You are on page 1of 8

PANIMULANG PAGTATASA SA FILIPINO GRADE LEVEL 2 SET A

PANGALAN ________________________________ BAITANG AT PANGKAT _________________

EDAD _________ PAARALAN: PASOLO ELEMENTARY GURO: _________________________

SI MILA

Si Mila ay nakatira sa bukid.

Maraming hayop sa bukid.

Marami ring halaman sa bukid.

Maraming alagang hayop si Mila.

May alagang baboy si Mila.

May alaga din siyang baka at kambing.

Sa mga hayop niya, ang manok niya ang kanyang paborito.

Tiko ang pangalan ng manok niya.

Si Tiko ay kulay pula at puti.

Siya ang gumigising kay Mila tuwing umaga.

Masaya si Mila kapag naririnig ang tilaok ni Tiko.

Mga Tanong: number of words: 73

1. Sino ang may alaga?


a. si Mila
b. si Olla
c. si Tiko
2. Saan nakatira si Mila?
a. sa zoo
b. sa Maynila
c. sa probinsya
3. Ano ang alaga ni Mila?
a. isda
b. buwaya
c. tandang
PANIMULANG PAGTATASA SA FILIPINO GRADE LEVEL 2 SET A

4. Paano ginigising ni Tiko si Mila sa umaga?


a. tumatahol
b. tumitilaok
c. umiiyak
5. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?
a. Ang Tandang ni Mila
b. Ang Kambing ni Mila
c. Hayop sa Gubat
PANIMULANG PAGTATASA SA FILIPINO GRADE LEVEL 2 SET B
PANGALAN _______________________________BAITANG AT PANGKAT ____________
EDAD _________ PAARALAN: PASOLO ELEMENTARY GURO: _______________________

SI DILIS AT SI PATING

Sa dagat nakatira si Dilis. Kalaro niya ang mga maliliit na isda. Sila ay

masaya.

Nasa dagat din si Pating. Malaki at mabangis ito. Takot si Dilis at ang

mga kalaro niyang isda kay Pating.

Minsan, hindi kaagad nakita ni Dilis si Pating. Gutom na gutom na si Pating.

Mabilis si Dilis. Nagtago siya sa ilalim ng korales. Hindi siya nakain ni

Pating. Matalino talaga si Dilis. Dapat maging matalino para matulungan ang
sarili.

Mga Tanong: number of words: 79

1. Saan nakatira si Dilis?


a. sa dagat
b. sa ilog
c. sa sapa
2. Ano ang sama-samang ginagawa nina Dilis at ng maliliit na isda?
a. namamasyal
b. nagtatago
c. naglalaro
3. Bakit takot si Dilis kay Pating?
a. Baka awayin siya ni Pating.
b. Maaari siyang kainin ni Pating.
c. Baka agawan siya ni Pating ng pagkain.
4. Paano ipinakita ni Dilis ang pagiging matalino?
a. Mabilis siyang nakapagtago sa korales.
b. Tinulungan niya ang mga maliliit na isda.
c. Hindi siya nakipaglaro kay Pating.
PANIMULANG PAGTATASA SA FILIPINO GRADE LEVEL 2 SET B

5. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?


a. Sa Ilalim ng Dagat
b. Ang Gutom na Pating
c. Si Dilis, ang Mabangis na Isda
PANIMULANG PAGTATASA SA FILIPINO GRADE LEVEL 2 SET C
PANGALAN _______________________________BAITANG AT PANGKAT ____________
EDAD _________ PAARALAN: PASOLO ELEMENTARY GURO: _______________________

ANG MATALINONG BULATE

Umaga na sa bukirin. Maagang lumabas si Bulate. Nais niyang

masikatan ng araw. Sa di kalayuan, nakita siya ni Tandang. Lumapit si Tandang


upang kainin si Bulate.

Nagulat si Bulate at nag-isip nang mabilis. Biglang nagsalita si Bulate.

“Kaibigan,” simula ni Bulate, “Bago mo ako kainin, mayroon sana akong

hiling. Nais ko munang marinig ang maganda mong boses.”

Natuwa si Tandang sa sinabi ni Bulate. Alam ni Tandang na maganda

ang boses niya. Tumilaok siya nang mahaba. Ang hindi niya alam, nagtago

na si Bulate sa ilalim ng lupa.

Mga Tanong: number of words: 92

1. Sino ang gustong masikatan ng araw?


a. si Aso
b. si Bulate
c. si Tandang
2. Ano ang gustong gawin ni Tandang kay Bulate?
a. gawing kalaro
b. gawing pagkain
c. gawing kaibigan
3. Anong salita ang ginamit para ipakitang umawit si Tandang?
a. kumanta
b. tumilaok
c. sumigaw
4. Ano kaya ang naramdaman ni Bulate nang makitang papalapit si Tandang?
a. ninerbiyos
b. nagalak
c. nasabik
PANIMULANG PAGTATASA SA FILIPINO GRADE LEVEL 2 SET C

5. Anong katangian ang ipinakita ni Tandang?


a. katalinuhan
b. kayabangan
c. kabutihan
6. Ano ang huling nangyari sa kuwento?
a. Kinausap ni Bulate si Tandang.
b. Tumakas si Bulate.
c. Lumabas si Bulate.
PANIMULANG PAGTATASA SA FILIPINO GRADE LEVEL 2 SET D
PANGALAN _______________________________BAITANG AT PANGKAT ____________
EDAD _________ PAARALAN: PASOLO ELEMENTARY GURO: _______________________

ANG IBON NI ISLAW

May alagang ibon si Islaw.

Ising ang pangalan ng ibon niya.

Puti si Ising. Maliit si Ising.

Nasa isang hawla si Ising.

Araw-araw ay binibigyan ng pagkain ni Islaw si Ising.

Masaya si Islaw sa alaga niya.

Isang araw, nakawala sa hawla si Ising.

Hinanap ni Islaw si Ising.

Hindi nakita ni Islaw si Ising.

Pag-uwi ni Islaw, naroon na si Ising.

Hinihintay na siya sa loob ng bahay.

Mga Tanong: number of words: 73

1. Ano ang alaga ni Islaw? (Literal)


a. tuta
b. pusa
c. ibon
2. Ano ang ginagawa ni Islaw kay Ising araw-araw? (Literal)
a. pinaliliguan
b. pinapasyal
c. pinakakain
3. Anong katangian ang ipinakikita ni Islaw? (Pagsusuri)
a. maalaga
b. masinop
c. maunawain
PANIMULANG PAGTATASA SA FILIPINO GRADE LEVEL 2 SET D

4. Ano ang naramdaman ni Islaw nang mawala si Ising? (Paghinuha)


a. nag-alala
b. natuwa
c. nagalit
5. Ano ang ginawa ni Islaw na nagpakita ng kanyang pagiging maalalahanin?
(Paghinuha)
a. Hinanap niya si Ising.
b. Pinamigay niya ang alaga.
c. Pinabayaan niya ang alagang mawala.

You might also like