You are on page 1of 77

Kasanayan:Natutukoy ang kahulugan ng mga parirala batay sa konteksto ng pagkakagamit nito.

Ako’y may matibay na paniniwala sa ating mga kababayan. Taglay nila ang lahat ng kakayahan upang maging
makapangyarihan at bihasa sa iba’t ibang larangan. May talino, kahusayan, kagandahang-asal ngunit ang ilan ay nalibing
sa hukay ng limot. Gayunpama’y may tradisyong humubog sa kanila sa mabuting pamumuhay. May lakas ng loob na
manguna sa piniling larangan. Ang mga ito ang kanilang naging gabay sa wastong pagtupad sa kanilang tungkulin sa
pamahalaan at lipunan.
Tunay na ang kalayaan at kasaganaan ay matatamasa natin hindi sa pamamagitan lamang ng ating pagpupunyagi o
pagbabata at pagpapakasakit kundi sa tulong at kaloob ng langit.
Talagang kailangang isipin natin ang kabutihan at maging matapat tayo sa ating mga sarili upang maipagkapuri ang
ating lahi. Ang pagkamakabayan natin ay di hanggang sa balat lamang.

1. Anong konteksto ang pagkakagamit ng pariralang matibay na paniniwala sa unang linya ng unang talata?
a. nananampalataya . c. nagtitiwala
b. nananalig d. lahat ng nabanggit
2. Batay sa konteksto ng pagkakagamit ng pariralang nalibing sa hukay ng limot sa ikaapat na linya sa unang talata, ano ang
kahulugan nito?
a. naala-ala c. inakala
b. nalisya d. nalimot
3. Alin ang pariralang kasing-kahulugan ng may salungguhit sa ikatlong talata?
a. salita lang c. ningas-kugon
b. kamatayan d. wala sa nabanggitTEKSTO
Kung iniiwasan nating magkalat ng basurang magiging sanhi ng pagkakasakit, tayong kabataan ay huwag na sanang
maituring na basura ng lipunan na magiging dahilan din ng sakit ng lipunan. Dapat matuto tayong kumilala ng tunay na
kalinisan.
Tama, kasabay ng pagkilos ang pagkakaroon ng malinis na budhi. Naipapakita ito sa pamamagitan ng bukas-palad
sa kapwa, araw-araw na pagdulog sa Maykapal para sa kaligtasan, disiplina at pagmamahal sa kapaligirang ating
kinabibilangan

4.“...tayong mga kabataan ay huwag na sanang maituring na basura ng lipunan.” Ang pariralang may salungguhit ay
nangangahulugan na…
a. pag-asa ng lipunan c. bida sa lipunan
b. problema ng lipunan d. tambay sa lipunan
5. Ano ang kahulugan ng pagkakagamit ng pariralang malinis na budhi sa ikalawang talata?
a. malinis na puso c. malinis ang konsensya
b. malinis ang kamay d. malinis na pag-iisip
6. Naipapakita ito sa pamamagitan ng pagiging bukas-palad sa kapwa, araw-araw na pagdulog sa Maykapal para sa
kaligtasan…
Ang pariralang may salungguhit ay nangangahulugan na…
a. pagdaing c. panalangin
b. panawagan d. paghingi ng tulong
Pusong-Pinoy… likas sa atin ang pusong mamon, busilak ang puso at may ngiti sa labi. Anumang problemang
dumating ay nananatiling nakatayo. Tayo rin ay kayod-kalabaw sa trabaho at puno ng pagsisikap.
Isip-Pinoy… pumapangatlo sa mga bansang magaling sa Ingles. Kaya naman mga Pilipino ang karamihang
empleyado ng mga dayuhang negosyante sa bansa na kayang makipagsabayan sa mabilis na takbo ng teknolohiya.
Gandang-Pinoy… kabilang ang mga dalagang Pilipina sa mga pinakamagagandang babae sa mundo. Lalo na ang di-
makabasag pinggang pagkilos sa ipinakikita nito sa mga bubuyog na umaaligid. Isang halimbawa na ang pagkabingwit
ng korona sa mg paligsahang pangkagandahan sa daigdig.
7. Tayo rin ay kayod-kalabaw sa trabaho at puno ng pagsisikap. Ang pahiwatig ng nasasalungguhitang parirala ay:
a. masipag magtrabaho c. masinop sa mga kagamitan
b. mapagkalinga sa kapwa d. walang tigil sa paggawa
8. Ang pariralang may salungguhit sa talata bilang tatlo ikalawang pangungusap ay nangangahulugang…
a. maganda c. mahinhin
b. masipag d. matalino
9. Anong konteksto ang pagkakagamit sa pariralang bubuyog na umaaligid?
a. binatang lumiligid c. bubuyog na lumilipad
b. binatang lumiligaw d. bubuyog na naglalaro
Uminit ang pakikipagdigma. Hindi lamang sa dayuhan kundi sa sariling kababayan. Mangmang laban sa marunong.
Mayaman laban sa mga dukha. Pilipino laban sa kapwa Pilipino. Dala ng kawalan ng mataas na pinag-aralan, inagaw ng
mga mayayaman at matatalino kay Andres Bonifacio ang Katipunang kanyang napasimulan. Ang ganitong dahilan ang
naging sanhi ng lihim ng Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite, and bundok na kung saan kinitlan ng buhay ng mga
tauhan ni Heneral Emilio Aguinaldo si Andres Bonifacio kasama ng kanyang kapatid na si Procorpio. Sanhi nito, ang simbolo
ng pagwawagi ng mga anak-pawis ay tinapos ng bangis-bala sa paraang pataksil. Bala, hindi sa dayuhan, kundi ng
kababayan.
10. Anong konteksto ang ibig sabihin ng pariralang kinitlan ng buhay na nasa ikaanim na linya?
a. pinanawan ng ulirat c. binawian ng buhay
b. kinatay d. pinugutan ng ulo

1
1. Alin ang pariralang kasing-kahulugan ng may salungguhit sa talata sa may
ikasiyam ng linya na anak-pawis?
a. palaboy c. mahirap
b. pulubi d. manggagawa
2. Batay sa konteksto ng pagkakagamit ng pariralang paraang pataksil sa ikasiyam na linya
ng talata, ano ang kahulugan nito?
a. paraang patalikod c. paraang patraidor
b. sinaksak sa likod d. nagtaksil sa sumpaan

A. TEKSTO
Natuto akong magsalita sa wikang Ingles. Ngunit nang ako’y nasa haiskul na, ang
katutubong wikang sinuso ko sa aking ina ay pilit na naglumitaw sa aking mga
pagpapahayag. Ang panitik ay nagsimulang gumuhit ng mga mumunting pagkukurong kahit
may kamusmusan at walang kamuwangan ay pasimula ng isang damdaming makabayan
at makasarili. Subalit sa haiskul na aking pinapasukan, ang sumulat at magsalita ng Tagalog
ay pinarurusahan. Sa takot kong masuspend ay nagbingi-bingihan ako sa paulit-ulit na tugtog
sa akin ng Inang Wika.

Hango mula sa Tagumpay 2 p. 22-23

1. “... ang katutubong wikang sinuso ko sa aking ina ay pilit na naglumitaw sa aking mga
pagpapahayag.” Ang pariralang may salungguhit ay nangangahulugang…
c. nagkukubli c. nagtataglay
d. umaagos d. nag-uumapaw

2. Alin ang pariralang kasing-kahulugan ng may salungguhit sa talata sa may ikaapat na


linya?
a.walang alam at kabataan c. walang kabatiran at inosente
b.walang malay at mangmang d. walang natutuhan at nalaman
3. “Sa takot kong masuspend ay nagbingi-bingihan ako sa paulit-ulit na tugtog sa akin ng
Inang Wika.” Ang konteksto ng pariralang may salungguhit ay:
a.pahinto-hintong musika c. walang tigil na tawag
b.walang saysay na musika d. pasaglit-saglit na pagsagi

II. KASANAYAN:

Nakikilala ang mga panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod.

A. TEKSTO
1 Ang ulo ay sipsipin
Ang mga matang dilat:
2 Pagkatapos ay mismong
Ang ulo ang sipsipin
3 Hanggang sa maubos
Ang katas nito
4 Saka mo
Umpisahan ang laman.
5 Unit-unit lang
6 Dahan-dahan
7 At simutin nang husto
8 Kokonti iyang ulam natin,
9 Mahirap humagilap ng ulam

Hango mula sa Panitik I p. 114-115

1. Ang panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod na gamit sa


ikatlong taludtod ng tula ay _________.
a.pagkatapos c. mismong
b.ay d. wala sa
nabanggit

2
2. Aling salita sa taludtod bilang 7 ang may panandang pandiskurso?
a.nito c. saka
b.mo d. ang
3. Anong panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ang dapat
ilagay sa unahan ng taludtod bilang 9?
a.pagkatapos c. at
b.gaya ng d. saka

B. TEKSTO
1. Pinaniniwalaan ng mga Muslim na si Allah ay iisang Diyos at isinugo niya si Mohammed
na propeta. Ang mga itinuturo ni Mohammed ay napapaloob sa Koran, bibliya ng mga
Muslim. Naniniwala sila sa mga sumusunod: Una, ang pagsasabi ng paniniwalang walang
ibang Diyos kundi si Allah at si Mohammed ang kanilang propeta; ikalawa, ang pagdarasal
ng limang beses sa isang araw na nakaharap sa Mecca at ito’y ginagawa sa madaling araw,
tanghali, gitnang hapon, paglubog ng araw at sa maagang bahagi ng gabi; ikatlo, ang
pagbibigay ng limos sa mahihirap; ikaapat, ang pag-aayuno na tinatawag nilang Ramadan.
At bilang pangwakas, ang pagtungo sa Mecca o banal na lungsod ng Islam minsan sa
kanyang buhay.

Hango mula sa Batikan II p. 136

2. Aling salita sa talata sa may panlimang linya ang may panandang pandiskurso?
a. una c. ikalima
b. ikalawa d. bilang
pangwakas

3. Anong panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ang ginamit sa


talata sa may linya bilang 9?
a. ikalawa c. bilang pangwakas
b. ikaapat d. ikalima
4. Ang panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod na gamit sa talata
sa may linya bilang 3?
a. una c. ikalima
b. ikalawa d. bilang
pangwakas

C. TEKSTO
1) Madali lamang ang pagnenegosyo ng bulaklak. 2) Una, kailangang magkaroon ng
puhunang pambayad sa unang upa, pambili ng ilang gamit at pambili ng mga panindang
bulaklak. 3) Pangalawa, dapat magkaroon ng isang maliit na espasyo sa isang bahay o
gusali na daanan ng maraming sasakyan at tao. 4) Pangatlo, dapat alamin kung nasaan ang
mga suplayer ng bulaklak. 5) Pang-apat, kailangang matutuhan ang pagpreserba ng
bulaklak. 6) Panlima, dapat na magkaroon ng kaalaman sa pag-aayos ng mga bulaklak.
7) At bilang pagtatapos, dapat na di kalimutan ang pagkakaroon ng permit galing sa
munisipyo ng bayan na iyong kinaroroonan.

Hango mula sa Batikan II p. 8

1. Anong panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ang ginamit sa


talata sa may linya bilang 7?
a. una c. bilang pagtatapos
b. ikatlo d. panlima
2. Aling salita sa talata sa may linya bilang 3 ang may panandang pandiskurso?
a.pangalawa c. pang-apat
b.pangatlo d. panlima
3. Ang salitang UNA na ginamit sa talata sa unang linya ay isang uri ng panandang
pandiskurso na naghuhudyat ng ____________.
a.pagkakasunud-sunod c. pagbabagong lahad
b.pagtitiyak d. paghahalimbawa

D. TEKSTO
Ang pag-uulo ng balita ay madaling gawin, narito ang ilang pamatnubay: una. Lagumin
ang balitang nakalap; sunod, sagutin ang mga natatanging ANO, SINO, SAAN, KAILAN,
BAKIT AT PAANO. Saka kailangan din ang katerbang talasalitaang pag-uulo ng balita
(headline vocabulary words and expressions) na maaaring gamitin sa halip ng isang
mahabang salita. Pagkatapos ay tiyakin kung anong uri ng headline ang nais mo. Ito ba’y A
one-column two-line headline? O isang three-column one-line headline na may kicker? O
kaya nama’y isang banner headline na may kubyerta (second deck/bank)? At bilang
pangwakas, iulat rin kung ang nais ay 18, 24, 30, 36, 42 o 48 points ang taas at laki ng mga
titik, o kung anong family face (Bodoni, Cheltenham o Tempo) o anong tipo (roman, italics o

3
boldface)?

Hango mula sa Sanayang Aklat sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita p. 1

1. Saka kailangan din ang katerbang talasalitaang nag-uulo ng balita… Aling salita ang
ginamit sa pangungusap bilang panandang pandiskurso?
a.saka c. ang
b.kailangan d. din
2. Anong uri ng panandang pandiskurso ang ginamit na salita sa talata sa may linya
bilang 3?
a.pagtitiyak c. paghahalimbawa
b.pagbabagong lahad d. pagkakasunud-sunod
3. Aling salita sa talata sa may linya bilang 5 ang ginamit bilang panandang pandiskurso ay
____________.
a.una c. saka
b.pagkatapos d. bilang
pangwakas

E. TEKSTO
Ang paninigarilyo ay maaaring masabing lason sa isipan. Unang-una, ang sigarilyo ay
ginawang pamantayan ng kabutihan at kasamaan ng pakikisama. Dapat sana, ang
mabubuting gawa lang ang pagbasihan kung ang tao ay talagang mabuti. Mapapansin na
kapag ang isang taong nagsisigarilyo ay inalok ng sigarilyo, nabubuo agad sa isipan niya ang
nagbibigay ay “mahusay makisama” at mabuting tao.
Pangalawa, ang paninigarilyo ay nakasisira sa pagpapahalaga. May mga taong
ginugusto pang ibili ng sigarilyo ang kanilang pera kaysa ibili ito ng pagkain. Pangatlo, wala
naming sustansyang nakukuha sa sigarilyo. Kaya sa halip na kumain, ang paninigarilyo pa
ang siyang nagiging sanhi ng malnutrisyon at pagkagutom.

Hango mula sa Hamaka II p. 45

1. Unang-una, ang sigarilyo ay ginagawang pamantayan ng kabutihan at kasamaan ng


pakikisama. Alin sa pangungusap ang ginamit na panandang pandiskurso?
a.unang-una c. ang
b.ng d. at
2. Aling salita sa pangalawang talata sa may linya bilang 1 ang ginamit na panandang
pandiskurso?
a.pangalawa c. ang
b.may d. mga
3. Anong uri ng panandang pandiskurso ang salitang pangatlo?
a.paghahalimbawa c. pagkakasunud-sunod
b.pagtitiyak d. pagbabagong
lahad

III.
A. Natutukoy ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda.
Panuto: Basahin at unawain ang mga saknong mula sa Florante at Laura at sagutin ng mga
katanungan tungkol dito.

15 Ang magandang asal ay ipinupukol


sa laot ng dagat na kutya’t linggatong
baling magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong

16 Nguni ay ang lilo’t masasmang loob


sa torno ng puri ay iniluluklok
at sa baling sukab na may asal-hayop
mabangong insenso ang isinusuob

17 Kaliluha’t sama ng ulo’y nagtayo


at ang kabaita’y kimit nakayuko
santong katwira’y lugami at hapo
ang luha na lamang pinatutulo

18 At ang balang bibig na binubukalan


ng sabing magaling at katotohanan
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dusting kamatayan

4
19 O taksil na pita sa yamang mataas!
O hangad sa puring hanging lumilipas!
Ikaw ang dahilan ng kasamang lahat,
At niring nasapit na kahabag-habag

Mga tanong na sasagutin.


1. Anong nagaganap sa Reyno ng Albanya na nagaganap sa tunay na buhay hanggang sa
ngayon?
a. Ang pagkilala at pagdakila sa mga masasama at tiwaling tao
b. Ang paglimot sa magagandang pag-uugali at asal
c. Ang pang-aapi sa mabubuti, mahihirap at mahihina
d. Lahat ng nabanggit
2. Angkop ba ang kaisipang, “Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat” sa
saknong bilang 18?
a. Oo, sapagkat mabuti ang nagsasabi nang totoo
b. Hindi, pagkat pinarurusahan ang nagsasabi nang totoo
c. Maaari kung ang nagsasalita ay mapagkakatiwalaan
d. Paminsan-minsan kung susuwertihin
3. Ano ang karaniwang dahilan ng pagsama ng mga namumuno sa bansang Albanya ayon
sa saknong bilang 19?
a. pangarap na maging naiiba sa lahat
b. pakikinig sa sulsol at udyok ng tagapayo
c. paghahangad sa karangalan, kayamanan at kapangyarihan
d. pagnanais ng kaligayahan, kapayapaan at pag-unlad

B. Natutukoy ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda.

Panuto: Unawain ang kaisipang ipinababatid ng mga saknong mula sa Florante at Laura at
sagutin ang mga tanong kaugnay ng mga ito.

77 At kung kay Flerida’y iba ang umagaw


at di ang ama kong dapat na igalang
hindi ko masabi kung ang pikang tanga’y
bubuga ng libo’t laksang kamatayan

78 Bababa si Marte mula sa itaas


At sa kalauna’y aahon ang Parkas
Buong galit nila ay ibubulalas
Yayakagin niring kamay kong marahas

Mga tanong na sasagutin.


1. Ain sa mga sumusunod ang posibleng mangyari at makatotohanan batay sa saknong
bilang 77?
a. umibig ang isang mayaman sa isang mahirap
b. maging magkaribal sa panliligaw ang mag-ama
c. umibig at magpakasal sa iba’t ibang tao sa sabay na panahon
d. pag-isipan ng masama ng isang ina ang isang anak
2. Si Marte ay ang Diyos ng digmaan at ang Parkas ay mga Diyosa ng kapalaran. Ano sa
palagay ninyo ang nanaisin nilang gawin ng mangingibig na pinagtaksilan?
a. manalangin upang mabago ang kapalaran
b. mag-isip-isip bago gumawa ng hakbang
c. magpatawad at umunawa sa nang-api
d. maghimagsik at gumanti sa nang-api

C. Natutukoy ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda.

Panuto: Pag-aralan at unawain ang sumusunod na mga saknong sa Florante at Laura at


sagutin ang mga katanungan hinggil sa mga ito.

235 Tutulungan kita ngayong magpalala


ng hapdi sa pusong di ko maapula;
namatay si ina, ay laking dalita,
ito sa buhay ko ang unang umiwa!

236 Patay na dinampot sa aking pagbasa


niyong letrang titik ng bikig na pluma,
diyata, ama ko, at nakasulat ka
ng pamatid-buhay sa anak na sinta?

5
237 May dalawang oras na di nakamalay
ng pagkatao ko’t ng kinalalagyan
dangan sa kalinga ng kasamang tanan
ay di mo na ako nakasalitaan

1. Aling pangyayari sa ibaba ang maituturing na makatotohanan batay sa binasang mga


saknong?
a. walang kapantay ang pagmamahal ng isang magulang
b. masakit at mahirap tanggapin ang kamatayan ng isang minamahal
c. di-mapapantayan ang pagmamahal ng anak sa magulang
d. kayang ihandog ng anak ang buhay para sa mga magulang.
2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang maaaring magbigay ng ibayong sakit o hapdi
ng kalooban?
a. Di-pagpasa sa eksamen o test na kinuha
b. Paglimot at pag-iwan ng isang minamahal
c. Di pagwawagi sa sinalihang pagpapaligsahan
d. Pagkakaroon ng karamdaman

D. Natutukoy ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda.

Panuto: Unawain ang mga saknong sa ibaba at sagutin ang mga katanungan tungkol sa
mga ito.
197 Pag-ibig anaki’y aking nakilala
di dapat palakihin ang bata sa saya
at sa katuwaa’y kapag namihasa
kung lumaki’y walang hihinting ginhawa
198 Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis
mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib,
lumaki sa tuwa’y walang pagtitis
anong ilalaban sa dahas ng sakit?
199 Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,
mahina ang puso’t lubhang maramdamin;
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratni’y di na matutuhang bathin
200 Parang halamang lumaki sa tubig
daho’y nalalanta munting di madilig
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig

1. Sang-ayon sa mga saknong na binasa, alin ang dapat sundin sa pagpapalaki ng anak?
a. palakihin ang anak na may takot sa Diyos
b. palakihin ang anak sa pagmamahal at layaw
c. palakihing may disiplina, matatag at handa sa pagsubok ang anak
d. palakihing malusog, maginhawa, masaya at walang suliranin ang mga anak
2. Sa totoong buhay, karaniwang ang pinalaki sa layaw ay ___________.
a. laging nagtatagumpay sa maraming larangan
b. handang humarap sa mga suliranin at pagsubok
c. laging kinaiingitan at hinahangaan
d. mahina ang loob at palaging umaasa sa iba

E. Natutukoy ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda.

Panuto: Sagutin ang katanungan hinggil sa saknong na binasa.

313 Dito naniwala ang bata kong loob


na sa mundo’y walang katuwaang lubos
sa minsang ligaya’y tali nang kasunod
makapitong lumbay o hanggang matapos

1. Paano mo mabibigyan ng kahulugan ang saknong na ito sa totoong buhay?


a. Ang buhay ay ballot ng dusa’t pighati
b. Sa bawat tagumpay ay may kaakibat na pagkagapi
c. Ang buhay ay puno ng pakikipagsapalaran
d. Ang buhay ay puno ng pakikipagpaligsahan

Panuto: Basahin at unawain ang saknong sa ibaba at sagutin ang katanungan tungkol dito.

6
13 Mahiganting langit, bangis mo’y nasaan?
na yaong naniniig sa pagkagulaylay;
bago’y ang bandila ng lalong kasam-an
sa Reinong Albania’y iwinawagayway

1. Anong larawan ang nabuo sa saknong bilang 13?


a. Ibayong kasamaan ang namamayani sa Albanya at wari’y suko na ang nananahan
dito
b. Humihingi ng katarungan ang mga biktima ng kasamaan sa bansang Albanya
c. Umaamot ng awa mula sa Maykapal ang mga biktima ng kawalang katarungan
d. Di na kayang bathin ang kasamaang dinaranas kaya’t nananangis

F. Nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mga tiyak na bahagi

295 Ngunit kung ang oo’y di man binitiwan


naliwanagan din sintang nadirimlan
at sa pagpanaw ko ay pinabaunan
ng mga hiyang perlas na sa mata’y nukal

1. Anong nais ipahiwatig ng mga linyang, at sa pagpanaw ko ay pinabaunan ng mga hiyang


perlas na sa mata’y nukal, sa saknong bilang 295?
a. Nagtatampo siya sa iniibig sa di nito pagtugon
b. Nauunawan niya ang damdamin ng minamahal
c. Ninanais ng tauhan sa tula na siya’y bigyang pansin ng kanyang iniirog sa kanyang
kamatayan
d. Hinahangad ng persona sa tula na makapiling ang minamahal

G. Nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mga tiyak na bahagi.

257 Anupat ang aming buhay na mag-ama


nayapos ng abangis ng sing-isang dusa
Kami ay dinatnang nagkakayakap pa
niyong embahador ng bayang krotona

1. Anong matulaing imaheng, nayapos ng bangis ng sing-isang dusa ang nasa saknong
bilang 257?
a. tigib ng kaligayahan ang buhay ng mag-ama
b. tigib ng pagsubok ang buhay ng mag-ama
c. puno ng dusa ang buhay ng mag-ama
d. puno ng pagmamahal ang buhay ng mag-ama

H. Nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mga tiyak na bahagi

278 Sa kaligayaha’y ang nakaayos


bulaklak na bagong winahi ng hamog;
anupat sinumang palaring manood,
patay o himala kung hindi umirog

279 Itong si Laurang ikasisira


Ng pag-iisip ko tuwing magugunita
at dahil sa tanong himutok at luha,
itinotono ko sa pagsasalita

1. Anong matulaing imahe ang matatagpuan sa saknong bilang 278?


a. magandang-maganda si Laura
b. kawangis ng bulaklak sa bango si Laura
c. mahinhin at paladasal si Laura
d. mahusay umawit si Laura
2. Anong larawang nabubuo sa saknong bilang 279?
a. Si Laura ang laman ng isip at puso
b. Si Laura ang lahat lahat sa umiibig
c. Si Laura ang sinasamba nang buong giliw
d. Si Laura’y di malilimot kahit kailan

I. Nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mga tiyak na bahagi.

307 Sinalubong kami ng haring dakila,


kasama ng buong bayang natimawa
ang pasasalamat ay di maapula
sa di magkawastong nagpupuring dila

7
308 Yaong bayang hapo’t bagong nakatighaw
sa nagbalang bangis ng mga kaaway,
sa pagkatimawa ay nag-aagawang
malapit sa aki’t damit ko’y mahagkan

Anong matulaing imahe ang mabubuo mula sa saknong bilang 307 at 308?

a. Nagpasalamat ang lahat sa pagtatanggol na ginawa sa bayan


b. Ipinagbunyi ng lahat ang pagwawagi laban sa mga kaaway
c. Kinilala at ipinagbunyi ang pagtatagumpay ng sariling kababayan
d. Nagdiwang ang lahat sa pagdating ng hari

Teksto 1. (1) Araw ng biyernes, maaga pa lamang ay bumiyahe na si Aling Mercy upang
magtungo sa simbahan ng Quiapo. (2) Tumungo siya sa altar at umusal, “Patawad po.” (3)
Paglabas ng simbahan, dumako siya sa gawing pinagtitindahan ng mga sariwang prutas. (4)
Masiglang-masigla siya sapagkat nakatawad siya sa kanyang mga nabiling lansones at
rambutan na parehong tig-iisang kilo.

Alin sa mga sumusunod ang di-maiuugnay sa pahayag na “Patawad po!” sa


pangungusap 2?
A. paglilinis ng konsiyensya
B. transaksyon sa negosyo
C. gawaing pangkristiyano
D. pagsasabi ng pagkakamali

Alin ang pinakamalapit na kahulugan ng pahayag sa huling pangungusap?


A. orihinal na presyo ng bilihin
B. napagkasunduang paraan ng pagbabayad
C. pagsasauli ng produkto
D. mas mababang bayad kaysa sa unang presyo

Teksto 2. Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga misyonerong Katoliko ng


mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng bilinggwal na uri, ang mga
ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang si Gaspar Aquino de Belen, ay
lumikha ng mga tula ng kabanalan na sinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang
Tagalog. Ang pasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling
pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni Gaspar Aquino de Belen. Umusbong din ang
mga panitikang sekular na sumaliwa sa lakad ng simbahan, na binase sa mga korido,
mga baladang Kastila ng kabalyero. Ang mga salaysay na berso, o ang komedya, ay
ginanap sa mga wikang pang-rehiyon para sa mga alfabetong mayoriya (di
nakakabasa o nakakasulat). Nasulat din ang mga ito sa alpabetong Romano ng mga
prinsipal na wika at kumalat.

Sa anong akda maihahambing ang “panitikang sekular na sumaliwa sa lakad ng


simbahan?”
A.editoryal B.dasalan C.parabula D.nobena

Sino ang tinutukoy sa pahayag na “tumawag ang mga misyonero ng katutubo para
maging tagasalin?”
A. maglilipat ng isang bagay sa ibang lunan
B. maglilipat ng kahulugan mula sa isang wika sa iba
C. magbibigay kahulugan sa isang nabasa
D. bubuo ng mga babasahin batay sa sariling opinyon

8
Teksto 3. “Isipin mo, ang literatura o panitikang klasikal (Jose Rizal, Pedro Paterno at
mga dokumento ng kasaysayan, pambansang awit, Constitución Política de Malolos),
ay naisulat sa Espanyol. Hindi na ito opisyal na midyum ngayon. Ang mga manunulat
na Pilipino, tulad ni Claro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa Espanyol
hanggang 1946. Gayon ang nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng pagsulat.

Alin ang tinutukoy na nagbago sa huling pangungusap?


A.wikang ginagamit B.literatura C.dayuhang kastila
D.panitikang klasikal

Ano ang kahulugan ng “Hindi na ito opisyal na midyum ngayon?”


A. bago na ang wika
B. bago na ang panulat
C. bago na ang namamahala
D. bago na ang paraan

Teksto 4. Sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang


identidad na pangkultura ang nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa
napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod
pa sa mga dayalekto nito. Ang pagkakabukud-bukod ng mga magkakaratig na
barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa identidad.
Subalit sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng Filipino, unti-unting nabuo ang
arkipelagong hinahabi sa iisang dila ng pambansang wika. Ang Filipino, ang
buklod na tali ng kultura at tao.

Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na may salungguhit?


A. bansang may magkakaibang gawi ng pamumuhay
B. bansang nagkakasundo sa paniniwala
C. bansang nagkakaunawaan sa tulong ng isang wika
D. bansang may iisang adhikain at pangarap

Ano ang ibig ipakahulugan ng huling pangungusap?


A. lahing kayumanggi ang siyang ugat ng pagkakaunawaan
B. asignatura na dapat ituro at bigyang pansin
C. lenggwahe ang mag-uugnay sa kultura at mamamayan
D. lalaki ang mangunguna sa pag-unlad

Teksto 5. Isang negosyante ang nasawata matapos masakote ng mga pulis sa isang
operasyon sa Kalye ng Recto, Lungsod ng Maynila, kahapon, 9:00 n.u. Kakaiba ang
modus ng mga suspek. Itinatago ang mga supot ng shabu sa loob ng mga antigong
plorera na gawa sa mga pinulbos na batong mula sa Bulkang Pinatubo. Ito ay
matapos matukoy ng mga awtoridad ang kahulugan ng text na ipinadala ng suspek na
si Danny Hyuein sa isang impormante ng mga pulis na nagsasabing ang “ ang mga
inorder mong bato ay nasa loob ng pinakamalaking vase sa bodega.”

Ang pahayag na “Kakaiba ang modus ng mga suspek,” ay nangangahulugan na;


A. kakampi ng mga pulis
B. nawawalang kasamahan
C. paglalathala ng gawain
D. lihim na paraan
Ano ang kahulugan ng salitang “bato” sa huling pangungusap?
A. sangkap sa paggawa ng vase
B. ipinagbabawal na gamot
C. nababagot sa paghihintay
D. matatag na pagkatao

Teksto 6. Mas madaling sabihing mga latay iyong nagmamarka sa puso. Pero ang
sakit na nararamdaman ko’y hindi tumitimo ni bumabakat sa kahit anong tiyak na
bahagi sa loob ng katawan. Kapag ako’y minumura, nilalait o hinihiya, ang sakit na
umiigkas mula sa kanilang bibig o mata ay umiilandang sa kailaliman ng aking
pagkatao. Sumusuot ang iwa sa dibdib. Saka bigla kong mararamdamang naglalaho
ang laman buto at iba pang bumubuo sa bahaging iyon ng aking katawan. Ang lahat ay

9
mapapalitan ng isang tila malapot na puwang. At sa gitna ng kawalang iyon na paikot-
ikot lang- ayaw dumaloy, humupa o sumuko-ay mananatiling nakabaon ang sariwang
atay. Parang eroplanong biglang nawalan ng buhay sa kalawakan at dumikit sa ulap.
Ayaw bumulusok. Ayaw pumaimbulog. Naroon lang. (Mula sa “Aling Bining ni Rene O.
Villanueva)

Ang kahulugan ng pahayag na may salungguhit?


A. pagmumuni-muni
B. pagkakamali
C. pagkatalo
D. pagkahiya

Ang ipinahihiwatig na kahulugan ng “Latay na nagmamarka sa Puso” ay sakit na


nararamdaman ng _____.
A. isip
B. kalaban
C. katawan
D. kalooban

COMPETENCY NO. 22 – Natutukoy ang tiyak na layon ng teksto

Teksto 1. Ngayon pa lamang, simulan mo nang maglakad. Ayon sa mga pag-aaral,


malaking bahagdan ng mga mag-aaral na naglalakad sa kanilang pagpasok sa
paaralan ang mas nakapag-isip nang mabilis, aktibo sa talakayan at may mapanuring
pag-iisip sa klase. Kaya ang mga estudyanteng mas pinipiling makapag-ehersisyo
nang kaunti sa pamamagitan ng paglalakad ay mas may tiyansang maging mahusay
sa pag-aaral sapagkat sa pamamagitan ng gawaing ito, ika nga ay may “warm-up” ang
katawan. Mas nakakadaloy ang dugo at nasusuportahan ng oxygen ang utak na
siyang kailangan sa proseso ng pag-iisip para sa mga gawain sa silid-aralan.

13. Layon ng teksto na:


A. Mailahad ang nagaganap sa loob ng katawan
B. Makibahagi ang mga mag-aaral sa talakayan sa klase
C. Mahikayat ang mga mag-aaral na maglakad
D. Mapalakas at mapalusog ang katawan ng mga mag-aaral

14. Aling pangungusap ang nagpapakita sa layon ng teksto?


A. una
B. ikalawa
C. Ikatlo
D. ikaapat

Teksto 2. (1)Ang pagbitaw sa anumang bisyo ay napakahirap. (2)Ang lahat ng uri ng


pagkagumon ay masama sapagkat nakawawala ng kakayahang magtiwala sa iba.
(3)Gayunman, kung walang tulong mula sa iba, ang isang gumon sa bisyo ay
nabibigong makabawi ng kontrol sa sarili sapagkat ang adiksyon ay may kakayahang
mamalagi at mabuhay sa sarili. (4)Gayundin, maraming pagkagumon ay
napangingibabawan ng panlipunang pagpapasya, panunuya o pagkatakot. (5)Kaya
nahihiya ang isang tao na humingi ng tulong sa iba. (6)Ang pagsangguni sa isang
propesyunal ay isang matalinong pagpapasya, subalit ang medikasyong gagawin sa
sinomang gagamutin ay kailangang umakma sa kanyang mga pagpapahalaga at
paniniwala.

15. Layon ng teksto na:


A. Ilahad ang pinagmumulan ng bisyo
B. Magpayo ng maaaring gawin ng isang gumon sa bisyo
C. Isa-isahin ang mga pananaw patungkol sa paksa
D. Mapangalagaan ang katawan ng tao

16. Sa anong pangungusap, makikita ang layon ng binasa?


A. una

10
B. ikalawa
C. ikalima
D. ikaanim

Teksto 3. (1)Malaking bahagi na ng buhay ng mga nagbibiyahe at mga motorista ang


traffic. (2)Isa sa mga dahilan nito ay ang mga aksidenteng dulot ng ibang puno na
nasasagi o natatamaan ng mga bus at trak. (3)Kaya't ang solusyon ng ahensiyang
nangangasiwa sa mga lansangan ay ang pagputol sa mga punong ito. (4)Para sa
kanila ay makakatulong ito upang mabawasan ang aksidente, at upang di na rin
makaabala sa mga gawaing komersyo at mga konstruksyon sa lansangan. (5)Ngunit
ito naman ay tinutulan ng mga NGO's sa paniniwalang nagbibigay ng oxygen o
sariwang hangin ang mga punong ito na kailangan upang makaiwas sa sakit sa baga
dulot ng polusyon. (6)Kaugnay nito, ang mga puno na bumibilang na ng maraming
taon ay masasabing bahagi na ng kasaysayan, nakapagpapaganda sa mga kalye at
nagsisilbing masisilungan sa panahong maulan o matindi ang sikat ng araw.

17. Aling pangungusap ang nagpapakita ng layon ng binasa?


A. una at pangalawa
B. pangalawa at pangatlo
C. pang-apat at panglima
D. panglima at pang-anim

18. Lahat ay nagpapakita ng layon ng teksto maliban sa:


A. Ipakita ang kahalagahang dulot ng mga puno
B. Tutulan ang pagpuputol ng mga puno sa kalye
C. Hikayatin ang madla na magtanim ng mga puno
D. Ipaliwanag ang dahilan ng pagpuputol ng puno sa kalye

Teksto 4. (1)Mapanganib na sakit ang Dengue. (2)Sadya ba itong lumabas upang


maging babala laban sa ginagawang pagpapabaya ng mga mamamayan sa kanilang
kapaligiran? (3)Kailangan bang ang pamahalaan na lamang ang gumawa ng mga
paraan upang masugpo at maiwasan ang sakit na ito? (4)Totoong seryoso ang
pamahalaan sa pagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa Dengue, subalit may mga
mamamayang nagkukulang sa pagsuporta sa hangaring ito.

19. Aling pangungusap ang nagpapakita ng layon ng teksto?


A. una
B. ikalawa
C. ikatlo
D. ikaapat

20. Ang pangunahing layon ng teksto ay:


A. hikayatin ang publiko na sumuporta sa mga proyektong kontra-dengue
B. kumilos ang mga sibilyan upang malinis ang kapaligiran
C. alamin ang tungkol sa sakit na dengue
D. maging mapagbantay sa kalusugan

Teksto 5. (1)Nakatatak na sa kaugaliang Pilipino ang paghahanda tuwing Pasko.


(2)Ngunit ang nakapagtataka, sa kabila ng matinding paghihirap, nagagawa pa rin
nating maghanda para sa araw na ito kahit hindi sapat ang budget. (3)Buwan pa
lamang ng Oktubre, aasahan mo na ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo
at LPG, na susundan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin – bigas,
sardinas asukal, atbp. (4)Minsan pa nga, may mga pabrikang nagsasara dahil sa
pagkalugi at maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho. (5)Ang iba naman
mayroon ngang trabaho, ngunit ang kinikita ay talagang hindi sapat sa pang-araw-
araw na pangangailangan. (6)Ngunit ang lahat ng ito ay isinasantabi at
pansamantalang kinalilimutan muna ng mga Pinoy, at kahit sa simpleng paraan, pilit na
ngingiti upang ipagdiwang ang Pasko.

21. Ang layon ng teksto ay maipakita ang katangian ng mga Pilipino na;
A. mapagmasid sa mga pangyayari sa lipunan
B. nagpapahalaga sa kaugalian kahit sa gitna ng krisis
C. masinop para sa oras ng pangangailangan
D. nagmamahal sa Dakilang Lumikha

11
22. Ang bahaging nagpapakita ng layon ay ang pangungusap;
A. una
B. pangalawa
C. pangatlo
D. pang-apat

Teksto 6. Mapupunang sa lahat halos ng pagkakataon, ang damdaming Pilipino’y


nagnanais na punuin ang anupamang bagay na walang laman, maging ito’y dingding,
bakuran o hapag, o dili kaya’y katahimikan. Ito’y nagsasaad lamang ng pagkamabikas
kundi ng kasaganaan na rin. Kaalinsabay ng pagpapahalaga sa kapunuan ay ang
pagsinop sa mga bagay-bagay. Ang mga bagay-bagay ay pumupuno di lamang sa
bakanteng espasyo kundi nagbibigay rin ng damdaming masagana: kahit ano, basta
isang katutak-marangya.
Dahil sa damdaming ito, may mga bagay na di man gaanong mahalaga’y
pinkatatagu-tago pa rin: mga botelya, sirang manyika, sirang relos, 1.) mga gamit na di
na maalala kung sang gamit at 2.) kung anu-anong kutinting. 3.) Bunga niya’y ang
malaking pagpapahalaga sa isang bagay; 4.) pagpapahalagang halos paggalang na
rin. (Mula sa “Sining ng Nagsisikip na Dingding” ni Rodolfo Paras Perez)

23. Batay sa layon, ano ang nais ipabatid ng teksto sa mambabasa?


A. Mapapaniwala ang tao na ang pagpapahalaga ay tanda ng isang kaugalian.
B. Magbubunga ng isang mabuting samahan ang pagpapahalaga.
C. Makikintal sa isipan ng tao na ang pagpapahalaga ay tanda ng paggalang
D. Magkakaroon ng isang ideya ang mga mambabasa ukol sa pagpapahalaga.

24. Layunin ng huling pangungusap ay ipahayag na


A. Ang pagpapahalaga’y maaaring paggalang na rin
B. Ang pagpapahalaga’y taliwas ng paggalang
C. Ang pagpapahalaga’y magbubunga ng kasaganaan
D. Ang pagpapahalaga’t pagsisinop ay iisa

COMPETENCY NO. 26 – Nakikilala ang mga panandang pandiskurso na naghuhudyat


ng pagkakasunud-sunod

Teksto 1. Una, ihanda at hugasan ang mga sangkap. Kasunod, ilagay ang isang
basong tubig sa kaserola at pakuluin, pwedeng ilagay ang sibuyas. Pagkatapos, ilagay
ang papaya at palambutin ng bahagya. Isunod na ilagay ang mga dadahuning
sangkap ng sabay-sabay at lakasan ang apoy (isang minuto lamang kung ayaw mong
kumain ng pagkaing baboy). Sa huli, asinan, betsinan, (pwedeng lagyan ng alamang)
at bahitin. Ihanda kasama ng mainit o malamig o tutong na kanin. Pwede ding kainin
na walang kanin.

25. Aling pananda ang naghuhudyat sa ikatlong hakbang?


A. kasunod
B. pagkatapos
C. sa huli
D. isunod

26. Aling pangungusap ang hindi ginamitan ng panandang pandiskurso na naghuhudyat


ng pagkakasunud-sunod?
A. una
B. ikalawa
C. ikatlo
D. ikalima

Teksto 2. Siya ang Nanay Ko?


Madalas kaming mamili ni nanay tuwing araw ng tiangge sa bayan. Maaga pa lang
ginigising na niya ako, kasunod ay magbibihis, pagkatapos ay lalakad na. Habang
daan kakapit lang ako sa laylayan ng damit ni nanay. Habang lumalakad, naaaliw
naman ako na manuod sa mga rumaragasang palitan at lakaran ng mga
namamalengke. Nakakaaliw, nakakaaliw na panoorin. Nang makabitaw ako sa
12
laylayan ng damit ni nanay. Naku! Patay! Nasaan na ang telang iyon? Ayun... Hawak
uli. Hehe! OK na... At nanuod uli ako ng mga nagmamadaling mga mamimili at iba-
ibang paninda na nakalatag sa daan. Lakad dito. Lakad doon. Matagal. Hanggang
mapagod. Mayamaya, nagulantang ako. Di siya ang nanay ko...

27. Aling pangungusap ang ginamitan ng panandang pandiskursong naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod?
A. ikalawa
B. ikatlo
C. ikaapat
D. ikalima

28. Anong pananda ang naghuhudyat ng hakbang?


A. matagal
B. mayamaya
C. habang
D. pagkatapos

Teksto 3. (1)Bilang panimula, alamin mong ang tunay na karunungan ay nagmumula


sa Dios at ipinagkakaloob lamang Niya sa taong magpapagal upang magkaroon ng
malinis na budhi. (2)Ang tao kasi ay magtatamo lamang ng kaunawaan kung bubuksan
ng Dakilang Lumikha ang kanyang pang-unawa. (3) Una ay pagkakaloob ng unawa sa
pagkaalam ng mabuti at masama, ikalawa ay pagbibigay ng lakas upang gumawa ng
mabuti. (4)Di kaya ng tao na makagawa ng tunay na mabuti malibang ang Dios ang
gagawa nito sa loob niya. (5)Bawat nilalang ay may katakdaan, at para sa tao, ito ay
ang gumawa ng mabuti. (6)Kung di ka nakagagawa ng mabuti sa tanang buhay mo,
hindi ka tao. (7)At kung di ka magpaplanong gumawa ng mabuti sa hinaharap, hindi ka
magtatamo ng umawa. (8)Matapos magawa ang lahat ng ito, bawat nilalang ay
magtatamo ng kaganapan at kasakdalan sa buhay.

29. Aling pangungusap ang hindi ginamitan ng panandang naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod?
A. una
B. ikatlo
C. ikapito
D. ikawalo

30. Ilang panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ang ginamit sa talata?


A. 3
B. 4
C. 5
D. 6

Teksto 4. (1)Ang pagpili kay Rizal bilang legal na bayani ng lahi ay sumailalim sa
sumusunod na hakbang. (2)Una, binuo ng pamahalaan ang isang komisyon na siyang
hahawak sa naturang gawain. (3)Kasunod nito, binalangkas naman ang magiging
pamantayan sa pagpili o ang pagbuo ng mga gabay na pagbabasehan kung sinu-sino
ang maaring pag-aralan ng komisyon. (4)Pangatlo, isinagawa ang pangangalap at
pagsasaliksik ng mga impormasyon sa tulong ng mga historyador, kilalang mga guro
sa kasaysayan at pati personal na pakikipanayam sa mga kapamilya at kaibigan ng
naturang bayani upang mapagtibay ang ginagawang pag-aaral. (5)Pagkatapos nito,
ipinresenta ang resulta ng pananaliksik sa komisyon upang sama-samang pag-aralan
at suriin kung sino sa ating mga bayani ang karapat-dapat sa titulong pambansang
bayani. (6)Isinunod dito ang pagsasagawa ng isang botohan ng mga miyembro ng
komisyon at ang panghuli ay ang pormal na pag-aanunsiyo ng kinalabasan ng pag-aral
at pagtatalaga sa pambansang bayani.

31. Ilang panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ang ginamit


sa talata?
A. 4
B. 5
C. 6
D. 8

13
32. Aling pangungusap ang nagpakita ng dalawang hakbang?
A. pangalawa
B. pang-apat
C. panglima
D. huli

Teksto 5. (1)Upang maiwasan ang panlalabo ng mata, iminumungkahi ng mga


espesyalista ang mga sumusunod. (2)Iwasang abusuhin ang paggamit sa mata sa
tuwing nanonood ng telebisyon. (3)Karamihan kasi sa atin, pagkagising pa lamang,
ang una agad na ginagawa ay ang pagtutok sa ating mga tv. (4)Kaya't umaga pa lang
e pagod na ang mga mata. (5)Isusunod pa dito ang paghihilamos kung saan babasain
ang mga pagod na mata. (6)Sa paglabas papunta sa lugar ng trabaho, mabibilad ang
mata sa matinding sikat ng araw. (7)Kaya mainam kung gagamit ng shades upang di
masilaw ang ating mga paningin. (8)Ikaapat na dahilan ay ang kakulangan sa
nutrisyong kailangan upang maging malusog ang ating mga mata. (9)Makukuha ito sa
mga prutas at gulay na kadalasan ay nakaliligtaan sa listahan ng ating mga binili sa
palengke.

33. Aling pangungusap ang gumamit ng panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-


sunod?
A. una
B. ikalawa
C. ikatlo
D. huli

34. Aling pangungusap ang hindi ginamitan ng panandang naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod?
A. 3
B. 5
C. 8
D. 9

COMPETENCY NO. 34 – FLORANTE AT LAURA - Nasusuri ang kaisipang inilahad sa


akda ; PANSIMBAHAN

21-Ang lahat ng ito, maawaing Langit,


iyong tinutungha'y ano't natitiis?
Mula ka ng buong katuwira't bait,
pinapayagan mong ilubog ng lupit?

35. Anong kaisipan ang ibig ipakahulugan ng saknong patungkol sa paniniwala ni


Florante?
A. mabait at makatarungan ang Diyos
B. may dahilan ang lahat ng bagay
C. malaki ang nagagawa ng pagtitiis
D.nagpaparusa ang Dakilang Lumikha

36. Anong taludtod ang nagpapakita ng sagot sa bilang 1?


A. una
B. pangalawa
C. pangatlo
D. pang-apat

37. Alin sa mga sumusunod na sawikain ang hindi maiuugnay sa saknong 21?
A. Ang taong matuwid, dumaraing sa langit
B. Pagkatapos ng luha, may ngiting magbabadya
C. Sa lahat ng gagawin, may Diyos na tumitingin
D. Magtatagumpay ang diwang di nanlulupaypay

22-Makapangyarihang kanan mo'y ikilos


papamilansikin ang kalis ng poot,
14
sa reynong Albanya'y kusang ibulusok
ang iyong higanti sa masamang loob

38. Anong salita sa saknong ang sumisimbolo sa katarungan?


A. ibulusok
b. papamilansikin
C. kanan
D. kalis

39. Anong kaisipan ang hatid ng saknong?


A. may mga taong humuhiling sa Dios ng paghihiganti
B. may mga bagay na hindi kayang gawin ng tao
C. may mga pagkakataong nawawala sa huwisyo ang tao
D. may pag-asa pa basta may pananampalataya

40. Anong gawaing relihiyoso ang maiuugnay sa saknong 22?


A. pagbibigay proteksyon sa mga saksi sa krimen
B. pamamahagi ng pagkain sa nasalanta ng bagyo
C. pag-aampon sa mga babaeng bao
D. paglaban sa mga tiwaling pulitiko

23-Bakit kalangita'y bingi ka sa akin


Ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin?
Diyata't sa isang alipusta't iling
sampong tainga mo'y ipinangunguling?

41. Anong turo ng simbahan na pinaniniwalaan ni Florante ang ipinakikita sa saknong na


ito?
A. gumagawa ang Diyos sa Kanyang mga nilikha
B. magpaparusa ang Diyos sa masasamang tao
C. nakikinig ang Diyos sa bawat nananalangin
D. may mga dasal na hindi tinatanggap ng Dios

42. Anong sawikain ang maiuugnay sa saknong?


A. Magagawa ng Dios ang lahat ng bagay
B. Hindi natutulog ang Diyos
C. Habang may buhay, may pag-asa
D. Mapalad ang nagtitiis

24-Datapuwa't sino ang tatarok kaya


Sa mahal mong lihim Diyos na dakila?
walang mangyayari sa balat ng lupa
di may kagalingang iyong ninanasa.

43. Anong kaisipan ang matututunan mula sa saknong 24?


A. maging matalimahin sa Diyos
B. paggalang sa paniniwala ng iba
C. buong pagtitiwala sa magagawa ng Diyos
D. pagkakaroon ng kaalaman sa mga pangyayari sa mundo

44. Anong turo ng simbahan ang maiuugnay sa kaisipan ng saknong?


A. Lahat ng bagay ay may dahilan
B. Lahat ng pangyayari ay para sa ikabubuti ng mabuti
C. Di dapat mabahala sa panahong may problema
D. Lahat ay tama

45. Sa anong taludtod ipinahayag ni Florante ang pagtitiwala niya sa magagawa ng


Diyos?
A. una
B. pangalawa
C. pangatlo
D. pang-apat

25-Ay di saan ngayon ako mangangapit!

15
Saan ipupukol ang tinangis-tangis
kung ayaw mo ngayong dinggin ng Langit
ang sigaw ng aking malumbay na boses!

46. Anong katangian ng tao ang ipinakikita sa saknong?


A. labis na maramdamin
B. kawalan ng pag-asa
C. mahina ang loob
D. mapagtanong sa sarili

47. Anong gawain ng simbahan ang maaaring iugnay sa kaisipan ng saknong?


A. pagsuporta sa proyekto ng pamahalaan
B. pag-aliw sa mga may taning na ang buhay
C. pagtuturo ng katekismo
D. pagdiriwang ng pista

148-Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,


lason sa puso mo ang hindi binyagan,
nakukutya akong di ka saklolohan,
sa iyong nasapit na napakarawal.

149-Ipinahahayag ng pananamit mo
taga-Alabanya ka at ako’y Pers’yano;
ikaw ang kaaway ng baya’t sekta ko
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.

150-Moro ako’y lubos na taong may dibdib


at nasasaklaw rin ng utos ng langit,
dini sa puso ko’y kusang natititik
natural na leing sa aba’y mahapis.

48. Ang pagiging magkaaway ng mga sekta ay nangangahulugang


A. alitan ng magkaiba ang relihiyon
B. alitan ng magkaiba ng paniniwala
C. alitan ng di magkapareho ng paniniwala sa Diyos
D. alitan ng di magkatugma ang mga paniniwala

49. Aling kaisipan ang hindi maiuugnay sa saknong 148-150?


A. Maaaring magkasundo ang muslim at kristiyano
B. Maaaring magkaisa ang magkaiba ng lahi
C. Kailangang ipagtanggol ang sarili sa kaaway
D. Umibig at maawa maging sa kaaway

16
DIBISYON NG PASAY

KASANAYAN :
Natutukoy ang tono ng tekstong binasa sa tulong ng mga tiyak na bahagi.
MGA PAGSASANAY :
Teksto Bilang 1:

WHO, sa Pagtama ng A(H1N1)


Ayon sa isang pahayagan posibleng umabot pa sa 2 bilyong katao ang
maapektuhan ng A(H1N1) virus sa buong mundo at patuloy na mauuwi sa pandemic
outbreak na maaring tumagal ng dalawang taon.
Di pa matukoy ng WHO kung kakalat pa o huhupa na ang kasalukuyang
“strain” ng nabanggit na virus. Ayon sa mga opisyal iba-iba ang reaksyon o epekto sa
katawan ng sinumang maapektuhan ng naturang sakit.
Ayon sa isang flu virologist mula sa Cambridge University sa England, mas
lalala ang pagkalat ng virus sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang bansang Pilipinas ay isa na sa mga bansang tinamaan ng nasabing
virus na nagtala na ng malaking bilang ng mamamayan na apektado nito.

1. Ang ikalawang talata ng teksto ay nagsasaad ng ______


a. Pagkabigla c. Pagkamatatag
b. Paghahanda d.Pangamba

2. Ang pangkalahatang tono ng teksto ay _____


a. Pagkabahala c. Pagwawalang bahala
b. Pagkamatatag d. Pagkamaalalahanin

3. Ang layon ng teksto ay ______


a. Magbigay ng imppormasyon c. Magbigay ng babala
b. Manghikayat d. Magkaisa laban sa sakit

Teksto Bilang 2:
Maganda ang araw kung sumusungaw na,
sa likod ng bundok ay nakangiti pa,
maganda ang buwan parang tumatawa,
sa hihigang pilak, kung nagpapahinga.

Maganda ang ulan na papatak-patak


sa gitna ng bukid ay butil ng perlas,
maganda ang ibon na lilipad-lipad
sa langit ang munting bangkang naglalayag.

Bulaklak sa tangkay, oo, maganda rin.


Lalo’t nagduruyan sa ugoy ng hangin,
maganda ang kislap ng mga bituin
sa singsing ng Diyos, batong nagniningning.

Ang bughaw na langit, ang payapang dagat,


ang mabining alon , ang maputing ulap
ang sanggol sa duyan, kung humahalakhak
lahat ay maganda, maganda ang lahat.

17
Maganda ang Lahat
ni :
Rufino Alejandro

1. Ang tono ng teksto ay may himig na ______


a. Pagkagalit c. pagwawalang bahala
b. Pagkaunawa d. pagkamapayapa

2. Ang ika-3 saknong ay nagpapahayag ng ______


a. Pagsuway c. nagmamahal
b. Pag-sang ayon d. nanghihinayang

3. Batay sa pangkalahatang tono, ang may akda ay _______


a. Makabayan c. makakalikasan
b. Makabansa d. makatao

Teksto Bilang 3 :

Ang Labanan sa India


Nahati ang India sa dalawa, ang India at Pakistan. Dahil sa takot ng mga mamamayan
na sila’y usigin ukol sa relihiyon, sila’y nagtago sa teritoryong muslim o hindu na
nagdulot ng kasawian ng ilan sa kanila. Dahil dito nanawagan si Gandhi na
magkasundo-sundo ukol sa relihiyon. Bunga nito siya’y binaril at pinatay ng isang
hindung di sang-ayon sa kanyang nais.
Nabawi ni Jowarhalal Nehru, pinuno ng republikang India, ang mga lupaing dating
sakop ng Portugal, ngunit nabigo siyang mabawi ang teritoryong pinag-aagawan ng
Tsina at India. Sa panahon din niya ay nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng India at
Pakistan hinggil sa Kashmir.
Si Indira Gandhi, anak ni Neru ang naging Punong Ministro ng India noong 1966 nang
sumakabilang buhay ang huli. Naging makapangyarihan ang India ngunit sa kabila
nito’y sila’y dumanas ng matinding kahirapan na nagtulak kay Gandhi upang gumamit
ng kamay na bakal noong 1975.

1. Ang pangkalahatang tono ng teksto ay ________


a. Panghihinayang c. kawalan ng pag-asa
b. pagkatakot d. pagkagalit
c.
2. Ang damdamin sa unang talata ay _______
a. Pagkatakot c. pag-sang ayon
b. Pagkagalit d. paghihiganti
c.
3. Ang huling pangungusap ay nagpapahayag ng ________
a. Pagkamakapangyarihan c. Pagkamakatag
b. Pagkamamamayan d. Pagkatuwa

Teksto bilang 4

1. Naniniwala sa pag-ibig, wastong pag-ibig sa sarili at sa buhay na bigay ng


Diyos.
2. Tunay na tayo ay malaya sa paggawa ng mabuti lamang at kailanman hindi
maaaring maging malaya sa paggawa ng masama.
3. Tkaukulang totoong ang kabutihan, karangalan at katotohanan ay may
kaukulang trono sa daigdig na ito ngunit sa palibot ng mundong ito ay may
taong may iba’t ibang hangarin, kaisipan, damdamin at kapangyarihan.
4. Naniniwala rin siya na ang mabuting mamamayan ay dapat manatiling may
ginaganap na proyektong ukol sa kabutihang pang madla, upang huwag kang
matukso sa mga gawaing walang kawawaan at kapakinabangan.
Hango sa: Pitong Pag-ibig ng Tao
ni: Jose Villa Panganiban

18
1. Ang pangkalahatang tono ng teksto ay ________
a. Pagkamatao c. pagkamaibigan
b. Pagkatakot d. paggalang

2. Ang ika-3 talata ay nagpapahayag ng _______


a. Pag-sang ayon c. pagsalungat
b. Pagtanggap d. pag-unawa

3. Batay sa nilalaman, ang teksto ay ________


a. Nagbababala c. nagsusumamo
b. Nagpapaalala d. nanghihikayat

Teksto Bilang 5 :

(1)Ang komunismo ay isang repormang pang ekonomiya na may kaisipang


pagkakapantay-pantay. (2)Dito ay walang mahirap at mayaman. (3)Lahat ng bagay ay
hawak ng pamahalaan. (4)Ang mga mamamayan ay nagtatrabaho at sinusuportahan ng
pamahalaan ayon sa pangangailangan ng bawat pamilya. (5)Sa ganitong sistema
inaasahan na kumilos ang lahat para sa tao at bayan.

1. Isinasaad sa ikaapat na pangungusap ang ______


a. Pag-asa c. Paghahangad
b. Pagkilos d. Pag-aatubili

2. Ang huling pangungusap ay nagpapahiwatig ng ______


a. Pagkabahala c. Panghihikayat
b. Pagsang-ayon d. Paghahamon

3. Ang pangkalahatang isinasaad ng teksto ay ______


a. Pagbibigay impormasyon c. Pagsasalaysay
b. Panghihikayat d. Paglalahad

KASANAYAN :
Naiuugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na pangyayari sa kapaligiran.
MGA PAGSASANAY :
Teksto Bilang 1:

Maganda ang araw kung sumusungaw na,


sa likod ng bundok ay nakangiti pa,
maganda ang buwan parang tumatawa,
sa hihigang pilak, kung nagpapahinga.

Maganda ang ulan na papatak-patak


sa gitna ng bukid ay butil ng perlas,
maganda ang ibon na lilipad-lipad
sa langit ang munting bangkang naglalayag.

Bulaklak sa tangkay, oo, maganda rin.


Lalo’t nagduruyan sa ugoy ng hangin,
maganda ang ng mga bituin
sa singsing ng Diyos, batong nagniningning.

Ang bughaw na langit, ang payapang dagat,


ang mabining alon , ang maputing ulap
ang sanggol sa duyan, kung humahalakhak
lahat ay maganda, maganda ang lahat.
Maganda ang LahaT ni : Rufino Alejandro

19
1. Batay sa binasang tula, ano ang implikasyon ng akda sa kapaligiran?
a. Magtanim ang lahat. c. Magkaisa tungo sa pag-unlad.
b. Magtulingan ang tao. d. Sa pag-unlad ng bansa dapat pahalagahan ang
kapaligiran.
2. Aling linya sa huling saknong ang nagpapahayag ng implikasyong napakahalaga ng
kapaligiran sa kinabukasan ng mamamayan?
a. Una c. Ikatlo
b. Ikalawa d. Ikaapat

3. Ang salitang ginamit sa paglalahad ng implikasyon sa unang saknong ay _______


a. Kung c. Para
b. Maganda d. Pilak

Teksto Bilang 2:

Isa sa lalong dapat pag-ukulan ng pansin ay ang polusyon ng mga pook


tubigan, sapagkat sumasagka sa layunin ng pag-unlad, dapat isaalang-alang na ang
epekto ng polusyon sa kapaligirang pantubig ay nagiging dahilan ng malaking
kapinsalaan sa kalusugan at sangkap kabuhayan ng mga mamamayan. Nararapat,
samakatuwid, na suriin ang realidad na kaakibat nito upang mamulat tayo sa kalagayan
ng mga sangkap sa tubigan at mapag-ibayo ang natatamo nating pakinabang.
Sa aktwal at kemikal na pagsusuri sa tubig na nagmula sa ilog ng Tenajeros
at Pasig, may malinaw na palatandaan ang mga nasabing ilog ay unti-unting matutuyo.

1. Ano ang implikasyon ng teksto sa kapiligiran ?


a. Ang pook tubigan ay mawawala na
b. Ang tubig ay mahalaga
c. Matutuyo na ang ilog
d. Dapat pangalagaan ang ating pook tubigan

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon.


a. Dapat ukulan ng pansin ang pook tubigan
b. Ang polusyon sa kapaligirang tubig ang dahilan sa malaking kapinsalanan sa
3kalusugan
c. Mamulat tayo sa sangkap tubigan
d. Pag-ibayuhin ang kapakinabangan sa tubig

3. Ayon sa talata 2, dahil sa aktwal at kemikal na nakita sa pagsusuri ng tubig ay


mahihinuha na
a. Ang tubig ay mahalaga
b. Talamak ang magiging polusyon sa tubig
c. Ang tubig ay patuloy na apekto
d. Ang ilog ay unti-unting matutuyo

Teksto Bilang 3:
Mga Suliraning Pangkapaligiran
Marami ng suliranin ang kinakaharap ng Inang Kalikasan. Isa sa suliraning
iyan ang polusyon. Sa larangan ng pagtatanim ay kailangan ang malaking produksyon
kaya’t sinusubok ang iba’t-ibang paraan kahit ito’y nakasasama sa lupang
pinagtataniman. Palasak din ang paggamit ng ptabang kemikal at pagbobomba ng
pamatay insekto. Sa katunayan malaki ang epekto ng DICHLOROPENYL
TRICHLOROCTHANE (DDT) gaya ng pagkamatay ng mga ibon dahil sa nasasagap sa
kapaligiran.
Ang DDT ay uri ng pamatay insekto na ginagamit sa mga pananim na
nakakaapekto sa kalusugan ng tao. Malaki nga ang kita dahil sa paggamit ng mga

20
kemikal na pestisidyo ngunit sinisira naman nito ang kapaligiran kasama na kalusugan
ng tao.

1. Ano ang implikasyon sa kasalukuyang panahon ang mensahe ng teksto?


a. Maging matalino sa pagpili ng pestisidyo.
b. Maging alisto sa paggamit ng pestisidyo.
c. Pumili nang maayos at di nakakaapektong abono.
d. Maging maingat sa pagpili at paggamit ng pestisidyo.

2. Ang salitang ginamit sa paglalahad ng implikasyon sa huling pangungusap ay_____


a. Dahil c. naman
b. Ngunit d. kapaligiran

3. Ipinahahayag sa teksto ang pangkahalatang impresyon na _______


a. Ginagawa ng tao ang lahat basta lamang kumita
b. Ang maling pestisidyo ay sinisira ng kapaligiran.
c. Kailangan ng pestisidyong kemikal para kumita
d. Walang magagawa ang tao sa makabagong teknolohiya

Teksto Bilang 4:

1. Ang magandang kapaligiran ay may malaking kontribusyon sa turismo ng bansa .


2. Malaki ang maitutulong ng turismo upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
3. Ang pook na magaganda ang siyang pinupuntahan ng maraming turista.
4. Ang turismo ang siyang aakit sa dayuhan upang sila ay mamuhunan sa bansa.
5. Ngunit kung di natin pangangalagaan ang kapaligiran ito ang magiging dahilan
ng pagbagsak ng turismo sa bansa.

1. Ang bahaging naglalahad ng implikasyon ay ang ________


a. Pangungusap 1 c. pangungusap 5
b. Pangungusap 3 d. pangungusap 2

2. Ang pangkalahatang implikasyon ng teksto ay __________


a. Magkatuwang ang kapaligiran at turismo sa pag-unlad ng bansa.
b. Magbigayan ang bawat Pilipino.
c. Magaganda ang pook sa bansa.
d. Magsikap ang bawat mamamayan

3. Batay sa pangungusap 5 , ano ang implikasyon kung di natin pahahalagahan ang


kapaligiran?
a. Babagsak ang pagnenegosyo sa bansa c. Malulugi ang mga negosyo ng bansa
b. Babagsak ang turismo ng bansa d. Magdudulot ito ng kaguluhan

Teksto bilang 5 :

Salik na Umaakit sa Turismo


Ang turismo ay ang pagtungo o paglalakbay sa ibang lugar ng daigdig para
maglibang at matuto. Dito ay pinamamahalaan at ginagabayan ang mga turista sa mga
nakatadhanang lugar na nasa itineraryong kanilang tutunguhin. Ang turismo ay ang
akomodasyon sa mga dayuhang turista ng bansa.
Ang mga salik na umaakit sa mga turista ay ang mga bagay na humihikayat sa
kanila upang lumipat o magtungo sa ibang lugar. Ang mga pook na magaganda ay
pinupuntahan ng maraming turista, ngunit ang pandarayuhan ay pansamantala lamang.
Ang magandang klima ay maaring ay maaring makaakit din sa mga dayuhan
21
upang manatili sa isang bansa. Ang mga kapakinabangang pangkabuhayan ay maaari
ring dahilan para makaakit ng mas maraming turista sa bansa. Ang magagandang
tanawin at kapaligiran ay nagtutulak din sa mga dayuhan upang dalasan ang pagbisita
sa bansa at tumuklas ng mga iba’t ibang bagay sa turismo at mga kaalaman na maaari
ring isagawa sa sariling bansa. Higit na uunlad ang turismo sa bansa kung
magtutulungan ang lahat sa pagsasaayos ng kapaligiran.

1. Batay sa binasang teksto, ano ang implikasyon ng akda sa kapaligiran?


a. Uunlad ang bansa kung magtatanim tayo.
b. Magkaisa tungo sa pag-unlad ng dayuhan.
c. Magtulungan para sa turismo.
d. Ang kapaligiran ang mahalagang salik sa turismo.

2. Aling talata sa huling teksto ang nagpapahayag ng mga implikasyong nagpapahalaga


sa kapaligiran at sa kinabukasan ng mamamayan?
a. Una c. Ikatlo
b. Ikalawa d. wala sa mga nabanggit

3. Ang salitang ginamit sa paglalahad ng implikasyon sa huling pangungusap ay _______


a. Kung c. Pagsasaayos
b. uunlad d. higit

Florante at Laura
KASANAYAN :
Nasusuri ang mga kaisipang nilalahad sa akda sa aspetong pansimbahan.
MGA PAGSASANAY :

1. Moro ako’y lubos na taong may dibdib


2. at nasasaklaw rin ng utos ng langit
3. dini sa puso ko’y kusang natititik
4. natural na leing sa aba’y mahapis.

1. anong kaisipang pansimbahan ang tinutukoy ng saknong?


a. Anumang relihiyon ay sumusunod sa utos ng Diyos
b. Moro man ay may relihiyon din.
c. Bawat bansa ay may batas na sinusunod
d. Natural sa tao na maawa sa kapwa

2. Ang ibig sabihin ng may dibdib ay ________


a. Malaki ang dibdib
b. Maawain sa kapwa
c. Madaling mapaibig
d. Mahabagin

1. Datapuwat sino ang tatarok kaya


2. sa mahal mong lihim Diyos na dakila?
3. Walang mangyayari sa balat ng lupa
4. di-may kagalingang iyong ninanasa.

1. Anong kaisipang pansimbahan ang ipinahahayag sa taludtod 1 at 2?


a. Ang Diyos ang nakakalam ng lahat ng bagay sa mundo
b. Walang nakakabatid ng lihim ninuman
c. Diyos ang may kagalingan
d. Wala nang gagaling sa Diyos

22
2. Ang kaisipang ipinahihiwatig sa taludtod bilang 3 at 4?
a. Lahat ng nangyayari ay kagustuhan ng Diyos c. Kung alam mo alam din niya
b. Walang masamang hinahangad ang Diyos d. May pa-asa sa Diyos

“Ipinahahayag ng pananamit mo
taga-Albania ka at ako’y Persiano
ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.”

1. Ipinahihiwatig ng saknong na ito na ________


a. Magkaiba ng paniniwala ng alba
b. Sa oras ng pangangailangan kahit magkaiba ng relihiyon dapat nagdadamayan
c. Ipinakikita ang pagkakaiba ng Albanio at Persiano
d. Pagkakaiba ng pananamit

a. Magkatuwang c. magkasangga
b. magkapatid d. magkaibigan

“Napabuntong-hininga itong abang kalong


at sa umaaliw na moro’y tumugon”
“Kung di mo hinalag sa puno ng kahoy,
Nalibing na ako sa tiyan ng leon”

1. Ang singkahulugan ng buntonghininga ay:


a. Umidlip
b. Huminga ng malalim
c. Nanalangin sa panginoon
d. Nag-isip ng malalim

2 . Ang damdaming nakapaloob sa ika 3 at 4 na taludtod ay:


a. Pagtanaw ng utang na loob
b. Paninisi
c. Tuwang-tuwa
d. Panghihinayang

23
DIVISION OF NAVOTAS
Layunin: Naiuugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na pangyayari sa
kapaligiran.
Teksto 1:
Alin ba ang mahalaga, ang bahay o ang sikmurang nagrerebelde? Para sa amin, mas
mahalagang may pagkain kaysa sa bahay. Mas mahirap matanggap na meron kang bahay
pero wala ka namang pagkain at ang mga anak ay namumuti ang mga mata sa gutom . Kaya
hindi dapat maging malambot ang gobyerno sa pagbibigay permiso para wasakin ang mga
pinagkukunan ng palay . Panahon na para manindigan.

1.Batay sa binasang tekto, anong implikasyon ang maiuugnay sa mga pangyayari ng


nagaganap sa kapaligiran?
A. Mahalaga ang pagkakaroon ng tirahan
B. Ang walang tigil na pagwasak sa mga bukirin
C. Higit na mahalaga sa tao ang pagkain kaysa tirahan
D. Magiging masaya ang tao kung hindi salat sa pagkain

2. Alin ang pangungusap na nagpapahayag ng implikasyon na mas mahalaga ang pagkain


kaysa tirahan?
a.I b. II c. III d. IV

3.“May bahay ka nga, wala ka namang pagkain at ang mga anak mo ay mamumuti ang mga
mata sa gutom” Ano ang implikasyon na isinasaad ng pangungusap?
A. Unahin ang ikabubuhay ng anak kaysa tirahan
B. Mas mainam na may tirahan ang mga anak kaysa sa pagkain
C. Mas makabubuti na tiisin ang gutom kaysa maging palaboy
D. Unahin ang sariling bahay nariyan lang ang pagkain

4. Aling pangungusap ang nagpapahayag ng implikasyon na kung bakit kinukulang sa


pagkain lalo’t higit sa bigas ang mga Pilipino?
a. I b. II C. III d. IV

5.Ano ang implikasyong nais ipahiwatig ng pahayag na ito, “Panahon na para sa


paninindigan”
a. ipagwalang-bahala ang problema c. lumaban sa kung ano ang tama
b. iasa na lang ang kinabukasan d. sisihin ang gobyerno sa mga
problemang dumating

24
TEXTO 2:

Sa hirap ng buhay ngayon, marami ang nagbibilang ng poste. II. Isa sa


maraming ito si juan na hirap na hirap na humanap ng mapapasukan. Halos pudpod na ang
takong ng sapatos ngunit sadyang mailap sa kanya ang kapalaran. III. Sa ganitong
kalagayan, naisip ni Juan na magtayo ng isang maliit na negosyong mapagkukunan niya ng
kanyang pang-araw-araw na pangangailangan ito ay kanyang sininop. IV. Simula noon,
pinagsikapan niya ang magbanat ng buto upang umunlad ang maliit niyang negosyo. Mula sa
hampaslupang kalagayan ay maiangat din ng pagsisikap at pagtitiyaga ang mahirap na
pamumuhay.
1.Anong implikasyon sa kasalukuyang panahon ang mensahe ng texto?
A. Mataas na ang antas ng pamumuhay ngayon
B. Hindi angkop ang kakayahan sa trabahong kailangan
C. Kailangan ang sipag at tiyaga upang umunlad ang buhay
D. Kahit makapagtapos , walang makitang trabaho

2. Aling pangungusap sa hulihang talata ang naglalahad ng implikasyon na sikap at tiyaga


ang kailangan upang umunlad at guminhawa sa buhay?
a.I b. II c. III d. IV

3.Mula sa pangungusap bilang 2 saikalawang talata, anong implikasyon ang nais ibigay na
mensahe?
A. Kulang sa swerte ang taong walang trabaho
B. Mahirap ang maghanap ng trabaho sa panahong ito
C. Maaksaya sa sapatos ang paghahanap ng trabaho
D. Pana-panahon lamang ang pagtatrabaho

4. Sa aling talata matatagpuan ang implikasyon na “huwag agad sumuko sa problema”?


a. I b. II c. III d. IV

5. Simula noon, pinagsikapan niyang magbanat ng buto upang umunlad ang maliit na
negosyo. Ano ang implikasyon ang ipinahihiwatig dito?
A Maliit na negosyo ang binigyang-pansin
B. Nais niyang umunlad sa maliit nanegosyo lamang
C. Kontento na siya sa maliit na negosyo
D. Sinikap niyang paunlarin ang maliit na negosyo

TEXTO 3:
Batay sa pag-aaral ng mga manggagamot, ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo
na dapat iwasan ng mga kabataan. Natuklasang ito’y nakapipinsala sa kanilang kalusugan
sapagkat ito ay isang lason na kung tawagin ay nikotina. Narito ang mga kapinsalaang
idudulot ng paninigarilyo na sa aking paniniwala, dapat malaman ng lahat para sa kanilang
kapakanan.
Nakapagpapabagal ng paglaki ng mga bata
Masamang bisa sa resistensya ng mga bata.
May bisa ito sa pagbabago ng isip
Nakapagpaparumi ng ngipin
Nakasisira ng mga desisyon

1 . Ayon sa texto, ano sa mga sumusunod ang naidudulot sa kabataan ng paninigarilyo?


makakuha ng bitamina c. nakapagpapataba
makapagpapabagal ng paglaki d. nakapagpapapayat
2. Ano ang paksang ipinaliliwanag sa teksto?
a. pag-iwas sa alak b. pagsusugal c. paninigarilyo d. pagbubulakbol
3. Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo na dapat iwasan ng mga kabataan. Ano ang
implikasyong nais ipahayag ng pangungusap?
a. masama sa kalusugan ang paninigarilyo c. dapat tangkilikin ang sigarilyo
b. pampalusog ang sigarilyo sa tao d. mainam ang paninigarilyo sa buhay
4. Anong salita ang ginamit sa paglalahad ng implikasyon sa ikatlong pangungusap
a. para sa b. sa ating paniniwala c. sa kanila d. idudulot ng
5. Sa anong pangungusap matatagpuan ang implikasyon na dapat iwasan ang paninigarilyo
a. I b. II c. III d. IV

25
TEXTO 4: Bakit gano’n kuya?
Bakit laging wala sila?
Paggising ko sa umaga
Si Tatay, si Nanay, di nakikita?
Ano ang ginagawa nila
Kapag sa bahay ay wala sila?
Nalimutan na ba tayo?
Mga anak tayong sa kanila’y umaasa.

Abala sa trabaho
Upang mabuhay tayo
Hindi mo ba maintindihan
Wala tayong kabuhayan.
Ang buhay ay gayon ,di ba?
Kaya huwag tayong mag- aaway
Ang sukling kanilang hinihintay.
Magandang-asal ay ialay.

1. Ang paksa na maaaring makuha sa texto/tula ay


a.Pag-aasawa b. paghahanap-buhay c. magulang d. utang na loob

2.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng implikasyon?


A.Ang pagiging magulang ay di biro
B.Sa hirap, pati ina ay naghahanap-buhay
C.Pinabayaan ng mga magulang ang anak
D.Mas gusto ng magulang ang maghanap-buhay kaysa mag-alaga ng anak

3.Mula sa saknong 2, ano ang mensahe na nais sabihin?


A.Pangungulila ng anak sa magulang
B.Pangungulila ng magulang sa anak
C.Pagwawalang bahala sa tirahan
D.Pagwawalang bahala ng bawat miyembro ng pamilya

4.Sa anong saknong matatagpuan ang implikasyon ng pangungulila ng anak sa magulang?


a.I b II c. III d. IV

5.Basahin muli ang saknong bilang 1, anong damdamin ang nangingibabaw sa anak?
a.Pagkagalit b. pagkagulat c. pagtataka d. pag-uyam

TEXTO 5:
Panuto: Tukuyin ang implikasyon sa mga sumusunod na pahayag mula sa Florante at Laura.

1.“Kung ano ang taas ng pagkilala; siya rin lagapak ng pagtatagumpay”


A. Kung lubhang mabilis ang pagtatagumpay, lalong dapat mag-ingat sa mangyayari
B. Kung gaano katindi ang pagmamayabang , mas masahol ang sakit na mapahiya
C. Mas mataas ang katungkulan, mas malaki ang pananagutan
D. Madaling magpakadakila, madali ring mabigo

2.“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad, sa bait at muni sa hatol ay salat”


A. Hindi nagkakaroon ng sariling bait ang anak na labis na pinalayaw
B. Walang tinatanggap na responsibilidad ang anak na pinalalayaw
C. Kapag labis ang pagpapalayaw sa anak, lalaki siyang walang alam sa buhay
D.Ipakita sa anak ang labis na pagmamahal sa anak

3.“Na kung maliligo’y sa tubig aagap, nang di abutin ng tabsing sa dagat”


A. Maligo agad ng di abutin ng alat ng tubig

26
B. Nasa huli ang pagsisisi
C. Kung may nililigawan ay agad na pakasalan nang di maunahan ng iba
D. Bilisan ang panliligaw sa babaeng nililiyag

4.“Masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak


A. Ayaw makakita ng magulang na nahihirapan ang anak kaya hindi niya ito pinagagawa
B. Mahal na mahal ng magulang ang anak
C. Nahabag ang magulang sa anak
D. Pinagana ng magulang ang anak

5.“Hindi nakalasap kahit munting tuwa sa masintahing inang pagdako’y nawala”


A. Hindi nalasap ang pagmamahal ng ina
B. Hindi naibigay ng ina ang pag-aarugang dapat asahan
C. Maagang namatay ang ina kaya hindi nakatikim ng ligaya
D. Hindi niya nasilayan ang ina

LAYUNIN: Nakikilala ang mga panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-


sunod
TEXTO 1:
A(H1N1)
Ang Influenza A ( H 1 N 1 ) ay sanhi ng kakaibang virus na nagreresulta mula sa
kalipunan ng apat na viruses mula sa mga baboy , tao at mga ibon. 2. Ito ay isang bagong
uri ng virus kung paano nagiging sanhi ng karamdaman sa tao. 3. Una itong nakita sa mga
tao noong Abril 2009 sa Estados Unidos. 4. Sa simula ito ay galling sa mga maysakit na
baboy na swine flu at sa ibon na bird’s flu. 5. Kapag nagkaroon ng contact ang taong nag-
aalaga o nakahawak nito siya’y mahahawa ng sakit ng hayop. 6. At susunod nang
mahahawaan ng taong maysakit ang iba sa pamamagitan ng pagsipon o pag-ubo. 7. Sa
ngayon ay may iba pang sintomas tulad ng pagsusuka at diarrhea ang nagpabigat sa sakit na
ito . 8. Wala pang bakuna para maiwasan ito ngunit may rekomendadong gamut. 9.
Ipinapayo ng DOH ang pagpapahinga at bitaminang magpapalakas ng resistensya
pagkatapos o bago pa man datnan nito.

1.Ang uri ng texto ay:


a.Informativ b. eksposisyon c. narativ d. persweysiv

2.Ano ang tono ng texto?


a.Nagbibigay pag-asa c. nagpapahalaga
b.Nagbababala d. nagtataka

3.Ang layon ng textong binasa ay


a. Manghikayat b. magpaliwanag c. magmulat d. magpaganap

4.Aling panandang pandiskurso ang nagsasad ng pagsusunud-sunod ng impormasyon sa


ikaanim na pangungusap?
a.Susunod b. nang c. mahahawaan d. iba

5.Aling pangungusap ang di gumamit ng panandang pandiskurso?


a.1 b. 4 c. 6 d. 9

TEXTO 2:
Ang Islam sa Pilipinas

Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13 siglo sa pamamagitan ng isang


Arabong misyonaryo na si Sharif Makhdum ng lumapag sa Sulu. Sumunod nito, ipinagawa
niya ang unang Masjid sa Pulo ng Simunol, Lalawigan ng Tawi-Tawi. Nang siya’y namatay ,
dumating naman si Rajah Baginda 1390 at ipinagpatuloy ang pagpapa-laganap ng Islam. Si
Abu Bakr ay dumatal rin sa Jolo at pagkatapos pakasalan ang anak ni Rajah Baginda at
sila’y nagtatag ng Sultanato ng Sulo, siya ang kauna-unahang nagging Sultan. Sa paglipas
ng maraming taon, sampung datu ng Borneo ang lumapag sa Panay, nagpatuloy ang Islam
sa pamumuno nila.

27
1.Ano ang paksa sa binasang texto?
a.Pagdating ng mga Muslim c. kahulugan ng Islam
b.Pagdating ng Islam d. pamumuno ng Muslim

2.Ano ang layunin ng sumulat ng texto?


a.Pagpapabatid b. pagpapaliwanag c. pagsasalaysay d. paglalarawan

3. Aling salita ang ginamit na panandang pandiskurso na nagsasaad ng pagkakasunud-


sunod?
a.Dumating b. pagkatapos c. nagtatag d. kauna-unahan

4.Alin ang pangunahing kaisipan ng texto?


a. Ang Islam ay ipinalaganap ng Misyunerong Arabo
b. Ang Islam ay nagsimula noon pa mang ika-13 siglo
c. Ang Islam ay patuloy na lumawak sa bahagi ng Pilipinas
d Ang Islam ay ipininalaganap hanggang ngayon

5.Aling pangungusap ang hindi nagtataglay ng panandang pandiskurso na nagsasaad ng


pagkakasunud-sunod?
a.1 b. 2 c. 3 d. 4

TEXTO 3:
1. Sa simula, nagawang maisakatuparan ni Konde Adolfo ang kanyang maitim na
balak. 2. Tiniyak niyang wala ang hukbo nila Florante at saka kinubkob ang kaharian. 3.
Pagkatapos ipakulong ang mga tagasunod ng napatay na hari at saka iniluklok ang sarili sa
Albanya. 4. Sumunod na pangyayari ay ang kanyang kabiguan. 5. Tumakas siya, tangay
si Laurang balak na yurakan ang dangal. 6. Ngunit di nagtagumpay ang kanyang
kasukaban mula sa palaso ni Menandro siya’y nahadlangan.. 7.Si Laura ay Florante ang
hinirang na marangal. 8. Tunay na ang kasamaan ay di magtatagumpay sa kabutihan.

1.Ang texto ay nasa uring


a.Narativ b. informativ c. argumentativ d. prosijural

2.Anong uri ng panandang pandiskurso ang ginamit sa unang pangungusap?


a. Nagsasaad ng pagkakasunud-sunod
b. Naglalahad ng paghahalimbawa
c. Nagbibigay ng patunay
d. Tumutukoy sa pagkakaugnayan

3.Alin-aling salita ang nagsaasaad ng pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa ikaapat na


pangungusap
a. Ipakulong,, iniluklok c. pagkatapos, iniluklok
b. Pagkatapos, saka d. ipakulong , saka

4.Anong bilang ng pangyayari ang ipinahihiwatig ng “tunay na ang kasamaan ay di


magtatagumpay laban sa kabutihan”
a.1 b. 3 c. 4 d. 6

5. Aling salita ang di tinutukoy ng kabiguan ni Konde Adolfo?


a.Laura b. Albanya c. buhay d. kamatayan

TEXTO 4: Di Pa Huli ang Lahat


Hindi ka pa man isinisilang sa mundong ibabaw
Mga magulang mo,y naghahanda na para sa iyong kinabukasa
Sila,y walang tigil sa paghahanapbuhay
Masiguro lamang magandang kinabukasan.

Nung isinilang ka sa mundong ito, galak na galak mga magulang mo


Sinikapnilang palakihin ka nang may dangal
Kalayaang hiningi mo,y ipinagkaloob sa iyo.

Buhay na ibinigay sa iyo, tila winalang-saysay mo

28
Nang tumikim ka ng damo narrating moy, impyerno
Nalulong ka sa masamang bisyo dahil sa kapabayaan
Sa mga magulang na nagpakasakit, ito pa ang sukli mo.

Mag-isip-isip ka di pa huli ang lahat


Humingi ka ng tawad sa magulang na naghirap
Pag-unawa’y ipagkakaloob sa iyo pagkat
Pagmamahal nila ay di magbabago.

1.Ang huling saknong ay may tonong


a.Nang-uuyam b. nagbibigay pag-asa c. nababahala d. nagsisisi

2.Ang layon ng texto ay


a.Manghikayat b. magpaliwanag c. magmulat d. magpaganap

3.Batay sa ikatlong saknong ano ang ipinahihiwatig ng narrating mo,y impyerno


a.Nalulong sa masamang bisyo c. naging masamang tao
b.Nawalan ng gana sa buhay d. nauwi ang buhay sa kamatayan

4. Aling salita sa ikalawang saknong ang nagsasaad ng pagsisimula ng pangyayari


a.Nung b. isinilang c. magulang d. galak

5.Anong panandang pandiskurso ang ginamit sa texto?


a.Palatandaan ng pagtatalakayan c. sariling pamaraan ng sumulat
b.Pagkakasunud-sunod ng kaisipan d.palatandaan ng paghahalimbawa

TEXTO 5:
Ang Wikang Filipino
Noon, itinalaga ang Tagalog bilang wikang opisyal sa unang konstitusyon ng
Pilipinas,ang Konstitusyon ng Biak na Bato (Artikulo VIII, Opisyal na Wika) ng 1897.
Sa taong 1935 itinalaga ng Konstitusyon ang Ingles at Kastila bilang mga oppisyal
na wika subalit iniatas ang pag-angkin at pagpapaunlad ng karaniwang wikang pambansa
batay sa isa sa mga buhay na katutubong wika.
Pagkatapos ng pag-aaral at talakayan, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa at
inihayag ng Pangulong Manuel L. Quezon na ang wikang Tagalog ang gagamiting batayan ng
pagpapaunlad ng wikang pambansa noong Disyembre 30, 1937. Tinawag na itong Pilipino
noong 1939. Sumunod na itinakda ng Konstitusyon 1987 ang Filipino bilang wikang
pambansang nag-aatas ng pagsulong nito at pagpapayaman. Ayon sa probisyon ng batas
ang Filipino ay midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang isang wikang pangpagtuturo sa
sistema ng edukasyunal. Sa ngayon, patuloy itong yumayabong kasama ng iba pang wika sa
Pilipinas.

1.Ang pangunahing kaisipan ng texto ay


a.pag-unlad ng Wikang Filipino c. pagbabago sa batas ng wika
b.Kasaysayan ng wikang pambansa d. lahat ng nabanggit

2.Aling pangungusap ang nagsasaad ng kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng


Pilipinas
a1 b 4 c. 5 d. 6

3.Ang panandang pandiskurso na ginamit sa ikatlong pangungusap ay


a.Pagkatapos b. pinili c. batayan d. pag-aaral

4.Ang texto ay nasa uring


a.Informativ b. narativ c. persweysiv d. eksposisyon

5.Layunin ng sumulat ng texto ang


a.Magpaliwanag b. maglarawan c. magbigay- kabatiran d. mangatwiran

Layunin: Natutukoy ang kahulugan ng mga parirala batay sa konteksto ng pagkakagamit


nito.

29
TEXTO 1:
Wala yatang bansa sa daigdig na hindi naglihi at nagsilang ng kani-
kanilang dakilang tao o pambansang bayani. Tulad n gating si Dr. Jose Rizal, ang India ay
mayroong Mohandas Karamchand Gandhi na nagpakasakit para sa mga Hindu, ang China
ay may Confucius na nagpunla hindi lamang ng pagmamahal sa bayan kundi lalo pa sa
magulang .

1.Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay


a. Ang bawat bansa ay may isinisilang na tao
b. Ang lahat ng bansa ay may ina
c. Ang bawat bansa ay may sumisibol na dakila
d. Ang lahat ng bansa ay may Rizal, Gandhi at Confucius

2. Sa ikalawang parirala na nasasalungguhitan ay nagpapahiwatig ng


a. Nagbibigay ng kaalaman
b.Nagtanim ng binhi ng halaman
c. Nagpalaganap ng kauutusan
d.Nagparami ng mga tagasunod

3.Ano ang layon ng texto?


a.Magmalaki b. magganyak c. magmulat d. pagpuri

4.Ang paksa ng talata ay


a.Ang mga bayani c. kabayanihan
b.Ang mga bansa d. paggalang sa magulang

5.Ang kaisipang nakapaloob sa talata ay


a.Pampamilya b. panlipunan c. pampamahalaan d. pansimbahan

TEXTO 2: Pagkakaroon ng Global Crisis


Ang tawag na global na krisis ay pandaigdigang paghihirap sa
pangunahing pangangailangan. Ang palatandaan ay mararamdaman sa pagkukulang sa
pagkain. Isang ‘tahimik na sunami’ na umeepekto sa mga pamilya sa bawat bansa, bawat
kontinente. Ang pagtaas ng presyo ng mga bigas, trigo at beans ay inihudyat na noong pang
nakaraang taon. Apektado ang lahat ng uri ng badjet ng tao. Ang pagpintog ng presyo ay
pagpwersa sa mga tao na manatili sa makatarungang $1 sa isang araw na gastusin ng
kanilang badjet sa pagkain. Ang resulta nito ay milyun-milyong bata ang nagugutom.

1.Ano ang kahulugan ng global na krisis?


a.Buong mundo ay naghihirap c. pagkukulang sa pagkain
b.Paghihirap ng isang kontinente d. pagtaas ng presyo ng bilihin

2. Ang ipinahihiwatig ng ‘tahimik na sunami’ sa loob ng texto ay


aKalamidad b. kagutuman c. paghihirap d. banta ng panganib

3.Ang kaisipang nakapaloob sa pagpwersa sa mga tao na manatili sa makatarungang $1 sa


isang araw na gastusin.
a.Pagpilit sa mga taong pagkasyahin sa $1 ang gastusin
b.Pagpilit sa gobyerno na maibigay ang badjet na $1 sa bawat pagkain(meal)
c.Pagpilit na ang pagkain sa isang araw ay $1
d.Pagpilit sa gobyerno na bigyang ng $1 ang bawat mamamayan

4.Ang tono ng texto ay


a.Malungkot b. naghihinakit c. nagmamakaawa d. nagpapasaring

5.Layon ng texto ang


a.Manghikayat b. magpaliwanag c. magmulat d. magpabatid

TEXTO 3;
“Datapwat sino ang tatarok kaya
sa mahal mong lihim, Diyos na dakila?
Walang mangyayari sa balat ng lupa
na di mo kaloob o Poong Bathala”

30
1.Ang pariralang ‘sa mahal mong lihim ay nagpapahiwatig ng
a.layunin ng Diyos b. gawain ng Diyos c. damdamin ng Diyos d. kapangyarihan ng Diyos

2.Ano ang kaisipang inilahad sa pahayag


a.Pampamilya b. panlipunan c. pampamahalaan d. pansimbahan

3.Ang ipinahihiwatig ng pariralang balat ng lupa


a.Buhay b. kapalaran c. daigdig d. pamilya

4.Ang kahulugan ng talinghagang nakapaloob sa taludtod ay


a.Ang Diyos ang nakaaalam ng lahat
b.Ang Diyos ay may binibiyayaan
c.Ang Diyos ay di maiintindihan
d..Ang Diyos ay may layunin sa lahat

5.Ang texto ay may tono o himig ng


a.Pagtataka b. pagdaramdam c. pagtitiwala d. paninimbang

TEXTO 4: Mga bahagi ng saknungan ng Florante at Laura


Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga pariralang nakasulat ng pahilis.

1. Ikinalubog yaring kapalaran


a. Naging sawimpalad c. di sinuwerte
b.Nalubog ang buhay d. nasira ang bukas

2.Yao’y nananaghoy dahil sa pag-ibig sa amang namatay na mapagtangkilik


a.Umiiyak dahil sa namatay na ama
b.Umiiyak dahil sa pagmamahal sa amang namatay
c.Umiiyak dahil sa pag-aaruga sa namatay na ama
d.Umiiyak dahil sa nawalang pagtangkilik

3.Napasaan ngayon ang gayong aruga sa dala kong sakit ay di maapula


a.Hinahanap niya ang gayong uri ng pagmamahal
b.Nais lunasan ang pagmamahal
c.Malunasan ng pagmamahal ang paghihirap
d.Mahirap malunasan ang sakit ng pagmamahal

4.Parang naririnig ang lagi mong wika ; tatlong araw na di magtatanaw tama
a.Maraming maaaring mangyari sa tatlong araw na di sila magkita
b.Napakatagal ng tatlong araw ng paghihintay nila
c.Naninibugho ang bawat isa kapag hindi sila nagkita
d.Sa tatlong araw ay maraming maaaring mangyari

5.“Kung kasakdalan man ng pula’t pag-ayop, tabo ko’y dakila sa puhunang pagod”
a.Hindi dapat pintasan ang kanilang tula
b.Ikinaliligaya niya ang pagpapahalaga sa tula
c.Ikinagalit niya ang paghamak sa pinaghirapang tula
d.Ang pagbuo ng tula ay mahirap at nakapapagod

6.Tapat sa puso kung lalagi sa dibdib


a.Wagas na pagmamahal ang inuukol
b.Nananatili sa isip at damdamin
c.Laging naukit sa dibdib ang pag-ibig
d.Nakaukit sa dibdib ang puso nito

7.“At kung mangyayari, hanggang sa malibing ang mga buto ko, ito’y sisintahin
a.Mahal pa rin niya ang kasintahan kahit patay na siya
b.Patuloy parin mamahalin ang kasintahan kahit patay na ito
c.Hanggang sa malibing ang pagmamahal
d.Walang makapapalit sa pagmamahal sa kasintahan

8.“sa pagkakita ko’y sabay ang paggiliw, inagaw ang pusong ina ko’y hain”
a.Nawalan ng isip si Florante

31
b.Mahal ni Florante ang kanyang ina
c.Sumaya si Florante pagkakita sa ina
d.Saglit na nalimutan niFlorante ang ina

9.“Lumagi ka nawa sa kaligayahan, sa harap ng di mo esposong katipan” ang nangusap ay


naghahangad na lumigaya ang katipan sa
a.Asawang di nagging katipan c. nagtaksil na asawa
b.Katipan ngunit di asawa d. taksil na karibal

10.“Hinamak ng aking pighati; ang matatwag kong palayaw sa akin; ang ama kong itong
aking pagliluhin”
a.Hindi nakatikim ng pagmamahal sa ama c. mahal na mahal siya ng kanyang ama
b.Pagtataksil ang iniukol sa kanyang ama d. pinagtaksilan siya ng kanyang ama

DIBISYON NG PASIG

Mga Pagsasanay sa Filipino II batay sa Kompetensi:


1.Nasusuri ang pangkalahatang impresyon ng akdang binasa
batay sa tono.
2.Nasusuri ang kaisipang inilahad sa teksto ayon sa Panlipunan.
3.Nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mag tiyak na
bahagi ng akda.
4.Naiuugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na pangyayari
kapaligiran.

Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong


binasa batay sa tono.
Basahin at Unawain ang teksto.

PAKIKIPAGKAPWA
1.Igalang natin ang ating kapwa at ipagkaloob sa kanila ang respetong dapat
nilang matamo. 2. May mga pagkakataong nakagagawa sila ng pagkukulang o pagkakamali.
3.ganoon naman talaga dahil tayong mga tao ay nilalang ng Diyos na hindi perpekto. 4.
Subalit hindi ito nangangahulugang may karapatan na tayong gumamit ng masasakit na salita
laban sa kanila. 5.kung gagawin natin ito’y tiyak na makasasakit ng damdamin. 6.Higit na
mainam kung uunawain natin sila. 7. Nang sa gayo’y makaaasa tayong higit na magiging
matamis ang samahan ng isa’t isa.

Sagutin ang mga tanong batay sa binasang teksto:


1.Anong impresyon ang nangingibabaw sa bilang 1. Sa unang talata ng teksto
batay sa tono?
A.Ang pagbibigay ng respeto sa ating kapwa.
B.Ang pagtulong at pagmamahal sa kapwa.
C.Ang paggalang at pagrespesto sa kapwa.
Dang pag-unawa at pagtulong sa kapwa.

2.Ang teksto ay may himig ng;


A.pangangaral C.pagsusumamo
B.pag-uutos D.pagpapa-alala

3.Alin sa mga sumusunod na impresyon ang hindi kaugnay sa tekstong binasa.

32
A.Dapat na igalang natin at irespeto ang kapwa.
B.Iwasang magbitiw ng mga salitang makasasakit.
C.Hayaan natin na may taong magalit sa atin.
D.Sikaping magkaroon ng mabuting pakikitungo sa kapwa.

4.Ang pangunahing impresyon sa kabuuan ng tekstong binasa ayon sa tono ay;


A.Matuto tayong magmahal.
B.Maging perpekto tayo sa kapwa.
C.Maging mabait at magalang tayo.
D.Isa-alang-alang natin sa lahat ng pagkakataon
ang damdamin ng ating kapwa.

Kasanayan:Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong


binasa batay sa tono.

Basahin at Unawain ang Teksto:

Edukasyon ang itinuturing na pinakamahalagang yamang maaaring taglayin ng


isang tao. 2. Pina-uunlad nito ang buhay saka ang sistema sa lipunan. 3.pagkatapos
inihahanda nito ang mamamayan sa pagharap nila sa mga gawain at tungkuling dapat
gampanan di lamang sa kanyang sarili kundi maging sa lipunan at sa bansang
pinaglilingkuran.4.Hinuhubog ng edukasyon ang pagkatao ng isang nilalang upang
siya’y maging produktibong mamamayan. 5. Anupa’t lahat ng nasimulan sa tahanan
ukol sa pagtuturo ng mga magulang ng magandang asal ay ipagpapatuloy sa
paaralan. 6. Subalit may mga pagkakataong di natutupad ang ganito. 7. Ang mga
magulang ay nabibigo sa kanilang mabuting hangad sa mga anak kaya’t sila’y
nakadarama ng matinding kabiguan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1.Ang huling talata na may bilang 7 ay may tono ng;
A.nagtataka C.nagagalit
B.nanghihinayang D.nagtatawa
..
2.Ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa ay;
A.pag-aaruga ng magulang
B.pagtungo sa paaralan nang regular
C.pag-aaral ng mataas na aralin
D.pagtutuon sa ugali at edukasyon ng kabataan

3.Sa kabuuan,ang pangkalahatang impresyong nakapaloob sa teksto ay;


A.nagsesermon C.nangungunsensya
B.nagpapa-alala D.nambabatikos

Kasanayan : Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong sa


binasa ayon sa tono.
Basahin at Unawain ang teksto:

Sa isang kabataan na tulad ko, na ang inaasam sa buhay ay ang pag-unlad ng


aking kinabukasan at ang magkaroon ng kasiguruhan tungo sa isang malinis at matiwasay na
pamumuhay,malayo sa tukso ng kapusukan at mga gawain ng kaguluhan,Mas nanaisin ko
pang ilaan ang labis kong panahon sa paggawa ng mga bagay na may pakinabang sa aming
komunidad. kaysa igumon ang aking sarili sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot at
hayaang patalo sa sakit ng bayan.
Kaya nga dapat tayong magkaroon ng isang kongkretong proyekto.
Pangmatagalan na naglalayong paunlarin ang lakas at isipan taglay ng mga
kabataan nang sa ganoon ay aming mapaglabanan ang mga suliraning ganito.
Naniniwala ako na ang katatagan ng isang bansa ay wala sa kung anong klase ng
pamamahala mayroon tayo, kundi sa kung anong klase ng kabataan mayroon tayo.na sa
bandang huli ay siyang mamumuno sa ating bansa.

Sagutin ang mga tanong:


1.Ipinaliliwanag sa teksto na;
A.Ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan
B.Dapat na pahalagahan ng mag-aaral ang pag-aaral

33
C.May tungkulin ang magulang sa mga anak.
D.Ang paggawa ng mabuting gawain ng isang kabataan
para sa bayan.

2.Ang kabuuang impresyong nakapaloob sa teksto ay;


A.Damdamin ng isang kabataang nagmamalasakit sa bayan.
B.Pagmamahal ng isang kabataan sa kanyang magulang
C.Hangarin ng isang kabataan na magtagumpay sa buhay
D.Paniniwala ng isang kabaatan sa pagtamo niya ng tagumpay.

3.Ang teksto ay nasa himig na;


A.nagtatampo C.nagmamalasakit
B.umaasa D.nagtitiwala

4.Kapansin-pansin na ang teksto ay may himig na;


A.nangngatwiran C.nagpapaliwanag
B.nagsasalaysay D.naglalarawan

Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon ng binasang


teksto batay sa tono.
Basahin at Unawain ang Teksto:
KRIMEN

1.Laganap na ang iba’t ibang krimen sa Pilipinas. 2.Tulad ng


kidnapping,carnapping,rape,pagnanakaw,pagpatay,at iba pa.Subalit bakit nga ba
nagkakaroon ng ganito?Ano ang pinagmumulan?at paano ito masusugpo?
3.Alam nating maraming naghihirap at mahihirap ngayon.4.kaya ang tao ay nakapag-
iisip at nakagagawa ng di mabuti mabuhay lamang sa mundong kanyang ginagalawan.
5.Gaya ng kidnapping,minsan kamag-anak o mismong kamag-anak ang kumikidnap upang
ipatubos sa mga magulang nito.6.Ang pagnanakaw ng mga sasakyan upang maibenta.may
bukas kotse gang na kadalasan ay nakikipaghabulan sa mga may kapangyarihan.7.Ang
panggagahasa na nagagawa dahil sa tawag ng laman,ang pagnanakaw,holdapan,at
pagpatay ang mga pangit na larawan ng ating lipunan.
7.Sa kabila ng lahat ay dapat na mag-ingat.sapagkat kahit saan ka ay di maiiwasan
ang krimen. 8.Dapat ay huwag tayong magtiwala kaagad sa taong di kilala sapagkat marami
ang mapapahamak,dapat ay maging alisto sa lahat ng oras babae man o lalaki.
9.At upang masugpo ang mga ito ay dapat na tumutulong sa pamahalaan sa
pagpapatupad ng ating mga batas.Kung magagawa ito,mapapadali ang pagsugpo o
pagsawata sa mga krimen.

Sagutin ang mga tanong:


1.Ano ang pangunahing impresyong hatid sa pangungusap bilang 3 at 4?
A.May krimen na nakakasagabal sa bansa.
B.Napapanahon ang krimen sa buhay ng tao.
C.Marami ang taong ginagawang libangan ang bisyo.
D.Marami ang naghihikahos na tao kaya’t nakakagawa
ng krimen.

2.Ang teksto ay may himig na;


A.natutuwa C.nalulungkot
B.nananakot D.nangangamba

3.Ang pangkalahatang impresyong nakapaloob sa binasang teksto


batay sa tono;
A.Malulutas ang krimen kung lahat ay makikipagtulungan.
B.Malulutas ang krimen kung darakpin ang salarin.
C.Malala na ang krimen sa Pilipinas.
D.May pag-asa pang malutas ang krimen sa Pilipinas.
Kasanayan: Nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mga tiyak na bahagi ng akda.

( Ang Kawayan, ni Pedro B. Rodriguez )


A. “Tungkod na paggaod sa laot ng buhay”, ang linyang ito sa ikaapat na saknong ay
nagpapakita ng imaheng;
A. Kasipagan

34
B.Pagtitiyaga
C.Pagsisikap
D.Pagsuko

2. Dumami ang buko,katawa`y bumilog


Hanggang isang araw, kay taas, kay tayog.
Ang tinutukoy ng imaheng may salungguhit sa dalawang taludtod ay;
A. Pagbabago ng anyo
B.Pag-unlad ng kapaligiran
C.Pag-iiba ng kalikasan
D.Natural na katangian ng kapaligiran

3. Ang matulaing imahe na maaaring mabuo “sa likod ng ulap may tuwang
Kapalit”.
A. kapayapaan pagkatapos ng kaguluhan
B. tagumpay sa hinaharap
C. magandang pamumuhay
D. pag-asa sa kinabukasan

4. Sa pahayag na, “humilig sa timog ang punong kawayan” ay maaring mailarawan sa


buhay ng tao. Ito ay naaayon sa imaheng biswal na;
A. kalungkutan sa buhay
B. kabiguan sa gitna ng tagumpay
C. hindi mga inaasahang pangyayari
D. natural na pagbabago sa katauhan

May isang dalagang maganda’tmarilag


Lahat ng naisi’y natatamong lahat
Subalit nang minsang limutin ng liyag
Ay lason ang kanyang pahimakas
(Ang Buhay ni Amado V. Hernanadez)

5. Sa anong saknong nagpapakita ng imahe ng taong nais magtagumpay sa buhay?


A. unang saknong
B. ikalawang saknong
C. ikatlong saknong
D. ikaapat na saknong

6. Ang biswal na nakapaloob sa ikatlong taludtod ay;


A. pagtalikod sa sumpaan
B. paglimot sa minamahal
C. paglisan sa kasunduan
D. pag-ayaw sa sinisinta

7. Ang pariralang may salungguhit na punlo ang lumagot, ay may larawang diwa
ng;
A. magandang pangyayari
B. marahas na hakbang
C. pagkukunwari sa nararamdaman
D.. pagtatalo ng isip

8. Ang larawang diwa sa pariralang “tuwing nagdarasal sa Mahal na Poon”


ay nagpapakita ng;
A. pagtitiwala sa Diyos
B. taimtim na panalangin
C. Pagsusumamo sa panginoon
D. Katangian ng taong madasalin

“Madaling isilang ang tao sa mundo,


Madaling mabuhay ng masamang damo
Subalit ang laging bilin ng nuno ko
“Atong,sikapin mong ika`y maging tao.”

35
9. Anong imahe ang nakapaloob sa may salungguhit na taludtod?
a. karaniwang pamumuhay
b. nabubuhay sa tulong ng iba
c. mahirap na buhay
d. masamang paraan ng kabuhayan

Karaniwang tao ay buhay-alamang,


Ngunit magiting ding nagsasapalaran;
Binibigyang matwid na ang asong buhay
Higit na mabuti kaysa haring patay.

10. Sa anong linya ng saknong mabubuo ang larawan ng mahirap na buhay?


A. unang linya
B. ikalawang linya
C. ikatlong linya
D. ikaapat na linya

11. Sa anong parirala naipapakita ang imahe ng pagiging matatag at matapang?


(Batay sa nasa itaas na saknong ng tula)
A. panahon na upang kumilos
B. palitan na ang bahay
C. gibain bago tuluyang mabulok
D. para sa iyong mga anak

12. Maguguho ang libong pag-asa at ang mga pangarap na pinakahihintay


1 2
ng kahit sinuman. Sa anong salita o parirala makikita ang larawan ng
3
kalungkutan?
A. 3 C.2
B.1 D.1 at 3

13. “Baguhin mo ang iyong pamumuhay-tapangan ang loob , Umunawa`t magpahalaga.”


Maiuugnay ang imaheng biswal sa pahayag na;
A. pagtigil sa pag-aaral
B. tumutulong sa pamayanan
C. pagsama sa maling kaibigan
D. pagtatrabaho sa gitna ng pag-aaral

14. “Juan, panahon na upang kumilos”. Ang larawang nakapaloob sa pahayag ay;
A. pagtulong C.pangungumbinsi
b. pagbibigay opinyon D.panghihikayat

15 Ang imaheng nais palutangin ng nagsasalita sa pahayag, “Juan, panahon na upang


kumilos” ay;
A. pagsisikap para sa ikabubuti
B. Masaganang pamumuhay
C. Masayang pamilya
D. pagbabago para sa ikauunlad

Florante at Laura

Sa loob at labas ng bayan kong sawi


Kaliluhay siyang nangyayaring hari
Kagalingat bait ay nalulugami
Ininis ang buhay ng dusa`t pighati.

16. Ang matulaing imahe na maaring mabuo mula sa saknong ay isang bansang:
A. maayos at payapa
B. magulo at walang direksyon
C. pinaghaharian ng kasakiman at kaguluhan
D. Pinamumunuan ng isang sakim na pinuno

36
Katiwala ako`t ang iyong kariktan
Kapilas ng langit anaki`y matibay,
Tapat na puso mo`t din a gunamgunam
Na ang paglililo`y nasa kagandahan.

17. Sa anong linya sa saknong naipapakita ang larawan ng taong walang tiwala sa
minamahal?
A. unang linya C.pangatlong linya
B.. pangalawang linya D.pang-apat na linya

18. Aling linya ang nagpapakita ng larawan ng isang taong mapanghusga?


A. Unang linya C.pangatlong linya
B. pangalawang linya D.pang-apat na linya

19. Anong imaheng biswal ang nais ipakita ng pariralang “ Paraisong kaysarap tirahan” ayon
sa gamit nito?
A. lugar na tahimik at tinitirahan ng isang pamilya
B. lugar na pinaninirahan ng mga katutubo
C. Lugar na mapayapa at mayaman sa likas na yaman
D. Lugar na may panandaliang libangan

20. “Hindi mapigilan ang mabilis na pag-inog ng mundo”, anong imahe ang maaaring
may kaugnayan sa pahayag?
A. pagputol sa puno
B. pagbabago ng klima
C. Nagtataasang mga gusali
D. malaking populasyon

Siyang pamimitak at kusang nagsabog


Ng ningning ang talang kaagaw ni Venus
Anaki ay umahon sa bubog,
buhok ay naglugay sa perlas na batok.

21. Anong matulaing imahe ang mabubuo sa binasang saknong?


A. kahali-halinang dalaga
B. isang Diyosa sa kagandahan
C. kapuri-puring babae
D. isang babae na puno ng kariktan

Nanlisik ang mata`t ang ipinagsaysay


Ay hindi ang ditsong nasa orihinal
Kung ang winika`y ikaw na umagaw
Ng kapusukan ko`y dapat kang mamatay.

22. Anong tinutukoy ng imaheng may salungguhit sa saknong?


A. magandang pakikiharap
B. marahas na hakbang
C. pagkukunwari sa pakikitungo
D. pagbabago ng isip

Ang laki sa layaw karaniwa`y hubad


Sa bait at muni sa hatol ay salat
Masaklap na bunga ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog na anak.

23. Anong larawang mabubuo mula sa pariralang may salungguhit?


A. anak na suwail\
B. kabataang sakit ng lipunan
C. Problemadong mga magulang
D. magulong pamayanan

May sambuwang halos na di makakain


Luha sa mata ko`y di mapigil-pigil

37
Ngunit mapayapa sa laging pag-aliw
Ng bunying maestrong may kupkop sa akin.

24. Aling matulaing imahe ang mabubuo sa saknong?


A. batang walang ganang kumain at nangangailangan ng kukupkop
B. batang laging umiiyak sa pagkain
C. batang maagang napawalay sa mga magulang na inaliw ng guro
D. batang nahihirapang makibagay sa kanyang kapaligiran

Kaya pala gayo`y ang nawawagayway,


Sa kuta`y hindi na bandilang binyagan,
Kundi medialuna`t reyno`y nasalakay
Ni Alading salot ng pasuking bayan.

25.Ano ang mabubuong imahe?


A. bagong bayan C.masayang bayan
B.talunang bayan D.maunlad na bayan

Kasanayan: Nasusuri ang mga kaisipang inilahad sa akda ayon


lipunan.

Basahin at Unawain ang Teksto:


(1)Si Sen. Ejercito ay namumuo sa komite ng Youth, Women and Family Relations.
(2)Ang hindi alam ng marami ay masahol pa ang pinagdaraanan ng isang babaeng
psychologically abused kaysa physically abused. (3)Malaki at malalim ang ipinagbabago ng
babae. Ang totoo kung pinapayagan ng babae na tuluyan siyang abusuhin ng kanyang
asawa, nawawalan na siya ng sariling pagkatao at nagiging sunud-sunuran. (5)Kung ang
damadamin niya ay manhid na,tanggap na niya ang pang-aabuso ng asawa.

Sagutin ang mga tanong:


1.Ano ang kaisipang nakapaloob sa pangungusap bilang dalawa?
A. Higit na masaklap ang nararanasan ng babaeng inaabusong pisikal
B. Higit na masaklap ang nararanasan ng babaeng inaabusong mental
C. Maraming kababaehan ngayon na physically abused.
D. Dapat lumaban na rin ang mga babae ngayon na biktima ng pang-
aabuso.

2. Anong kaisipan ang nangingibabaw sa teksto?


A. Marami pang martir sa mundo
B. Lumaban ang mga kababaihan
C. Matutong magtiis ang mga kababaihan.
D. Walang mang-aapi kung walang magpapaapi

3. Ano ang pangkalahatang kaisipan ang nakapaloob sa teksto?


A. Maraming kababaihan ang pumapayag na abusuhin ng kanilang
asawa.
B. Maraming babae ang nagbabago dahil sa pang-aabuso
C. Si Sen. Loi Ejercito ang pinuno ng komite ng Youth,Women and Family
Relations
D.Hindi alam ng marami ang pang-aabusong pinagdaraanan ng mga
babae.

Kasanayan: Nasusuri ang kaisipang inilahad sa akda ayon sa


Panlipunan.

Basahin at Unawain ang Teksto:


1.Ang sukatan ng magandang pakikipagkapwa-tao para sa mga Pilipino ay pakikisama
o pakikibagay. 2. Ang Pilipino ay maramdamin. 3. Masyado siyang sensitibo sa
kahihiyan,kung kaya’t hangga’t maaari huwag mo siyang hihiyain sa harap ng mga tao. 4.
Paggalang ang isang mahalagang aspeto ng pakikpagkapwa-tao.5. Isaalang-alang din ang
karapatan sapagkat ang kasinungalinganang siyang kamandag na lumalason sa isang
kanais-nais na pakikipag-ugnayan sa kapwa. 6. Mahalaga rin ang pagbibigayan,hindi

38
pumupula at hindi pagmamataas. 7. Magbigay ka upang pagbigyan ka rin. 8.Huwag kang
maghahatol upang hindi ka rin hatulan. 9.Huwag kang magmataas upang ikaw ay
pagkatiwalaan.

Sagutin ang mga Tanong:


1.Ang pangunahing kaisipan ay matatagpuan sa;
A.unahan C.unahan at hulihan
B.hulihan D.gitna

2.Ang kaisipang nakapaloob sa pangungusap 2 at 3 ay ;


A.Tunay na mahiyain ang mga Pilipino.
B.Likas sa mga Pilipino ang gumawa sa sarili.
C.Likas sa Pilipino ang mahiyain at sensitibo.
D.Mahiyain ang Pilipino kaya’t ayaw na sila’y
mapahiya sa iba.

3.Ang pangkalahatang kaisipang nailahad sa kabuuan ng teksto ay;


A.Ang mabuting ugali,gawi,ay mainam upang magkaroon ng mabuting pakikpagkapwa-tao.
B.Ang taong may mabuting gawa may maayos na pamumuhay.
C.Makipagkapwa-tao ka,nang may matutunan ka sa buhay.
D.Tunay na masarap ang mabuhay nang payapa ang isip.

Kasanayan:Nasusuri ang kaisipang inilahad sa teksto ayon sa


Panlipunan.
Basahin at Unawain ang Teksto:
(1)Maraming senaryo na tayong nasaksihan kung paano nilapastangan ang
paraisong kaloob ng Maykapal. (2)Napaluha na rin tayo sa mga nasabing senaryo.
(3)Magkatuwang ang tao at kapaligiran sa pagkamit ng kaunlaran. (4)May kakayanan ang
taong harapin ang suliranin at kakayahang lumutas sa mga suliranin sa kapaligiran.
(5)Pagyamanin at di patayin ang likas na yamang kaloob ng Diyos sa atin. (6)Laging isaisip
na may ginto sa paligid na dapat pahalagahan.

Sagutin ang mga tanong:


A. Ano ang kaisipang nakapaloob sa una at ikalawang pangungusap?
A. Naiiyak ang lahat sa mga nangyayari sa kapaligiran.
B. Nasaksihan natin ang kagandahan ng kapaligiran
C. Napakaraming pagkakataon na nilapastangan ang likas na yaman.
D. May kakayanan ang tao na lapastanganin ang kapaligiran.

2. Ano ang kaisipang nakapaloob sa ikatlo at ikaapat na pangungusap?


A. Ang tao ang sumisira sa kapaligiran
B. Pagyamanin ang likas na yaman
C. Hanapin natin ang ginto sa kapaligiran
D. Kailangan ng tao ang likas na yaman upang umunlad

3. Sa kabuuan, ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?


A. Pagyamanin at alagaan ang likas na yaman.
B. May ginto sa paligid na dapat hanapin.
C. Nawawasak na ang kapaligiran natin.
D. Naiiyak tayo kapag nakikita nating nawawasak ang paligid.

kasanayan: Nasusuri ang kaisipang inilahad sa teksto ayon sa


Panlipunan.
Basahin at Unawain ang Teksto:
1.Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang na
kailanman ay di mananakaw ninuman. 2. Kaya naman sa halos lahat ng dako ng Pilippinas
ay binibigyang pansin ang bagay na ito.
3.Isa sa mga bansa sa Asya na m.ay malaking pagpapahalaga sa edukasyon ang
bansang Israel. 4. Sa katunayan ay maagang nagsisimula ng edukasyon ang mga Hudyo.5.
Marami rin silang kaugaliang sinusunod tulad ng paghalik sa aklat bago mag-aral at ang
pagpatak ng luha sa unang pahina sa pagsisimula ng pagbabasa. 6.Ang pag-aaral ng batas
at Torah ay kanilang mga inspirasyon.7.Libre ang pagpasok sa paaralang elementary at

39
sekundarya sa kanila. 8.Ang kanilang lipi nga ang isa sa may pinakamataas na literasi sa
mundo
9.Kaya naman di nakapagtataka na sa kabila ng maraming pagsubok na dumarating
sa kanilang bansa ay nasosolusyunan pa rin nila ang mga ito.

Sagutin ang mga tanong:


1.Alin sa sumusunod na kaispan ang ipinahahayag sa unang talata?
A.Dapat mag-aral an glahat ng Pilipino.
B.Bawal magbulakbol ang isang estudyante.
C.Napakahalaga ng edukasyon para sa lahat, dahil hindi ito nawawala.
D.Mapalad tayong mga nangag-aaral dahil sa pagkakaroon ng matiyagang magulang.

2.Ayon sa ikatlo hanggang sa huling bahagi ng talata sinasabi na;


A.Walang mangmang sa bansang Israel.
B.Ang bansang Israel ay nasa kontinente ng Asya.
C.Malaki ang pagpapahalaga ng mga Hudyo sa edukasyon.
D.Kapag mataas ang literasi ng mga mamamayan sa isang bansa
madaling nalulutas anumang problema ang dumating.

3.Alin sa mga kaisipan ang di kabilang sa tekstong binasa?


A.Malaki ang pagpapahalaga ng bansang Israel sa edukasyon.
B.Sapat na lamang sa asyanong bansa ang makapag-aral.
C.Sadyang ang edukasyon ay suliranin sa bansang isarel.
D.Talagang yaman ng tao ang edukasyon.

Kasanayan: Nasusuri ang kaisipang inilahad sa teksto batay sa


Panlipunan.
Basahin at Unawain ang Teksto:
1.Hindi biro ang problema sa ilegal na droga sa bansa. 2.Kung di mapuputol ang
kasamaan ng mga sindikato ng droga,patuloy ang pagtaas ng krimen.
3.Ang mas naka-aalarma ay ang pagdami ng mga kabataang nalululong sa ilegal
na droga.4.Hindi lamang mga propesyonal,basketbolista,artista,pulis,at drayber ang lulong sa
ipinagbabawal na gamot pati na ang mga kabataan.
5.Natuklasan na laganap ang ganitong gawain lalo’t higit sa mga kabataang walang
sapat na patnubay ng kanilang mga magulang.6.Ang mga kabataang nagiging biktima ng
ganitong pangyayari ay tunay na nakababahala.7.Subalit kanino nga ba dapat isisi ang
ganitong kapalaran ng mga kabataang ito?Marahil higit kaninuman ang mga magulang ang
siyang dapat na gumagabay sa kanilang mga anak.8.Tungkulin nila na ang kanilang mga
anak ay bigyan ng maayos,at tahimik na pamumuhay nang sa gayon madama ng mga
kabataang ito, na may mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanila.
Sagutin ang mga Tanong:
1.Ang nangingibabaw na kaisipan sa tekstong binasa ay;

A.Ang droga ang pangunahing suliranin ng lipunan.


B.Ang droga ay sadyang nakasisira ng buhay.
C.Magulang ang gabay ng mga kabataan.
D.Iwasan ang paggamit ng droga.

2.Ayon sa pangungusap bilang 4 ang kaisipang nakapaloob ditto ay;


A.Ang droga ay walang pinipiling biktima.
B.Ang droga ay makikita kahit saan.
C. Ang droga ay pangmayaman lamang.
D.Ang droga ay sa mahirap lamang

3.Ang kaisipang nakapaloob sa pangungusap bilang 8 ay;


A.Ang lahat ay may pananagutan.
B.Ang paaralan ang may pananagutan sa kabataan.
C.Ang magulang ang tanging higit na kailangang gumabay sa
kanilang mga anak.
D.Ang mga kabataan ang tutulong sa kanilang sarili para sa kanilang
kinabukasan.
.

40
Kasanayan:Naiuugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na
pangyayari sa kapaligiran.

Basahin at Unawain ang teksto


Ang Pilipinas ay sadyang mayaman sa biyayang dagat.Ayon sa awtoridad,ang
lawak ng yamang tubig sa bansa ay umaabot sa 1.33 milyon metro kuwadrado.Ang mga ito
ay binubuo ng ilog,batis,sapa, look at latian.Ang likas na yamang ito’y pinagkukunan ng isda
at iba pang mga lamang-dagat.Maraming Pilipino ang umaasa sa pangingisda.Kung ang mga
dagat ay di mapangangalagaan,marami ang maapektuhan.Maaaring maubos ang mga isda
at lamang –dagat,at ang ibubunga nito ay malaking kakulangan ng pagkain.
Upang mapa-unlad ang mga biyayang dagat,dapat iwasan ang paggamit ng
dinamita.Ang pamahalaan ay nagpalabas ng kautusan tungkol sa hatid na parusahan sa
sinumang gagamit ng dinamita sa pangingisda.Ipinagbabawal ang paggamit ng mga pinong
lambat.Ipinagbabawal sa mga pabrika sa tabing-dagat o ilog na magtapon ng dumi at langis
sa tubig. Nag-alok din ang pamahalaan ng mga pagsasanay sa wastong paggamit ng
karagatan.

Sagutin ang mga tanong:


1.Ang pagmamalasakit sa yamahg-tubig ay mahalaga sapagkat;
A.Ito ay nilikha ng Diyos.
B.ito ang malaking bahagi ng Pilipinas.
C.Ito ay masagana sa yaman.
D.ito ang pinagkukuhanan ng mga yamang pantawid ng buhay.

2.Kung ang bawat mamamayan ay matututong gumamit ng yamang –dagat


A.Mapalalago pa natin ang yamang ito ng bansa.
B.Mababago ang pananaw natin sa buhay.
C.Sisikat ang mga mamamayan.
D.Madaragdagan ang yamang-tubig.

3. Upang mapangalagaan ang lahat ng yamang-tubig ng bansa dapat na;


A.magpatupad ng tiyak na kaparusahan sa sinumang lalabag.
B.pagbabawalan na muli ang sinumang nahuli.
C.pagsasabihan na lamang ang taong nahuli.
D.gamitan ng kamay na bakal ang lalabag.

4.Ang implikasyon ng pagigng mabuting mamamayan para sa pagmamahal


sa likas na yaman ay:
A.Iniisip ang kapakanan ng nakararami.
B.marunong magpahalaga sa likas na yaman.
C.nakikiisa sa proyektong pangkalikasan ng bansa.
D.nagpapatayo ng mga gusali sa kabundukan at karagatan.

Kasanayan:Naiuugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na pangyayari


sa kapaligiran.
Basahin at Unawain ang Teksto:
Kapaligiran..........Saan ka Patungo?
1.Sa pagdami ng tao,maraming suliranin ang nagaganap sa kapaligiran.2.nariyan
ang nakaiinis na suliranin sa polusyon. 3. Kailangan ang malaking produksyon kaya’t
sinusubok ang iba’t ibang paraang di-mabuti sa lupang pinagtataniman.
4.Palasak tuloy ang pagtatambak ng mga patabang kemikal sa pagbobomba ng mga
pamatay-insekto sa mga bukid na nakalalason sa lupa at kapaligiran.5.Apektado ang mga
mamamayan sa ganitong gawain. 6.Sa katunayan,inoobserbahan sa maraming lugar na ang
pagkamatay ng mga ibon tulad ng pelican, agila at jalcon ay dahil sa dami ng dichloropenyl
trichlorocthane
na nasasagap sa kapaligiran.
7. Isa itong uri ng pamatay-insekto na karaniwang ginagamit sa mga pananim sa
bukid. 8.patunay lamang na laganap na ang lason sa kapaligiran. 9.Lason itong nakaaapekto
sa kalusugan ng tao 10 .Hindi ba’t marami na ang may sakit sa repiratori?Ang ganitong
paglapastangan ng tao sa kapaligiran ay makapapahamak ng nakararami.11. Unti-unti
mauubos ang mga biyayang gintong ipinagkaloob ng Maykapal.

Sagutin ang mga Tanong:

41
1.Ayon sa lumalalang kalagayan ng kapaligiran
Alin sa mga sumusunod ang dapat na isaalang-alang?
A.Bantayan sa tuwina ang kapaligiran.
B.Ipagbawal ang paggamit ng nakamamatay na kemikal.
C.Turuan ang mga mamamayan ng tamang paraan ng pangangalaga ng kapaligiran.
D.Parusahan ang lumalabag sa batas na pinaiiral ukol sa pagpapahalaga sa
kalikasan.

2.Anong implikasyon sa kapaligiran ang makikita


sa binasang teksto?
A.marami ang magsasakripisyo dahil sa maling paraan ng pag-unlad.
B.Unti-unti nang nawawala ang likas na yaman.
C.nakasisira ng kapaligiran ang mga imbensyon.
D.masama ang sobrang maraming alam.

3.Dahil sa patuloy na pagdami ng tao ang implikasyon nito sa kapaligiran ay;


A.Darami ang mawawalan ng hanapbuhay.
B.Darami ang suliraning pangkapaligiran.
C.Dadagsa ang darayong dayuhan sa bansa.
D.Uunlad ang bansa sa larangan ng teknolohiya.

4.Ang implikasyon ng paggamit ng mga kemikal sa kapaligiran ay;


A.Lalaganap ang iba’t-ibang sakit.
B.Lalaganap ang polusyon sa kapaligiran.
C.Lalago ang mga halaman sa kapaligiran.
D.Darami ang matututo ng pagtatanim.

Basahin at Unawain ang Teksto:


1.Tunay na kailangan natin ang teknolohiya sa pagpapa-unlad ng isang
bansa.ngunit kailangang bigyan ng atensyon ang peligrong dala nito.Ito’y ang paglikha ng
teknolohikal na pag-iisip.
2.Sinasabing hindi nito pinahihintulutan ang indibidwal na kwestiyunin ang
sistema.Ito ang nagtulak kay Hitler na magsagawa ng mga brutal na eksperimento
sa tao.3.Nakalulungkot na isipin subalit maraming unibersidad sa Pilipinas ang labis na
nagbibigay importansya sa teknolohiya.At ang masaklap,ang itinuturo ay Western
Technology.Subalit hindi ito kasagutan sa ating mga problema. 4.Totoo ngang iba’t iba ang
mukha ng teknolohiya,maaari itong maging kapaki-pakinabang o walang silbi.mapanlikha o
mapangwasak.Lahat ng ito’y nakasalalay sa ating mga kamay.

Sagutin ang mga Tanong:


1.Ano ang maaaring maging implikasyon sa kapaligiran ng maling pagtanggap
sa teknolohiya.?
A.Maraming yayamang tao.
B.Dadami ang maling eksperimento.
C.Nawawalan ng saysay ang mga teknonlohiyang isinasagawa.
D.May mga peligrong hatid ng mga ito.

2.Ano ang magiging implikasyon sa ating kapaligiran sa paggamit ng


Teknolohiya.?
A.Magiging peligro ito.
B.Magkakaroon ng pagbabago
C.Uunlad ang bansa sa larangan ng teknolohiya.
D.May masisira at mabubuo sa pagtanggap natin ng teknolohiya.

3.Ang negatibong implikasyon ng tekstong binasa sa kapaligiran ay;


A.Umaasa tayo sa mga isip ng dayuhan.
B.Di na napapahalagahan kung alin ang dapat na unahin.
C.Madali tayong masilaw sa mga pangako ng dayuhan.
D.Higit na tinututukan ang mga paglikha ng mga robot.

4.Uunlad ang isang bansa dahil sa paggamit ng teknolohiya.


Ang implikasyon nito ay;

42
A.magiging robot na ang tao.
B.uunlad ang bansa sa larangan ng teknolohiya.
C.sisikat ang bansa sa buong mundo.
D.madaragdagan ang mga imbensyon gamit ang teknonlohiya.

Basahin at Unawain ang teksto:


1.Edukasyon ang itinuturing na pinakamahalagang yamang maaaring taglayin ng
isang tao. 2.Pina-uunlad nito ang buhay saka binabago nito ang sistema sa lipunan.
3.Pagkatapos inihahanda nito ang mga mamamayan sa pagharap nila sa mga Gawain. At
tungkuling dapat gampanan di lamang sa kanyang sarili kundi maging sa lipunan at sa
bansang pinaglilingkuran.4. hinuhubog ng edukasyon ang pagkatao ng isang nilalang upang
siya’y
maging produktibong mamamayan.
5.Anupa’t lahat ng nasimulan sa tahanan ukol sa pagtuturo ng mga magulang ng
magandang asal ay ipinagpapatuloy sa paaralan.6.Subalit may mga pagkakataon na hindi
natutupad ang ganito.7.Ang mga magulang ay nabibigo sa kanilang mabuting hangad sa mga
anak kaya’t sila’y nakadarama na matinding kabiuguan.
8.Sila ay mahal ng magulang kaya naman ang mga anak minsan ay naliligaw ng
landas dahil na rin sa maling pagpapasunod ng mga magulang.
9.Subalit anuman ang mangyari,ang edukasyon at tahanan ay magkatuwang sa paghubog ng
pagkatao ng mga kabataan.

Sagutin ang mga Tanong:


1.Ayon sa pangungusap 2, sinasabing pinauunlad nito ang buhay at binabago
ang sistema sa lipunan.
A.magkakaroon ng magandang hanapbuhay.
B.umuunlad ang kabuhayan
C.nagkakaroon ng malawak na kaalaman
D.magiging matalino ang mamamayan.

2.Sa pangungusap bilang 5 isinasaad na nasimulan sa tahanan ang ukol sa pagtuturo.ng


magulang ng magandang-asal.Ang implikasyon nito ay;
A.Magulang ang taga hubog ng magandang –asal.
B.Magulang ang magtuturo sa mga anak.
C.magulang ang nagpapaaral sa mga anak.
D.Magulang ang itinuturing na ilaw ng tahanan.

3.Ayon sa pangungusap bilang 7 ,ang mga magulang ay nabibigo at nakadarama


ng matinding kalungkutan.
A.naliligaw ng landas ang mga anak.
B.nag-aasawa ng maaga ang mga anak.
C.nakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.
D.Hindi marunong pumili ng mga kaibigan.

4.Ang Edukasyon ay pinakamahalagang yamang taglay ng isang tao.


Ano ang implikasyon nito sa lipunan?
A.Magiging maayos at maunlad ang buhay ng isang tao.
B.Makapag-aasawa ng mayamang tao ang may pinag-aralan.
C.Makapupunta sa lahat ng lugar ang may pinag-araln.
D.Makapamumuhay ka ng buhay mayaman.

43
DIBISYON NG MAKATI

Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod.

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Teksto 1
Tagumpay , Paano Mo Ito Makakamit?
1. Para sa maraming tao, matagumpay ka kung sikat ka, mayaman o
maimpluwensiya. 2. Ngunit ang mga ito ba ang sukatan ng tunay na tagumpay? 3. May anim
na susi sa tagumpay.4. Una,magkaroon ng tamang pangmalas sa pera. 5. Pangalawa,
maging bukas-palad ka. 6. Pangatlo, maging mapagpatawad tayo. 7. Susunod, sumunod sa
mga pamantayan ng Diyos. 8. Pagkatapos, magpakita tayo ng walang hanggang pag-iimbot
na pag-ibig at sa huli’y maging palaisip sa iyong ispiritwal na mga pangangailangan. Ang
anim na simulaing ito ng Bibliya ang tutulong sa atin upang magtagumpay sa buhay.

1. Anong salita sa ikaapat na pangungusap ang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng


mga ideya?
A. una B. magkaroon C. tamang D.
pangmalas

2. Sa pangungusap bilang 5 ginamit ang salitang ________ upang ipakita na iyon ang
kasunod na ideya ng talata.
A. maging B. bukas-palad C. pangalawa D. ka

3. Ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng ideya sa pangungusap bilang 6 ay


A. maging B. pangatlo C. mapagpatawad D. tayo

4. Anong salita ang ginamit sa ikapitong pangungusap na nag-uutos sa pagsunod sa mga


pamantayan ng Diyos?

44
A. susunod B. una C. sa huli D.
pagkatapos

5. Aling salita ang nagsasaad na ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya sa talata ay


winawakasan na?
A. pagkatapos B. sa huli’y C. hanggang D.
magpakita

Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod.

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Teksto 2
Website…Tulong o Banta?
1. Website…ano ito? 2. Koleksiyon ito ng mga impormasyon sa internet na ginawa at
ginagamit ng mga organisasyong institusyong pag-edukasyon, pangnegosyo at ng mga
indibidwal. 3. Nakaeengganyo ito. 4. Una, milyun-milyong site ang mapupuntahan ng mga
kabataan para mamili, magsaliksik at makipag-usap sa mga kaibigan. 5. Pangalawa, maaari
silang maglaro o magdownload ng mga laro o musika. 6. Pangatlo, nakatutulong ito nang
malaki upang ang mga kaalaman at impormasyon na di natin nakikita sa ating mga silid-
aklatan ay dito natin maaaring matagpuan. 7. Sumunod pa rito ay ang kabutihan ng
pagkakaroon ng mga e-mail na naghahatid sa atin ng mga balita, kwento at iba pa.
8. Ngunit, sa kabila ng pagiging hi-tech natin, may masamang naidudulot din ang
labis na pagiging malaya natin sa pagtuklas ng mga website na ating nakikita sa internet.9.
Kailangan pa rin ang patnubay ng magulang sa aspetong ito. 10.Hindi masama ang
makipagsabayan sa takbo ng makabagong pamumuhay. 11. Sa huli, bilang mabuting
mamayan sikapin nating maging responsable sa lahat ng ating aksyon upang di tayo magsisi
sa dakong huli.

1. Anong salita sa ikaapat na pangungusap ang naghuhudyat ng unang kaisipan ng talata?


A. una B. milyun-milyon C. site
D. mapupuntahan

2. Ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud ng ideya sa pangungusap bilang 5 ay


A. magdownload B. maglaro C. pangalawa
D. magsaliksik

3. Sa pangungusap bilang 6, ginamit ang salitang _____ upang ipakita ang susunod na
ideyang malaki ang naidudulot ng internet sa tao.
A. pangatlo B. sa huli C. sumunod
D. pagkatapos

4. Sumunod pa rito ay ang kabutihan ng pagkakaroon ng mga e-mail na naghahatid sa atin


ng mga balita,
1 2 3
kwento at iba pa.
4
Alin sa mga bahaging sinalungguhitan ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng
ideya?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

5. Isinasaad ng pangungusap bilang 11 na tapos na ang paglalahad ng ideya.Anong salita


ang ginamit na naghuhudyat ng pagtatapos ng kaisipan?
A. Sa huli B. sikapin C. responsable D. aksyon

Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod.

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Teksto 3
Tips sa Pag-iwas sa Sakit na AH1N1

45
(A.) AH1N1 virus! Isang kasusulpot na sakit na lumigalig sa buong mundo. (B.)
Sabi ng mga eksperto, wala pang gamot na natutuklasan para rito, ngunit maaari itong
maiwasan. (C.) Sundin lamang natin ang mga tips na ito. (D.)Una, panatilihing malinis ang
katawan at ang ating kapaligiran. (E.)Pangalawa, laging maghugas ng kamay na tumatagal
ng mga 20-30 segundo. (F.)Sumunod ay takpan ang bibig kapag umuubo upang hindi
kumalat ang mikrobyo kung sakaling may sintomas na ng sakit. (G.)Isa pa, kumain ng
masusustansyang pagkain at mga prutas na mayaman sa vitamin C. (H.)Panghuli, kung
kinakikitaan na ng mga sumusunod na sintomas:may ubo’t sipon, pananakit ng katawan at
may mataas na lagnat, makipagkita na sa inyong doktor upang malapatan na agad ng lunas.
Dapat nating tandaan na mas mainam na ang umiwas sa sakit kaysa maging
biktima pa tayo ng nakahahawang sakit na ito.

1. Anong panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ang ginamit sa


pangungusap E?
A. maghugas B. pangalawa C. tumatagal
D. Segundo

2. Una, panatilihing malinis ang katawan at ang ating kapaligiran.


1 2 3 4

Alin sa mga bahaging ginuhitan ang panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-


sunod?
A. 1 B. 2 C. 3
D. 4

3. Sa pangungusap F ginamit ang salitang _______ upang ipakita na iyon ang kasunod na tip
na dapat isagawa.
A. takpan B. bibig C. sumunod
D. pangalawa

4. Ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod na ginamit sa pangungusap G ay


A. isa pa B. kumain C. masustansya D.
mayaman

5. Anong salita sa pangungusap H ang ginamit sa pagwawakas ng mga mungkahing tips sa


atin?
A. kinakikitaan B. sintomas C. panghuli
D. pananakit

Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod.

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Teksto 4
Ilang Hakbang Upang Maging Mabuting Magulang
1. Isa sa pinakamahirap na tungkuling ginagampanan ng mga magulang ay kung
paano maging isang mahusay, mabuti at responsable sa kanilang mga anak. 2. Narito ang
ilang tipikal na payo na maaaring gawin ng mga magulang upang mapabuti ang kanilang mga
anak at nang sila ay maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating lipunan.
3. Una, gawing sentro ng relasyon ng buong pamilya ang Diyos. 4.
Pangalawa,ipakita sa mga anak na sila ay mahalaga sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo
at paalala sa tuwina. 5. Pangatlo, laging tandaan, malaki ang nagagawa ng tinatawag nating
“touch therapy” lalo kung ang anak ay may dinaramdam, pisikal man o emosyunal. 6.
Sumunod, sikaping magkaroon ng “quality time” sa mga anak. 7. Isa pa, ugaliin din ang
matamang pakikinig sa mga opinion, mga kwento at karanasang ibinabahagi ng mga anak. 8.
Sa ganitong paraan ay nailalabas nila ang kanilang mga saloobin.9. Kaugnay pa nito,
nararamdaman ng mga anak ang presensya ng mga magulang na marunong makinig sa mga
anak. 10.At ang huli, sikaping ipakita na bagamat nakikisayaw sa tugtugin ng mga kabataan
ngayon ay naroon pa rin ang awtoridad ng magulang sa anak.

1. Una, gawing sentro ng relasyon ng buong pamilya ang Diyos.


1 2 3 4
Aling panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ang ginamit sa
pangungusap?

46
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

2. Sa pangungusap bilang 4, ginamit ang salitang ___________ upang ipakita na iyon ang
kasunod na hakbang na dapat gawin ng isang magulang.
A. ipakita B.pangalawa C. mahalaga
D. payo

3. Ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod na ginamit sa pangungusap bilang 5 ay


A. malaki B. tandaan C. dinaramdam
D. pangatlo

4. Anong panandang diskurso ang ginamit sa pangungusap bilang 7?


A. ugaliin B. isa pa C. matamang D.
makinig

5. Aling pahayag sa huling pangungusap ang nagsasaad ng pagtatapos ng mga hakbang


upang maging mabuting magulang?
A. at sa huli B. ipakita C. awtoridad
D. nakikisayaw

Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod.

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Teksto 5
Tao…tao…tao… 1. Hindi ka pa rin ba nababahala sa nagaganap sa ating kalikasan? 2. Ni
hindi mo man lang ba napapansin ang pagbabago sa bawat araw na lumipas? 3. Kaya’t
matuto ka na…magising ka na! 4. Halika na’t pangalagaan na natin ang ating kalikasan. 5.
Paano nga ba at ano ang dapat nating gawin?
6. Una, itigil na natin ang walang habas na pagputol ng mga puno . 7. Ang bawat
bahagi nito ay mahalaga lalo na ang ugat na siyang sumusipsip ng tubig kapag umuulan at
bumabaha.8. Ikalawa, huwag kang magtapon ng basura sa kung saan-saan dahil babalik din
sa iyo ang problema. 9. Ito ay magiging sanhi ng pagbaha na maaaring magdulot ng sakit sa
tao. 10. Ikatlo,magtanim pa tayo ng mas maraming puno sa ating kapaligiran, kapalit ng mga
punong pinatay at pinutol natin.11. Sumunod ay gumawa tayo ng mga kautusan at tuntunin
na nagbabawal ng pagdudumi ng ating kapaligiran.12. Dagdag pa rito, ipatupad natin nang
buong puso ang mga batas. 13. At ang huli, isipin natin na anuman ang ating ginagawa ay
may katapat na kaginhawaan o kaparusahan.14. Ito ay kung hindi man pananagutan sa batas
ay ganti ng langit. 15.Sa kabuuan, nakasalalay sa ating mga kamay ang kaligtasan at muling
pagiging ng ating Inang Kalikasan.16. Kilos na tayo…ngayon na! Kung hindi ngayon?Kailan
pa?

1. Anong panandang diskurso ang ginamit sa pangungusap bilang 6?


A. Pangungusap blg. 6 B. Pangungusap 8 C. Pangungusap 10 D.
Pangungusap 13

2. . Ikalawa, huwag kang magtapon ng basura sa kung saan-saan dahil babalik din sa iyo ang
problema.
1 2 3
4
3. Ang salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod na ginamit sa pangungusap bilang 10
ay
A. magtanim B. ikatlo C. kapaligiran D.
pinutol

4. Ang salitang _______ay ginamit sa pangungusap blg. 11 na naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod .
A. kautusan B. tuntunin C. pagdudumi
D. sumunod

5. Aling pahayag sa huling pangungusap 15 ang nagsasaad ng pagtatapos ng kaisipan sa


talata?

47
A. Sa kabuuan B. nakasalalay C. kaligtasan
D. Inang Kalikasan

Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa


Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Pagutin ang mga tanong pagkatapos.

Teskto 1
I Buhay.Buhay. Salitang nagtataglay ng limang letra,maikli kung tutuusin ngunit
mahalaga’t makabuluhan sa bawat nilalang na nakahiram nito. Maikli, tulad din ng bawat titik
na bumubuo rito. Masalimuot. Masalimuot naman kung ang may hiram ay walang sapat na
karunungang patakbuhin o hawakan ang bagay na ipinagkatiwala sa kanya. Minsan nama’y
anumang galing, sipag at tiyaga ang gawin para maging matuwid at maayos ang daang
tatahakin upang maging kalugud-lugod sa paningin Niya at sa lipunang ginagalawan niya
sadyang ayaw at di-umaayon ang tadhana.
II Makulay.Malungkot.Masarap.Masaya! Ito ang BUHAY. “Ito ang gusto
ko!” mga katagang pinapangarap makamtan. Ninanais maranasan. Ngunit paano,tanong ng
isip ko? Simple lang. Pera, kapangyarihan at katanyagan, kung magkakaroon ako nito, ganap
na ba ang kaligayahang hinahanap ko? ‘Ahhh! Bakit maraming mayaman na hindi pa rin
masaya? May mga kapangyarihan na gaano man kalakas, mahina pa rin. May mga tanyag
na nalalaos at bumabagsak hanggang sa makalimutan at din a makilala ng mga taong halos
sumamba sa kanya noong panahon ng kadakilaan at kasikatan niya?
III Isa lang ang tunay na kahulugan ng buhay. Pinakamahalagang bagay
na ipinahiram ng Maykapal.Utang. Kay daling ipinahiram, kay daling bawiin. Gawing
makabuluhan ang buhay. Ayaw mo ng sakit, karamdaman, kalungkutan, panimdim at higit sa
lahat pagdurusa. Subalit ito ay bahagi na ng salitang buhay, kaibigan. Alalahanin mong
nabubuhay ka para maging kabahagi ng paghihirap ng ating Panginoon. Sa Kanya
nagmumula ang tunay na buhay na gusto mong maangkin at maranasan. Katahimikan…
kakuntentuhan sa buhay.Tahimik ngunit maligaya.Payapa ang kalooban. Ito ang buhay.Ang
tunay na kahulugan ng BUHAY.

1. Maikli, tulad din ng bawat titik na bumubuo rito. Anong pangkalahatang impresyon ang
ipinahahayag ng salitang naiitiman?
A. Mahiwaga ang buhay ng tao.
B. Ang buhay ng tao ay pansamantala lamang.
C. Ang buhay ng tao ay makulay.
D. Ang buhay ng tao ay hiram lamang.

2. Anong impresyon ang mahihinuha natin sa pahayag na


“Makulay.Malungkot.Masarap.Masaya! Ito ang BUHAY.”
A. Ang buhay ay tila isang magnetong humahatak sa isang tao.
B. Ang buhay ng tao ay may hangganan.
C. Ang buhay ng tao ay tunay na mahiwaga.
D. Walang imposible sa buhay ng tao.
3. Batay sa ikalawang talata, anong impresyon ang ipinahihiwatig ng mga pahayag na “Pera,
kapangyarihan at katanyagan, kung magkakaroon ako nito, ganap na ba ang
kaligayahang hinahanap ko?”
A. Kuntento na ang tao kapag taglay ang mga bagay na nabanggit.
B. Ang kaligayahan ng isang tao ay di masusukat sa mga materyal na bagay na
mayroon siya.
C. Pera, kapangyarihan at katanyagan ang batayan ng pagtatgumpay at pagiging
masaya.
D. Lahat ay kayang bilhin ng pera, kapangyarihan at katanyagan.
4. Anong impresyon ang mabubuo sa ikatlong talata tungkol sa tunay na kahulugan ng
buhay?
A. Ang tunay na kahulugan ng buhay ay ang pagiging tahimik at payapa nito.
B. Ang tunay na kahulugan ng buhay ay ang pagiging makulay nito.
C. Ang tunay na kahulugan ng buhay ay ang pagiging mahiwaga nito.
D. Ang tunay na kahulugan ng buhay ay ang maging kabahagi ng paghihirap ng Diyos.

Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa


Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Pagutin ang mga tanong pagkatapos.

Teksto 2

48
1. Ang Leon na siyang Hari ng kagubatan ay nagtanong sa kanyang mga hayop na
Kambing, Aso at Tupa. “Ang hininga ko ba’y may amoy?” tanong ng Leon. “Ako ay magsasabi
ng totoo.Ang hininga ninyo ay mabaho,” ang sagot ng Tupa. Nagalit ang Leon.Pinatay ang
Tupa. Tinanong ng Leon ang kambing. “Kambing! Mabaho ba ang hininga ko?”tanong ng
Leon. “Mahal na Hari, ang inyong hininga ay mabaho!”wika ng Kambing. Nagalit ang Leon at
pinatay ang Kambing. Muli, nagtanong ang Leon at sa isang aso. Ang sagot ng aso ay ganito.
“Mahal na Hari, pasensya na po kayo. Isang linggo na po akong sinisipon. Ang hininga
ninyo’y hindi ko naaamoy,” ang sagot ng aso. Nakaligtas ang aso.

1. Anong impresyon ang ipinahihiwatig ng unang pangungusap?


A. Ang Leon ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga hayop sa kagubatan.
B. Ang Leon ay mahilig mag-utos sa mga hayop na nasasakupan ng kagubatan.
C. Ang Leon ay kinoronahan upang maging Hari ng kagubatan.
D. Ang Leon ay may sakit na dapat hanapan ng lunas.

2. “Ako ay magsasabi ng totoo.Ang hininga ninyo ay mabaho,” ang sagot ng Tupa.


Nagalit ang Leon.Pinatay ang Tupa. Batay sa pangungusap ,ano ang impresyong mabubuo
ninyo sa inugali ng Leon?
A. Ang Leon ay mainipin sa matagal na pagsagot ng Tupa kaya pinatay niya ito.
B. Ang Tupa ay sadyang naging matapat lang sa kanyang sarili.
C. Nasaktan ang Leon sa pagiging matapat ng Tupa at di niya ito matanggap.
D. Talagang magagalitin lamang ang haring Leon kaya siya pumapatay ng hayop.

3. “Mahal na Hari, pasensya na po kayo. Isang linggo na po akong sinisipon. Ang


hininga ninyo’y hindi ko naaamoy,” ang sagot ng aso. Nakaligtas ang aso.Batay sa
pahayag ano ang impresyong mabubuo ninyo?
A. Ang aso ay maingat sa mga salitang binibitiwan sa kapwa.
B. Tuso ang aso, para lang di siya patayin ay nag imbento siya ng magandang dahilan.
C. Mabuti na lamang at may sakit ang aso, kungdi mamatay rin siyang gaya ng dalawa.
D. Minsan ang pagsasabi nang tapat ay nakapagpapahamak sa buhay ng tao.

Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa


Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Pagutin ang mga tanong pagkatapos.
Teksto 3
Ang Batang Sumigaw ng Lobo
I. Sa paanan ng bundok matamang pinagmamasdan ng isang batang lalaki ang
kanyang mga alagang usa.Sa kainipan sa kanyang pagbabantay ng kanyang mga alaga,
lumingon siya sa kanyang paligid at natanaw niya roon ang ilang mga kalalakihang
gumagawa sa bukid, naisipan niyang sumigaw ng "LOBO! LOBO!"
II. Ang mga taong nakarinig sa kanyang isinigaw ay dali-daling nagdala ng pamalo at
tumakbo upang harapin ang mga lobo, ngunit wala silang natagpuan ni isa sa mga ito.Winika
ng batang lalaki: "Nais ko lang malaman kung anong magaganap kung sakaling sumigaw ako
ng lobo."
III. Matalim na tiningnan na lang nga mga lalakin ang bata at nagsibalik na sa kanilang
mga gawain.
Makaraan ang ilang araw, inulit nanaman ng batang lalaki ang pagsigaw ng lobo at muling
nag-mamadali ang mga tao upang tulungan siya, ngunit wala paring mga lobo.
Nagwika ang isang lalaki: "Huwag mo na ulit kaming paglalaruan o lolokohin, kung hindi
mananagot ka na sa amin."
IV. Hindi nagtagal, isang malaki at gutom na gutom na lobo ang dumating at inatake ang
kanyang mga alagang usa.Ang kaawa-awang bata ay sumigaw ng "LOBO! LOBO!, ngunit
wala ng pumansin sa kanya, dahil iniisip ng mga tao na ito'y nagbibiro nanaman.Napatay at
nakain na ng lobo ang isa sa kanyang mga alaga. At hindi rin nagtagal nakain na rin nito ang
ilan pang mga usa.Nanginginig sa takot ang batang lalaki dahil naharap siya sa totoong
panganib. Ngayon natutunan nya sa kanyang sarili na hindi na muling paglaruan ang mga

49
tao.

1. Anong pangkalahatang impresyon ang mabubuo sa unang talata?


A. Labis ang kasipagan ng bata kaya gusto niya itong malaman ng taong-bayan.
B. Palabiro lang talaga ang bata lalo’t nakikita niya na tila nababagot na ang mga
kasamang magbubukid.
C. Mahilig manubok ang bata kung siya ay tutulungan ng mga tao sa paligid.
D. Wala nang hihigit pa sa katusuhan ng bata sa lugar na iyon.
2. Ang impresyong mabubuo sa ikalawang talata ay_______
A. Gusto lamang subukan ng bata kung may tutulong sa kanya sa oras ng kagipitan.
B. Nais niya lamang asarin ang mga magbubukid.
C. May hangganan ang pasensiya ng isang tao.
D. Anumang kasalanan ay may katapat na kaparusahan.
3. "Huwag mo na ulit kaming paglalaruan o lolokohin, kung hindi mananagot ka na sa
amin."
Batay sa pahayag, anong impresyon ang mabubuo ninyo sa tinuran ng magbubukid?
A. Ang tao kapag napuno at niloloko na ay nagagalit din.
B. Naaawa na ang mga magbubukid sa bata dahil natatakot ito sa mga lobo.
C. Natutuwa ang magbubukid sa pagiging alerto ng bata.
D. Makakakita rin ng katapat ang batang palabiro.
4. Ang impresyong maaari nating mabuo sa talata bilang IV ay_________
A. Ang taong nagsasabi ng kasinungalingan ay hindi na pinaniniwalaan kapag
nagsasabi na ng katotohanan.
B. Ang taong nakikinig sa mga matatanda ay kalulugdan.
C. May pag-asa pang naghihintay sa kanya.
D. Ang batang matulungin ay tutulungan din kapag nangailangan.

Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa


Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Pagutin ang mga tanong pagkatapos.

Teksto 4
Ang Tatlong Prinsipe

I. Si Marika isang maganda at kilalang prinsesa sa Arabia. Marami siyang mga


manliligaw ngunit wala siyang napili ni isa sa mga ito. Hanggang sa matira na lamang sa
kanyang listahan ang tatlong prinsipe. Pare-parehong matitipuno at mayayaman ang tatlong
prinsipe, kung kaya't nahihirapan siyang mamili sa mga ito.
II. Isang araw naisipan ni Marika na magpanggap bilang isang pulubi. Nagtungo siya
sa kampo ng tatlong prinsipe. Doon nanghingi siya ng kanyang makakain.Binigyan siya ng
unang prinsipe ng mga tira-tirang pagkain. Ang sumunod namang prinsipe ay nagbigay ng
hindi makaing buntot ng kamelyo. Si Hakim, ang huling prinsipe ay nagbigay sa kanya ng
masarap na karne. Matapos noon ay umalis na ang prinsesa.
III. Nang sumunod na araw, inimbitahan ng prinsesa ang tatlong prinsipe sa isang
salo-salo sa kanilang palasyo. Inutusan niya ang kanyang mga tagapag-silbi na bigyan ang
mga prinsipe ng pagkaing katulad din ng ibinigay ng mga ito sa kanya noong siya'y
nagpanggap na pulubi.
Si Hakim na nakatanggap ng masarap na karne ay ayaw kumain ng hindi nila
pinagsasaluhang tatlong prinsipe ang karneng iyon.Dahil sa ipinamalas na kabaitan ni Hakim,
nagdesisyon na ang prinsesa na si Hakim ang kanyang pakakasalan ang walang pag-
aalinlangan .

1. Mabubuo sa unang talata ang pangkalahatang impresyong ________

A. Sa labis na kagandahan ni Marika ay wala nang mangahas na manligaw sa kanya.


B. Hindi pa niya natatagpuan ang lalaking iibigin niya habang buhay.
C. Sobrang dami ng manliligaw ni Marika sa kanilang kaharian.
D. Walang mapili at itulak kabigin si Marika sa lahat ng kanyang mangingibig.

2. Ang pangkalahatang impresyon na mabubuo sa talata II ay ______


A. Sa pagpapanggap matutuklasan ng isang tao ang tunay na kulay ng iba.
B. Sa pagpapanggap makikita ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapwa.
C. Tanging pagpapanggap lamang ang solusyon para mapatunayan ang ugali ng tao.
D. Kung hindi magpapanggap, hindi niya mapapatunayan ang tunay na damdamin sa
minamahal.

50
3. Ang panglakalahatang impresyon sa talata bilang III ay______
A. Kapag ukol ay bubukol.
B. Ang pag-ibig ay mapagpakumbaba at hindi nagseselos.
C. . Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay siya ring babalik sa iyo.
D. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto, ang pilak ay may sarili ring kinang.

Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-paksa


Panuto: Basahin at unawain ang teksto.Pagutin ang mga tanong pagkatapos.

Teksto 5

Munting Alaala
Ni Aura

I. Naiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw? Nagtataka lang ako sa mga tao
sa tuwing pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan.Sa dami ng kanilang mga
ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan mga bagay, mga pinalampas na pagkakataon
o oras.
II. Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao? Kailan ka pa bang
huling umakyat ng bubong para matulog o para magpahangin?Huling humiga sa isang
mahabang bangko at tumingala lamang sa langit habang pinagmamasdan ang mga ulap?Ang
huling beses na naligo ka sa ulan o nagtampisaw sa baha? Kailan ka huling naupo sa tabi ng
kalsada habang katabi ang iyong mga kaibigan? Kailan kayo huling kumain ng mami sa kanto
ng magkakasama? Iyong huling beses na dinalaw mo ang iyong elementary school o high
school? Kailan ka ulit bumalik sa dati ninyong tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati
nyong ginagawa? Kailan ka huling naglaro ng teks?Masyado na bang marami ang mga
bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba ang pumipigil sa tao para magawa ang
mga dati ay nagagawa nya?
III. Sa paglipas ng panahon naaalala mo pa ba ito o itinabi mo na rin tulad ng iyong
mga laruan? Kailan mo pa ba huling hinawakan ang paborito mong laruan, o binasa ang mga
secret notes sa likod ng mga school notebook mo? O tinignan ang mga matataas na grade na
ibinigay sa iyo ng teacher mo?Bakit ba hindi na pwede pang ulitin ang mga gawain na ito o
bakit sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ring nalilimutan ng tao ang mga simpleng bagay
na ito na dati-rati ay labis na nagpapasaya sa tao?
IV. Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? Totoo nga bang
habang tumatanda ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan sa mga
munting bagay? Gaano na nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo ngayon o
pakiramdam mo lamang ay malaki ito? Nakalimutan na ba ng tao ang mga kaligayahang
inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng maliliit na mundo sa gitna ng napakalaking
mundong ito.Naniniwala lamang ako na ang mundo ang siyang umiiwan sa kalikasan pero
kailan man ay hindi iiwan ng kalikasan ang mundo.

1. Anong impresyon ang nais ipahiwatig sa unang talata ng teksto?


A. Sa panahon ngayon, uso na ang pagiging abala sa trabaho.
B. Kailangang maging mabilis sa paggalaw upang hindi mapag-iwanan ng panahon.
C. Likas na sa tao ang magtrabaho nang husto para kumita nang malaki para sa pamilya.
D. Ang mga tao sa sobrang abala ay marami nang nakakalimutang mas importanteng bagay.

2. Sinasabi sa ikalawang talata ng teksto na ________.


A. Ang tao ay may kani-kaniyang hilig sa buhay kaya sila nagkakaiba-iba.
B. Iba’t iba ang pinagkakaabalahan ng tao,kaya doon sila napapako na lamang.
C. Nawawalan na ng panahon ang tao sa kanyang sarili sa sobrang pagiging abala.
D. May mga bagay ang tao na dati naman niyang ginagawa ngunit may kung anong pumipigil
na sa kanyang gawin iyon.

3. Ang impresyong mabubuo sa ikatlong talata ng teksto ay ________.


A. Mabilis na lumilipas ang panahon nang hindi natin namamalayan.
B. Ang mga libangan sa panahon ngayon ay hindi na uso sa mga tao.
C. Hindi habang panahon ay maglalaro tayo at maglilibang, tumatanda rin ang tao.
D. Wala nang panahon pang maglibang o maglaro sapagkat kulang na ang oras ng tao para
rito.

4. Ano ang pangkalahatang impresyon na ipinahihiwatig ng huling talata ng teksto?

51
A. Ang kalikasan ay naghahandog ng tunay na kaligayahan sa tao.
B. Abot-kamay lang natin ang kaligahayan kung titingin lamang tayo sa ating paligid.
C. Hindi lamang sa material na bagay makakamtan ang simpleng kaligayahan ng tao.
D. Lahat ng nabanggit.

Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari.


Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Teksto 1
Kamalayan
ni Elmo C. Villanueva
I III
Sino s’ya, Mama? Mama, bakit mo sara
Bakit s’ya hingi pera? Bintana ng kotse?
“Pulubi kasi s’ya, iha.” Mabaho kasi rito, iha.”
Wala ka bang barya, Mama? Masama ba umamoy mabaho, Mama?
II
Sino sila, Mama?
Ano ang hanap nila sa basura? IV
“Naghahanap sila ng pera, iha.” Mama, bakit tayo iba?
Tinatapon din ba ang pera? Bakit ganoon sila?
III
…………………………………………………………….
Sino s’ya , Mama?
Bakit higa s’ya kalsada? “Umiiyak ka ba, Mama?
“Baka wala s’yang bahay, iha.” Bakit?”
Sino kuha bahay niya?

1. Mahihinuha sa pahayag na “Wala ka bang barya, Mama?” na __________


A. Humihingi ng pera sa kanyang Mama ang bata para ibigay sa pulubi.
B. Gusto niya ng pera sapagkat may bibilhin siya.
C. Gusto lang niyang humingi ng pera para magkaroon ng ipon.
D. Sinusubukan ng anak kung marami ngang pera ang ina niya.

2. Mahihinuha sa ikalawang saknong na ___________


A. Ang mga kalat na itinapon sa basura ay mga kalat sa paligid.
B. Nagtataka ang bata kung bakit may mga pulubi.
C. Nagtataka ang bata kung bakit may pera sa basura.
D. Nagtataka ang bata kung bakit tinatapon ng tao ang pera.

3. Batay sa pangyayaring inilalarawan sa ikatlong saknong, mahihinuha natin na ________


A. Kinamkam sa mga pulubi ang kanilang mga bahay.
B. Mapapalad ang mga taong may sariling bahay na natitirhan.
C. Ang kalsada ang nagging tirahan na ng mga kapus-palad na pulubi.
D. May mga gahamang nanamantala sa mga bahay ng mga pulubi.

4. “Masama ba umamoy mabaho, Mama?” Mahihinuha sa pangyayaring ito na ________


A. Nandidiri ang bata sa mabahong amoy ng pulubi.
B. Ayaw ng ina na makita ng anak ang nakadidiring kapaligiran.
C. Matapobre kasi ang ina kaya isinara ang bintana ng kotse.
D. Nagtataka ang bata kung bakit isinara ng ina ang bintana ng kotse.

Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari.


Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Teksto 2
1. Masakit…mahapdi ang mga sugat na bumabalot sa kanyang buong katawan. Halos
malagot ang kanyang hininga sa kirot na kanyang nadarama. Ngunit higit na masidhi ang
hapdi ng kanyang naghihimutok na kalooban.
2. Muli, siya ay walang awang hinagupit ng kanyang ina. Sa kanyang palagay, dila
na lamang niya ang hindi inabot ng hagupit ng makapal na sinturon. At ngayon nga’y malalim
na ang gabi…payapa na ang lahat…namumuo at sumisigid sa kanyang musmos na puso ang
matinding pagkapoot at pagkamuhi sa babaeng sa kanya’y nagbigay-buhay.
3. Ang isang patak ng luha’y nasundan ng isa…at isa pa…hanggang sa tuluyan na
itong umagos sa kanyang pisngi habang patuloy ang pagdaloy ng mga gunita.

52
4. “At saan ka nanggaling, Jeremy?” matigas na tanong ng kanyang ina. “Bakit
ngayon ka lang? Hindi mo baa lam na alas otso na ng gabi? Ha? Sumagot ka!” “Sa
basketball court, Ma. Nakipaglaro ako kay Jojo,” ang mahina niyang tugon.
5. “Huwag mo akong lokohin!Nagtungo ako sa court at wala akong nakitang
batang naglalaro doon. At nagsisinungaling ka pa sa akin, ha!” Nanlisik ang mga mata nitong
tumayo mula sa hapag-kainan patungo sa kanyang kinatatayuan. “Saan ka nanggaling?
Sumagot ka sabi!” nakabibingi nitong sigaw.
6. “Mommy, nanood ho ako ng sine kasama si…” at hindi na niya natapos ang
kanyang paliwanag nang humampas sa kanyang mukha ang matinding sampal at siya’y
humambalos sa haligi ng kanilang tahanan. Nanginginig ang kanyang buong katawan. At
nangingilid na ang mainit na luha sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan niyang
kinukuha ng kanyang ina ang makapal na sinturon na animo’y sabik na dumatay sa kanyang
murang balat.
Hango sa “Sa
pagkatunaw ng Kandila” ni Olivia M. Lamasan

1. Mahihinuha sa pangungusap na sinalungguhitan sa talata bilang 1 na _______


A. Hirap na hirap ang bata sa kanyang nararamdamang sakit.
B. Doble ang sakit na nararamdaman ng bata, pisikal at emosyunal na sakit.
C. Muntik nang mamatay ang bata sa sakit na kanyang nadarama.
D. Wala nang mas sasakit pa sa hagupit na inabot niya sa buhay.

2. Batay sa pangyayaring inilahad sa ikalawang talata, mahihinuha natin na _____


A. Ang bata ay laging nabubugbog at ginugulpi ng kanyang ina.
B. Ang bata ay may sakit kaya siya ay kailangang ipagamot.
C. Ang bata ay nagsisimula nang magtanim ng galit sa kanyang ina.
D. Ang bata ay nasisiyahan sa ginagawa ng ina sa kanya sa kabila ng pananakit nito.

3. “Ang isang patak ng luha’y nasundan ng isa…at isa pa…hanggang sa tuluyan na


itong umagos sa kanyang pisngi habang patuloy ang pagdaloy ng mga gunita.”
Mahihinuha sa pangyayaring inilahad sa pangungusap na_______
A. Labis-labis na ang sakit ng loob na nararanasan ng bata sa kanyang ina.
B. Dumami na ang luhang umaagos sa kanyang pisngi sa tuwing masasaktan.
C. Walang habas ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
D. Ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi ay tatak ng katatagan.

4. Mahihinuha sa talata bilang anim na


A. Sobra-sobra na ang galit ng ina kaya nakahanda na siyang gulpihin.
B. Patatawarin din siya ng kanyang ina kung magpapaliwanag siya.
C. Kalilimutan na lang ng ina ang kanyang pagsisinungaling.
D. Gagantihan niya ang inang nagmamalupit sa kanya.

Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari.


Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Teksto 3

Ekserp 1
Ana: “ Noon, noon, naisip ko, kung-kung pipili ako ng mapapangasawa-lahat ay nag-aasawa,
naisip ko, Inay-kung pipili ako ng mapapangasawa, ang pipiliin ko’y kamukha niya. Mabait
siya-mapag-alala. Aywan ko, pagkamatay ni Itay, siya na ang para kong naggng ama.Hindi
ba’t parang siya namang talaga,ha, Inay?”
Ekserp 2
Tony: “Huwag ninyong sasaktan ang sinumang balo o ulila ng mga bata,”habilin ng Diyos kay
Moses. “Kapag sila’y inyong sinaktan anumang paraan at silang lahat ay tumawag sa akin,
ang panawagan nila’y tiyak kong diringgin. At ang poot ko’y maglalatag, at kayo’y papatayin
ko sa tabak.” Naglalatag ang poot ng Diyos sa masasamang kamay na umagaw at
humahamak ngayon sa kanyang tabak!
Ekserp 3
Regina: “Buksan mo ang pinto. Maayos siyang susuko. Halikayo, narito siya. Hayan siya.
Maayos siyang susuko. Mayor. Hayan, nariyan ang aking anak, arestuhin ninyo. Maayos
siyang susuko.”
Ekserp 4
Regina: “O, dalhin ninyo ako kahit saan. Sa presinto, sa korte, sa husgado, kahit saan!
Pananagutan ko ang pagkamatay ng aking anak. Pinatay ko ang aking anak. Sasabihin ko sa

53
lahat na pinatay ko ang sarili kong anak. Pinatay ko ang aking anak! Pinatay ko ang aking
anak!

Halaw sa dulang “Moses!Moses! ni Rogelio R. Sikat

1. Mahihinuha sa pangyayari sa ekserp 1 na ________


A. Malaki ang respeto ni Ana sa kanyang kapatid kaya iniidolo niya ito gaya ng ama.
B. Batid ni Ana na pagdating ng araw siya ay mag-aasawa ring gaya ng ina.
C. Lahat naman ng tao ay nag-aasawa kung ipagkakaloob ng Diyos.
D. Walang kapantay na kaligayahan ang idinudulot ng pag-aasawa ayon kay Ana.

2. Sa mga pangyayari sa ekserp 2, mahihinuha natin na _____.


A. Si Tony ay nakakikilala sa mga aral ng Diyos.
B. Si Tony ay isang pastor na nangangaral ng mga salita ng Diyos.
C. Si Tony ay labis na napopoot sa mga di makatarungang pagtrato sa kanila.
D. Si Tony ay pinanghihinaan na ng pananampalataya kaya muling nag-aaral ng salita ng
Diyos.

3. Mahihinuha sa mga pananalita ni Regina sa Ekserp 3 na _______.


A. Ipinagkanulo ni Regina ang anak sa mga may kapangyarihan at sa Mayor.
B. Mahinahon niyang isinusuko ang anak sa pag-aakalang magiging maayos din ang pag-
aresto.
C. Gusto na niyang tapusin ang kunsumisyon niya kay Tony kaya pinaaaresto na niya ito.
D. Labis ang paggalang ni Regina sa mga pulis kaya itinuro niya ang anak sa mga ito.

4. Batay sa ekserp 4, mahihinuha nating pinatay ni Regina ang sariling anak dahil ______.
A. Sawa na siya sa pagbibigay ng payo at paalala kay Tony.
B. May kasalanan ito sa batas, nainis siya kaya siya na lamang ang magpaparusa rito.
C. Siya lang ang may karapatang kumitil sa buhay ng anak dahil siya ang nagluwal dito.
D. Hindi niya kayang makitang naghihirap ang anak sa kamay ng iba, siya na lang ang
magdusa.

Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari.


Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Teksto 4

I. Sumandal siya sa posteng ilaw-dagitab.Dinama niya ang tigas niyon sa


pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang
tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo,
ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha ng nakatunghay na simbahan, sa kabangisang
sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman.Muling dinama niya ang mga bagol sa
kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.
II. Napahindik si Adong.Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig
niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni
Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na
nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at sa kabangisan.
III. “Bitiwan mo ako, Bruno!Bitiwan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit
hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit
na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo.At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya
naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.

Halaw sa “Mabangis na Lungsod” ni Efren Abueg

1. Ipinahihiwatig ng pangyayari sa unang talata na si Adong ay _______.


A. Isang batang palaasa sa mga tao sa kanyang paligid.
B. Isang masayahing bata kaya marami ang nalulugod sa kanya.
C. Isang batang wala nang ginawa kung hindi makipagbasag-ulo sa kapwa bata sa Quiapo.
D. Isang matapang na bata, may paninindigan at pilit na kumakawala na sa kinagisnang
buhay.

2. Mahihinuha sa ikalawang talata na ______.


A. Naghihintay ang isang panganib na maaaring pagsisihan niya at din a mamalayan pa.
B. Handa na si Adong sa pakikipagbabag sa mga kapwa kabataan sa Quiapo.
C. Takot na takot sa panganib na maaaring pagsisihan niya at din a mamalayan pa.

54
D. Handa na si Adong sa mga pakikihamok sa buhay.

3. Ano ang mahihinuha natin sa sinapit ni Adong sa kamay ni Bruno sa huling talata ng
teksto?
A. Wala nang buhay si Adong sapagkat sumuko na rin ang katawan niya sa kalupitan ni
Bruno.
B. Hindi na muling gagambalain ni Bruno si Adong sapagkat naparusahan na niya ito.
C. Pinatawad na ni Bruno si Adong kaya pakakawalan na niya ito nang tuluyan.
D. Dinala si Adong sa ospital at doon na lamang magpapagaling.

Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari.


Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Teksto 5

ng mainit-init na sa pinakamahabang
1 Kung papalarin ka 15 hangin. 29 sanga
2 Makikita mo siya 16 maaaring iyon na 30 ng puno ng akasya,
3 Mamayang gabi. 17 ang kanyang hininga. 31 at pipitasin ninyo
Maghintay ka sa ang unang natuyong
4 lilim 18 huwag kang mumulat 32 dahon
hintayin mong na hindi pa
5 ng puno ng akasya. 19 lumamig 33 pumapatak,
Itaon mong at ihahandog ninyo
6 papalitaw 20 ang hihip ng hangin 34 ito
hanggang mamasa-
7 ang unang bituin 21 masa na 35 sa unang bituin
at malapit nang ang talukap ng iyong na malapit nang
8 pumatak 22 mata, 36 lumitaw
ang unang natuyong hayaan mong antukin
9 dahon 23 ka
ng pinakamahabang at maidlip nang
10 sanga 24 bahagya, Kung papalarin ka
11 ng puno ng akasya. 25 o mahimbing kaya. mamayang gabi.
12 kapag handa na, 26 at kukunin niya ni Rofel G. Brion
ipinid ang iyong ang iyong mga
13 mata, 27 kamay.
banatayan mo ang
14 hihip 28 isasama ka niya

1.Mahihinuha sa pangyayaring “Kung papalarin ka, makikita mo siya mamayang gabi.”


A. Matagal na niyang inaabangang dumating ang hinihintay.
B. Bihira sa isang tao ang makita ang matagal nang inaasam-asam.
C. Tila may isang tao o bagay na pinaaabangan sa kanyang darating.
D. Mapalad talaga siya sapagkat darating ang isang bagay o tao na kanyang hinihintay.

2. “Maghintay ka sa lilim ng puno ng akasya. Itaon mong papalitaw ang unang bituin at
malapit nang pumatak ang unang natuyong dahon ng pinakamahabang sanga ng puno
ng akasya.” Ano kaya ang maaaring mangyari sa oras na iyon?
A. Darating na ang hinihintay at sabik na sabik na siyang makita ito.
B. Maglalagas ang lahat ng dahon sa puno ng akasya at ito’y hahawiin niya.
C. Paparating na ang ulan kaya dapat na siyang maghanap ng masisilungan.
D. Hindi darating ang hinihintay sapagkat nagbabadya ang malakas na pag-ulan.

3. Mahihinuha sa mga pangyayari sa bilang 13-25 na ______.


A. Hindi na darating ang hinihintay, wala naman talagang darating.
B. Wala nang pag-asang dumating pa ang hinihintay sapagkat walang palatandaan ng
pagdating.
C. Naiinip na ang taong naghihintay sa darating sapagkat matagal lumabas ang mga
palatandaan.
D. Malaki ang posibilidad na dumating na ang hinihintay sapagkat nararamdaman na niya
ang mga palatandaan.

4. Inilarawan sa mga pangyayari bilang 26-36 ang hinihintay ng taong ito. Sino kaya siya?

55
A. Isang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita.
B. Isang diwata na inibig ng taong ito sa kanyang panaginip.
C. Isang tao na maaari niyang pagsabihan ng kanyang lihim.
D. Isang taong pinagkakautangan at sa puno ng akasya sila magbabayaran.

MGA PAGSASANAY SA MGA KASANAYANG DI-LUBUSANG NATUTUNAN


NATIONAL ACHIEVEMENT TEST
FILIPINO II

SUSI SA PAGWAWASTO

Kasanayan: Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod.

Teksto 1 Teksto 2 Teksto 3 Teksto 4 Teksto 5


1 A 1 A 1 B 1 A 1 C
2 C 2 C 2 A 2 B 2 A
3 B 3 A 3 C 3 D 3 B
4 A 4 A 4 A 4 B 4 D
5 A 5 A 5 C 5 A 5 A

Kasanayan: Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa-


paksa.

Teksto 1 Teksto 2 Teksto 3 Teksto 4 Teksto 5


1 B 1 A 1 C 1 D 1 D
2 C 2 C 2 A 2 A 2 D
3 B 3 C 3 A 3 C 3 C
4 D 4 A 4 D

Kasanayan: Naibibigay ang hinuha batay sa mga


pangyayari.

Teksto 1 Teksto 2 Teksto 3 Teksto 4 Teksto 5


1 A 1 B 1 A 1 D 1 C
2 D 2 A 2 C 2 A 2 A
3 C 3 A 3 B 3 A 3 D
4 B 4 D 4 D 4 B

56
DIBISYON NG MAYNILA

Kasanayan: Nasusuri ang akda sa romantesismong pagtingin

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na saknong. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong. Letra lamang ang isulat.

I
at kung kay flerida`y iba ang umagaw
at di ang ama kong dapat na igalang
hindi ko masabi kung ang pikang tanga`y
bubuga ng libong laksang kamatayan.

II
kung nagbangis ka ma`t nagsukab sa akin
mahal ka ring lubha dini sa panindim
at kung mangyayari, hanggang sa malibing
ang mga buto ko, kita`y sisintahin

1. Anong damdamin ang nangingibabaw sa kabuuan ng unang saknong?


a. galit c. awa
b. tuwa d. takot
2. Anong bilang ng taludtod ng unang saknong ang nagpapahayag ng labis na
emosyong nadarama ng nagsasalita?
a. 1 c. 3
b. 2 4. 4
3. Anong teoryang pampanitikan ang masasalamin sa 2 binasang saknong?
a. Klasisismo c. Romantesismo
b. Humanismo d. Imahismo
4. Anong damdamin ang ipinahahayag ng nagsasalita sa ika-2 saknong?
a. pagkaawa c. paninisi
b. paninibugho d. panghihinayang
5. Anong taludtod sa ika-2 saknong ang naglalarawan ng labis na pagmamahal?
a. 1 c. 3
b. 2 d. 4
6. Anong taludtod ang nagpapamalas ng kabutihan ng nagsasalita sa kabila ng
ginawa
sa kanya?
a. at kung kay Flrerida`y iba ang umagaw
b. at di-ang ama kong dapat na igalang
c. hindi ko masabi kung ang pikang tanga`y
d. bubuga ng libong laksang kamatayan

1. Sa panahong yao`y ang buo kong damdamin


2. ay nanaw na sa akin ang sandaigdigan
3. nag-iisa ako sa gitna ng lumbay
4. ang kinakabaka`y sarili kong buhay.

57
7. Anong bilang ng taludtod ang nagpapahayag ng masidhing damdamin?
a. 1 c. 3
b. 2 d. 4
8. Anong damdamin ang nangingibabaw sa kabuuan ng saknong?
a. pananabik c. kalungkutan
b. pagkagalit d. pagkaligalig

1.walang ikalawang ama ka sa lupa


2.sa anak na kandong ng pag-aaruga
3.ang munting hapis kong sumungaw sa mukha
4.sa hapag mo`y nanalong ang luha

9. Ang taludtod na nagpapahayag ng kabutihan ng taong tinutukoy ay


a. 1 c. 3
b. 2 d. 4
10. Ang damdaming nadarama ng nagsasalita ay
a. pagkatuwa c. pagkalito
b. paghanga d. pag-aalinlangan

“Kung nasusuklam ka sa aking kandungan


lason sa puso mo ang hindi binyagan,
nakukutya akong di-ka saklolohan
sa iyong nasapit na napakarawal.

11. Anong kagandahang-asal ang ipinamalas ng nagsasalita?


a. paggalang sa paniniwala ng iba
b. pagtanggap sa ibang relihiyon
c. pag-unawa sa kalagayan ng tao
d. pagtulong sa kapwa
12. Anong taludtod ang nagpapahayag ng damdaming nadarama ng nagsasalita?
a. 1 c. 3
b. 2 d. 4
13. Ano ang masasabi mo sa ginawang pagtulong ng nagsasalita?
a. katarungan c. kahandaan
b. kabayanihan d. kagandahang-asal

Kasanayan: Nauugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na pangyayari sa kapaligiran

Hindi magtatagal at maaaring hindi na natin mapaninirahan ang mundo.


Nakagigimbal at ayaw kong paniwalaaan subali`t maaaring magkatotoo. Ang hanging
ating lalanghapin ay magiging mapanganib sa ating katawan samantalang ang tubig
naman na ating iinumin ay mistulang magiging lason. Maging ang mga isda at lamang-
dagat na ating makukuha sa karagatan ay hindi makakain sapagkat nakamamatay. Ang
mga bungangkahoy at gulay ay hindi na rin ligtas kainin at ang lahat ng ito ay bunga
ng pangunahing kaaway natin, polusyon.

14. Ano ang implikadyon sa kapaligiran ng binasang teksto?


a. maraming magsusulputang iba`t ibang sakit
b. mapanganib na ang kapaligiran para sa tao
c. nakamamatay ang hanging nalalanghap
d. lason na ang lahat ng bagay sa paligid
15. Ang hanging ating lalanghapin ay magiging mapanganib sa ating katawan. Ano
ang
implikasyong nais nitong iparating?
a. matututong gumamit ng artipisyal na oksiheno
b. wala nang matitirang may buhay na mga tao sa daigdig
c. maglalagay na ng gas mask ang mga tao
d. mawawala ang mga istambay sa paligid
16. Ang mga bungangkahoy at gulay ay hindi na rin ligtas kainin. Ano ang implikasyon

58
nito sa kapaligiran?
a. mahihinto ang iba`t ibang kalakal
b. manganganib ang kalusugan ng tao
c. babagsak ang ekonomiya ng bansa
d. makapamimili ng dapat kainin

Droga ang itinuturing na pangunahing salot ng lipunan sa kasalukuyan. Hindi nito


pinipili ang kanyang biktima; mayaman man o mahirap, matanda man o bata, nakapag-aral
man o hindi.
Totoong nariyan ang pamahalaan sa kanyang malawakang kampanya laban
sa droga. Ngunit kung hindi nakikiisa ang bawat pamilya, malabo nating
masolusyunan ang suliranin sa ipinagbabawal na gamot.

17. Ano ang implikasyon ng paksa sa kapaligiran?


a. Lumalaganap ang kriminalidad dahil sa ipinagbabawal na gamot
b. Humihina ang pagkontrol ng tao laban sa iba`t ibang bisyo
c. Bumababa ang antas ng moralidad sa lipunan
d. Lumalakas ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot
18. Maraming kabataan ang nalululong sa ipinagbabawal na gamot. Ano ang magiging
implikasyon nito sa lipunan?
a. maraming istambay
b. katatakutan ang lugar
c. walang katahimikan at kaayusan
d. durumi ang kapaligiran
19. Nariyan ang pamahalaan sa kanyang malawakang kampanya kung hindi
magkukulang ang pamahalaan sa pagtupad sa kanyang tungkulin. Ano
angmagiging implikasyon nito sa kapaligiran?
a. magiging maunlad ang kabuhayan at produktibo ang mga kabataan
b. mamumulat ang mga mamamayan sa kapinsalaang dulot ng droga
c. mapapanatag ang kalooban ng mga nanunungkulan
d. mawawala ang suliranin sa lipunan

Nakapangangamba ang report na 4 na milyong estudyante (may edad 18 pataas)


ang naninigarilyo. At lalong nakapangangambang malaman na dalawang milyong kabataan
ang “second hand smokers” dahil na-exposed sila sa masamang bisyo ng paninigarilyo.
Ayon sa Dept. of Health, mas maraming kabataang lalaki ang smokers kaysa
mga kabaabaihan. Ayon sa DOH, mapanganib ang bisyong paninigarilyo lalo pa ang
second hand smokers. Ang ibinubugang usok mula sa sigarilyo ay nagdudulot ng mga
sakit sa baga at respiratory system. May moral obligation ang mga magulang para
subaybayan ang mga anak at mailayo sa masamang bisyo.

20. Ano ang implikayon sa kapaligiran ng pagdami ng bilang ng kabataang


naninigarilyo?
a. tumataas ang bilang ng mga maysakit sa baga at respiratory system
b. dumurumi ang kapaligiran
c. naaakit ang iba pang kabataang sumubok tikman ang sigarilyo
d. hindi na nakapag-aral ang mga kabataan
21. Higit na maraming kabataang lalaki ang naninigarilyo kaysa mga kababaihan. Ano
ang implikasyon nito sa kalusugan?
a. Higit na madaling kapitan ng sakit ang kalalakihan kaysa kababaihan
b. Malakas ang resisitensiya ng kalalakihan
c. Higit na mahaba ang buhay ng kababaihan
d. Higit na malakas ang resitensiya ng mga kababaihan
3, Kung masusubaybayan ng mga magulang ang kanilang mga anak, ano ang
magiging implikasyon nito sa lipunan?
a. mga aktibo at produktibong kabataan
b. maunlad na pamayanan matalinong mamamayan at masiglang kalakalan
c. mahuhusay na pinuno at magandang samahan
d. maligayang mga magulang at mahigpit na pagkakabuklod ng pamilya

Kasanayan: Naiuugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na pangyayayari sa


kapaligiran

59
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Letra lamang ang isulat.

“Ano nga ba ang nangyayari sa bansa natin? Ang dami nang sakunang
naganap,” ang sabi ni Aling Lita. Isipin ninyo ang pagkakaroon ng sunud-sunod na
pagbaha, ang paglubog ng M.V. Princess of the Stars at ang iba`t ibang trahedyang
dulot ng malakas na bagyong dumaan dito sa atin. Kung sana`y napag-iisipan ito ng
mga tao ngayon.
“Hay naku! Tila nga yata pinaaalalahanan na tayo ng Panginoon. Marami na
kasi ang nakalilimot sa Kanya. Malapit nang magunaw ang mundo,’ may himig
pananakot ni Tata Odong.
“Nararapat na tayong magsisi sa ating mga kasalanan,” sabad ni Aling Rosa
sabay antada ng krus sa noo. “Maawa po kayo sa amin, Ama.”
Malinaw na dapat na tayong magbalik-loob sa Diyos at gumawa ng kabutihan
sa kapwa upang maging handa tayo sa pagdating ng wakas, “ sabi ni Mang Poldo.

1. Ano ang implikasyon ng teksto sa mga pangyayaring nagaganap sa kapaligiran?


a. Marami ang makaaalala sa Panginoon sa panahon ng sakuna
b. Matututong manalangin ang mga nalalagay sa panganib
c. Matututong magpahalaga ang tao sa kanyang buhay
d. Taimtim na magsisisi ang tao sa kanyang mga kasalanan
2. “Isipin ninyo ang pagkakaroon ng sunud-sunod na pagbaha.” Ano ang impllikasyon
nito sa kapaligiran?
a. pagkasira ng ari-arian at pagkasawi ng buhay
b. pagkagutom ng taong bayan
c. paglaganap ng mga nakamamatay na sakit
d. pagtaas ng antas ng kriminalidad
3. Ano ang implikasyon ng mga sakunang nagaganap sa kapaligiran?
a. di-pagpapahalaga sa buhay
b. pagsuway sa batas
c. pag-abuso sa kapangyarihan
d. kawalan ng ingat ng tao

Bawat pahayagan, telebisyon at radyo ay nagbabalitang pahirap nang pahirap ang


kalagayan ng mga Pilipino sa Pilipinas, ngunit napag-isip-isip na ba ninyo kung papaano tayo
makaaahon sa kumunoy na kahirapang ito?
Walang magugutom kung pagpapaunlad ng sariling kakayahan at pananalig
sa Diyos ang iisipin ng bawat Pilipino. Nakasalalay sa ating mga kamay ang ating
kinabukasan at kasaganaan sa buhay. Madaling malulunasan ang suliraning
pangkabuhayan kung ibayong sigla at lakas ng katawan ang gagamitin ng taong
marunong magpatulo ng pawis. Kung ang bawat mamamayan sa lipunan ay
magsisikap na magampanan ang kani-kanyang tungkulin at pagmamalasakit sa
kabuhayan, ang bawat pamilya ng bayan ay uunlad.

1. Ano ang implikasyon ng teksto sa kapaligiran?


a.Nakababahagi sa pag-unlad ng pamayanan ang taong masikap sa buhay
b.Napananatili ng taong masipag ang respeto ng kapwa sa lipunan
c.Nalulunasan ang mga suliranin sa lipunan ng pagkakaisa
d.Nakatutulong ang pagsisikap sa pagpapanatili ng katayuan sa lipunan

2.Pahirap nang pahirap ang kalagayan ng mga Pilipino sa Pilipinas. Ano ang imlikasyon nito?
a. di-kayang tustusan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mamamayan
b. pamahal nang pamahal ang mga bilihin
c. maraming walang hanapbuhay
d. hindi sapat ang kita sa pangangailangan ng pamilya

3.Madaling malulunasan ang suliraning pangkabuhayan kung ibayong sigla at lakas ng


katawan ang gagamitin ng taong marunong magpatulo ng pawis. Ano ang implikasyon nito
sa kabuhayan?
a. mabilis ang pag-angat ng kabuhayan ng taong may diskarte
b. hindi lalala ang suliraning pangkabuhayan kung malaki ang puhunan
c. walang taong maghihirap kung matututong magpatulo ng pawis
d. mapalalago ang kabuhayan ng taong masigla at malakas ang katawan

60
DIBISYON NG LAS PIŇAS

MGA KASANAYAN
Blg. 19 Natutukoy ang tono ng tekstong binasa sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito
Blg. 27 Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari
Blg. 35 Naibibigay ang mga punong kaisipan sa bawat kabanata sa tulong ng
pamagat
Kasanayan B1g.19: Natutukoy ang tono ng tekstong binasa sa tulong ng mga tiyak na bahagi
nito.

Panuto: Tukuyin ang tono ng tekstong binasa sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito. Piliin ang letra ng tamang
sagot.
Iba Pang Kahalagahan ng Tubig sa Tao
I. Isa sa apat na elemento ang tubig sa mundo, tinatayang mahalaga ito para sa bawat nilikha lalo na ang sustansyang
dulot nito. Walang sinumang tao ang nakapagpapalipas ng isang buong araw ng hindi man lamang nangangailangan ng
tubig. Ilan sa mga nagagawa ng tubig ang mga sumusunod:
II. Kapag nakaramdam ng pananamlay malamang na ang katawan ay unti-unting nade-dehydrate. Mapananatili
ang lakas ng tao sa pagdaragdag ng inom ng tubig. Maiiwasan ang pagkahapo sa buong araw. Kung hindi mahilig sa pag-
inom ng tubig, mas mabuting magkanaw ng lime, strawberry o kaya' y pakwan dahil matubig ang mga prutas na ito.
III. Magbawas ng timbang sa mabilis na panahon. Tinatayang dapat ang pag-inom ng tubig, ay walo hanggang sampung
baso sa loob rig isang araw. Naaalis nito ang labis na alat sa katawan, gayundin ang pagbawas ng sampung bahagdan ng
calories ng katawan ng tao.
Ayon sa pag-aaral, ang tunog ng ulan ay nakapagpapawala ng suliranin kahit sandaling oras, nagdudulot ito ng
kasiyahan at nakapagpapahinga ang isip.
IV Kakaiba ang pakiramdam sa sandaling makalanghap na ng simoy ng dagat dahil sa tubig. Nakapagpapaalaala ito ng
masasayang sandali sa buhay ng bawat nilikha.

1. Ang talata blg. II ng tekstong binasa ay nagpapahayag ng ___________________.

a. pagpapaalala c. pagpapaliwanag
b. pagkatakot d. panghihinayang
2. Anong mga panandang salita sa talata blg. IV ang tumutukoy sa darndaming umiiral ukol dito?
A ang tunog ng ulan c. nakapagpapahinga ang isip
B nagdudulot ito ng kasiyahan d. nakapagpapawala ng suliranin

3. Ang pahayag na, "magbawas ng timbang sa mabilis na panahon", ay nagsasaad ng

a. pagpapaalala c. pagpapaliwanag
b. pagkabahala d. panghihinayang

4. Anong tono ang ipinahihiwatig ng huling talata?


a. magbigay ng saloobin c. magpaliwanag sa mambabasa
b. maglinaw ng ulat d. magpahayag ng katotohanan

5. Ano ang pangkalahatang tono ng tekstong binasa?


a.magbahagi ng opinyon c. magpahayag ng kaalaman
b.magpaalala sa mambabasa d. magpahayag ng pangagngatwiran

61
SA PALAD MO MANGGAGALING ANG IYONG KAKAININ
Ang lahat ng bagay ay hindi makakamtan kung hindi mo ito paghihirapan. Ang ating pangarap at
mithiin sa buhay ay nakasalalay sa ating determinasvon at pagsisikap. Kailangan ng isang tao ang
maging masipag at matiyaga sa lahat ng oras dahil sa kanyang mga kamay nakasalalay ang kanyang
kabuhayan. Kung ang isang tao ay tamad, saan siya kukuha ng kanyang kakainin? Hindi habang
panahon, umaasa na lamang tayo sa iba. Kailangan ding magtiis ang tao sa anumang uri ng trabaho.
Dahil sa pagtitiis, may ginhawa kang makakamtan. Sa palad mo manggagaling ang iyong
kakainin kaya’t marapat na ang tao ay maging masipag. Nasa palad ng tao ang desisyon kung ano ang
magiging buhay sa pagdaan ng panahon. Nararapat lang na ang tao ay matutong tumayo sa sariling paa.

6.Sa pahayag na " Kung ang isang tao ay tamad, saan siya kukuha ng kanyang kakainin? Hindi habang
panahon, umaasa na lamang tayo sa iba." Ito ay nagpapakita ng:
A. Pagkagalit C. Pagmamatwid
B. Pagmamakaawa D. Pangangaral

7."Sa palad mo manggagaling ang iyong kakainin kaya't marapat na ang tao ay maging masipag". Ang
damdaming nakapaloob na pahayag ay:
A. Pagiging masipag sa buhay C. pagkakaroon ng masasandalan
B. Pagbibigay ng impormasyon D. pagiging masinop sa hinaharap

8.Ang huling talata ay nagpapahayag ng:


A. Pagpaalaala sa tao C. paglinaw sa isang katotohanan
B. Pagbibigay ng impormasyon D. paglalahad ng opinyon

9. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging pangkalahatang tono ng teksto?


A. Pag-aalinlangan C. Pagpapayo
B. Pangangaral D. Pagtatanong

10. "Nararapat lang na ang tao ay matutong tumayo sa sariling paa!" Ito ay may tonong:
A Nagagalit C. Nagtatanong
B. Nangangaral D. Nagmamalasakit

KRISIS SA BUHAY
1
"Kasama sa buhay ang mga suliranin. 2 Sa tuwing darating ang krisis sa buhay ay tumitibay ang tao.
3
Kanyang natutuklasan ang kanyang sarili," iyan ang pahayag ni Allan K. Chalmers. 4Kumidlat at kumulog.
5
Biglang umulan. 6Hindi napigil ng sama ng panahon ang pag-uusap ng magkaibigang Cora. 7 "Hindi ba?
8
Nag-iisa na lamang siya." 9"Oo nga. 1°May lamayan ngayon sa kanila," ang wika ni Lilia, 11"Kay saklap ng
nangyari sa mga magulang at kapatid niya. 12 Si Leny lamang ang nakaligtas." 13"Kailan daw ba naganap ang
aksidente?" ang tanong ni Lilia. 14" Kagabi, may kasalan sa lalawigan. 15Papunta pa lamang sila roon nang
mabangga ang kanilang kotse ng isang malaking trak." 16"Halina," ang sabi ni Lilia 17"Wala nang ulan. 18
Damayan natin si Leny." 19"Oo nga, kailangang tanggapin niya ang trahedyang ito sa kanyana. buhay.
2
°Makagagaan sa kanyang dibdib kung ibibigay o iaalay ni Leny ang sakit ng Loob ng kanyang dibdib kung
ibibigay o iaalay ni Leny ang sakit ng loob na kanyang dinaranas sa Panginoon. 21Tanging ang Panginoon
lamang ang makagagamot ng kanyang pusong tigib ng dusa at pighati."
1. Ang ika-6 na pangungusap ay may tonong
A.Nakakaawa B. Naiinis C Nababahala D. Nanghihinayang
2. Anong panandang pahayag ang nagpapakilala sa tono ng teksto?
A Pangungusap B. Pangungusap C . Pangungusap 6 D. Pangungusap 5
3. Ang ikalabing isang pangungusap pangungusap ay may tonong
A Pagkalungkot B. Pagkabigo C Pagkaawa D. Pakikiramay
4, Anong damdamin ang naghahari sa pangungusap 14 at 15?
A.Nagtatak C. Nagugulat B.Nagsasalaysay D. Nalulungkot
5. Ano ang pangkalahatang tono ng teksto?
A Magpaalala sa mamamaya B. Magpahayag ng katotohanan C Magbigay ng kaalaman D.
Maglinaw ng ulat
Bahagi sa maikling kwento sa Hiligaynon ni Isabelo S. Sobrevego.
KABATAAN, PANGARAP PA BA NI RIZAL?

1. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." Ito ang pahayag na iniwan ng


bayaning si Rizal na hanggang ngayon ay paulit-ulit pa nating naririnig sa ating mga guro at magulang. Katulad
ni Rizal, na nangangarap din ang bansa na magkaroon ng panibagong Rizal na sintalino ng ating bayani sa
katauhan ng mga kabataan. Ngunit magkaroon pa kaya ito ng katuparan? Kayo ba'y pag-asa niya?

2 Hinubog na kayo ng inyong mga magulang na maaaring mag-utos sapagkat

62
nauutusan at mamuno dahil sa marunong pamunuan? 0 kayo ang mga kabataang gaya ng iba na
mapupusok at kung kumilos ay parang siga? 0 kayo'y masasabing mga matitinong mag-aaral sapagkat
palabasa kayo ng mga mabubuting aklat? 0 baka naman pabaya kayo sa pag-aaral kaya' t malabo ang
inaasahan ng mga nangangarap para sa inyong kinabukasan?

3 Hinuhubog ang mga lider ang simula nito ay ngayon. Panahon na upang
patunayan ninyo na hindi na kayo pangarap lang kundi isang katuparan isipin ninyo na kung kayo'y mamumuno
sa hinaharap, sumunod kayo ngayon sapagkat kung ano kayo ngayon ay gayon kayo bukas.

6. " Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan". Ang pahayag na ito ay____________
A. Paninisi C. Pagkatuwa
B. Pagkamakabayan D. Pagbibigay-hamon
7. Ang ikalawang talata ay may damdaming
A Nagbibigay babala
B. Nagbibigay impormasyon
C. Nagbibigay ng paalala
D. Nagbibigay pangaral

8. Hinuhubog ba kayo ng inyong mga magulang na maaaring mag-utos sapagkat nauutusan at mamuno dahil
sa marunong pamunuan? Ito ay may tonong_______________________
A. Nag-uutos
B Nagtatanong
C Nakikiusap
D Nagsasalaysay
9. Anong damdamin ang naghahari sa pahayag na "Kayo ba'y pag-asa niya?”
A Nababahala
B. Nagtataka
C. Naghihinuha
D. Nagtatanong

10. Ang pangkalahatang tono ng teksto ay;


A. Nagbibigay-hamon B. Nasisiyahan C. Nagagalit D. Naninisi

Kasanayan 27: Naibibigay ang hinuha batay sa mga pangyayari

Panuto: Basahin ang talata at ibigay ang wastong paghihinuha sa pangyayaring isinasaad nito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1 Ang kilusang Propaganda ay itinataguyod sa Pilipinas. Palihim kung magpulong ang mga miyembro at magbahagi ng mga proyekto, aklatan,
pahayagan at iba pang publikasyon ng kilusan mula Hongkong at España. Dahil sa mga paghihigpit at sensura sa pamamahayag. Ang mga
gawain ng mga reformista ay nagiging limitado. Pinakaaktibo sa kilusan ang mga reformista ng Barcelona lalo na sa pagpulong ng mga
pagbabagong pampulitika na tumagal ng ilang taon. Kinatatakutan ng mga Español, partikular ng mga prayle ang talas ng panulat nina Rizal,
M. H. del Pilar at mga patuyang talumpati ni Lopez-Jaena.
Bagaman tinutuligsa at tinututulan ng mga reformista ang mga pang-aabuso at katiwalian ng mga Español sa bansa, hindi naman sila
tahasang lumalaban sa pamahalaan. Hindi nila hinihiling ang kasarinlan ng bansa. Mga pagbabago ang mithi ng mga reformista at hindi
paghihiwalay ng España
1. Ano ang mahihinuha mo sa palihim na pagpupulong ng mga reformista?
a. Ayaw nilang magpakilalang sikat na sila
b. Delikado ang kalagayan nila kapag nabunyag ang samahan
c. Gusto nila ng isang tahimik sa pagpupulong
d. Mahilig sila sa mga sorpresa kaya nililihim nila

2. Kinatatakutan ng mga prayle sina Rizal, del Pilar at Jaena mahihinuhang __________.

a.Nasasapawan ang kanilang posisyon sa pamahalaan


b.Matalim ang panulat nila kaya pinangingilagan
c.Maraming tao ang humahanga sa kakisigan ng tatlo
d.Malalakas at matitikas ang mga kabinataang ito

3. Hindi tahasang lumalaban sa pamahalaan ang mga reformista


a. Nais lamang nila ang pagbabago
b. Tumitiyempo pa sila ng pagkakataon
c. Hindi nila kayang labanan ang perasyon ng mga dayuhan
d. Wala silang panahon na makipagtagisan sa mga Español

4. Hindi nila hinihiling ang kasarinlan ng bansa.


a. Malaya naman kasi tayo noon pa mang hawak ng mga kastila.
b. Naniniwala silang mgbabago rin ang trato nila sa atin.
c. Maganda naman ang pamamalakad ng mga Kastila.
d. Ayaw nila ng karahasan at pagdanak ng dugo.

5. Itinatag ang mga reformista ang pahayagang "La Solidaridad"


a. Makapag-aanunsyo na sila ng kanilang pagmimiyembro nito.
b. Magkakaroon na ng ugnayan sa pagitan ng Pilipino at Kastila.
c. Maisusulat nila ang damdamin, hinaing at kahilingan sa pamamagitan ng pahayagan_
d. Magpapasuko ng mga reformista ang mga gumagawa ng katiwalian sa pamahalaan.
BALON NG KARUNUNGAN

63
Talino ang tanging puhunan ng tao para mabuhay sa daigdig na kaniyang ginagalawan. Kailangan niyang hasain ang
kaniyang talino upang kaniyang pakinabangan. Ngunit, paano ito mahahasa?
Ayon kay Leon Gutterman, ang taong palabasa ay malayo at malawak ang nararating. Yumayaman at tumatalas ang kaniyang isipan sa
pamamagitan ng mga dahon ng aklat. Ang karanasang dulot ng mga aklat ay walang hanggang kasiyahan sa buhay. Sa tulong ng mga ito
nagiging ganap ang kaniyang pagkatao sapagkat nagkakaroon siya ng sapat na kaalaman na makatutulong sa pag-unlad ng sarili.
Mabilis ang pagpasok ng mga makabagong kaalaman at mga bagong tuklas na karunungan na inilalathala sa mga aklat taun-taon. Sa
dami ng mahuhusay na aklat na ito, ilan naman kaya sa mga ito ang nabasa na ninyo?
Hindi lamang karunungan ang dulot ng mga aklat. Iba't ibang karanasan ang mararanasan sa pagbabasa ng mga aklat. Nagbibigay
ito ng aliw, kasiyahan at pakikipagsapalaran sa buhay.
Ugaliin mong magtipon ng mga piling aklat. Malaking tulong ito upang mahasa ang iyong talino. Lagi mong isaisip na ang mga mahuhusay na
aklat ay balon ng karunungan na dimasasaid magpakailan man.
1. Sa pahayag na "Talino ang tanging puhunan ng tao para mabuhay sa daigdig na kanyang ginagalawan," mahihinuha na
a. Kailangan ng tao ang talino para mabuhay.
b. Magsikap tayo para umunlad.
c. Magbasa ng mga aklat na makapagdaragdag ng mga kaalaman.
d. Magsikap sa pag-aaral.

2. Ang pamagat ng texto ay mahihinuhang________________________________


a. Mayroon balon ang karunungan
b. Ang aklat ay balon ng karunungan na magdudulot ng mga makabagong kaalaman at karanasan.
c. Maraming mga bagay ang nagbibigay ng karunungan at karanasan.
d. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay isang salik sa pagkatuto ng isang tao.
3. Sa ikalawang talata, ang pahayag na "Ang karanasang dulot ng aklat ay walang hanggang kasiyahan sa buhay" ay
mahihinuha na_____________________________________________________
a. Nagdudulot ang pagbasa ng aklat ng saya sa pagkatuklas ng mga bagong kaalaman.
b. Masaya magbasa ng aklat.
c. Magdudulot ito ng aliw at saya dahil nakakatuwa ang mga nilalaman nito.
d. Mahirap magbasa ng aklat.
4. Mahihinuha na ang huling talata ay nagpapahayag na _________________.
A Magbasa ng aklat upang mapayaman at mapatalas ang ating kaalaman.
B Pumili ng mga babasahing aklat na makapagdudulot ng kaalaman.
C Magtipon ng mga aklat at ilagay sa tamang lalagyan.
D Magbasa ng mga nakakatuwang kwento upang maaliw.
5. Bukod sa karunungan, ano pa ang naidudulot rig aklat sa tao?

a. pagiging agresibo
b mga karanasan
c. pagkabagot
d. pagkamahiyain

PROGRAMANG PANG-EDUKASYON
NG BANSA

Sa kabila ng lumulubhang kalagayan ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan,


masasalamin pa rin sa mga programang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang
pag-asang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan.
Layunin ng programang ito na maitaas ang kalidad ng edukasyon, kaya
pinagtutuunan ng pansin ang pamamaraan sa pagtuturo sa Ingles, Matematika at Agham sa
mga pampublikong paaralan. Taun-taon ay nabibigay ang DepEd ng seminar sa mga guro.
Ayon sa kagawaran, ang mahusay na paraan ng pagtuturo, malilinang ang mga murang
isipan ng mga kabataang Pilipino. Isa itong paghahanda upang makatulong sila sa
paglutas ng mga suliraning pampamahalaan at makibahagi sa serbisyong panlipunan sa
darating na panahon.
Ang Brigada Eskwela ay isa ring programang pang-edukasyon na tutulong sa
pagsasaayos ng maraming pasilidad sa paaralan at nagkakaloob ng mga karagdagang
kagamitan. Patunay ito na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang minimithing
karunungan.
Ang mga programang ito ng DepEd ay tugon sa mga suliranin ng edukasyon
sapagkat ang lahat ay may pagkakatong makamit ang mataas na kalidad ng karunungan
sa kabila ng kahirapan.
Tungkulin ng gobyemong pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga magaaral sa
panahong sila ay nasa paaralan. Kaya malaking tulong ang mga programang ito sa paghubog
ng mga kabataan sapagkat sila ang susunod na henerasyon na magpapatakbo sa ating
pamahalaan.

1. Ang Brigada Eskwela ay isang programang pang-edukasyon na_______


a. tumutulong upang maisaayos ang mga pasilidad sa paaralan

64
b. pangangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral
c. pagbibigay ng seminar sa mga guro upang mapaunlad ang kanilang kaalaman
d. paghahanda upang makatulong sa paglutas ng mga suliraning pampaaralan

2. Hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang minimithing karunungan,


Mahihinuhang
a.mahirap mag-aral lalo na kung walang pera
b. lahat ay may pagkakataong makamit ang karunungan sa kabila ng kahirapan
c. ang programa ng DepEd ay tugon sa mga suliraning pang-edukasyon
d. ang edukasyon ay para sa mayayaman lang

3. Sa pahayag na “lumulubhang kalagayan ng edukasyon,” mahihinuhang


_______________
a.mababa ang kalidad ng edukasyon
b.mataas ang kalidad ng edukasyon
c. hindi pansin ang edukasyon sa bansa
d. hindi mahalaga ang edukasyon

4. Ang kabataan ang susunod na henerasyon, mahihinuhang


a.sila ang mamumuno sa ating bansa
b. tatanda rin sila tulad ng kanilang mga magulang
c. sila ang magpapatuloy sa ating henerasyon
d. sila ang mangunguna sa mga kilos protesta

5. Mahihinuhang ang programang pang-edukasyon ng bansa ay_


a. pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral
b. propaganda lamang ng mga pulitiko para sa nalalapit na edukasyon
c. pagpapayaman sa mamamayan ng bansa
d. maitaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa

4 Mag-isip Ka, Binata

Ikaw ay isang baguntao... malakas, makisig, matatag, maginoo. Ikaw, tulad ng


iyong ama ay magiging haligi ng iyong tahanan.
Huwaran mo ang iyong ama. Siya ang utak na namamatnugot sa inyong tahanan
samantalang ang iyong ina ang siyang katulong sa pagpapaligaya nito. Ikaw ay
galamay ng inyong mga magulang. Ikaw ang pag-asa nila sa kanilang katandaan.
Ikaw ang dahilan ng kanilang pagpapakasakit. Dapat mong gantihan ng kabutihan ang
paghihirap nila.
Ngayong nag-aaral ka pa'y maaari kang tumulong sa ano pa mang paraan. Ngunit ang higit
nilang inaasahan sa iyo ay pagtatapos mo ng pag-aaral. Para kanino ang iyong pag-aaral?
Ito'y para sa iyong kinabukasan, upang ikaw ay maging matatag at nakahandang tumanggap ng
pananagutan. Kaya dapat mong ibigin at igalang ang iyong mga magulang. Tungkulin mong
paglingkuran sila nang buong lugod at kasiyahan. Huwag ma silang biguin sa pangarap nila sa
iyo!

1. Sa pamagat ng teksto mahihinuhang ang teksto ay_______


a.nangangaral sa mga binata
b.nagbababala sa mga binata
c.isang pagsusulit para sa mga binata
d.isang talumpati para sa mga binata
2. Sa unang talata mahihinuha na ang binata ay
a.mag-aasawa
b.magiging anluwage
c.magkakabahay
d.magkakapamilya

3. Ano kaya ang nais sabihin ng awtor sa ikalawang talata?


a.balikan ang kahapon
b.magbayad ng pagkakautang
c.matutong 1umingon sa pinanggalingan

65
d.pag may isinuksok may madudukot

_
4. Mahihinuhangang pananaw na ginamit sa teksto ay
a. unang panauhan
b. ikalawang panauhan
c. ikatlong panauhan
d. lahat ng nabanggit

5. Tungkol saan ang kabuuan ng teksto?


a. Lingapin ang magulang sa kanilang katandan
b. Paghihirap ng magulang sa pagpapalaki sa
anak
c. Magkakapamilya rin ang anak
d. Ang binubuo ng isang pamilya

Binhi

1. Kagabi lamang ay narinig niya ang tinig ng kanyang ama. 2 Ito’y may taginting
na namamayani at nangingibabaw sa lahat ng tunog. 3 Makapangyarihan ang tinig na ito.4
Kapag naririnig niya ito’y dumadalas ang kanyang pahingang halos ay di masundan ng
pagsikdo ng dibdib.
5 Kapag nagsasalita na ang kanyang ama’y tila nawawala na siya sa kanyang sarili,
nalalayo siya sa kanyang tahanan, at nawiwika niya. 6 “Hindi ito ang aking bahay, hindi ito!”
sapagkat bawat salita ng kanyang ama’y binhi ng pagkatakot na napu punla sa kanyang
batang puso. 7 Kagabi’y narinig niyang nagsasalita ang kanyang ama sa ina niya. 8 “Di ka na
natutong mangaral sa iyong mga anak!”

1. Sa pangungusap ikatlo, mahihinuhang ang tinig ng amay ay:


A. Nagpamalas ng kapalaluan ang ama
B. Nagpapakita ng pagiging sunud-sunuran sa ama
C. Naiaangkop sa katangiang mapagmataas
D. Umaalipusta sa kanilang pagkatao

2. Mababakas sa mukha ng anak ang matinding __________ sa kanilang ina.


A. Pagmamahal
B. Pagmamalasakit
C. Pagkalito
D. Pagkatakot

3. Sa ikaapat na pangungusap, masasabing ang anak ay __________


A. Nagbibinhin ang takot sa puso’t isip
B. Nakadarama ng matinding pagkabahala
C. Nagkakaroon ng pobya sa ama
D. Nagsisimulang maghari ang galit sa ama

4. Sa pahayag na, “hindi ito ang aking bahay, hindi ito!” masasabing ang anak
ay:
A. Ayaw nang tumira sa sariling tahanan
B. Ayaw ng pangyayaring nagaganap sa buhay
C. Gusto nang lumipat ng bahay
D. Naghihisterikal ang anak

5. “Di ka na natutuong mangaral sa iyong mga anak!” Mahihinuhang ang ama ay


__________ sa kanilang Ama.
A. Naninisi C. Nagmamalaki
B. Nagagalit D. Nagmamarunong

FLORANTE AT LAURA

Kasanayan BIg.35: Nasusuri ang mga kaisipang pampamilya, panlipunan, pampamahalaan at


pansimbahan

Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mga piling saknong sa Florante at Laura.

66
Letra lamang ang isulat.

" Ang magandang asal ay ipinupukol


Sa laot ng dagat ng kutya't linggatong,
Balang magagaling ay ibinabaon
At inililibing na walang kabaong"

1. Ang pahayag ay patungkol sa ____


1. Pampamilya C. Pampamahalaan
2. Panlipunan D. Pansimbahan

2. Anong magandang pag-uugali at katangian ng mga Pilipino ang unti-unti nang nawawala ayon
sa saknong?
A Itinatapon sa dagat ang magagaling
B. Inaalis ang ibang magagaling
C. Hindi kinikilala ang mga taong mabuti
D. Pinapatay ang taong tapat at mapagkakatiwalaan

" Huwag mag-iingat at pag-iingatan mo,


Ang Higanting handa ni Konde Adolfo,
Pailag-ilagang parang basilisko
Sukat na ang titig mata'y sa iyo"

3. Ipinahihiwatig sa saknong na dapat pag-ingatan si Adolfo dahil siya'y


A M abangis C. taksil
B. Mapagbalatkayo D. mabangis

Kung ang isalubong sa iyong pagdating


Ay masayang mukha't may pakitang giliw
Lalong pag-ingata't kaaway na lihim
Siyang isaisip na kakabakahin

4. Ang pahayag ay kinapalooban ng kaisipang


A Pampamilya C. Panlipunan
B. Pampamahalaan D. Pansimbahan

Ipinahahayag ng pananamit mo
Taga-Albanya ka at ako'y Persyano
Ikaw ay kaaway ng baya't sekta ko
Sa lagay mo ngayo'y magkatoto tayo

5. Anong punong kaisipan ang tinutukoy sa saknong:


A. Gawi ng magkaibang lahi
B. Dalawang gerero
C. Pananamit ng dalawang lahi
D. Misyon ng isang mandirigma

Kasanayan Blg.35: Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mga piling saknong na hango
sa Florante at Laura.

Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mga piling saknong na hango sa
Florante at Laura. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Ang lahat ng ito, maawaing Langit,


iyong tinutungha'y ano't natitiis?
mula Ka ng buong katuwira't bait,
pinapayagan Mong ilubog ng lupit.
II

67
Makapangyarihang kamay Mo'y ikilos,
p a pa mi la n ti ki n an g ka l i s ng po o t;
sa Reynong Albania’y kusang ibulusok
ang Iyong higanti sa masasamang-loob.
III
Bakit Kalangita'y bingi Ka sa akin,
ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin?
diyata't sa isang alipusta't iring,
sampung tainga Mo'y ipinangunguling?

1. Anong kaisipan ang inilalahad sa unang saknong sa itaas?


a.pampamahalaan c. panlipunan
b.pampamilya d. pansimbahan
2. Isinasaad sa ikalawang saknong na dapat_____________
a.Magkaroon tayo ng kapatawaran sa ating kapwa
b.Ipahayag sa lahat na mabuti ang nagpaparaya
c. Gantihan nang husto ang mga taong palalo
d.Parusahan ng Diyos ang mga masasamang-loob
3. Ang kaisipang ipinahahayag ng panghuling saknong ay ______
22. Hindi naging tapat ang tao sa Panginoon
23. Mas nilalait ng tao ang kanyang kapwa
24. Hindi naririnig ng Diyos ang hinaing ng nagsasalita
25. Ipanalangin ang mga taong nagkasala sa atin

I
Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,
lason sa puso mo ang hindi binyagan,
nakukutya akong di ka saklolohan,
sa iyong nasapit na napakarawal.
II
Ipinahahayag ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at ako'y Persyano,
ikaw ay kaaway ng baya't sekta ko
sa lagay mo ngayo'y magkatoto tayo.
III
Moro ako'y lubos na taong may dibdib,
at nasasaklaw rin ng utos ng langit,
dini sa puso ko'y kusang natititik,
natural na lei-ng sa aba'y mahapis.

4. Ipinahahayag sa unang saknong na


a. Ang tao ay may kakayahang tumulong kung gusto niya
b. Hindi sukatan ang relihiyon sa pagtulong sa iba
c. Kasuklam-suklarn ang mga taong di binyagan
d. Nakakasama ng loob ang pagtulong sa ibang sekta
5. Anong kaisipang ang inilalahad ng ikatlong saknong?
a. pampamahalaan c. panlipunan
b. parnpamilya d. pansimbahan

Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mga piling saknong na hango sa Florante at Laura. 
Piliin ang letra ng tamang sagot.

68
Pag-ibig anaki'y aking nakilala,di
dapat palakihin ang bata sa saya;
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.
II
Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
sa bait at muni't sa hatol ay
salat; masaklap na bunga ng maling
paglingap, habag ng magulang sa irog
na anak.

1. Anong pangunahing kaisipan ang ipinahahayag ng unang saknong?


a.Walang magandang mangyayari sa batang laki sa layaw
b. Hindi masasanay ang bata sa hirap ng buhay
c. Magkakaroon ng magandang buhay kung magsisipag ang bata
d. Sundin ng mga anak ang ninanais ng mga magulang
2. Ang saknong blg.II ay nagpapakita ng_______________
a.pagiging matatag c. pagkamaparaan sa buhay
b. pagpapalaki sa anak d. pagkakaroon ng pang-unawa
3. Anong pangkalahatang kaisipan ang ipinahahayag ng mga saknong sa itaas?
a.pampamahalaan c. panlipunan
b. pampamilya d. pansimbahan

I
Sa taguring hunso't likong
pagmamahal, ang isinasama ng
bata' y nunukal; a n g i b a ' y
m a r a h i l s a k a p a b a y a a n ng dapat
magturong tamad na magulang.
II
Aking pagkabata'y ang kinamulatan
kay ama'y ang bait na di pambabaw,
yaong namumunga ng kaligayahan
nanakap sa pusong suyui’t igalang.

4. Isinasaad sa unang saknong na


a. Ang mga anak ang siyang gumagawa ng ikalulungkot ng mga
magulang. b. Ang mga anak ay talagang masunurin lamang sa mga
magulang.
c. Ang mga magulang ang nararapat magturo sa anak ng mga mabubuting anak.
d. Ang mga magulang ay sadyang labis ang pagmamahal sa mga anak.
' 5. Ang saknong bilang II ay nagpapakita ng kaisipang ___________.
a. pampamahalaan c.panlipunan
b. pampamilya d. pansimbahan

Panuto: Panuto:Ibigay ang mga punong kaisipan sa mga


piling saknong ng Florante at Laura. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Pagsintang Labis: Pagsintang Labis


"At kung k.ay Flerida' y iba ang umagaw,
at di ang ama kong dapat igalang,
hindi ko masasabi kung pitang tangan,
bubuga ng libo’t laksang kamatayan.”

1. Ang kaisipang ipinahahayag ng saknong sa tulong ng pamagat ay__________


a. Tunay na dalisay ang pag-ibig na inuukol kaya’t handing ibuwis ang sariling buhay.
69
b. Walang patatawarin ang hawak na sandata sa sinumang aagaw sa minamahal.
c. Sadyang naging mapagparaya ang dalisay na pagmamahal.
d. Walang sinuman ang makahahadlang sa kanyang pag-ibig.

Amang Mapagmahal, Amang Mapaghamak


"Sampu ng lingkod mo't mga kaibigan,
kung kampi sa lilo'y iyo nang kaaway;
Ang di nagsiayo' y natatakot namang
bangkay mo'y ibao't mapaparusahan."

2. Ipinahahayag sa saknong ng tula ay_____________________


a. Iniiwas ang sarili upang di madamay sa alitan
b. Ipinagpalit ang paniniwala't paninindigan
c. Naghari ang takot sa puso ng mga dating tagasunod
d. Nawalan ng kakayahang ipagtanggol ang naaapi

Utos ng Langit
"Moro ako'y lubos na taong may dibdib
at nasasaklaw rin ng utos ng langit;
dine sa puso ko'y kusang natititik
natural na lei-ng sa aba'y mahapis."

3. Ano ang kaisipang ipinahahayag ng saknong sa tulong ng pamagat?


a. Maging matulungin sa mga nangangailangan
b. Nakabubuti ang sumunod sa batas ng Diyos
c. Tumutulong ng bukal sa puso
d.Walang diskrimmasyon sa pagtulong sa kapwa
4. Sa una at ikalawang taludtod, inilalahad ang kaisipang__________
a.Pampamilya c. Pansimbahan
b.Panlipunan d. Pampamahalaan

Mga Payo ng Guro


"Datapawa't huwag kang magpapahalata,
tarok mo ang lalim ng kanyang nasa;
ang sasandatahi'y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma."

5. Ang kaisipang ipinahahayag sa tulong ng pamagat ay_____________


a.Alamin ang bawat gawi ng kaaway upang maging handa sa araw ng labanan
b.Huwag magpahalatang kilala na ang kalaban.
c. Maging mapagmatyag sa ikinikilos ng katunggali.
d. Matutong kumilatis ng mga taong nakakaharap

Kasanayan # 27 – Susi sa pagwawasto: Kasanayan #19 –Susi sa Pagwawasto

I. I.
1. B 1. A
2. B 2. B
3. A 3. A

70
4. D 4. A
5. C 5. C
II. II.
1. C 1. B
2. B 2. B
3. A 3. B
4. A 4. B
5. B 5. A
III. III.
1. A 1. A
2. B 2. D
3. A 3. B
4. C 4. A
5. D 5. A
IV. IV.
1. A 1. D
2. D 2. D
3. C 3. B
4. B 4. D
5. A 5. A

Kasanayan # 35 – Susi sa pagwawasto:

I. III. V.
1. B 1. B 1. A
2. D 2. D 2. A
3. C 3. C 3. D
4. B 4. B 4. B
5. D 5. D 5. C
II. IV.
1. A 1. A
2. B 2. B
3. B 3. B
4. C 4. C
5. B 5. B

DIBISYON NG MANDALUYONG

LCM # 18. Natutukoy ang kahulugan ng mga parirala batay sa konteksto ng


Pagkakagamit nito.

1. Sa mabilis na paglago ng populasyon, maraming suliraning nagaganap sa


kapaligiran na kinakaharap ng mga mamamayan. 2. Kailangan ang malaking produksyon
kaya’t iba’t ibang paraan ang sinusubok na nakaaapekto sa lupang-taniman. 3. Una, palasak
na pagtatambak ng mga patabang kemikal. 4. Pangalawa, ang pagbomba ng mga pamatay
insekto sa mga bukid na nakalalason sa kapaligiran. 5. At saka apektado sa ganitong
gawain ang mga mamamayan. 6. Sa kabila nito patuloy ang pamahalaan at iba’t ibang
NGO’s sa pagbibigay ng mga kaalamang pangkapaligiran. 7. Talagang kaakibat sa puso ng
mga Pilipino ang pagmamahal sa kalikasan.

1. Sa pangungusap bilang tatlo, ano ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit
sa teksto?
A. karaniwan C. palagi

71
B. madalas D. pambihira

2. Talagang kaakibat sa puso ng mga Pilipino ang pagmamahal sa kalikasan. Ano


ang kahulugan ng pariralang may salungguhit?
A. nakikita C. nakaukit
B. nadarama D. naaalaala

Mahiwagang mga ngiti ang ibinibigay ng bawa’t isa. Ito ang ginagamit upang
maipadama ang taos-pusong pakikipag-ugnayan sa kapwa tao, ngunit totoo nga ba ang
ipinakikita ng mga ngiting ito o kabalintunaan lang ang lahat?
Sa isang banda, dapat matuwa tayo, artisitahin ang dating natin. Biruin mo,
napakilos natin sila para pag-usapan tayo, laitin at yurakan ang ating dignidad. Hindi ba’t
sikat tayo, popular at astig ang dating?
(hango sa Plastik ang Mundo ni Peter Parker)

3. Alin sa mga sumusunod na salita ang pinaka-angkop na kahulugan ng pariralang


may salungguhit?
A. malalim C. maalamat
B. makahulugan D. masaya

4. Ito ang ginagamit upang maipadama ang taos-pusong pakikipag-ugnayan sa


kapwa tao. Ano ang kahulugan ng pariralang may salungguhit?
A. matapat na pakikipag-usap C. mabuting pakikipag-kapwa
B. maayos na pakikisama D. maingat na pakikisama

5. Sa ikalawang talata, alin sa mga sumusunod na salita ang walang kaugnayan sa


Kahulugan ng pariralang may salungguhit?
A. paghamak C. pag-alipusta
B. panghihiya D. paninira

1) Kapag umiiral sa tao ang pagmamalasakit sa bayan, magiging matiwasay at


payapa ang pamumuhay sa lipunan. 2) Kailangang lubos na maunawaan ng tao ang kani-
kanilang tungkulin at karapatan na dapat ipaliwanag ng pamahalaan. 3) Mahalaga ang tao
at ang pamahalaan sa isang estado. 4) Sila ang nagtatakda sa patutunguhan ng bansang
kanilang kinabibilangan. 5) Nasa mabuting pamamahala ang ikauunlad ng bansa at nasa
mabuting mamamayan ang ikatatatag ng pamahalaan sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

6. Sa unang pangungusap, ano ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit?


A. nalalasap C. nadarama
B. naiisip D. nauunawaan

7. Ang kahulugan ng pariralang matiwasay at payapa ay:


A. tahimik C. maunlad
B. masagana D. masaya

8. Ang pamahalaan ang nagtatakda sa patutunguhan ng bansang kanilang


kinabibilangan. Ang mga salitang may salungguhit ay nangangahulugang:
26. nag-uutos C. nagbibigay
27. nagtuturo D. namumuno

(1) Maganda ang buhay na ang malaking bahagi ay nagugol sa pagbabasa. (2)
Sa aking palagay ang hilig sa pagbabasa ay masasabing may malaking papel sa paglinang at
paghahanda ng uri ng tao sa kanyang kinabukasan. (3) Napakahalaga ang matutong pumili
ng aklat na pinagbubuhatan ng kaalamang huhubog sa kinabukasang tatahakin. (4)
Pagbabasa ang nakatulong kay Dr. Jose Rizal sa pagbuo ng mga akdang hitk na hitik sa
kagandahang-asal. (5) Kung kaya’t nararapat ding tularan ang ginawa ng pambansang
bayani.

9. Ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa unang pangungusap ay:

72
A. inilaan C. ginamit
B. ibinigay D. inipon

10. Ang kahulugan ng pariralang hitik na hitik ay:


A. mabigat C. umaapaw
B. malaman D. punung-puno

Bunga ng malalakas na bagyo na dumarating sa ating bansa, malaki ang bilang ng mga
namatay at nasirang ari-arian. Labis na nakalulungkot dahil nagdulot ng malaking kasawian
ang bagyo. Subalit nakatutuwa naman na muling nakababangon tayo at nagagawang
umangat sa buhay kahit wala na ang ari-arian.

11. Ang pariralang may salungguhit sa unang pangungusap ay nangangahulugang:


A. natangay C. nabuwag
B. nawala D. naglaho

12. Ang kahulugan ng pariralang umangat sa buhay ay:


A. bumuti C. gumanda
B. tumaas D. umunlad

LCM # 24 Nasusuri ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa batay sa


layon.

May magagawa ba ako upang baguhin ang bawat araw na puro kasinungalingan
lamang ang ikinikilos ng lahat ng tao at ang katotohanan ay nakagapos na lamang?
1) Sadyang makulay nga ang mundo natin. 2) Ang Diyos lang ang pinagkakatiwalaan
ko sa lahat ng bagay. 3) Sapagkat alam kong sa tuwing ako’y madarapa, 4) Siya ang sasalo
sa akin, 5) at ililigtas ako sa malupit na mundo.
(hango sa Malupit ang Mundo ni Peter Parker)

1. Ano ang pangkalahatang impresyon ng tekstong binasa batay sa layon?


A. Ang mundo ay talagang makulay
B. Ang katotohanan ay nakagapos na lamang
C. May Diyos na sasalo sa tuwing madarapa ang tao
D. May magagawa ang tao upang baguhin ang ikinikilos ng tao

Mahiwaga ang nilalaman ng mga ngiti ng bawa’t isa. Ito ang ginagamit upang
maipadama ang taos pusong pakikipag-ugnayan sa kapwa tao, ngunit totoo nga ba ang
ipinakikita ng mga ngiting ito o kabalintunaan lang ang lahat?
Sa isang banda, dapat matuwa tayo, artistahin ang dating natin. Biruin mo,
napakilos natin sila para pag-usapan tayo, laitin at yurakan ang ating dignidad. Hindi ba’t
sikat tayo, popular at astig ang dating?
(hango sa Plastik ang Mundo ni Peter Parker)

2. Batay sa layon, anong pangkalahatang impresyon sa mambabasa mayroon


ang tekstong binasa?
A. Pawang kabaligtaran lamang ang ipinakikita ng mga ngiti
B. May mga ngiting mapagkunwari
C. Ang mga palangiti ay artistahin
D. May hiwaga sa likod ng mga ngiti

Taglay ng kape ang tinatawag na cancer – fighting poyphenols. Nakatutulong ang


kape laban sa migrane, Parkinson’s Disease, colon cancer, asthma gayundin ang mga
problemang may kinalaman sa atay, apdo at puso. Taglay rin ng kape ang “tannin’ isang anti-
oxidant na mabisa sa puso at atay. Ito ang pumupuksa sa cirrhosis at maging sa mga bad
cholesterol.

3. Ano ang pangkalahatang impresyon ng binasang teksto batay sa layon?

73
A. Maraming elementong taglay ang kape
B. May paraan upang makaiiwas sa cancer
C.Magagamot ng kape ang sakit na kanser
D. Malaki ang maitutulong ng sangkap na taglay ng kape

Bunga ng malalakas na bagyo na dumarating sa ating bansa, malaki ang bilang ng mga
namatay at nasirang ari-arian. Labis na nakalulungkot dahil nagdulot ng malaking kasawian
ang bagyo. Subalit nakatutuwa naman na muling nakababangon tayo at nagagawang
umangat ang buhay kahit wala na ang ari-arian.
Makabubuting maging laging handa ang bawat isa, maging ang local na pamahalaan sa
mga ganitong uri ng panahon. Sa ganang kanila, nasira man ang lahat ng kanilang naipundar
ay ito ang nagtutulak sa bawat isa na muling magsikap at maging matatag.

4. Anong impresyon sa mambabasa batay sa layon mayroon ang teksto?


A. Laging handa ang local na pamahalaan sa ganitong panahon
B.Ang bagyo ay nakapamiminsala sa buhay at ari-arian ng tao.
C.Marami ang namamatay at nasisirang ari-arian dulot ng bagyo
D.Makatutulong kung magiging laging handa ang bawat isa

(1) Marami ang nagsasabing isang mapaminsalang teknolohiya ang biotechnology.


Ngunit ano nga ba ito? (2) Kaning may mas maraming Vitamin A; mga cloned na baka na
masarap gawing steak; at mas malalaking kamatis. Ilan lamang ito sa mga magagandang
halimbawa ng genetically modified organisms (GMO). (3) Ang GMO ay mga hayop o
halaman na may genetically-altered genetic make-up dulot ng biotechnology. (4) Sa
katunayan, matagal nang ginagawa ng mga magsasaka at siyentipiko ang ganitong
modernong pamamaraan. (5) Ito ay dahil naniniwala sila na may malaking pakinabang na
makukuha ang tao sa mga hayop at halamang genetically-altered.

5. Batay sa layon, ano ang pangkalahatang impresyon ng binasang teksto?


A. Ipadama ang pinsalang dulot ng biotechnology
B. Ipaalaala ang kasamaang dulot ng teknolohiya
C. Isaisip na sa bawat pagbabago ay may hatid na pag-unlad
D. Isapuso ang pag-iingat na dulot ng bioteknology

LCM # 25 Nakikilala ang mga panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkaka-


sunud-sunod.

1. Sa mabilis na paglago ng populasyon, maraming suliraning nagaganap sa


kapaligiran na kinakaharap ng mga mamamayan. 2. Kailangan ang malaking produksyon
kaya’t iba’t ibang paraan ang sinusubok na nakaaapekto sa lupang-taniman. 3. Una, palasak
ang pagtatambak ng mga patabang kemikal. 4. Pangalawa, ang pagbomba ng mga
pamatay insekto sa mga bukid na nakalalason sa kapaligiran. 5. At saka apektado sa
ganitong gawain ang mga mamamayan. 6. Sa kabila nito, patuloy ang pamahalaan at iba’t
ibang NGO’s sa pagbibigay ng mga kaalamang pangkapaligiran. 7. Talagang kaakibat sa
puso ng mga Pilipino ang pagmamahal sa kalikasan.

1. Sa ikatlong pangungusap, aling pananda ang naghuhudyat ng pagkakasunud-


sunod?
A. Kailangan C. Sumunod
B. Saka D. Una

2. Sa simula ang pamahalaan at iba’t ibang NgO’s ay patuloy sa pagbibigay ng


kaalamang pangkapaligiran sa mga magsasaka. Aling pananda sa pangungusap
ang ginamit sa pagkakasunud-sunod?
A. iba’t ibang C. Pamahalaan
B. Sa simula D. Patuloy sa

(1) Marami ang nagsasabing isang mapaminsalang teknolohiya ang biotechnology.


Ngunit ano nga ba ito? (2) Una, kaning may mas maraming Vitamin A; pangalawa, mga
cloned na baka na masarap gawing steak; pagkatapos ay ang mas malalaking kamatis. Ilan

74
lamang ito sa mga magagandang halimbawa ng genetically modified organisms (GMO). (3)
Ang GMO ay mga hayop o halaman na may genetically-altered genetic make-up dulot ng
biotechnology. (4) Sa katunayan, matagal nang ginagawa ng mga magsasaka at siyentipiko
ang ganitong modernong pamamaraan. (5) Ito ay dahil naniniwala sila na may malaking
pakinabang na makukuha ang tao sa mga hayop at halamang genetically-altered.

3. Una, ay kaning mas maraming Vitamina A. Aling pananda sa pangungusap ang


naghuhudyat ng pagkakasun ud-sunod?
A. mas C. una
B. marami D. kanin

4. Aling bilang sa pangungusap ang panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-


Sunod?

Pagkatapos ay mas malalaking kamatis ang ibebenta sa merkado.


A B C D

Sa simula lahat ng tao ay naghahangad ng ambisyon o hangarin. Ang hangarin ang


nagbubuklod sa tao upang magsikap pang lalo. Ngunit hindi lahat ng tao ay natutupad ang
ambisyon. Hindi sapagkat kulang sila ng pagkakataon o ng tulong, o ng puhunan. Ang totoo
kulang sila sa pananalig sa kanilang sarili.

5. Sa talatang binasa, aling pananda ang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod?


A. Hindi lahat C. At saka
B. Ang totoo D. Sa simula

Una, nagtulung-tulong ang guro, magulang at mga mag-aaral sa paglilinis ng


bawat silid-aralan. Sumunod, pininturahan ang mga dingding at kinumpuni ang mga sirang
upuan at lamesa. Saka pinalagyan din ng mga opisyales ng tiles ang mga silid ng laboratory
room at canteen.
Pagkatapos ay binigyan naman ng t-shirt na may tatak na Brigada Iskwela ’09 ang
lahat ng lumahok sa nasabing gawain.
Sinimulan ang Brigada sa pamamagitan ng parada. Matapos ang maghapong
paglilinis ay nagkaroon ng munting salu-salu.

6. Sa unang talata, pangungusap bilang dalawa, aling pananda ang naghuhudyat ng


pagkakasunud-sunod?
A. Saka C. Pagkatapos
B. Una D. Sumunod

7. Pagkatapos ay binigyan naman ng t-shirt na may tatak na Brigada Iskwela ‘09


Ang lahat ng guro. Aling salita ang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod?
A. Binigyan C. Pagkatapos
B. Susunod D. Saka

Influenza A H1N1 Virus


Ni Peter Parker
(Hunyo 4, 2009 2:46pm)

1) Isang uri ng virus ang Influenza A H1N1 na nagiging dahilan ng pagkakasakit ng


isang tao. 2) Unang umatake ang virus na ito noong Abril 2009 sa United States. 3)
Pagkatapos, ito ay kumakalat sa pamamagitan ng pagkahawa ng isang tao sa isa pang tao,
na maaaring nagsimula sa panahon ng influenza. Lumalaganap ang virus mula sa isang tao
sa pamamagitan ng pag-ubo, at saka sa pagbahin ng may influenza, gayundin ang
paghawak sa mga bagay na nahawakan na ng taong may virus.
Sa kabila ng mga impormasyon kaugnay ng virus na ito malaking bilang pa rin ng
mga Pilipino ang hindi nakaiwas sa nabanggit na karamdaman.

8. Sa unang talata, anong pananda ang nagpapahiwatig ng pagsisimula ng pagkalat ng

75
virus na AH1N1?
A. una C. isa
B. umatake D. noong

9. Anong pananda ang nagpapahiwatig ng isang paglalahat?


A. Una C. Pagkatapos
B. Sumunod D. Sa kabila

10. Aling pananda ang nagpapakita ng pagkakasunud-sunod ng ideya?


A. isa C. sa kabila
B. pagkatapos D. nagsimula

LCM # 33 Nasusuri ang mga kaisipang inilahad sa akda.

“Mahigit kang aba sa mapagpunuan


Ng hangal na puno at masamang asal
Sapagkat ang haring may hangad na yaman
Ay mariing hampas ng langit sa bayan.”

1. Anong kaisipan ang nakapaloob sa saknong?


A. panlipunan
B. pangkalangitan
C. pansimbahan
D. pampamahalaan

“Ipinapahayag ang pananamit mo


Dahilan taga-Albanya ka at ako’y
Persyano, ikaw ay kaaway ng baya’t sketa ko
Sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.”

2. Saang kaisipan tumutugon ang saknong?


A. panlipunan
B. panrelihiyon
C. pansimbahan
D. pampamahalaan

“Humihinging tulong at nasa pangamba


Ang Crotonang reyno’y kubkob ng kabaka,
Ang puno ng hukbo’y sa sigla,
Heneral Osmalik na bayaning Persya.”

3. Anong ideya/kaisipan ang lumutang sa saknong?


A. pandigmaan
B. pampamilya
C. panrelihiyon
D. pampamahalaan

“At ang panihala sa dala kong hukbo


Ipagkatiwalang iwan kay Menandro;
Noon di’y tumulak sa Etolyang reyno,
Pagsunod sa hari’t Albanya’y tinungo.”

4. Alin sa mga sumusunod ang kaisipang nakapaloob sa saknong?

76
A. Pampamahalaan
B. Pandigmaan
C. Panrelihiyon
D. Panlipunan

“Dinala sa Reynong ipinagdiriwang


Sampu ni Aladi’t ni Flerida ng hirang
Kapwa tumanggap na mga binyagan
Magkakasing sintay nairaos nakasal.”

5. Anong ideya ang lumutang sa saknong?


A. Panromansa
B. Pansimbahan
C. Panlipunan
D. Pambayan

77

You might also like