You are on page 1of 2

Mga Ginoo: Sa pagtatalumpati ko sa inyo ay hindi ko

ikinaudlot ang takot na baka akoy hindi kalugdan. Dumalo


kayo upang ibuklod sa aming sigla ang inyong sigla, na
nagbigay-lakas sa kabataan, at dahil ditoy hindi maaaring di
kayo maging mapagpaumanhin. Kagiliw-giliw na singaw ang
pumpuno sa ating kapaligiran; mga simoy ng pagkakapatiran
ang umiihip sa lahat ng dako: mga kaluluwang puspos ng
kagandahang loob, ang nakikinig, kaya nga, hindi ko
ikinatatakot ang aba kong pagkatao ni hindi ko ipinagaalinlangan ang inyong kabutihang loob. Mga taong pusuan
palibhasa,ang hinahanap ninyoy mga puso lamang at buhat
sa kataasang iyang pinupuna ang mga maliit na kakulangan.
Nasasaklaw ninyo ang kabuuan, hinahatulan ang pinakasanhi
at iniaabot ninyo ang inyong kamay sa sinumang katulad koy
nagnanasang makiisa sa inyo sa iisang isipan,sa iisang
hangarin, na dili iba kundi ang parangalan ang henyo ( genio),
ang luningning ng ibang bayan.(Magaling, napakagaling,
mga palakpakan). Ito, sa biglang sabi, ang sanhi kung bakit
tayoy nagkakatipon ngayon. Sa kasaysayan ng mga bansa, at
may mga pangyayari, na nagpapaalala ng nga damdamin at
kadakilaan; mga pangalang katulad ng mga kataka-takang
pagyayari, ay gumigising ng mga kaisipang nakakalugod at
nakagagalak;
mga
pangalang
wariy
naging
isang
pakikipagsandugo, isang sagisag ng kapayapaan,isang buklod
ng pagmamahalan ng mga bansa. Sa ganitong mga pangalan
kabilang ang kina Luna at Hidalgo, yamang ang kanilang
kaluwalhatian ay tumatanglaw sa magkabilang panig ng
daigdig: sa Silangan at sa Kanluran; sa Espanya at sa
Pilipinas. Sa pagbanggit ko sa mga pangalang ito,mga ginoo,
ay parang nakakakita ako ng dalawang balantok na
nagsasabog ng liwanag, na buhat sa kaitaasang itoy pinagiisa ang dalawang bansa sa pamamagitan ng mga buklod ng
walang-hangga; dalawang bansa na hindi mapaglayo ng mga
karagatan at ngalangaang; dalawang bansa na hindi ginitian
ng mga binhi ng pagkakalayo na sa kanilang kabulagan ay
ipinupunla ng mga tao at ng kanilang karahasan. Sina Luna at
Hidalgo ay karangalan ng Espanya at ng Pilipinas. Kung silay
isinilang sa Pilipinas ay maaari rin naming silay isinilang sa
Espanya, sapagkat ang (genio) ay walang pinipiling bayan;
ang henyo ay tumutubo sa lahat ng pook; ang henyo ay
katulad ng liwanag na nga hanging hari ng lahat; ipinalalagay
niyang kanyang bayan ang buong daigdig, katulad ng
kalawakan,katulad ng buhay, at katulad ng Diyos.
(Palakpakan) Ang kapanahunang makapatriyarka sa Pilipinas
ay lumilipas na. Ang mariringal na gawa ng kanyang mga
anak ay hindi na magkasiya sa loob ng tahanan; ang
silanganing uod na magiging paru-paro ang lumilisan na sa
kanyang suput-suputan; ang umagang may nagkikinangang
mga kulay at sinagang bukang-liwayway ng isang mahabang
araw ay ibinababala na para sa lupaing iyon; at ang lahing
iyon ay nahimbing sa gabi ng kasaysayan samantalang
nililiwanagan ng araw ang ibang lupalop, ay nagigising na
muli na parang ginulantang ng koryente ng elektrisidad, na
ang naging sanhiy ang kanyang pagkakadaiti sa mga baying
kanluranin, at humihinging pilit na liwanag, ng buhay, ng
kabihasnan na sa kanyay ipinamana ng panahon, at sa
ganitoy napagtitibay ang mga walanghangang batas ng
palagiang pagbabago, ng pag-iiba-iba, ng pagkapanapanahon, at ng pagsulong. Itoy natatarok ninyong mabuti at
itoy inyong ipinagmamapuri; sa inyo utang ang kinang ng
mga brilyanteng inihiyas sa putong ng Pilipinas; ang Pilipinas
ang nagbigay ng bato, at ang Europa ang tumapiyas at
kuminis sa mga ito. At tayong lahat ay nagmamalaking
magmasid,kayo,sa inyong ginawa, at kami naman, sa ningas,
sa pagpapasigla, at sa mga sangkap na ipinagkaloob.
( Magaling) Sinimsim nila roon ang tula ng kalikasan; isang
kalikasang dakilat kasindak-sindak sa kanyang mga sakuna ,
sa kanyang mga pagbabago, sa kanyang lakas; isang
kalikasang kalugud-lugod, tahimik at mapanglaw sa kanyang
matyagat walang pagbabagong pagpapakilala; kalikasang
nagkikintal ng kanyang tatak sa tanang nilikha ay niyari niya.
Dala-dala ang kanyang mga anak ang tatak na ito saan man
sila mapadako. Kung hindi ay suriin ninyo ang kanilang mga
katangian, ang kanilang mga katha,at magpakaliitliit man ng
inyong pagkakilala sa bayang iyon, ay mapipisil ninyo sa lahat
ng bagay ang tatak na iyon na wariy na siyang pinakaagham
nila na parang pinakakaluluwang namamatnugot sa lahat, na
wariy siyang nagpapakilos sa makina, na parang siyang
pinakabuod na nagbibigay ng tanging kakayahan sa mga
bagay-bagay at sa wariy siyang pangunang sangkap sa
pangyari ng isang bagay. Hindi maaaring hindi maipahiwatig
ang sa sariliy dinaramdam; hindi maaaring maging isang
bagay at iba naman kung gawin; ang pagkakasalungatan ay
paimbabaw lamang; silay mga kabalintunaan lamang. Sa El
Expolarium, ay nauulinigang tila naglalagos na kayo nito, na
hindi pipi, angpagkakagulo ng mga tao,ang pagsisigawan ng
mga alipin, ang kalansingan ng metal na baluti ng mga

bangkay, ang mga hikbi ng naulila, ang alingawngaw ng


pagdarasal,-lahat
nang
itoy
pawing
naririnig
nang
napakalakas at parang tunay na nangyayari, katulad ng
pagkarinig sa dagundong ng kulog sa gitna ng lagaslaw ng
mga talon ng tubig o katulad ng pagkarinig sa kahambalhambal at kasindak-sindak na langitngit ng lindol. Ang
kalikasan na rin, na siyang nagluwal sa mga kamanghamanghangpangyayaring ito, ang tumulong sa gayong mga
pagsasalarawan. Sa kabilang dako, sa kuwadro ni Hidalgoy
tumitibok ang napakawagas na damdamin, kamithi-mithing
pagpapakilala ng kalungkutan, ng kagandahan, at ng
kahinaan, na nilapastangan ng makahayop na lakas,
palibhasay isinilang si Hidalgo sa silong ng matingkad na
bughaw na langit na iyo, sa paghehele ng mga simoy ng
kanyang karagatan,sa gitna ng katahimikan ng kanyang mga
lawa, ng tulain ng kanyang mga bundok at mga kabundukan.
Kaya nga, kay Lunay masusumpungan ang mga lihim. Ang
pagkakaiba-iba, ang malalamlam na liwanag, ang hiwaga at
ang kahila-hilakbot, bilang alingawngaw ng maulap at madilim
na sigwa sa tropiko, ng nga kidlat, at ng mga mauugong na
putok ng kanyang mga bulkan. Kaya nga, si Hidalgoy taganas
sa liwanag, mga kulay,pagkakatugma damdamin at kalinisan,
tulad ng Pilipinas kung ang gabiy naliliwanagan ng buwan, sa
mga araw na tahimik,oo,tulad ng Pilipinas na may mga
papawiring nag aanyaya sa pagninilay-nilay, at sa lahat ng
itoy paru-parung nagduruyan ang kawalanghanggan. At
silang dalaway bagamat lubhang magkaiba ang isa sa isa, sa
anyo man lamang, nagkakatugon sa pinakadiwa, gaya rin ng
pagkakaiba-iba natin,pagpapahayag nilang dalawa, sa
pamamagitan ng kanilang paleta,mga nagniningning na sinag
ng araw ng tropiko, ang mga sinag na itoy ginawa nilang mga
sinag ng walang maliw na kaluwalhatiang ibinabalot sa
kanilang inangbayan; kapwa nila ipinakilala ang diwa ng
aming buhay na panlipunang kagandahang-asal at ng politika;
ang sangkatauhang nagpapailalim sa mahihigpit na pagsubok,
ang sangkatauhang hindi natutubos, ang katuwiran at ang
mithiing nakikibaka nang lantaran sa mga hina-hinala, sa
bulag na pananampalataya at sa mga kabuktutan? sapagkat
ang mga damdamin at ang mga kuru-kuro ay lumulusot at
naglalagos sa mga lalong makakapal napader; sapagkat para
sa kanila, lahat ng kataway may mga singawan, ang lahat ay
naaaninag, at kung wala man silang panulat, kung di man sila
tinatangkilik ng palimbagan, ang paletat mga pinsel naman
nilay hindi lamang makalulugod sa paningin, kundi magiging
magagaling na mananalumpati. Kung itinuturo ng ina ang
kanyang wika sa kanyang anak upang mawatasan nito ang
kanyang mga kaligayahan, mga pangangailangan at mga
hapis, ay itinuturo rin ng Espanya, katulad ng isang ina, ang
kanyang wika sa Pilipinas, bagamat ang bagay na itoy
minamasama ng mga taong aninaw at mga hamak, na sa
pagnanasa nilang mapagpatibay ang kasalukuyan at hindi
maabot ng tingin ang kinabukasan at hindi pinagtitimbang
ang mga kahihinatnan. Silay mga yayang nangangailangang;
masama na silay nagsisikap pang sumama ang iba,
palibhasay tinatangka nilang pawiin ang tanang mabuting
damdamin. Ipinangang-anyaya nila ang puso ng mga bayanbayan at pinupunlaan ng mga binhi ng pag-aalitan upang
kanilang maani pagkatapos ang kaukulang bunga, ang
anapelo ang mga kamatayan ng mga susunod na salin ng
lahi. Ngunit lilimutin ko na ang ganyang mga kaabaan!
Kapayapaan para sa mga patay na iyan, yamang silay
talagang mga patay, wala silang hininga, walang kaluluwa, at
iniuubos sila ng mga uod. Huwag nating gunitain ang kanilang
nakahahambal na alaala; huwag nating dalhin sa gitna
ngating kasayahan ang kanilang baho. sa kabutihang loob at
ang karangalan at katutubo sa silong ng langit ng espanya;
kayong lahat ay pawang maliwanag na katunayan nito.
Nagkakaisa kayong nagsitugon; nagsitulong kayo, at higit pa
sana ang inyong ginawa kung higit pa riyan ang hiningi. Sa
pagdulong ninyo upang makibahagi sa aming pagsasalu-salo,
at sa inyong pagpaparangal sa mga maririlag na anak ng
Plipinas ay inyo ring pinararangalan ang Espanya, palibhasay
nababatid ninyong mabuti, na ang mga hanggahan ang
Espanyay hindi ang Atlantiko, hindi ang Kantabriko, ni hindi
ang Mediteraneo- magiging maliit ang Espanya kung ang
dapat ay magkakaroon ng sangkang makahahadlang sa
kanyang isipan. naroon ang espanya, doon sa naipadarama
ang kanyang mapagpalang lakas; at sukdang mawala man
ang kanyang watawat, ay mananatili ang kanyang alaalang
walang kamatayan at walang hanggan. Ano ang ginagawa ng
isang putol na kayong pulat dilaw, ano ang ginagawa ng mga
baril at ang kanyon doon sa hindi man lamang ginigitian ng
isang damdamin ng pagmamahal at paggiliw ; sa isang pook
na walang pagkakaunawaan, pagkakaisa ng mga simulain at
pagkakatugunan ng mga kuro?......( Mahabang Palakpakan)
Sina Luna at Hidalgo ay nauukol sa inyo at nauukol din sa
amin;silay inyong minamahal at sa kanilay namamalas

naman naming ang magandang pag-asa at mahalagang


halimbawa. Ang lagi ng masigasig na kabataang Pilipinong
nasa Europa, at iilan pang taong ang mga pusoy nananatiling
palaging bata dahil sa kawalan ng pag-iimbot at kasiglahang
ikinatatangi nila sa mga gawain, ay nangag-aalay kay Luna ng
isang korona. Itoy isang munting parangal, maliit, tunay nga,
para sa aming kasiglahan,ngunit ang alay na iyan ay siya
naming lalong bukal sa puso at Malaya sa tanang alay na
hanggang ngayoy naihandog na sa kanya. Datapuwat ang
utang na loob ng Pilipinas sa kanyang magigiting na anak ay
hindi pa nasisiyahan, at sa nasang maibulalas ang mga
isipang namumutiktik sa pag-iisip, ang mga damdaming naguumapaw sa puso, at ang mga salitang nagpupumiglas sa
mga labi, kaming lahat ay dumalo sa piging na ito upang
isanib an gaming taimtim na hangad, upang bigyang-anyo
ang pagyayakap ng dalawang lahing nagmamahalan at nagiibigan, NAGKAKAISA,sa nga bagay-bagay nanauukol sa
kabutihang-asal, sa pagsasamahan sa pamahalaan, sa loob na
apat na dantaon, upang sa hinaharap, silang dalaway bumuo
ng isang bansa lamang sa diwa, sa kanilang mga tungkulin, sa
kanilang mga palagay,at sa kanilang mga karapatan.
( Palakpakan). Tumatagay na ako alang-alang sa ating mga

pintor na sina Luna at Hidalgo, mga karangalang tunay at


wagas na dalawang bayan! Tumatagay ako alang-alang sa
mga taong nagsitulong sa kanila sa mahirap na landas ng
sining! Tumatagay ako upang ang kabataang Pilipino, banal
napag-asa ng aking inang-bayan, ay tumulad sa gayong
napakahalang halimbawa, at upang ang inang espanya na
masikap at mapagmatyag sa ikabubuti ng kanyang
nasasakupan, ay magsasagawa nang walang anumang
paliban-liban ng mga pagbabagongmalaon na niyang
binabalak; nalinang na ng araro ang lupa at itoy hindi baog!
Tumatagay ako, sa wakas, sa ikaliligaya niyaong mga
magulang,na,sa pagkawalay nila sa pagmamahal ng kanilang
mga anak, ay sumusubaybay sa mga ito, buhat sa malayong
lupaing iyon, ng kanilang lubhaang mata at sumisikdong
pusong naglalagos sa mga karagatan at sa pagkakalayo.
iniaalay ng mga magulang na ito sa dambana ng mabubuti na
madla ang matatamis na aliw na lubhang nagsasalat sa takipsilim ng buhay- nga aliw na walang iniwan sa mahahalagat
mangisa-ngisang bulaklak sa taglamig na tumutubo sa mga
malalamig na labi ng libingan. (Masigabobg palakpakan; mga
pagbati sa nagtalumpati).

You might also like