You are on page 1of 3

Lyka Rivera

2BSA – 3

Activity 2

MABANGIS NA LUNGSOD

PAGSUSURI

PAGSUSURING PANGNILALAMAN

1. Ipakilala ang mga sumusunod na tauhan:


a. Adong
Si Adong ang pangunahing tauhan sa kwento, isang musmos na
pinagkaitan at ninakawan ng kanyang pagkabata. Sa kanyang murang isipan,
ipinakilala ang isang malupit na mundo, ang tunay at walang pagbabalat-kayo.
Isang tauhang napupuno ng galit, poot at pagkadismaya ang puso sa nakikitang
pagsasawalang bahala, pagsasawalang kibo, at kasakiman sa paligid niya. Isang
tauhang nagnais na maprotektahan ang sarili niya laban sa isang masalimuot na
kapalaran at sa katapusan ng panghuling pahina ng kanyang kwento ay
natagpuan, sa wakas, ang kapayapaang nararapat lamang sa kaniya.

b. Bruno
Si Bruno ay isa sa mga tauhang binubuhay sa isip ng mga mambabasa
bilang isang malaking balakid sa pagkamit ng pangunahing tauhan sa mga bagay
na minimithi nito. Kung bansagan ba sa ngayon ay kontrabida. Isang tauhan na
tulad din ng iba ay may sariling binabalagtas na kwento, ngunit mas pinipiling
maging isang napakalaking tinik sa kwento ng iba. Isang tauhan na maraming
beses ng binato ng galit at siya namang nambabato ng galit sa iba. Sa gitna ng
dagat ng tiyak na kasamaan, siya ang bangis na higit na kinatatakutan ni Adong.

c. Aling Ebang
Si Aling Ebang ang mumunting liwanag sa napakadilim at napakalamig na
buhay ni Adong. Ang tanging tauhan na nagpahalaga, nakinig at nagbigay pansin
sa mahinang paghingi niya ng pagsagip. Isang tauhang maihahambing ang
kwento sa buhay na naranasan ni Adong. Bagamat kinapos din sa kakayahang
tumulong, mababatid na malaki ang ginampanan nito sa kwento at pagkatao ng
batang bida.

2. Bakit mahalaga ang simbahan kay Adong?


Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Isinalarawan ng may-akda ang kapaligiran na kinaroroonan ni Adong bilang
isang lugar na malupit at tila walang awa at pagpapahalaga para sa isang batang
katulad niya. Ang simbahan, na tila ba naaawang nakatunghay sa kanila, ang nagsilbi
niyang pag-asa. Nabubuhay ang kaniyang loob sa mga taong lumalabas sa may
simbahan, may puso pang magbigay ng kahit kaunting tulong para sa kanya.
Nagbibigay saya sa napakalungkot at nangangamba niyang puso. Tila nagsasabing sa
gitna ng kalupitang nararanasan niya ay laging mayroong pag-asa, laging may biyaya,
hindi lamang sa paraang inaasahan natin ngunit sa ikabubuti ng lahat.

3. Totoo bang iniiwasan ni Adong si Bruno? Ipaliwanag.


Sa paraan kung paano isinalaysay ng may-akda ang kalagayan ni Adong ay hindi
na kailangan pang magdalawang-isip ng mga mambabasa kung ano ang sinasapit ni
Adong sa malulupit na kamay ni Bruno. Hindi na bago ang ganitong kalakaran, kung
papanong ang mahihina at walang laban ay umiiwas, tumatakas sa pagmamalabis ng
malalakas. Isang masakit na patunay ang naging kapalaran ni Adong sa kamay ni Bruno
bago niya naramdaman ang kapayapaang matagal din niyang hinanap sa isang
magulong mundo.

4. Isalaysay ang ginawang pagtakas ni Adong kay Bruno.


Sinubukang tumakas ni Adong sa bakal na mga kamay ni Bruno gamit ang buong
tapang at lakas na matagal tagal din niyang inipon sa kaniyang dibdib. Lumakad siya
papalayo sa lugar na iyon, sinuong ang panganib na naghihintay sa kanya,
nakipagsapalaran sa mapanganib na kalye makalayo lamang sa lugar ng poot na iyon,
sa mga taong walang pakialam, sa buhay na puno ng kadiliman. Binaybay niya ang
daan na sa tingin niya ay siyang magpapalaya sa kaniya. Ngunit hindi siya pinalad na
tuluyang makalayo. Sa pagtanggap niya sa sakit ng parusa ng isang bilanggo ang siya
ring pagtanggap niya sa pinangarap na kalayaan.

5. Anu-ano pa ang nasasaksihan mong malagim na pangyayaring nagaganap sa


lungsod?
Sa larawan ng lugar na iyon na nabuo sa isipan ko, isang magulo, maingay at
siksikang lugar kung saan tuloy tuloy lang sa paggalaw ang mga tao na tila palaging
hinahabol ng oras at dinadaan-daanan ang isang batang umiiyak at humihingi ng kahit
kaunting tulong, parang pinipiga na ang puso ko sa sakit. Mga taong walang alam isipin
kung hindi ang mga sarili nila, puno ng pagkukunwari, gutom at pagkauhaw hindi
lamang sa panlamang tiyan ngunit pati na rin sa pagmamahal. Pagnanakaw, pang-aapi,
at pandaraya, ilan lamang sa mga malalagim na bagay na nagaganap sa lungsod.

6. Paano ipinakita sa kwento ang pagiging mabangis na lungsod?


Mahusay na naisalarawan ng may-akda ang gusto niyang ipakita at ipaunawa sa
mga mambabasa, kung paano ipinagkait ng isang lugar na magulo, walang awa, puro
kasakiman at pagsasawalang-bahala ang masayang buhay na nararapat sa isang bata.
Tunay na mabangis.

PAGSUSURING PAMPANITIKAN

1. Anong teorya o pananaw ang ginamit sa akda? Ipaliwanag.


Malinaw na gumamit ang may-akda ng Sosyolohikal na pananaw sa
pagbalangkas sa kwentong nabanggit. Ang Sosyolohikal na pananaw ay tumitingin sa
pangkalahatang pattern sa pag-uugali ng mga indibidwal na kasapi ng lipunan, at
iniuugnay ito sa panahon, lugar, mga kaganapan, kultura at mga institusyon sa kanyang
kapaligiran. Sa madaling salita, kinikilala ng pananaw na ito na ang mga kaganapan at
iba pang suliranin sa kapaligiran ng mga tauhan ay may direktang epekto sa pattern ng
kanilang pag-uugali, maging sa magiging takbuhin ng kwento ng kanilang buhay. Ang
saloobin at damdamin ng pangunahing tauhan at ang mga nakapaligid dito ang siyang
nagiging paksa sa pananaw na ito.

2. Suriin ang akda batay sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa kwento.


Ang pakikipagsapalaran ng bawat tauhan sa kwento ay hindi maitatangging
sumasalamin sa karanasan ng bawat tao sa kani-kaniyang pakikibaka sa tunay at
marahas na mundo. Kasasangkapan ang akda ng magkakaibang mga tauhan, bawat isa
ay may bahaging ginagampanan sa kwento ng iba, na para bang isang kadenang nag-
uugnay sa kanila. At ang magkakadugtong nilang pakikipagsapalaran ay sumasalamin sa
realidad ng buhay, kung paano gumalaw ang mundo, at kung paanong lahat ay
apektado dito.

3. Ilahad ang mga bahagi ng kwentong nagpapakita ng epekto ng kapaligiran sa


tauhan.
Narito ang ilang mga bahagi ng kwento na malinaw na nagpakita kung paano
lubhang naapektuhan si Adong ng kanyang kapaligiran.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay
parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.
“Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas
naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na
iyon ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng,
“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may
pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya
ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam
niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kaniya ng limang piso, sa lahat. Walang
bawas.
Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taon malamig, walang
awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa
kaniyang kalooban.
At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang
musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng
paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa
kabangisang sa mula’t pa’y nakilala niya at kinasusuklaman.

You might also like