon sa tradisyon at bibliya
Ang pangalawang nagbibigay lalim ay Ang Daan ng Kus. Ito ay ang banal na paglalarawan at kwento ng
procession sa Kalbaryo ni Kristo mag mula nang siya ay mahatulan hanggang sa siya ay ipako at
mamatay sa Krus. Ang paglalarawan ng paglalakad ni Hesus pasan ang kanyang Krus ay isang
karaniwang seremonya sa buong bansa tuwing Mahal na Araw. Ang Kalbaryo ni Hesus ay natuturing
paglalabay kung saan ang Kabanalan ng Panginoon ay sinalin sa hapis o malalim na kahirapan ng
sangkatauhan. Ginagawang Banal ng Via Dolorosa ang paglalakad ni Hesus papunta sa Kalbaryo. At sa
kabila nito, ang paglalakad ni Hesus patungo sa pagpako sa Krus ay nagbigay ng pagkakataong makilahok
ang mga taong saksi sa dinadaanan ni Kristo. Ang pakikilahok na ito ay isa sa nagpapalalim din sa
spiritualidad ng Nazareno. Maliban sa pagsama sa prosesyon, magandang isipin at ilagay natin ang ating
loob sa mga taong saksi sa pag lakad ni Kristo.

Kung ating wariin na tayo ay nabubuhay sa panahong iyon, magandang maitanong sa ating sarili, ‘Ano
ang iyong naramdaman ng husgahan ni Ponsyo Pilato si Hesus? Isa ka ba sa uusig?, isa ka ba sa
matatakot?, o isa ka sa ma-iskandalo dahil sa maling hustisya?’ Ang pag unawa sa Kalbaryo ni Hesus ay
ang pakikiwari natin sa bawat kalooban ng mga taong saksi sa Via Dolorosa. Ito ay isa-isang paglagay ng
atingng kalooban at isip nang ating makita ang pananaw ng mga taong umusig kay Kristo; mga taong
natatakot nang siya ay hulihin at husgahan; at mga taong tumulong sa kanya.

Paano tayo tutugon sa pagtawag ni Hesus sa unang Siya ay madapa? Ikaw ba ay takot masangot sa
kalagayan ni Kristo o isa ka sa mag iisip na walang kwentang mesiyas si Jesus na tinawag na ‘Hari ng
Hudyo’?

Ang malalim na pag-gunita sa Mahal na Araw ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong makilahok sa


Kalbaryo ng Pagtutubos ni Kristo. Sa matinding pag-uunawa ng Daan ng Krus, lumalalim din ang
debosyon sa Translacion Nazareno. Dito nasasalin ang pagpapasakit na nagbibigay ng pagtutubos. Sa
bawat taon ng Traslacion, ang deboto ay binibigyan ng pagkakataong maki isa kay Kristo na nagdudulot
ng tunay na kapatawaran sa ating sariling pagkukulang.

Pananaw ng mga may kanauukulan at may kapangyarihan noong panahon ng pagpasakit at pagpatay
kay Hesus.

Para sa akin, ang pangatlong aspeto na nag bibigay lalim sa drama ng Imahe ng Nazareno ay ang
pananaw ng mga liderato ng Hudyo at Romano noong panahon ni Hesus.

Nang si Kristo ay bumalik sa kanyang bayan ng Narareth, siya ay isang sikat at tanyag na tao na
maraming sumusunod at naniniwala. Takot ang mga pamunuan ng Hudyo dahil natututo nang mag isip
ang mga tao ukol sa pagnanalig at pagmamahal sa Diyos. Sa marami, balita na si Kristo ang Mesyas na
tagapagpalaya. Ang mga Romano ay alala na rin kay Hesus dahil sa kanyang impluwensya sa kumonidad
at lipunan sa panhong iyon. Alala sila na si Jesus ay maaring mamuno ng rebolusyon laban sa kanila.

Nag kutsabahan ang mga pinuno ng Hudyo, si Herodas, at Pincio Pilato upang siya ay supilin at patayin.
Sa mga Hudyo, nais nilang patagong patayin si Hesus. Sa mga Romano, nais nilang masupil si Kristo
ngunit ayaw nilang mabalingan ng galit ng mga tao kung siya ay papatayin. Naunawaan ko na kulang sa
mga Romano na mamatay si Hesus. Nais nilang hiyain si Kristo sa bayan upang mawalan ng pamumuno
sa kumonidad. Nag hugas kamay si Pilato upang hindi siya sisihin sa alam niyang magiging pagpatay kay
Hesus. Iniwan niya ang hatol ng pagparusa sa mga Hudyo ngunit sinunod at tinulungan niya ang mga ito.
Nang si Kristo ay ipako sa Krus, ipinalagay ni Poncio Pilato ang karatulang ‘Si Jesus na isang Nazareno,
Hari ng Hudyo’

Wari bagang kanyang tinatanong ang mga tao: “Ito si Jesus na isa lamang Nazareno pero Hari daw ng
Hudyo? Ito ba ang inyong Mesyas?” Tila sinasabi ni Pilato, “Ito ba ang tingin ninyong tagapagligtas,
napaka hina, walang kwenta?”

Para kay Poncio Pilato, salungat sa isang mesyas o tagapagpalaya ang hapis at kahinaan. Nais nilang
pamukha sa mga tao ang kahinaan ni Hesus upang mawalan ng pamumuno at paniniwala ang mga
sumusunod sa kanya ….isang napakalaking kabalintunaan.

Sino ang nagsasabing walang kwenta si Kristo?

By: Jess Lorenzo


Board Member of Kaya Natin Movement for Good Governance

You might also like