You are on page 1of 1

LESSON 3 - ANG KRIMINAL SA KRUS

(Hango sa Lucas 23:32-43)

"May dalawa pang kriminal na inilabas ng mga kawal upang pataying kasama ni Jesus. Ipinako
nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa.
Ang mga tao nama'y nakatayo roon at nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno
ng bayan. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya
nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!” Nilait din siya ng mga kawal. Nilapitan siya ng isa at inalok
ng maasim na alak, kasabay ng ganitong panunuya, “Kung ikaw nga ang Hari ng mga Judio,
iligtas mo ang iyong sarili.” Isinulat nila sa kanyang ulunan, “Ito ang Hari ng mga Judio.” Tinuya
rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang
iyong sarili at pati na rin kami.” Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na
bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na tayo'y parusahan
nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.” At
sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Jesus, “Sinasabi
ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”

TALAKAYAN MULA SA MGA TALATA:


1. Mga Tauhan at mga piniling desisyon:
- Mga taong nakatayo, nanonood
- Mga pinuno ng bayan, kinutya si Hesus
- Mga kawal, nilait si Hesus
- Dalawa kriminal sabay ipapako kasama ni Hesus.
a. Yong isa, kinutya rin si Hesus tulad ng marami. Pakutya rin siyang humiling ng kaligtasan.
b. Yong isa, alam niya sila ay nagkasala, nararapat lang silang parusahan. Siya ay naniwala na
walang __ __ginawang masama si Hesus at nanampalataya siya sa pagiging Diyos ni Hesus.

2. Ano-ano ang posibleng nadama ng mga tao? (Simulan, kunin ang mga niloloob ng iba, ng malumanay)

3. Ano ang nakatawag ng interes ninyo sa kuwento?


a) ‘Yong DAMI ng mga taong karamihan ay nakatayo at nanonood lang. Maliban sa ilang mga
__kababaehan at kananayang naawa sa kalunos-lunos na kalagayan ni Hesus.
b) ‘Yong GALIT at walang pusong PANGUNGUTYA ki Hesus kahit wala kasalanan at masamang __ __
__dahilan.
c) Ang KAMANGMANGAN ng mga tao sa tunay na dahilan ng paghihirap, pagpapako at kamatayan ni
__Hesus sa krus. At sa kapangyarihan ng DUGO ni Hesus na nabobo (naligwak mula sa kanyang
__katawan) sa pagpapahirap sa kanya at sa krus.
- Puede bang gumawa ka na ng mabuti, mamasamain ka pa rin ng iba? Bakit kaya?
- Puede bang sabihin na ang budhi ng tao ay likas na masama, o
- Likas sa tao ang mapagdudang puso sa mabubuting gawa
- Puede rin kaya yong kawalan ng karunungan at kaalaman tungkol sa kabutihan Diyos.
d) Yong mapangutyang titolong ipinako sa ulunan ng krus ni Hesus, di nila alam ay TOTOO nga pala --
- INRI “Ito ang Hari ng mga Judio.”
- Si Hesus ay Hari hindi lang ng mga Judio, Hari rin Siya ng Sanlibutaan at Taga-pagligtas ng mga _
___nanampalataya sa Kayang kamatayan sa Krus.

Sinabi ni Hesus sa isang kriminal, "Isasama kita ngayon sa Paraiso."


(Ang Paraiso ay nagsasaad ng kaharian na may walang hanggang kaligayahan sa piling ng Diyos at ito ay
hantungan ng mga matutuwid na taon pag namatay.)
1. Anong ibig sabihin ni Hesus?
2. Napasok ba ang kriminal sa Paraiso dahil sa may mabuti siyang ginawa?
3. Bakit kaya sa isang kriminal lang ipinangako ni Hesus ang pagsama sa Paraiso?

Balikan natin ang Mga Taga-Efeso 2:8-9 - NALIGTAS SA PANANAMPALATAYA


"Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang
kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng
inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.”
- Yong kamatayan ni Hesus sa krus ay sapat at ganap para bayaran ang lahat ng ating kasalanan noon,
ngayon at sa mga darating pang panahon.

You might also like