You are on page 1of 24

ANG DAAN NG KRUS / Stations of the Cross B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Si Jesus ay hinatulan ng kamatayan dahil sa pagiging matapat sa


kanyang MISYON; sapagkat ipinahayag niya ang paghahari ng
Diyos na walang nang-aapi at inaapi. Kinondena siya ng mga
kinatawan ng simbahan at pamunuan ng pamahalaan, sa
pakiramdam na sila ay hinusgahan ni Jesus. Nais ni Jesus na siya
ang pinakahuling biktima ng pagdudumina ng tao sa kanyang
kapwa.

Alalahanin natin ang lahat ng mga taong hinatulan ng ating lipunan


ng kamatayan o sa isang di-makaturangang pamumuhay.

Panalangin 
Ama, huwag po ninyong hayaan ang aming pamayanan sa
kapangyarihan na humatol sa iyong anak, at nagtataguyod ng pang-
aapi at paniniil sa mga anak mo. Ipagkaloob po ninyo sa amin ang
isang dakilang pananampalataya upang sundan namin si Jesus sa
kanyang minimithing daigdig na paghaharian ng iyong mahabaging
pagmamahal. Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ni Kristo,
aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

UNANG ISTASYON: Hinatulan si Jesus ng kamatayan


Station 1 - Jesus is Condemned to Death

UNANG ISTASYON: Hinatulan si Jesus ng kamatayan / The 1st


Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan


B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Duguan si Jesus dulot ng mga matitinding hagupit at nadagdagan pa


ang tindi ng kanyang paghihirap sa koronang tinik na isinuot sa
kanyang ulo. Talagang walang hanggan ang nagagawa ng
pagkabulag ng tao sa katuwiran; hindi masukat ang naabot ng pang-
aabuso ng kapangyarihan. Subalit, sa krus, matatagpuan ang
sagisag ng pakikiisa sa atin ng pag-ibig ni Jesus.

Isipin natin ang mga taong lubhang nahihirapan sa mga mabibigat at


di-makatarungang pasanin sa kanilang buhay. Kasama nila si Jesus.
Tayo rin, dapat makiisa sa kanila.

Panalangin 
Ama, alam po ninyo na napakaraming krus dito sa daigdig. Kaya
lamang hindi tama ang bahaginan. Ang mga dukha ang nagpapasan
ng mga mabibigat. Ibigay po ninyo sa amin ang karunungan upang
di namin talikuran at bigyan ng maling pakahulugan ang krus ni
Jesus. Pagkalooban ninyo kami ng lakas at katatagan sa pagbabata
ng hirap sa aming pakikibaka laban sa mga nagpapahirap sa tao. Sa
pamamagitan ni Kristo, Jesus, aming Panginoon.

IKALAWANG ISTASYON: Pinasan ni Jesus ang kanyang krus AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA – LUWALHATI
Station 2 - Jesus Accepts His Cross

IKALAWANG ISTASYON: Pinasan ni Jesus ang kanyang krus /


The 2nd Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan


B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Nakadama si Jesus ng takot, natigib ng kalungkutan at hapis nang


mapagtanto niya ang mangyayari sa kanya. Binigo siya ng kanyang
mga disipulo at nakatulog sila. Naramdaman niyang siya’y
pinabayaan, kasama ng mga napabayaan at mga biktima ng pang-
aapi. Alalahanin nating ang lahat ng mga taong napabayaan,
kinalimutan, nag-iisa, at walang magawa dahil wala silang
matagpuang pagkakaisa o tulong kahit saan. Hinihiling sa atin ni
Jesus ngayon na manindigan para sa mga nahihirapan.

Panalangin 
Nilikha mo kaming magkakapatid subalit ang lungkot, pagpapabaya
at kawalan ng pagkakaisa ang naghahatid sa amin sa kamatayan.
Dahil sa inyong anak na naranasan ang hapis dulot ng pagtatakwil
sa kanya, hinihiling namin na puspusin mo ng pag-ibig ang aming
mga puso. Sa pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA – LUWALHATI

IKATLONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa unang pagkakataon


Station 3 - Jesus Falls the First Time

IKATLONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa unang


pagkakataon / The 3rd Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan


Nang masalubong ng paningin ni Maria ang mga mata ni Jesus,
nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Dito naunawaan ni
Maria ang misterio ng pag-ibig ng kanyang anak na si Jesus. Sa
pamamagitan ng krus lamang, makikilala natin kung sino Siya.
Isaisip natin ang mga nanay at tatay na walang magawa habang
pinagmamasdan ang pagdurusa ng kanilang mga anak. Sana’y
matagpuan nila ang pag-asa kay Maria.

Panalangin 
Ama,biyayaan ninyo kami ng grasyang masumpungan namin si
Jesus sa paanan ng krus kagaya ni Maria. Bigyan po ninyo ng
kaluwagan at tatag ng kalooban ang mga nagdaranas ng hirap para
sa kanilang mga anak at walang kayang gawin sa ikalulutas nito. Sa
ngalan ni Jesukristo na iyong anak.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

IKA-APAT NA ISTASYON: Nasalubong ni Jesus ang kanyang Ina


Station 4 - Jesus Meets His Mother

IKA-APAT NA ISTASYON: Nasalubong ni Jesus ang kanyang


Ina / The 4th Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan

B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.


Upang hindi bawian ng buhay si Jesus sa daan pa lamang, aatasan
ng mga kawal ang sinumang unang makita nila na pasanin ang krus.
Si Jesus at Simon ay sumisimbolo ng mga taong inalipin ng
kapangyarihan. Napilitan ba lamang si Simon sa kanyang pakikiisa
sa paghihirap Jesus o kusang loob na ginawa niya ito? Iniisip ni
Simon na sa pagpapasan niya ng krus ng isang hinatulan o
kinondenang tao, tumutulong siya sa Diyos. Balikan-tingin natin ang
mga panahon na hinihingi ng mga kapatid natin ang ating tulong na
pasanin ang kanilang krus. Ano ang naging tugon natin sa kanila?

Panalangin 
Ama, ang nais mo para sa amin lahat ay maging malaya. Huwag po
ninyong tulutan na dominahan ng iilang tao ang kanilang kapwa sa
pamamagitan ng dahas. Palayain po ninyo kami sa kapangyarihan.
Gawin po ninyo kaming magkakaibigan at tagapaglingkod sa isa’t isa
sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaisa sa pamama-gitan ni JesuKristo,
aming panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

IKALIMANG ISTASYON: Inatasan si Simon na pasanin ang krus


Station 5 - Simon of Cyrene Helps Jesus

IKALIMANG ISTASYON: Inatasan si Simon na pasanin ang


krus / The 5th Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan

B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.


L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan

B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Ang pagpapahid ng isang duguang mukha ng Diyos. At isang


matapang na babae ang siyang gumawa nito. Ang naiwang larawan
ang siyang pinaka-mabisang daan upang makita ang mukha ng
Diyos dito sa mundo. Sa mga mukhang napin-sala ng sobrang
pighati, pagsasamantala at kawalan ng katarungan, atin makikita
ang pinakamagandang larawan ng Poong Maykapal. Kaya ba natin,
katulad ni Veronica na salungatin ang lahat ng mga hadlang at mga
baluktot na paniniwala upang pahiran ang mga duguang mukha ng
mga nagbabata ng hirap?

Panalangin 
Ama, ipagkaloob ninyo sa amin ang isang pusong wagas upang
matuklasan at mapahiran ang iyong larawan sa mga mukha ng mga
nangingibang-bayan, mga manggagawa,mga itinakwil ng lipunan at
ang mga sugatan sa pakikibaka at kawalan ng katarungan. Gawin po
ninyong Veronica, ang inyong Simbahan, na kayang suungin ang
mga panganib mapahiran lamang ang mga napinsalang mukha ng
mga bugbog ng pagtitiis. Sa pamamagitan ni Kristo, Jesus, aming
Panginoon.
IKAANIM NA ISTASYON: Pinunasan ni Veronica ang mukha ni
Jesus AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
Station 6 - Veronica Wipes the Face of Jesus

IKAANIM NA ISTASYON: Pinunasan ni Veronica ang mukha ni


Jesus / The 6th Station
B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Madama ni Jesus na pinabayaan na siya ng lahat at napapaligarin


ng kapangyarihan ng kasamaan, kaya dumulog siya sa Ama. Hindi
niya matanto ang kahihinatnan ng ipinahayag niyang Paghahari ng
Diyos. Ang pangitain ng kamatayan ang madalas na bumabagabag
sa mga taong malabo ang pagtingin sa kanilang kinabukasan.
Kasama ni Jesus ang mga taong nabigo at walang nakikitang
katugunan sa kanilang pagkagutom sa katarungan. Kailangan natin
makiisa sa kanila kung ibig nating makasama si Jesus. Patuloy natin
ituon ang pag-asa sa Ama, gaya ni Jesus, sa kanila.

Panalangin 
Turuan po ninyo kami, Ama, na mana-langin katulad ni Jesus sa
halamanan ng Hetsemane upang matutunan namin makibahagi sa
mga pasakit at dalamhati ng lahat ng mga sugatan at nabuwal sa
daigdig na ito, hanggang matupad ang kalooban mo ng pag-ibig at
buhay. Sa pamamagitan ni Jesukristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

IKAPITONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa ikalawang


pagkakataon
Station 7 - Jesus Falls the Second Time

IKAPITONG ISTASYON: Nabuwal si Jesus, sa ikalawang


pagkakataon / The 7th Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan


B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Umiiyak ang mga kababaihan ng Jesusalem sa harapan ng


bilanggong hinatulan ng kamatayan si Jesus. Subalit,hiniling ni
Jesus na ibaling nila ang pagtingin sa kanilang mga sarili. Ang
kamatayan ni Jesus ay gawa ng isang lipunang nakapinid ang pinto
sa mga biyaya ng Diyos, itinakwil ang salita ng kaligtasang dala ni
Jesus. Ang kanyang mga salita sa mga kababaihan ay minsang
naging isang banta at panawagan ng pagbabalik-loob. Banta,
sapagkat ang sinumang tumanggi sa grasya ng Maykapal ay
naghahanap ng sariling kamatayan. Isang panawagan sa
pagbabalik-loob dahil hindi imposible ang pagbabago, ang
pagtanggap sa salita ng Diyos, pagsasabuhay nito at pakikiisa sa
pagpupunyaging itatag ang paghahari ng Diyos dito sa
sandaigdigan.

Panalangin 
Buksan po ninyo ang aming puso, O Ama,sa iyong mga salita upang
lumaya kami sa aming pagkamakasarili. Matutunan sana naming
mamuhay na palagiang nakikiisa sa lahat ng aming mga kapatid sa
buong sangkatauhan. Sa pamamagitan ni Jesuskristo, aming
IKAWALONG ISTASYON: Nagsalita si Jesus sa mga kababaihan ng
Panginoon.
Jerusalem
Station 8 - Jesus Consoles the Women AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

IKAWALONG ISTASYON: Nagsalita si Jesus sa mga kababaihan


ng Jerusalem / The 8th Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan


B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Nahalo ang dugo ni Jesus sa lupang napaka-raming dugong inihain


ng mga walang sala mula noon hanggang sa kasalukuyan.
Mahalaga sa Diyos ang dugong inihain ng mga walang sala. Ito ang
dugo na likha ng sala ng tao sa marubdob niyang pagnanasa na
maging Diyos; alipin ng pagkamakasarili at mamamatay-tao ng
sariling kapatid. Huwag tayong palinlang Nababahala ang Poong
Maykapal sa mga inosenteng dugo. Kaya ang isang anghel ang
dumating upang kalingain si Jesus. Itong mga duguan ay bubuhayin
muli. Ang lupang dinilig ng dugo ay mamumukadkad uli ng isang
bagong buhay. Ang bawat nilalang na nag-alay ng dugo ay
pagkakalooban ng anghel at siya’ybubuhayin muli.

Panalangin 
Sumisigaw, o Ama, ang dugong dumaloy mula kay Jesus at sa
marami naming mga kapatid. Isinasamo namin, harinawa’y walang
sinuman ang magpapadanak ng dugo ng kanyang kapatid at huwag
mong hayaang sinuman ang papatay sa mamamayan sa matin-ding
kahirapan. Sangalan ni Kristo, Jesus, aming Panginoon!

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI


IKASIYAM NA ISTASYON: Sa ikatlong pagkakataon, nabuwal uli si
Jesus
Station 9 - Jesus Falls the Third Time

IKASIYAM NA ISTASYON: Sa ikatlong pagkakataon, nabuwal uli


si Jesus / The 9th Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan


Paghinubaran mo ng damit ang isang tao sa harap ng publiko,
katumbas ito ng pagyurak ng kanyang pagkatao at pag-alis ng
kanyang dangal bilang tao. At ito ang ginawa nila kay Jesus. Patuloy
pa rin itong ginagawa sa mga taong pinagkakaitan ng lahat na
nararapat sa kanila. Ang pag-asa ay hindi nakasalalay sa mga sakim
at kurakot kundi kay Jesus na pinagkaitan din ng lahat. Buo ang
pagtitiwala ni Jesus sa kanyang Ama. Nasa kanyang panig ang
Diyos. Kaya dapat magtiwala kay Jesus at sa mga pinagkaitan,
yaong walang mawawala sa kanila at may karapatang umasa sa
Panginoon. Mula sa kanila, itatatag ng Diyos ang isang Bagong
Sambayanan.

Panalangin 
Nakikita namin sa inyong anak na pinagkaitan, ang mahihirap o mga
dukha dito sa daigdig. Sa mga taong walang pagbabago, loobin po
ninyong sila’y magkaroon ng pusong mapagbahagi, mapagmahal na
hindi nakatali sa mga materyal na bagay. Turuan ninyo kaming
magbahagi sa ngalan ng pagkakaisa mula sa aming makakaya o ari-
arian. Sa pamamagitan ni JesuKristo, aming Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI


IKA SAMPUNG ISTASYON: Hinubaran si Jesus
Station 10 - Jesus is Stripped of His Garments

IKA SAMPUNG ISTASYON: Hinubaran si Jesus / The 10th


Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan

B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.


B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Ipinako ang mga kamay at paa ni Jesus. Nais nilang dumaloy ang
mas maraming dugo upang madali siyang mamatay. Sadya nilang
ginagawa ang ganito; madali nilang maililigpit si Jesus na
manunulsol. Subalit si Jesus ay mas malakas sa kanyang kahinaan
kaysa mga naghatol sa kanya. Mula sa kanyang napapakuang krus,
maipagdarasal niya ang mga nagpahirap sa kanya. Hindi ibig sabihin
na pinawawalang-sala sila kundi idinidiin ang kanilang kahibangan at
kasalanan. Kaya, ihinihingi sila ng kapatawaran. Ito ang tagumpay
ng isang pinahihirapan sa mga nagpapahirap sa kanya. Tagumpay
din ito ng pagmamahal at habag.

Panalangin 
Ama, lubha ang pananakit na ginawa sa inyong anak. At marami din
sa inyong mga anak ang pinahihirapan sa iba’t ibang pamamaraan.
Ang aming pusong puspos ng pighati ay dumadalangin para sa mga
biktima ng matinding pasakit at sa mga gumawa nito. Pagkasunduin
mo po sila at nawa’y mahinto na sa mundong ito ang anumang
pananakit sa kapwa. Sa pamamagitan ni JesuKristo, aming
Panginoon.
IKALABING-ISANG ISTASYON: Ipinako si Jesus sa krus
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
Station 11 - Jesus is Nailed to the Cross
IKALABINDALAWANG ISTASYON:Namatay si Jesus sa krus /
IKALABING-ISANG ISTASYON: Ipinako si Jesus sa krus / The
The 12th Station
11th Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan


ng lungsod. Siya ay itinakwil ng lipunan, ng relihiyon at ng buhay. Sa
pagkakataong ito, ipinakikilala ni Jesus ang kanyang ganap na
katapatan, isinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa kanyang
pinaniniwalaan at mga ipinahayag. Namatay siyang lubos ang pag-
titiwala sa kanyang Ama, ang Diyos ng pag-ibig at mas
makapangyarihan kaysa mga kumitil ng kanyang buhay. Tayong
mga tagasunod ni Jesus ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
Patuloy nating hanapin ang bukal ng pag-asa sa krus ni Jesus.
Tayo’y mga alagad ng isang taong napako sa krus. Katulad ni Jesus,
sikapin natin makilala siya sa ating paglilingkod kahit hanggang
kamatayan tungo sa pag-aangkin ng sanlibutan ng isang bagong
buhay.

Panalangin 
Naniniwala po kami, o Ama, na si Jesus na pinako sa krus ay iyong
anak na tagapagligtas. Sa pamamagitan niya, alam namin na ang
inyong lakas ay ang pag-ibig na nagtitiis kasama ng mga nagdurusa.
Kasama ni Jesus, nais namin makipagtunggali laban sa dalamhati
na siyang dahilan ng pagdurusa. Sa pamamagitan ni JesuKristo
aming Panginoon.
IKALABINDALAWANG ISTASYON:Namatay si Jesus sa krus
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
Station 12 - Jesus Dies on the Cross

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan

B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Si Jesus na taga-Nasareth, ang dakilang propeta na nagpahayag


tungkol sa bagong buhay at paghahari ng Diyos ay pinatay sa labas
Tinanggap ng ina ni Jesus sa kanyang mga bisig ang walang buhay
na katawan ng kanyang anak. Inilagak niya ang buong pagtitiwala sa
Diyos, na mula sa patay na laman, ang Maykapal ay lilikha muli ng
bagong buhay. Si Maria ay magsisilang uli ng isang bagong buhay
sa hirap at pag-asa. Ang Sambayanan ni Kristo, kagaya ni Maria,
kailangan tanggapin ang lahat ng tao, lalo na yong mga nagdurusa
dahil sa isang dakilang adhikain. Inaanyayahan sila nitong
Sambayanan sa isang bagong buhay. Ang kanilang pagtitiis kapag
nagsasabuhay ng pagkakaisa at pananampalataya ay nagiging daan
tungo sa isang bagong Sambayanan ng Diyos.

Panalangin 
Binigyan ninyo o Ama ang simbahan ng bagong halimbawa o
modelo sa katauhan ni Maria. Basbasan po ninyo kami ng pananam-
palatayang kagaya kay Maria na handang tanggapin sa simbahan
ang lahat ng mga nilalang na nagtitiis ng hirap umusbong lamang
ang isang bagong angkan kung saan lahat ay magkakapatid sa
iyong ngalan, aming Ama. Sa pamamagitan ni Jesus aming
Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI


IKALABINTATLONG ISTASYON:Si Jesus ay ibinaba mula sa Krus
Station 13 - Jesus is Taken Down From His Cross

IKALABINTATLONG ISTASYON:Si Jesus ay ibinaba mula sa


Krus / The 13th Station

L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan

B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.


B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.

Ang libingan ang pinakasukdulang kalung-kutan. Ang patay ay


ganap na nag-iisa. Ang paniniwala ng mga pumatay kay Jesus na
kapag nailibing na nila ang katawan nito, mabubura sa isipan ng
madla ang alaala ni Jesus. Subalit ang libingan ni Jesus na nasa
halamanan ay dambana ng buhay na siyang naging bukal ng
bagong buhay ni Jesus. Si Jesus ang magiging binhi na kapag
ibinaon sa lupa, tutubo ito at mamumu-kadkad. Ang buhay niya ay
nasa kamay ng Diyos, ganoon din ang lakat ng mga nangawalan ng
buhay at mga pinatay. Hindi pababayaan ng Ama ang kanyang mga
anak.

Panalangin 
Ama, ginawa mong pagdaraanan tungo sa bagong buhay ang
libingan ni Jesus. Hayaan ninyong tanggapin ng lupa, ng mapayapa,
ang mga yumao. Harinawa’y magbunga ito ng pag-asa at buhay
para sa iyong sangkatauhan. Sa pamamagitan ni JesuKristo aming
Panginoon.

AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI

IKALABINLIMANG ISTASYON: Nabuhay na muli si Jesus.


IKALABING-APAT NA ISTASYON: Inilibing si Jesus
Station 14 - Jesus is Laid in the Tomb L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan

IKALABING-APAT NA ISTASYON: Inilibing si Jesus / The 14th B - Sapagka’t sa Iyong Banal na Krus ay naligtas ang sanlibutan.
Station
Isang bagong kasaysayan at isang bagong buhay ang nagsimula sa
L - Sinasamba ka namin O Kristo at pinapupurihan
unang araw ng linggo. Wala na si Jesus sa kanyang libingan. Siya
na ipinako sa krus ay nabuhay na muli. Ang lahat ng kapangyarihan Sa mga Banal na Arkanghel na sina San Miguel, San Gabriel at San
ay hinatulan ng pagkabuhay na muli ni Jesus. Ang Diyos ay nasa Rafael. 
panig ng ipinako sa krus at hindi sa mga pumatay sa kanya. May Kaamahal- mahalang Trinidad, ako ay nagpapasalamat sa Inyo sa
mahalagang kahulugan ang pagkamatay ni Jesus. May kahulugan paglikha sa Inyong mga anghel sa gayong napakadakilang paraan,
din ang paglilingkod sa kapwa. Maaasahan natin na tayo rin ay at sa pagpapatibay ng lubha sa kanilang pinuno. Sambahin nawa
bubuhayin muli ng Diyos tungo sa isang bagong buhay at ganap na Kayo at ibigin sa kagandahan at kaningningan ng Iyong mga
kalayaan. kinatawan; Purihin nawa kayo nang kanilang maluwalhating awit ng
pagpupuri at pasasalamat sa habang panahon. Siya nawa.
Panalangin 
Taos puso kaming nagpapasalamat sa inyo o Ama, sa pagkabuhay Mga Banal na Prinsipe ng Langit, Miguel, Gabriel at Rafael, pinupuri
na muli ng inyong Anak. Sa kanyang ngalan, hinihiling namin sa inyo namin kayo dahil sa pagmamahal sa inyo nang kataas- taasan at sa
na pagibayuhin namin ang pagsasabuhay ng pag-ibig at pagkakalagay sa inyo sa lalong malapit na likmuan sa kanya.
pananampalataya upang mai-alay namin ang aming sarili sa Alalahanin ninyo ang aking mga pangangailangan at sasamahan ng
paglilingkod sa mga naghihirap sa pag-asang mabubuhay kami muli mga Banal na Anghel ang lahat ng kanyang mga sakop, nang ito ay
tungo sa isang bagong buhay, sa pamamagitan ni JesuKristo, aming magtagumpay laban kay Satanas magpakailanman. Loobin nawa
Panginoon. ninyong ang kaharian ng liwanag at biyaya ng kabanalan at pagibig
sa Diyos, ay siyang yumabong sa buo niyang kaningningan at
AMA NAMIN - ABA GINOONG MARIA - LUWALHATI
kaganahan sa bawat kaluluwa at kilalanin naman nang lahat. Siya
Nobena-Sa mga Banal na Arkanghel na sina San Miguel, San
nawa.
Gabriel at San Rafael 
/ Novena to the Archangels Saint Michael, Saint Gabriel, and O San Miguel, ipamagitan mo ako sa Espiritu Santo, na siyang Hari
Saint Raphael
ng kaluwalhatian at Tagapamahagi ng lahat ng biyaya. Siya nawa.

Mga araw ng Nobena para sa kapistahan: Ika 20- 28 ng Setyembre IKALAWANG PANALANGIN
Kapistahan: Ika 29 ng Setyembre Sa mga Banal na Anghel 
UNANG PANALANGIN O Diyos na sa paghahati- hati ng Inyong kaharian ay buong
kahanga-hanga mong iniayos ang katungkulan ng mga anghel at
mga tao, ngayon ay buong habag Mong ipagkaloob sa amin, na ang PAGROROSARYO SA KARANGALAN NI SAN MIGUEL

mga Banal na Anghel, na laging naglilingkod sa harapan Mo sa Sa karangalan ng mga Banal na Anghel: Diyos ko, saklolohan Mo
langit, ay maging tagapagtanggol din ng aming buhay sa lupa, sa ako. O Panginoon, magmadali Ka sa pagtulong sa akin. Luwalhati sa
pamamagitan ni Kristong Panginoon namin. Siya nawa Mga Banal Ama…
na Serapin, Kerubin, mga Trono, Dominasyon, mga lakas at mga
Kabanalan, Prinsipado mga Arkanghel at mga Anghel; kami ay
sumasama sa inyo sa pagpupuri at pag-ibig sa Diyos, ang Tunay na
Walang Hanggang Diyos sa Tatlong Persona. Siya Nawa. 
Mga anghel na banal, tulungan ninyo ang Iglesia sa pakikibaka sa
lahat ng lakas ng karimlan at kasalanan at kawalang-
pananampalataya, nang kung lumaganap nang lalo sa lupa, ang
Kaharian ng Diyos ay siyang umakay sa tao sa buhay na walang
hanggan. Mga Banal na Anghel na Taga-tanod, kami ay inyong
akayin at ipagtanggol. 
Lahat kayong mga Anghel na Taga- Tanod, itaboy ninyo ang lahat
ng kasamaan at ipangalat ang kabutihan. San Miguel, San Gabriel at
San Rafael, at lahat kayong kaluluwang banal na ngayon ay
naririyan sa harapan ng trono ng Diyos at sa nakikilabang kasama ni
San Miguel, kami at ang Iglesya ay ipagkamit ninyo ng mga biyaya
at pag-ibig ng Espiritu Santo. 
Lahat kayong Anghel ng Diyos, kami ay ipagtanggol ninyo. Nawa’y
sambahin lalo at lalo ang Banal at Walang Hanggang Diyos sa
buong daigdig. Matutuhan nawa ng lahat ng bansa ang kumilala at
umibig sa Kanyang kamahal- mahalang Pangalan. 
Lahat kayong mga anghel na banal ng Diyos, ipamagitan ninyo kami
lalong lalo na sa mga panahong ito. Siya nawa.
SAN MIGUEL, ARKANGHEL
Saint Michael, the Archangel

1. Ating parangalan at purihin ang mga Serapi, ang unang koro ng


mga banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng Korong
makalangit ng mga Serapin ay papagindapatin nawa kami nang
Panginoon na mag alab sa apoy ng pag-ibig langit. Siya nawa.

Ama Namin 
Tatlong Aba Ginoong Maria

2. Ating parangalan at purihin ang mga Kerubin, ang ikalawang koro


ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel, at ng
Korong makalangit ng mga Kerubin, ay dulutan nawa kami nang
Panginoon ng biyayang maitakwil nang lubusan ang lahat ng buhay-
kasalanan at karamutan, at matahak nawa namin ang landas ng
kaganapang Kristiyano. Siya nawa.

Ama Namin 
Tatlong Aba Ginoong Maria

3. Ating parangalan at purihin ang mga Trono, ang ikatlong Korong


mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng banal
na koro ng mga Trono, ay punuin nawa ng Panginoon ang aming
mga puso ng diwa ng katotohanan at kababaang- loob. Siya nawa.

Ama Namin 
Tatlong Aba Ginoong Maria
4. Parangalan natin at purihin ang mga Dominasyon, ang ikaapat na Panginoon ang aming kaluluwa ng diwa at tunay, at
koro ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng mapagpakumbabang pagsunod sa lahat ng inilalagay niya sa
Banal na Koro ng mga Trono, ay punuin nawa ng Panginoon ang kapangyarihan sa amin. Siya nawa.
aming mga ng diwa ng katotohanan at kababaang- loob. Siya Nawa.
Ama Namin 
Ama Namin  Tatlong Aba Ginoong Maria
Tatlong Aba Ginoong Maria
8. Parangalan natin at purihin ang mga Arkanghel, ang ika-walong
5. Parangalan natin at purihin ang mga Lakas, ang ikalimang Koro kkoro ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at
ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng ng Korong makalangit ng mga Arkanghel, ay ipagkaloob nawa ng
makalangit na koro ng mga Lakas ay pagkalooban nawa kami ng Panginoon sa amin ang biyayang pananatili sa aming
Panginoon ng biyayang maipagtanggol ang sarili sa mga hibo at pananampalataya at sa lahat ng gawaing magaling, nang sa
tukso ng masasamang anghel. Siyanawa. ganitong paraan ay maging karapat-dapat kaming magtamasa ng
kaluwalhatian at kapayapaan at pakikiisa sa kanya doon sa langit.
Ama Namin 
Siya nawa.
Tatlong Aba Ginoong Maria
Ama Namin 
6. Parangalan natin at purihin ang mga Kabanalan, ang ikaanim na
Tatlong Aba Ginoong Maria
Koro ng mga Banal na Anghel. Sa pamamagitan ni San Miguel at ng
mga koro ng Kabanalang makalangit, ay ipagkaloob nawa ng 9. Ating parangalan at purihin ang mga anghel, ang ikasiyam na koro
Panginoon sa amin ang biyayang magtagumpay at maigupo ang ng mga banal na Anghel, sa pamamagitan ni San Miguel at ng
mga tukso, at ilayo rin naman sa amin ang lahat ng tukso sa makalangit na koro ng lahat na mga Anghel, ay loobin nawa nang
kaluluwa at sa katawan. Siya nawa. Panginoon, na sa pagtatanggol ng kanyang mga Banal na Espiritu
sa lupa, ay maakay kami upang sa wakas ay tamasahin naming
Ama Namin 
kasama nila ang mga kaluwalhatian ng kaligayahang walang
Tatlong Aba Ginoong Maria
katapusan ng buhay na walang hanggan doon sa langit. Siya nawa.
7. Parangalan natin at purihin ang mga Prinsipado, ang ika-pitong
Ama Namin 
koro ng mga Banal na Anghel, sa pamamagitan ni San Miguel at ng
Tatlong Aba Ginoong Maria
Korong makalangit ng mga Prinsipado at punuin nawa nang
MANALANGIN TAYO KAY SAN MIGUEL Hesukristo! Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga
Banal na Miguel, ipinagkakatiwala naming sa iyo ang oras ng aming ipinangako ni Kristo!
kamatayan. Ipagtanggol mo kami sa masasamang anghel nang kami MANALANGIN TAYO
ay huwag mapahamak sa huling paghuhukom na kakila- kilabot.
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, na sa Iyong kahanga-
Ama Namin…
hangang kabutihan at habag, at alang alang sa kabutihan ng
MANALANGIN TAYO KAY SAN RAFAEL sangkatauhan, ay pinili Mo ang maluwalhating Arkanghel Miguel
Banal na Rafael, akayin mo kami sa landas ng kabanalan at upang maging prinsipe ng Iyong Iglesiya at pinuno ng mga Anghel,
kaganapan. Ama Namin… kami ay sumasamo sa Iyo, na kami’y papaging- dapatin Mong

MANALANGIN TAYO SA ATING BANAL NA ANGHEL NA ipagtanggol sa aming mga kaaway sa pamamagitan ng kanyang
TAGATANOD mabisang pagsaklolo. Nang sa gayon naman ay huwag kaming
pahirapan ng masasamang anghel sa oras ng aming pagpanaw.
Banal na mga Anghel na Tagatanod, ipagtamo ninyo kami sa
Pagkalooban Mo kami ng biyayang maakay niya hanggang sa Iyong
Espiritu Santo, na kadalisayan ng puso at katapatan at pananatili sa
harapang Kadaki- dakilaan. Sa pamamagitan ng mga karapatan ng
aming banal na kalagayan sa buhay. Ama Namin…
aming Panginoong Hesukristo. Siya nawa.
ANTIPONA
KAY SANTA MARIA, REYNA NG MGA ANGHEL
Maluwalhating San Miguel, prinsipe at pinuno ng mga hukbong
O Maria, Birhen at Ina, Kamahal mahalang Reyna ng langit. Kataas-
makalangit, biniyayaan ng kahanga- hangang lakas at
taasang Ginang ng mga Anghel, na tumanggap sa Diyos ng
kapangyarihan! Iginupo mo ang masasamang anghel, at
tungkulin at kapangyarihang dumurog sa ulo ng ahas, kami ay buong
ipinagtatanggol mo naman ang lahat ng nananawagan sa iyo; ikaw
kapakumbabaang sumasamo sa iyo, na iyong paparituhin ang iyong
nawa ang maging taga- akay naming at tagapagtanggol. Loobin mo
mga banal na hukbo, nang sa ilalim ng iyong utos at ng iyong
nawang iligtas kaming lumalapit sa iyo sa kabila ng lahat ng
kapangyarihaan ay malabanan nila ang mga hukbo ng impiyerno,
kasamaan ng katawan at kaluluwa, at kami ay tulungan mo upang
walang puknat na makikipagtunggali sa kanila, at walang halaga ang
araw- araw ay yumabong kami sa tapat na paglilingkod sa Diyos.
kanilang pagtatangka, at ibulid sila sa bangin. Sino ang katulad ng
Idalangin mo kami, O San Miguel, prinsipe ng Simbahan ni
Diyos? Mga Banal na Anghel at Arkanghel, kami ay iyong
ipagtanggol. O butihin at mahabaging ina, Ikaw ang mamalaging ako’y tanuran, 
pag-ibig at pag-asa namin. Siya nawa. Akayin, turua’t alagaan.

Anghel ng Diyos / Angel of God LITANYA KAY POONG SAN MIGUEL ARKANGHEL

San Miguel, Arkanghel ng Diyos, 


*IPANALANGIN MO KAMI! 
San Miguel, Puspos ng karunungan, * 
San Miguel, Salamin ng kababaang loob, * 
San Miguel, Huwaran ng pagsunod, * 
San Miguel, Dakilang tagasamba ng Verbo ng Diyos, * 
San Miguel, Napuputungan ng luwalhati at dangal, 
San Miguel, Prinsipeng makapangyarihan ng mga hukbo ng Diyos, * 
San Miguel, Tagapagbandila ng kabanal- banalang Trinidad,* 
San Miguel, Bantay ng Paraiso, * 
San Miguel, Anghel ng kapayapaan, *

Anghel ng Diyos
Angel of God

Anghel ng Diyos, 
tanod kong Mahal 
Sa Iyo ako pinatitingnan; 
Halika na nga, 
SAN MIGUEL, ARKANGHEL
Saint Michael, the Archangel

*IPANALANGIN MO KAMI 
San Miguel, Taga-akay at taga aliw ng bayan ng Israel, * 
San Miguel, Ningning at tibay ng Iglesiang nakikibaka, * 
San Miguel, Dangal at katuwaan ng Iglesiang nagtatagumpay, * 
San Miguel, Ilaw ng mga Angheles, * 
San Miguel, Tagapag-ampon ng mga sumasampalataya, * 
San Miguel, Alalay ng nakikilaban sa lilim ng bandila ng krus, * 
San Miguel, Buklod ng pag- iibigan, * 
San Miguel, Mandirigmang lumilipol sa mga erehe, * 
San Miguel, Tanglaw at pag asa ng mga kaluluwa sa oras ng
kamatayan, * 
San Miguel, Taga-ampon naming walang pagmamaliw, * 
San Miguel, Na tumutulong sa amin sa lahat ng mga
pangangailangan, * 
San Miguel, Tagapamahayag ng hatol na walang hanggan, * 
San Miguel, Mapang- aliw sa mga kaluluwa nabibilanggo sa
purgatoryo, * 
San Miguel, Na sa iyong kababaang- loob sa simula pa ay
ipinaghiganti mo ang karapatan ng Diyos, * 
San Miguel, Na iginagalang ng tanang mga angheles, * 
San Miguel, Sinasaksihan ng Espiritu Santo na ikaw nga ay dakila at
makapangyarihan, *  San Miguel angel amante 
San Miguel, na ang mga panalangin mo ay naghahatid sa kaharian Defiende las castas almas 
ng langit, *  Del sulpicio de las llamas 
San Miguel, katiwala ng Diyos sa pagtanggap sa mga kaluluwa sa Do esta el Divino Juez; 
oras ng kamatayan, *  Endereza nuestros pasos 
San Miguel, Na pinupuri ng Banal na Kasulatan na sa iyo’y sinasabi Al sendero de la virtud 
“Prinsipe ng mga Unang Prinsipe”, * Para tener vida y’ salud 

ANTIPONA Y quebrantar nuestra altivez

(isa lamang): Arkanghel San Miguel, Prinsipe ng mga hukbo sa Natanaw na sa Silangan / Talang Patnubay / Silent Night / Stille
Nacht
langit, ipagtanggol mo kami sa labanan, nang hindi kami
mapahamak sa kakila- kilabot na hatol ng Diyos.  Luke 2:1-20
Ipanalangin mo kami Arkanghel San Miguel 
LAHAT: . . . Sa ating Panginoong Diyos

HIMNO A SAN MIGUEL

Cantemos himnos de Gloria 


A Miguel de Dios defensor 
Obtendremos la Victoria 
Porque es gran batallador, 
Gran silencio reinaba 
Cuando grito San Miguel, 
Quien como Dios? 
Peleaba contra el infernal Luzbel, 
Quien como Dios? 
Peleaba contra el infernal Luzbel 
Nang gabing katahimikang
Ang Sanggol sa lupa'y isinilang
Ng Birheng matimtiman
Sa hamak na sabsaban
H-m-m-m-m ! H-m-m-m-m !
H-m-m-m-m ! H-m-m-m-m !
Tulog na, Oh Sanggol na hirang,
Hilig na sa sutlang kandungan
Ng Birheng matimtiman,
Ikaw ay aawitan.

Tahimik na Gabi; Banal na Gabi / Silent Night / Stille Nacht

Tahimik na gabi; Banal na gabi 


Lahat ay kalmado; lahat maliwanag 
Sa Birheng Ina at kaniyang Anak 
Banal na Sanggol na mahinhing humihinga 
Natutulog na kapayapaan 
Na parang sa langit ang dama
Natanaw na sa Silangan Tahimik na gabi; Banal na gabi 
Talang Patnubay
Mga pastol; naroon sa sabsaban 
Tahimik na Gabi;
Mga papuri ay maririnig 
Banal na Gabi
Mula sa mga anghel ng langit 
Silent Night
Si Kristo ay ipinanganak 
Natanaw na sa Silangan Tagapag-ligtas natin Siya
Ang Talang Patnubay
[
Category: Prayers by Language

Tahimik na gabi; Banal na gabi 


Anak ng Diyos; ilaw ng pag-ibig 
Liwanag nagmumula sa Iyong mukha 
Ay nagsisilaw ng pag-babasbas 
Hesus, Panginoon 
Sa Iyong pagkapanganak

You might also like