You are on page 1of 2

Czarina F.

Donato

11- ABM

DAGDAG PENSIYON PARA SA MGA MIYEMBRO NG SOCIAL SECURITY SYSTEM

Marami sa mga retiradong tao ang umaasa na lang sa kanilang pensiyon bilang
pagkukunan nila ng pangaraw- araw. Sa pensiyong ito higit na nakikinabang ang mga
Lolo at Lola natin o kung tawagin nila ay Senior Citizen. Pero sa pagtagal ng panahon
ang natatanggap nilang pension ay wala ng pinagbago ni wala man lamang dagdag. Sa
pagbubukas ng bagong administrasyon isa sa mga pangako ito ng Pangulong
Masolusyonan kaya ito ng bagong administrasyon? Maibigay kaya nila ang hiling ng mga
itong dagdag?

Ang pagbibigay ng pensiyon sa mga tanong nagretiro o magreretiro pa lang ay


isa sa kanilang karapatan bilang empleyado at bilang tao. Dahilan sa panukalang
dagdag sa pensiyon, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang P2,000 dagdag para sa
mga pensioner ng Social Security System ( SSS ) na nagambag. Ngunit ng dahil sa
pagaprubang ginawa ni Pangulong Duterte marami ang mga empleyado ng SSS ang
hindi sinang-ayunan dahil sa napakalaki nitong epekto hindi lang sa empleyado maging
sa SSS. Masaya man ang iba sa naipatupad na dagdag sa pensiyon ay ang
pagdadagdag din ng SSS ng SSS premium ang mga miyembro. Sa pagtagal ng
diskusyon na ito tungkol sa dagdag pensiyon ay nakikita ng mga opisyal ng SSS (at
kasalukuyang economic team ni Duterte) tungkol sa dagdag pensiyon. Malaking
pagkalugi ang mararanasan ng SSS. Alam ng lahat na ito ay isang magandang paraan
para sa mga miyembro ngunit tinataya nito ang isang problemang unti -unting lalaki
dahil sa isang maling desisyon na hindi iniisip ang nakararami.

Dadating ang araw na ang mga bagay na naisin natin ay matutupad ngunit isipin
natin ang maaapektuhan nito. May mga bagay man na maganda ang kakalabasan pero
kahit anong ganda nito ay walang patutunguhan kung pang malawakang suliranin ang
mararamdaman. Sa pagdagdag ng pensiyon ng mga miyembro ng SSS isipin muna
natin ang mga maapektuhan ng dagdag ng pensiyon na ito at ang hakbang na maaring
maging malaking problema sa kasalukuyan.
Sa dagdag pensiyon man ito o hindi isipin at huwag magpadalus- dalos sa mga
desisyon. Dahil ang tunay na may pakialam sa bayan kapakanan ng lahat ang
sinasaalang-alang.

You might also like