You are on page 1of 18

ANG DAAN NG KRUS

1
PAGHAHANDA

Ihanda ang sarili sa pag-eestasyon at sa panalangin. Ilagay ang sarili sa harapan ng


Diyosna handang sumama sa kanyang Anak sa daan ng kanyang hirap, kamatayan at
kaluwalhatian. Iaalay sa kanya ang anumang tila nakababagabag sa iyo na maaaring
makasagabal sa iyong pananalangin upang higit itong maging makahulugan sa iyo. Ihingi
mo ng tawad ang anumang pagkukulang o pagkakasalang maalala sa sandaling ito.

(Saglit na katahimikan)

Panalangin

Ama, ako’y dumudulog sa iyong harapan ngayon at nais kong sa aking pagninilay sa
Daan ng Krus ng iyong Anak madama ko rin ang kanyang nadama habang iniaalay niya
ang kanyang sarili para sa akin. Nais ko siyang sabayan sa mahirap na daan patungo sa
Kalbaryo, sa kanyang kamatayan sa krus at sa kanyang pagpasok sa kaluwalhatian.
Tulungan mo ako upang maunawaan ko, sa pamamagitan ng debosyon ito, kung gaano
kadakila ang pagmamahal niya sa akin. Pinagsisihan ko na ang aking mga kasalanan at
mga pagkukulang na aking nagawa sapagkat nakatulong din sila sa mga hirap na kanyang
binata at sapagkat dahil sa mga ito ako’y naging hindi karapatdapat na ituring na anak
mo. Panginoon, sa pamamagitan ng hirap na binata ni Hesus, ibigay mo sa akin ang
kakayahang mabuhay, magmula ngayon, nang may higit na katapatan sa iyong kalooban at
magandang kalooban sa lahat ng aking nakakasama at nakakatulong sa gawain.

Mga Intensyon
Ama, sa aming pag-eestasyon heto po ang aming mga kahilingan …
Hinihiling namin ito sa Ngalan ni Hesus na iyong Anak at aming Panginoon. Amen.

2
UNANG ESTASYON - I
SI HESUS AY HINATULAN NG KAMATAYAN

22 Ikatlong ulit na sinabi sa kanila ni Pilato,


“Bakit, ano ba ang ginawa niyang masama? Wala
akong makitang dahilan upang siya'y hatulan ng
kamatayan. Kaya't ipahahagupit ko siya at
pagkatapos ay palalayain.”
23 Ngunit lalo nilang ipinagsigawan na si Jesus ay
dapat ipako sa krus. Nanaig ang kanilang sigaw,
24 kaya't ipinasya ni Pilato na pagbigyan ang
kanilang hinihingi.

Pagninilay

Si Hesus, sa kabila ng pagiging walang


N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo... kasalanan, ay hinatulan ni Pilato ng kamatayan.
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang Gaano naman kaya kadalas na hinuhusgahan natin
mundo. (lumuhod) ang kapwa kahit hindi tayo nakatitiyak na may
kasalanan nga sila? Gaano kaya kadalas na
Ebanghelyo: Lukas 23:20-24 nakikiisa tayo sa paghatol sa iba nang walang
paglilitis dahil sa ating pakikipagtsismisan o kaya
20 Sa pagnanais na mapalaya si Jesus, minsan sa dagliang paniniwala sa mga sumbong?
pang nagsalita sa kanila si Pilato, 21 ngunit (katahimikan)
sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus! Ipako
siya sa krus!”

Manalangin tayo

O Hesus, maawa ka. Malimit akong magkulang at magkasala ngunit nagagawa ko rin tumingin sa
aking mga kapatid na parang ako’y hukom nila. Panginoon, ikaw lamang ang hukom. Bigyan mo ako ng
kakayahang maka unawa sa halip na mang husga sa iba, na gaya nang ginawa mo. Turuan mo akong
magpatawad nang bukal sa puso, sa mga nanghuhusga at nagtsitsismis laban sa akin.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

3
PANGALAWANG ESTASYON -II
IPINAPASAN KAY HESUS ANG KRUS

kinutya ng ganito, “ Mabuhay ang Hari ng mga


Judio!”
30 Siya'y pinagduduraan pa nila. Kinuha nila ang
tambo at ito'y inihampas sa kanyang ulo.
31 Matapos kutyain, hinubad nila ang balabal at
muling sinuotan ng sarili niyang damit.
Pagkatapos, inilabas siya upang ipako sa krus.

Pagninilay
Noong kapanahunan ni Hesus ang
kamatayan sa Krus ang pinakamabigat at pinaka-
kahiyahiyang paraan ng pagkamatay na
N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo... ipinapataw sa mga kriminal. Dahil sa kanyang
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang napaka-dakilang pagmamahal sa sangkatauhan,
mundo. tinanggap ni Hesus ang parusang kamatayan at
ang lahat ng batahing bunga ng pagpapadala ng
Ebanghelyo: Juan 19:17-19 krus na siyang pagpapakuan sa kanya. Walang
tutol niya itong tinanggap kahit wala siyang
27 Si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador anumang kasalanan sapagkat alam niyang inaako
sa palasyo nito, niya sa sarili ang parusang dapat ipataw sa inyo at
at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. sa akin. Ako ba ’ y laang magpasan ng krus ng
28 Siya'y hinubaran nila at sinuotan ng isang buhay na kadalasa’y dapat ko ngang bathin? Ako
balabal na matingkad na pula. ba ’ y naging laan nang umako ng krus ng iba
29 Kumuha sila ng matitinik na baging, ginawa dahil sa pagmamalasakit sa kanila? Naalaala ko
itong korona at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, bang magpasalamat sa mga taong sumalo ng aking
pinahawak sa kanyang kanang kamay ang isang krus para sa akin? Sino ba ang pilit kong
tangkay ng tambo. Siya'y niluhud-luhuran nila at pinagdadala ng krus na dapat kong pasanin?
(Katahimikan…)

Manalangin tayo

O Hesus ko, maraming salamat sa pagtataglay Mo ng krus alang –alang sa akin. Dapat nga akong
maparusahan subalit hindi ko makakayanang bathin kaya inako mo sa iyong sarili. Ngayon dahil pinasan
mo iyon para sa akin, ako’y nagtitikang iiwasan ko na ang pagkakasala sapagkat ang mga kasalanan ang
nagpabigat nang lalo sa iyong mga paghihirap. Ipaalala mo sa akin, sa gitna ng mabibigat na suliranin, na
humingi sa iyo ng tulong, upang mapagtagumpayan ko sila. Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka
4
IKATLONG ESTASYON - III
SI HESUS AY NABUWAL SA UNANG PAGKAKATAON

5 Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya


nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating
kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na
dinanas niya at sa mga hampas na kanyang
tinanggap.
6 Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw;
nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni
Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang
dapat tumanggap.

Pagninilay
N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo...
Si Hesus ay nanghina na dahil sa kulang
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang
siya sa tulog at marami nang dugo ang dumanak
mundo.
buhat sa kanyang mga sugat. Napakahirap din ang
lumakad nang pababa ’ t paakyat na ang mga
Ebanghelyo: Isaias 53:4-6
bisig ay nakatali sa kaputol na kahoy na kanyang
pasanpasan, kaya talagang hindi maiwasan ang
4 “Tunay ngang inalis niya ang ating mga
paminsan – minsang pagkakarapa niya.
kahinaan, pinagaling niya ang ating mga
(katahimikan)
karamdaman. Subalit inakala nating iyo'y parusa
ng Diyos sa kanya.

Manalangin tayo

Panginoon, madalas akong mawaglit sa iyong pakikipagkaibigan sa akin dahil madalas ding
umaasa lamang ako sa sariling kakayahan lalo na sa gitna ng tukso. Sa pamamagitan ng iyong unang
pagkadapa, tulungan mo akong magkaroon ng mababang kalooban upang matanggap ko ang aking mga
kahinaan at mga pagkukulang at nang hindi ko na makalimutang kailangang – kailangan kita. Maging
babala sana sa akin ang iyong pagkarapa upang maiwasan ko ang mga susunod pang pagkakasala at
pagkukulang sa iyo at sa lahat ng mga nagmamahal sa akin. Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

5
IKAAPAT NA ESTASYON - IV
NASALUBONG NI HESUS ANG KANYANG INA

tutuligsain siya ng marami, 35 kaya't mahahayag


ang kanilang iniisip. Dahil dito, magdaranas ka ng
matinding kapighatiang parang isang patalim na
itinarak sa iyong puso. ” 51 Siya'y sumama sa
kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging
masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay
iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso.

Pagninilay
Nagmamahalan nang tunay ang mag-inang
si Hesus at Maria. Gaano kaya katindi ang hirap ng
kaloobang nadama nila bunga ng kaalamang
mahapding dagok para sa minamahal ng kanilang
N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo... pagkikitang iyon? … subalit isinuko nila ang lahat
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang
sa Ama alang-alang sa atin. Pinahahalagahan ko ba
mundo.
ang hirap na binata at binabata ng aking magulang
o kapatid o kaya mga kaibigan tuwing nakikita nila
Ebanghelyo: Lucas 2:34-35
akong nahihirapan at hindi sila makatulong? Ako
ba ’ y nagpapasalamat na sa pakikiramay o
34 Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, pakikiisa sa akin ng mga ito? Ako ba nama’y may
“ Tandaan mo, ang batang ito'y nakatalaga sa
malasakit sa kapwang may binabata? Sinu – sino
ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel.
sila? (katahimikan)
Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit

Manalangin tayo

Panginoong Hesus, O Inang Maria, sa inyong masakit na pagkikita sa daan patungo sa Kalbaryo,
turuan ninyo akong makadama ng tunay na pagmamalasakit sa lahat ng nagdaranas ng anumang
paghihirap… para sa aming kamag – anak… mga kasamahang maysakit o may suliranin… Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

6
IKALIMANG ESTASYON - V
SI HESUS AY TINULUNGAN NI SIMON CIRINEO SA PAGPASAN NG KRUS

Ebanghelyo: Mateo 27:32, 16:24

32 Paglabas ng lungsod, nakita ng mga sundalo si


Simon na taga-Cirene. Pilit nilang ipinapasan sa
kanya ang krus ni Jesus.
24 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad,
“ Sinumang nagnanais sumunod sa akin ay
kailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang
kanyang krus, at sumunod sa akin.

Pagninilay

Ang daan ay naging masyadong mahirap


para kay Hesus na mahinang – mahina na. Dahil
sa bigat ng kahoy at paghihirap ng kanyang
nakataling mga bisig halos hindi na makagulapay
N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo... si Hesus. sapagkat natakot silang hindi na siya
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang makarating nang buhay sa Kalbaryo at hindi na
mundo. nila ito maipako sa krus kumuha sila ng tagapasan
ng krus. Nagkataong dumaraan noon si Simon
kaya siya ang sapilitang naatasan.
(katahimikan)

Manalangin tayo

Panginoon, kung ang dahilan ay tila higit pa sa aking makakayanan, buhayin mo sa aking puso ang
paniniwalang ikaw ay kasama ko at umaasang hihingan ko ng tulong. Panginoon, manalig sana ko sa iyo
samantalang ako ’ y nagsusumikap sa ilalim ng aking mga dalahin upang madama kong katuwang nga
kita sa aking pagsisikap. Pagtibayin mo, Panginoon, ang aking pananalig ss iyong pananatiling kasama ko
lalo na sa mga sandali ng mahigpit na pangangailangan. Sa gayon matataglay ko ang aking krus hanggang
makarating ako sa iyong piling. Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

7
IKAANIM NA ESTASYON - VI
PINUNASAN NI VERONICA ANG MUKHA NI HESUS

“ Ang iyong mukha, Panginoon, ay aking


hinahanap.”
9 Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin.
Sa galit, ang iyong lingkod ay huwag mong paalisin,
ikaw na naging saklolo sa akin.
Huwag mo akong itakuwil, huwag mo akong
pabayaan,
O Diyos ng aking kaligtasan!

Pagninilay

Si Veronica ay isang babaeng tinulungan ni


N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo... Hesus. Nang makita niya ang kalunos-lunos na
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang kaanyuan ni Hesus sa kanyang pagpasan ng krus,
mundo. hindi siya natakot sa mga sundalo at mga lalaking
naroroon. Sumugod siya at pinunasan ng kanyang
Ebanghelyo : Awit 27:8-9 belo ang mukha ni Hesus na natigmak sa dugo,
pawis at dura ng mga tao. At siya ’ y
Sinabi mo, “ Hanapin ninyo ang aking mukha; ” ginantimpalaan ng Panginoon. Ang kanyang
sabi ng aking puso sa iyo, mukha ay nakintal sa belo ni Veronica. (katahiikan)

Manalangin tayo

Panginoon, kung ako’y tila nauubusan na ng pag-asa, madalas na nagpapadala ka ng isang taong
magpapagaan ng aking binabata. Nagpapasalamat ako para sa lahat ng taong sinugo mo sa akin sa mga
pagkakataong gan’on upang ipadama sa akin ang iyong pagkalinga. Pagpalain mo sila. Pukawin mo ang
aking puso upang magkaroon din ako ng lakas ng loob na tumulong sa mga kapatid na naghihirap lalo pa
kung ang pagtulong sa kanila’y tila isang hamon. Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

8
IKAPITONG ESTASYON - VI
SI HESUS AY NADAPA NANG PANGALAWANG PAGKAKATAON

2 Itinaboy niya ako at dinala sa kadiliman, at hindi


sa liwanag;
9 kanyang hinarangan ang aking mga daan ng
tinabas na bato,
kanyang iniliko ang mga landas ko.
16 Dinurog niya ng mga bato ang ngipin ko,
at pinamaluktot ako sa mga abo.

Pagninilay

Habang pataas sila sa bundok ng kalbaryo


N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo... tila higit na bumibigat ang kapirasong kahoy na
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang pasan niya. Dahil dito ang nanghihinang si Hesus
mundo. ay muling nalugmok. Ito ay babala para sa mga tao.
Hindi tayo maaring lubos na magtiwala sa ating
Ebanghelyo: Mga Panaghoy 3:1-2, 9, 16 kakayahan dahil sa ating karupukan. Kailangan
nating hingan si Hesus ng tulong. Pumayag siyang
3 Ako ang taong nakakita ng pagdadalamhati maging mahina upang tayo ’ y makatagpo ng
dahil sa pamalo ng kanyang poot. lakas sa kanya.

Panalangin
Panginoon, pinagsisisihan ko ang sobrang pagtitiwala ko sa sarili na dahilan kaya madalas na
ako’y hindi handang lumaban kung dumarating ang tukso. Panginoon, sakaling ako’y muling madapa
sa pagkakasala, sana’y agad akong bumangon at magbalik-loob sa iyo at lalo pang maging malapit sa iyo.
Ito’y hinihiling ko hindi lamang para sa aking sarili kundi gayon din para sa mga mahal sa akin. Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

9
IKAWALONG ESTASYON - VIII
ANG MGA BABAE NG HERUSALEM AY UMIYAK PARA KAY HESUS

akong iyakan, kundi iyakan ninyo ang inyong mga


sarili at ang inyong mga anak.
29 Sapagkat narito, darating ang mga araw, na
kanilang sasabihin, ‘Mapapalad ang mga baog, at
ang mga tiyan na kailanma'y hindi nagdalang-tao,
at ang mga dibdib na kailanman ay hindi
nagpasuso!’
30 At sila'y magpapasimulang magsalita sa mga
bundok, ‘ Bumagsak kayo sa amin, ’ at sa mga
burol, ‘Takpan ninyo kami.’
31 Sapagkat kung ginagawa nila ang mga bagay na
ito kapag ang punungkahoy ay sariwa, anong
mangyayari kapag ito ay tuyo?

Pagninilay

Ngayon ang mga babae, sa ating lipunan ay


N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo... ginagamit ng mga pampasigla sa mga paanunsyo
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang para mabili at biktima ng kahayukan ng mga lalaki.
mundo. Ang bagay na ito ’ y napakalayo sa isip ni Hesus.
Nakita nating ang mga babae ’ y nabagabag sa
Ebanghelyo : Lucas 23:28-31 kalagayan ni Hesus, sa daan patungo sa kalbaryo
samantalang si Hesus nama’y sila ang inaalaala.
28 Subalit humarap sa kanila si Jesus at sinabi, (katahimikan)
“ Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo

Panalangin

Panginoon ibigay mo sa akin ang iyong puso upang magkaroon din ako ng malasakit sa kalagayan
ng mga babae ngayon lalo na iyong mga nasa ibang bansa. Ipakita mo sa akin kung paano sila
madadamayan at kung ano ang aking magagawa upang mahinto ang pagsasamantala sa kalagayan
ngayon ng mga babae. Bigyan mo ako ng paninging may kakayahang makita ka sa aking mga kapatid.
Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

10
IKASIYAM NA ESTASYON - IX
SI HESUS AY NADAPA NG PANGATLONG PAGKAKATAON

kapag kanyang iniatang sa kanya;


29 ilagay niya ang kanyang bibig sa alabok—
baka mayroon pang pag-asa;
30 ibigay niya ang kanyang pisngi sa mananampal,
at mapuno siya ng pagkutya.
31 Sapagkat ang Panginoon ay hindi magtatakuwil
nang walang hanggan.
32 Ngunit bagaman siya'y sanhi ng kalungkutan,
siya'y mahahabag ayon sa kasaganaan ng
kanyang tapat na pagmamahal;

Pagninilay

N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo... Ang ikatlong pagkarapa ni Hesus ay sagisag


L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang ng pinakamatindi at pinaka-masakit na karanasan
mundo. ni Hesus sa daan ng Krus. Tinaglay niya sa sarili
ang ating mga kasalanan. Ang pinakamabigat na
Ebanghelyo: Mga Panaghoy 3:27-32 dalahin para sa kanya ay maaring ang kaalamang
sa kabila ng mga hirap na kanyang dinaranas para
27 Mabuti nga sa tao na pasanin ang pamatok sa sa mga tao marami pa rin ang pipiliing manatiling
kanyang kabataan. malayo sa kanya dahil ayaw nilang magbago. Ano
28 Maupo siyang mag-isa sa katahimikan ang aking katayuan sa bagay na ito?

Manalangin tayo

Panginoon, patawarin mo ang aking kahinaan ng loob na lumaban sa masasamang hilig ng aming
katawan lalo na kung ang pagbabago ay maaring maging sanhi ng pagpaparinig ng mga kasama. Tulungan
mo ako upang maisip ko nang magbago, magkalakas-loob akong agad na isagawa ito at magkaroon ng
pag-asang magdadala sa pagbubuo ng aming napasimulang pagbabago. Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

11
IKASAMPUNG ESTASYON - X
SI HESUS AY HINUBADAN NG KANYANG DAMIT

34 kanilang binigyan siya ng alak na may kahalong


apdo upang inumin. Ngunit nang kanyang
matikman ay ayaw niyang inumin.

35 At nang siya'y maipako nila sa krus, pinaghati-


hatian nila ang kanyang mga damit sa
pamamagitan ng palabunutan.

36 Pagkatapos, sila'y umupo at binantayan siya


roon.

Pagninilay
N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo...
Nakarating na si Hesus sa Kalbaryo. Doon
siya’y marahas na hinubdan ng damit. Sa gayong
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang
ayos siya ay ipinako nila sa Krus. Upang madama
mundo.
niya nang lubos ang hirap ng pagpapakasakit niya
tinangihan niyang inumin ang pampamanhid na
Ebanghelyo: Mateo 27:33-36
ibinibigay sa kanya. Ito ang halimbawa ng lubos na
pag-aalay ng sarili dahil sa pagmamahal. Ako ba’
33 At nang sila'y makarating sa isang dakong
y lubos kung magbigay o mas madali sa akin ang
tinatawag na Golgota, (na ang kahulugan ay,
bumawi ng ibinigay na lalo na kung mahirap na
“Ang Dako ng Bungo”),
ang kalagayan? Ako ba ’ y marunong magmahal
nang hindi nagbibilang ng ibinigay?

Panalangin

Panginoon, buksan mo ang aking puso upang aking maunawaan ang kadakilaan ng iyong
pagmamahal sa akin. Turuan mo akong kumilala ng kahalagahan, ng katapatan at ang tayog ng aking
karangalan upang hindi masayang sa akin ang kalaliman ng iyong pagpapakababa alang-alang sa akin.
Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

12
IKALABING-ISANG ESTASYON - XI
SI HESUS AY IPINAKO SA KRUS

40 na nagsasabi, “Ikaw na gigiba sa templo, at sa


ikatlong araw ay itatayo ito, iligtas mo ang iyong
sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa
krus!”
41 Sa gayunding paraan ay nilibak siya ng mga
punong pari, kasama ng mga eskriba at ng
matatanda, na nagsasabi,
42 “ Nagligtas siya ng iba; hindi niya mailigtas
ang kanyang sarili. Siya ang Hari ng Israel;
bumaba siya ngayon sa krus, at maniniwala tayo
sa kanya.
N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo...
Pagninilay
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang
mundo. Ang mga kamay at paa ’ y matindi ang
pandamdam. Isipin na lang natin na matindi na
Ebanghelyo: Mateo 27:37-42 ang sakit kung tayo ’ y naduduro ng karayom sa
daliri. Ang hapdi, hindi ba? Kung malaking pako pa
37 At sa itaas ng kanyang ulo ay inilagay nila ang kaya ang tatagos sa mga paa’t kamay anong sakit
paratang sa kanya, na nasusulat, “ ITO SI JESUS noon! Subalit walang tutol na tiniis ni Hesus ang
ANG HARI NG MGA JUDIO.” gayong sakit para sa bawat isa sa atin, dahil tunay
38 At may dalawang tulisan na ipinakong kasama na mahal niya ang bayang ibinigay sa Kanya ng
niya, isa sa kanan at isa sa kaliwa. Ama.
39 Siya'y inalipusta ng mga nagdaraan at pailing-
iling,

Manalangin tayo

Panginoon, sa pagpayag mong ipako ka sa krus ipinakita mo kung paano at gaano isinusuko ng
nagmamahal ang sariling kapangyarihan alang-alang sa ating minamahal. Turuan mo ako ng tunay na
kabaitan sa aking pakikitungo sa iba upang magawa ko sa abot ng aking kakayahan ang maglingkod nang
tapat sa iyo at sa kapwa, at kung, sakaling sa pamamagitan ng karamdaman naisin mong ipako ako sa
hirap at kahinaan, palakasin mo ang aking kalooban sa gitna ng aming mga tiisin. Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka
13
IKALABING - DALAWANG ESTASYON - XII
SI HESUS AY NAMATAY SA KRUS

49 Ngunit sinabi ng iba, “ Pabayaan ninyo siya,


tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas
siya.”
50 At muling sumigaw si Jesus ng may malakas na
tinig at nalagot ang kanyang hininga.
54 Nang makita ng senturion at ng mga
kasamahan niyang nagbabantay kay Jesus ang
lindol at ang mga bagay na nangyari, sila'y
lubhang natakot, at nagsabi, “ Tunay na ito ang
Anak ng Diyos.
N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo...
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang Pagninilay
mundo.
Dahil hindi natin natitiyak kung ano talaga
Ebanghelyo: Mateo 27:45-50 ang maaring mangyayari sa atin pagkatapos ng
buhay natin sa daigdig na ito marami sa atin ang
45 Mula nang oras na ikaanim[a] ay nagdilim sa natatakot mag-isip at mag-usap usap tungkol sa
buong lupain hanggang sa oras na ikasiyam.[b] kamatayan. Lamang ay hindi natin ito maiiwasan.
46 At nang malapit na ang oras na ikasiyam[c] ay Kahit ang pinakabanal na nabuhay sa daigdig,
sumigaw si Jesus ng may malakas na tinig, na kahit pa ang Anak ng Diyos, ay nagdanas ng
sinasabi, “ Eli, Eli, lama sabacthani? ” na ang kamatayan kaya walang makaaasang siya ’ y
kahulugan ay “ Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako mapapaiba pa. Sa kamatayan ni Hesus ipinakita
pinabayaan?” niya sa atin na may maasahan tayong higit na
47 At nang marinig ito ng ilan sa mga nakatayo magandang buhay sa kabila: isang kahariang wala
roon ay sinabi nila, “ Tinatawag ng taong ito si nang hirap at kalungkutan. At ang oras ng
Elias.” kamatayan ay hindi na dapat katakutan dahil ito’
48 Tumakbo kaagad ang isa sa kanila at kumuha y oras ng pakikipagkita sa isang pinakamamahal.
ng isang espongha, pinuno ito ng suka,[d] inilagay
sa isang tambo, at ibinigay sa kanya upang inumin.

Panalangin

Panginoon, sa laki ng takot sa kamatayan marami ang natutuksong mabuhay na para bagang hindi
sila mamamatay. Panginoon, huwag mo akong panatilihing sa gayong kamalian. Sa oras ng kamatayan
ipakita mo sa akin na ikaw ay naroroon at buong pagmamahal na tumutulong at naghihintay sa akin.
Tulungan mo ako upang pagdating ng oras na iyon maging handa akong makipagkita sa iyo bilang aking
hukom at tagapagligtas. Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...


N: Maawa ka, Panginoon… L: Maawa ka

14
IKALABING - TATLONG ESTASYON - XIII
SI HESUS AY IBINABA SA KRUS

54 Nang makita ng senturion at ng mga


kasamahan niyang nagbabantay kay Jesus ang
lindol at ang mga bagay na nangyari, sila'y
lubhang natakot, at nagsabi, “ Tunay na ito ang
Anak ng Diyos.”
55 At marami ding babae roon na nakatanaw mula
sa malayo na sumunod kay Jesus buhat sa Galilea,
na naglingkod sa kanya.

Pagninilay

Si Jose ng Arimatea ay kaisa ng mga Hudyo


kahit sa ating panahon sa kanilang takot na hindi
kilalanin ng kapwa Hudyo at ilabas sa sinagoga
kaya hindi niya maihayag na alagad siya ni Hesus.
N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo...
Subalit nang patay na ang Panginoon, sa halip na
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang
mawala ang kanyang pananalig lalo siyang
mundo.
nagkaroon ng lakas ng loob na hingin kay Pilato na
siya ang maglibing sa bangkay ni Hesus. At
Ebanghelyo: Mateo 27:54-55
pinayagan naman siya.

Manalangin tayo

Panginoon, tila higit na madali ang maging bukas palad kung ang isang tao ’ y yumao na. Dahil
kadalasan sa pagsisisi sa pagkukulang nang ito’y nabubuhay pa kaya nagkakagayon kami. Higit sanang
mabuti kung ang tulong ay ibinibigay namin kung kinakailangan at nang wala kaming kinatatakutan o
pinagsisisihan. Bigyan mo ako, Panginoon, ng kakayahang makatulong sa mga nangangailangan habang
maari pa silang tulungan. At sa oras ng pagdadalamhati ng mga nauulilang mga magulang o anak man,
bigyan mo ako ng wastong paraan ng pakikiramay sa kanila upang hindi sila panghinaan ng loob at pag-
asa dahil sa iyong pagkamatay sa kanila. Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

15
IKALABING – APAT NA ESTASYON - XIV
SI HESUS AY INILAGAK SA LIBINGAN

60 at inilagay sa kanyang sariling bagong libingan,


na kanyang inukit sa bato. Pagkatapos ay
iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan
ng libingan, at siya'y umalis.
61 Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay
naroon at nakaupo sa tapat ng libingan.

Pagninilay

Kung ang isang bangkay ay nakasilid na sa


saradong puntod, sakali mang bumalik doon ang
hininga sapagkat hindi pa talagang patay kundi
nawalan lamang ng malay, siya ’ y tuluyan ding
N: Sinasamba ka namin at pinupuri, O Kristo... mamamatay dahil walang hangin doon. Kaya
L: Sapagkat sa banal mong Krus sinakop mo ang binayaan muna ni Hesus na makalampas ang
mundo. ikatlong araw bago siya nakita ng mga kaibigan na
buhay nang muli. Sa gayon hindi maaring masabi
Ebanghelyo: Mateo 27:59-61 ng mga hudyo na hindi totoo ang panibagong
pagkabuhay niya. Kahangahanga ang pagsasaayos
59 Kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya iyon ng Panginoon ng mga pangyayari. Sa gayon ang
ng isang malinis na telang lino, mga taong nakakakilala sa kanya ay maaring
sumampalataya, kung nais nila.

Manalangin tayo

Panginoon, ikaw ang Panginoon subalit niloob mong danasin ng tao, samantalang ang mga tao ay
napakadaling nagsisikap na mapatangi sa iba. Panginoon, turuan mo kami, sa kabila ng aming
pagmamadali araw-araw, na ilagay ang aming sarili sa dapat kalagyan upang mapagbigyan ang ibang
nauna sa amin o may higit na pangangailangan ng aming kaalaman at kakayahan at hindi ng kung sino
ang nakakakilala sa amin. Amen.

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati ...

N: Maawa ka, Panginoon…


L: Maawa ka

16
PANALANGIN PARA SA MGA HANGARIN NG SANTO PAPA

Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob
mo dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw, at patawarin kami sa aming mga sala para nang
pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.

Aba ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoon Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa
babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami ’ y mamamatay.
Amen.

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara ng sa unang una, ngayon at magpakailanman,
magpasawalang hanggan. Amen.

ORATIO IMPERATA PARA SA PROTEKSYON LABAN SA COVID-19 •


(Revised January 2021)

Mahabagin at mapagmahal na Ama, nagsusumamo kami sa iyo sa upang hilingin ang iyong patnubay
laban sa COVID-19 na nagpapahirap sa marami at kumitil na ng maraming buhay.

Tunghayan mo kami nang may pagmamahalat ipagadya kami ng iyong mapaghilom na kamay mula sa
takot sa karamdaman at kamatayan. Itaguyod mo kami sa pag-asa at patatagin sa pananampalataya.

Gabayan mo ang mga dalubhasang naatasan na tumuklas ng mga lunas at paraan upang ihinto ang
paglaganap nito. Nagpapasalamat kami sa mga bakunang naisulong sa patnubay ng iyong mga
kamay.Pagpalain mo ang aming mga pagsisikap na mawakasan ng mga bakuna ang pandemya sa aming
bayan.

Patnubayan mo ang mga lumilingap sa maysakit upang ang kanilang pagkalinga ay malakipan ng husay at
malasakit.Pagkalooban mo sila ng kalusugan sa isip at katawan,katatagan sa kanilang paninindigang
maglingkod,at ipagsanggalang sa karamdaman.

Itinataas namin ang mga nagdurusa. Makamtam nawa nila ang mabuting kalusugan. Lingapin mo rin ang
mga kumakalinga sa kanila. Pagkamitin mo ng kapayapaang walang hanggan ang mga pumanaw na.

Pagkalooban mo kami ng biyaya na magtulong-tulong tungo sa ikabubuti ng lahat. Pukawin sa amin ang
pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Sa pagdamay at malasakit namin sa bawa’t isa, malampasan
nawa namin ang krisis na ito at lumago sa kabanalan at pagbabalik-loob sa iyo.

17
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hangan. Amen.

Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos. Pakinggan mo ang aming mga kahilingan sa
aming pangangailangan, at ipagadya mo kami sa lahat ng kasamaan, maluwalhati at pinagpalang Birhen.
Amen.

Mahal na Birhen ng Fatima, mapagpagaling sa maysakit, ipanalangin mo kami.

San Jose, ipanalangin mo kami.

San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.

San Roque, ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami

PAGBABASBAS

Ang Asma ng awa ay nagkaloob sa atin ng halimbawang di makasariling pag-ibig sa pagpapakasakit ng


kanyang bugtong na Anak.
Sa paglilingkod natin sa Diyos at kapwa matanggap nawa natin ang di mabilang na mga biyaya.

Tugon : Amen

Naniniwala tayo na sa pagkamatay ni Kristo ay winasak niya ang kamatayan magpakailanman. Pagkaloob
nawa niya tayo ng buhay na walang hanggan.

Tugon : Amen

Nagpakababa siya alang-alang sa atin. Masundan nawa natin ang kanyang halimbawa at makibahagi sa
kanyang pagkabuhay.

Tugon : Amen

Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, Anak at Espiritu Santo.

Tugon : Amen
18

You might also like