You are on page 1of 8

ALAMAT

ALAMAT NG DAIGDIG
Noong unang panahon mayroon lamang langit at
dagat. Ang bathala ng langit ay si Kaptan. Ang
bathala ng dagat ay si Magwayen. May anak si
Kaptan. Ang pangalan ay Lihangin. May anak si
Magwayen. Ang pangalan ay Lidagat. Ipinakasal nila
ang kanilang mga anak. Nagkaanak ang mag-asawa
ng apat na lalaki. Ang mga pangalan ay Likalibutan,
Ladlaw, Libulan at Lisuga.
Nang lumaki ang mga bata hinangad ni Likabutan na
maging hari ng sansinukob. Nahikayat niya si Ladlaw
at Libulan na salakayin ang langit. Pinilit nilang
buksan ang pinto ng langit.
Galit na galit si Kaptan nang malaman ang ginawa ng
tatlo. Pinaalpasan niya ang mga kulog at ihinampas
ito sa magkakapatid. Naging bilog na
parangbola sina Libulan at Ladlaw. Ang katawan ni
Likalibutan ay nagkadurog-durog at kumalat sa
karagatan.
Dumating si Lisuga at hinanap ang kanyang mga
kapatid. Nagpunta siya sa langit. Galit pa rin si
Kaptan kaya pati si Lisuga ay hinambalos din niya ng
kulog. Ang katawan ni Lisuga ay nahati at lumagapak
sa ibabaw ng mga pira-pirasong katawan ni
Likalibutan.
Lumipas ang panahon pati na rin ang galit ni Kaptan.
Kaya binuhay niya ulit ang mga pinarusahan. Si
Ladlaw ay ginawang Adlaw (araw) si Libulan ay naging
Bulan (buwan). Si Likalibulan ay tinabuan ng mga
halaman at naging sanlibutan. Si Sibulan ang
pinagmulan ng unang babae at lalaki na tinawag na si
Lalak at si Babay.
Ang iba namang alamat ng daigdig ay sinasabing
nagmula sa mga nandayuhang Indonesyo.
Noong unang panahon ay wala kundi langit, dagat at
isang ibong lipad ng lipad sa pagitan ng langit at
dagat. Sa katagalan ay napagod ang ibon ngunit wala
siyang madapuan upang makapagpahinga.
Naisipan ng ibon na pag-awayin ang langit at ibon. At
natupad nga ang kanyangplano. Nagalit ang langit at
naglaglag ito ng maraming bato sa dagat. Sa mga
batong ito dumapo ang ibon. Sa katagalan ang mga
bato ay tinubuan ng mga puno at halaman.
Isang araw habang lumilipad ang ibon, napansin niya
ang kapirasong kawayan na lulutang-lutang sa tubig.
Tinuka nang tinuka hanggang sa mabiyak. At sa isang
bahagi ay lumitaw ang unang babae na ang ngalan ay
si Babay at sa kabila ay ang unang lalaki na ang
pangalan ay si Lalak.
ALAMAT NG BULAKLAK
Noong unang panahon may isang prinsesang
may napaka-gandang buhok na iba’t iba ang
kulay. Siya’y nagngangalang Prinsesa Buna na
umiibig ng palihim sa kanilang hardinero na si
Lakal.
Araw-araw ay pumupunta ang prinsesa sa
hardin. Iniisip ng kanyang ama na mahilig
lamang talaga ang prinsesa sa mga bulaklak kaya
ito ay laging naroroon. Ngunit lingid sa kaalaman
ng ama ay hindi iyon ang pinupunta ng kanyang
anak sa hardin. Pinupuntahan ng prinsesa si
Lakal na laging gumagawa ng sari-saring
pabango na gustong-gusto niyang amuyin at
gamitin dahil sa kakaibang amoy ng pabangong
gawa nito.
Ngunit isang araw, nahuli ng hari ang dalawa na
naglalakad sa hardin ng magkahawak ang
kamay. Agad na nagalit ang hari dahil ang isang
prinsesa ay umiibig sa isang hardinero kaya
isinikreto niya sa kanyang anak ang plano niyang
pamamaslang kay Lakal.
Inutusan ng hari ang isang kawal na pagdating
ng gabi ay dapat ipatapon si Lakal sa kagubatan
at iwanan doon hanggang mamatay. Ginawa ng
kawal ang utos ng hari at agad na iniwan si Lakal
sa gitna ng gubat. Si Lakal ay namatay at ang
prinsesa ay inintay ang pagdating ni Lakal sa
hardin ngunit hindi niya nakita ang binata
hanggang magdilim.
Ilang araw na nag-intay si Buna at hindi siya
kumain o naligo. Ni hindi rin siya natulog at
kinaumagahan ay inaantay pa rin nya si Lakal.
Isang araw ay naisipan ng prinsesa na umalis sa
palasyo at hanapin si Lakal. Ngunit siya’y nang
hihina na.
Paglipas ng ilang araw ay hinanap ng hari ang
kanyang anak na si Buna. Pumunta siya sa
hardin kung saan nagpupunta si Buna upang
intayin si Lakal. Ngunit ang nasilayan niya
lamang ay ang isang malagong halaman na may
iba-t ibang kulay at iba’t ibang uri. Napansin din
niyang ito ay kakulay ng buhok ng kanyang anak.
Kasing bango rin ng mga gawang pabango ni
Lakal ang mga halaman. Nasa huli plagi ang
pagsisisi. Nalungkot ang hari at walang nagawa
kundi alagaan ang natitirang bunga na naiwan
bilang alaala sa anak. Pinangalanan niya ang
halaman na Bunalak at kalaunan ay tinawag na
Bulaklak
Alamat ng Pinya

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa


isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at
ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling
Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki
si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si
Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging
ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin
ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na
lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya
makabangon at makagawa ng gawaing bahay.
Inutusan niyasi Pinang na magluto ng lugaw.
Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan
dahil sa kalalaro. Anglugaw ay dumikit sa palayok
at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa,
napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang
si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa
kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo.
Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang
beses naman ay ang sandok ang hinahanap.
Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay
na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina.
Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak
kaya´t nawika nito: " Naku!
Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata
upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka
na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di
na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin
ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si
Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa.
Tinatawag niya ang anak ngunit walang
sumasagot. Napilitan siyang bumangon at
naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si
Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya
ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang
anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang.
Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa
sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong
uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti
hanggang sa ito'y magbunga. Laking
pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo
ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at
napapalibutan ng mata. Biglang naalaala ni Aling
Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y
magkaroon ito ng maraming mata para makita ang
kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling
Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang
sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang
halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat
sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

You might also like