You are on page 1of 4

Sino si

Poncio Pilato?
“ANG mapanlait, mapag-alinlangang si Pilato ay isang tauhan sa kasaysayan na
nananatiling palaisipan sa mga tao. Isa siyang santo para sa ilan, para sa iba naman ay isa siyang
sagisag ng kahinaan ng tao, ang mismong halimbawa ng isang pulitiko na handang
magsakripisyo ng isang tao alang-alang sa pagpapanatili ng katiwasayan.”—Pontius Pilate, ni
Ann Wroe.

Sang-ayon ka man o hindi sa alinmang kuru-kurong ito, talagang napabantog si Poncio


Pilato dahil sa kaniyang pagtrato kay Jesu-Kristo. Sino ba si Pilato? Ano ang pagkakilala sa kaniya?
Ang higit na pagkaunawa sa kaniyang posisyon ay magpapalawak sa ating kaunawaan sa
pinakamahahalagang pangyayaring naganap sa lupa.

Posisyon, Tungkulin, at Kapangyarihan


Noong 26 C.E., si Pilato ay inatasan ng Romanong emperador na si Tiberio bilang
gobernador ng probinsiya ng Judea. Ang gayong matataas na opisyal ay mga lalaking kabilang sa
tinatawag na equestrian order—nakabababang mga maharlika, kung ihahambing sa mga
aristokrata ng senado. Malamang na si Pilato ay umanib sa hukbo bilang mahistrado ng militar, o
nakabababang kumandante; tumaas nang tumaas ang ranggo dahil sa sunud-sunod na
matagumpay na mga misyon; at nahirang na gobernador bago siya sumapit sa kaniyang ika-30
taóng gulang.

Kapag nakauniporme si Pilato, suot niya ang isang tunikang yari sa katad at baluting metal.
Kapag nasa harap naman ng publiko, siya ay nakaputing toga na may kulay-ubeng senepa.
Posibleng maikli ang kaniyang buhok at walang balbas. Bagaman naniniwala ang ilan na siya’y
mula sa Espanya, ipinahihiwatig ng kaniyang pangalan na siya’y kabilang sa tribo ng mga Pontii—
mga maharlikang Samnite mula sa gawing timog ng Italya.

Ang matataas na opisyal na karanggo ni Pilato ay karaniwan nang ipinadadala sa mga


teritoryong di-sibilisado. Ang Judea ay itinuturing ng mga Romano na gayong klaseng lugar.
Bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan, pinangasiwaan din ni Pilato ang pangongolekta ng di-
tuwirang buwis at ng buwis na pantao. Nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng hukuman ng mga Judio
ang pang-araw-araw na paglalapat ng katarungan, subalit ang mga kasong nararapat sa
parusang kamatayan ay lumilitaw na ipinadadala sa gobernador, na siyang pinakamataas na
hudisyal na awtoridad.
Kasama ang ilang eskriba, kapanalig, at mensahero, si Pilato at ang kaniyang asawa ay
nakatira sa daungang lunsod ng Cesarea. Pinamumunuan ni Pilato ang limang pangkat ng
impanterya na kinabibilangan ng mula 500 hanggang 1,000 kawal bawat isa at ang isang
rehimyento ng hukbong mangangabayo na malamang na binubuo ng 500. Karaniwan na lamang
sa kaniyang mga kawal ang pagbabayubay sa mga manlalabag-batas. Sa panahong may
kapayapaan, nagkakaroon muna ng madaliang pagdinig bago ihatol ang kamatayan, ngunit
kapag may rebelyon, agad na ipinapapatay ang mga rebelde at ito’y maramihan. Halimbawa,
ibinayubay ng mga Romano ang 6,000 alipin upang supilin ang paghihimagsik na pinangunahan
ni Spartacus. Kapag may nagbabantang panganib sa Judea, karaniwan nang tumatakbo ang
gobernador sa emisaryo ng imperyo sa Sirya, na namumuno sa malalaking hukbo. Subalit walang
emisaryo sa kalakhang bahagi ng pamumuno ni Pilato kung kaya siya na mismo ang kailangang
magpahinto agad sa mga kaguluhan.

Palaging nakikipag-ugnayan ang mga gobernador sa emperador. Ang mga bagay na may
kaugnayan sa kaniyang dignidad o anumang banta sa awtoridad ng Roma ay kailangang ireport
sa emperador at sa gayon ay magpapalabas ito ng utos. Maaaring makipag-unahan ang isang
gobernador sa pagbibigay sa emperador ng kaniyang sariling ulat ng mga pangyayari sa
kaniyang probinsiya bago pa man makapagreklamo ang iba. Dahil sa namumuong kaguluhan sa
Judea, labis na nabahala si Pilato.

Bukod pa sa mga ulat ng Ebanghelyo, ang mga istoryador na sina Flavius Josephus at Philo
ang pangunahing pinagmumulan ng mga impormasyon tungkol kay Pilato. Binabanggit din ng
Romanong istoryador na si Tacitus na ipinapatay ni Pilato si Kristo, na pinagkunan ng pangalan
ng mga Kristiyano.

Sumiklab ang Galit ng mga Judio


Ayon kay Josephus, bilang pagsasaalang-alang sa pagtutol ng mga Judio sa paggawa ng
mga imahen, iniwasan ng Romanong mga gobernador na magpasok sa Jerusalem ng mga
estandarte ng militar na may mga larawan ng emperador. Dahil hindi ito ipinagbawal ni Pilato,
sumugod sa Cesarea ang galít na mga Judio upang magreklamo. Walang ginawa si Pilato sa loob
ng limang araw. Noong ikaanim na araw, inutusan niya ang kaniyang mga kawal na palibutan ang
mga nagpoprotesta at bantaang papatayin kung hindi sila maghihiwa-hiwalay. Nang sabihin ng
mga Judio na mamatamisin pa nilang mamatay kaysa makitang nilalabag ang kanilang Kautusan,
wala nang nagawa si Pilato kundi ipaalis ang mga imahen.

May kakayahan si Pilato na gumamit ng lakas. Sa isang insidenteng iniulat ni Josephus,


pinasimulan ni Pilato ang paggawa ng isang padaluyan upang magpasok ng tubig sa Jerusalem at
ginamit ang pondo mula sa ingatang-yaman ng templo upang tustusan ang proyektong iyon.
Hindi basta sinamsam ni Pilato ang salapi, dahil alam niyang isang kalapastanganan ang
pandarambong sa templo at magiging dahilan ito upang hilingin kay Tiberio ng galít na mga
Judio na patalsikin siya. Kaya waring nakikipagtulungan kay Pilato ang mga awtoridad ng templo.
Ang nakaalay na pondo, na tinatawag na “korban,” ay legal na magagamit sa proyektong
pambayan na pakikinabangan ng lunsod. Subalit libu-libong Judio ang nagtipun-tipon upang
ipahayag ang kanilang galit.

Inutusan ni Pilato ang kaniyang mga kawal na makihalubilo sa mga tao at tinagubilinang
huwag gumamit ng tabak kundi paghahampasin lamang ng mga pamalo ang mga
nagpoprotesta. Malamang na gusto niyang kontrolin ang pang-uumog nang hindi hahantong sa
patayan. Waring nakontrol naman ito, bagaman may ilan ding namatay. Maaaring ang
insidenteng ito ang tinutukoy ng ilang nag-ulat kay Jesus na inihalo ni Pilato sa kanilang mga hain
ang dugo ng mga taga-Galilea.—Lucas 13:1.

“Ano ang Katotohanan?”


Ang nagpabantog sa kasamaan ni Pilato ay ang pag-iimbestiga niya sa mga paratang ng
mga punong saserdoteng Judio at ng matatandang lalaki na ipinakikilala diumano ni Jesus ang
kaniyang sarili bilang Hari. Nang marinig ang misyon ni Jesus na magpatotoo sa katotohanan,
nakita ni Pilato na hindi panganib sa Roma ang bilanggong ito. “Ano ang katotohanan?” ang
tanong niya, na malamang na iniisip na isang mahirap-unawaing ideya lamang ang katotohanan
na hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon. Ang kaniyang konklusyon? “Wala akong
masumpungang krimen sa taong ito.”—Juan 18:37, 38; Lucas 23:4.
Natapos na sana roon ang paglilitis kay Jesus, subalit iginiit ng mga Judio na iginugupo
nito ang bansa. Inggit ang naging dahilan ng mga punong saserdote kung kaya ibinigay nila si
Jesus sa awtoridad, at alam iyon ni Pilato. Alam din niya na lilikha ng kaguluhan kung palalayain
niya si Jesus, at ayaw niya itong mangyari. Napakarami nang ganitong kaguluhan, yamang
nakabilanggo na si Barabas at ang iba pa dahil sa sedisyon at pagpaslang. (Marcos 15:7, 10; Lucas
23:2) Isa pa, nasira na ng dating pakikipagtalo sa mga Judio ang reputasyon ni Pilato kay Tiberio,
na kilalang malupit makitungo sa walang-kakayahang mga gobernador. Gayunman, isang tanda
ng kahinaan kung pagbibigyan naman niya ang mga Judio. Kaya malaki ang naging problema ni
Pilato.
Nang malaman ni Pilato kung tagasaan si Jesus, tinangka niyang ipasa ang kaso kay
Herodes Antipas, tagapamahala sa distrito ng Galilea. Nang mabigo si Pilato, tinangka niyang
hilingin sa mga nagkakatipon sa labas ng kaniyang palasyo na palayain si Jesus, kasuwato ng
kaugalian ng pagpapalaya sa isang bilanggo kung Paskuwa. Si Barabas ang ipinagsigawan ng
mga tao.—Lucas 23:5-19.
Maaaring gusto ni Pilato na gawin ang tama, ngunit nais din naman niyang iligtas ang sarili
at paluguran ang mga tao. Sa wakas, inuna niya ang kaniyang posisyon kaysa sa budhi at
katarungan. Humingi siya ng tubig at naghugas ng kaniyang mga kamay at nagsabing hindi na
niya kasalanan ang pagpapahintulot sa hatol na kamatayan.*Bagaman naniniwala si Pilato na
walang kasalanan si Jesus, ipinahagupit niya siya at hinayaang libakin, hampasin, at duraan ng
mga kawal.—Mateo 27:24-31.
Sa huling pagkakataon, tinangka ni Pilato na palayain si Jesus, subalit sumigaw ang mga
tao na kung gagawin niya iyon, hindi siya kaibigan ni Cesar. (Juan 19:12) Dahil dito, wala nang
nagawa si Pilato. Ganito ang sabi ng isang iskolar sa naging desisyon ni Pilato: “Madali lamang
ang solusyon: ipapatay ang tao. Buhay lang naman ng isang di-importanteng Judio ang
mawawala; isang kamangmangan na hayaang magkagulo dahil sa kaniya.”
Source: https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/2005683

Sino si
constantino?
Si Caesar Flavius Valerius Aurelius Constantinus Augustus[3] (27 Pebrero c.
272[2] – 22 Mayo 337), karaniwang kilala bilang Constantino I, Dakilang
Constantino, Constantino ang Dakila, o (sa Silanganing Simbahang Ortodokso, Koptikong
Ortodoksong Simbahan ng Alehandriya, Ortodoksiyang Oriental at Bisantinong
Katolikong mga Kristiyano)San Constantino, ay gumanap na Emperador Romano mula 306
AD, at siyang walang kumalabang tagapaghawak ng tanggapan mula 324 hanggang kanyang
kamatayan noong 337 AD. Kilalang-kilala dahil sa kanyang pagiging
unang Kristiyanong Romanong emperador, binaligtad o tinanggal ni Constantino I ang mga
pag-uusig na isinagawa ng kanyang pinalitang emperador na si Diocleciano, at naglabas ng
(kapanalig ang kanyang kasamang emperador din na si Licinius) ang Edikto ng Milan noong
313, na nagpahayag at nagdeklara ng tolerasyon ng relihiyon sa kabuoan ng imperyo.
Nakatala sina Constantino I at ang kanyang inang si Helena ng Konstantinople bilang
mga santo sa Bisantinong kalendaryong liturhikal, na sinusunod sa ritong Bisantino ng
Silanganing Simbahang Ortodokso at ng Silanganing mga Simbahang Katoliko. Bagaman
hindi siya kabilang sa talaan ng mga santo ng Simbahang Latin (sa ritong Latin), na
kumikilala sa iba pang mga taong may pangalang Constantino bilang mga santo,
pinaparangalan si Constantino I sa pamamagitan ng pagdaragdag ng "Ang Dakila" sa
kanyang pangalan dahil sa kanyang mga ambag sa Kristiyanismo.
Binago rin ni Constantino I ang sinaunang kolonyang Griyego ng Byzantium upang
maging isang bago niyang tahanang imperyal, na mananatiling isang kabisera ng Imperyong
Bisantino sa loob ng isang libong mga taon. Ang Byzantium ay naging Constantinople o
"Lungsod ni Konstantino", na ngayo'y Istanbul.
Source: https://tl.wikipedia.org/wiki/Dakilang_Constantino

You might also like