You are on page 1of 5

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA

COLLEGE OF HUMANITIES, ARTS, AND SOCIAL SCIENCES


INTRODUCTION TO FILM – BAC 2202-1

ANALYZING MISE-EN-SCENE
IN THE MOVIE “PARASITE”

PROPONENTS:
BASIO, Jirwen O.
DE LEON, Lysandra Einna
DOLLENTE, Romeo C.
GONZALES, Baron Andrei R.
SALTING, Joseph “Seft” A.

Prof. Lorna G. Bayani

03/26/24
Ang eksenang aming napili ay noong nakatakas na ang pamilya ng bida mula sa bahay
ng kanilang amo. Lahat sila maliban sa kanilang ina ay nakaalis mula sa mansyon bago pa
man sila mabisto ng kanilang mga amo. Ang mga sumusunod na larawan ay ang mga
eksenang aming bibigyang paliwanag at interpretasyon.

“PAHIWATIG NG PAGLUBOG”

Sa senaryong ito ng pelikula ay ang pagpapakita ng pahiwatig mula sa pagtingin ng


karakter ni Ki-woo sa malakas na agos ng ulan mula sa hagdan pababa patungo sa kanilang
bahay. Isang pangyayaring dati ay kanilang napaghahandaan bilang pamilya. Ipinakita sa
pelikula kung ano ang estado ng buhay mayroon ang pamilyang Kim kung saan mababa ang
pagkakatayo ng kanilang tahanan at kadalasa’y pinapasok ng baha sa tuwing naulan.
Napansin namin na hindi lamang ito isang senaryong karaniwan ngunit labis na nagpakita ng
kahulugan kaugnay sa pamagat nito, parasitiko. Isang balakid sa tahanan ng mga parasitiko
ang malakas na agos ng ulan na siya ring sumisira sa kanilang maliliit na tahanan, sinasalamin
ang kahirapan ng pamilya laban sa kalamidad at pag-agos ng suliraning hindi nila mapipigilan.
Makikita rin natin ang kaniyang paghinto na siyang nagibigay ng pahiwatig sa karakter at
manonood sa mga kaganapang sumunod bago siya humalina. Isang repleksyon sa pamilyang
kung anong lakas ng agos ng biyaya at pag-angat ay siyang pagtaas ng hamon at
responsibilidad.

“SIGE LANG ANG SUONG”

Sa eksenang ito, ang 'Mise-en-Scene' ay makikitang nanguna si Ki Jung o Ki-jung sa


pagtakbo patungo sa kanilang tahanan nang hindi kayang alamin ang maaaring mangyari,
kaya naman, no'ng nakita niya na malala ang pinsalang ginawa ng baha ay siya'y napahinto
at hinayaang mauna ang kaniyang tatay at kapatid na lalaki. Kahit pa na sinabihan siya ng
kaniyang tatay na si Mr. Kim Ki-taek na manatili na lamang siya sa mababaw na parte ng baha
ay tumuloy pa rin siya sa patungo sa kanilang bahay. Nakita rin naman sa pelikula na nag-
alangan siyang tumuloy papunta sa kanilang bahay datapwat pinili pa rin niya itong lusungin
kahit na naramdaman niyang palubog na ito dahil sa lakas ng agos ng baha. Matapos niyang
makapasok sa bahay ay dumiretso siya sa kanilang nag-iisang trono - ang inidiro at doon na
siya nag yosi. Doon natin mas lalong naintindihan ang kaniyang karakter na hindi siya
marunong makinig, usisain muna nang maigi ang isip bago kumilos at isa siyang mapangarap
na babae. Paggalaw nang ‘di iniisip ang mga maaaring kahihinatnan para sa kaniyang
masalimuot na buhay na pilit niyang inaangat kasama ang pamilya.

Tulad na lamang nang pagnguya niya sa isang partikular na pagkain sa bahay nina
Mr. Park - nasarapan siya ngunit huli na niyang nalaman na ang kaniyang kinakain ay para
pala sa mga aso. Siya yung tipong matalino sa kalokohan pero sa totoong buhay o kaya
naman pag hinaharap na siya ng totoong problema, wala siyang masabat. Si Ki-jung din ang
unang nawala sa pamilyang Kim. Ang kaniyang pokus ay umasenso sa buhay nilang sa simula
pa lang ay mas kaya pang angatan ng tubig-baha.

“TUBIG ULAN PARA SA MGA PARASITIKO”

Makikita sa larawan na noong papalapit na ang ama sa kanilang bahay ay nasaktuhan


na nabuhusan siya ng tubig baha ng kapitbahay nilang nagtatanggal din ng baha sa loob ng
bahay nito. Nang paghagis ng tubig ng kapitbahay ay siyang saktong naming natamaan ang
ama nila. Bilang mga tinatawag na mga “parasite” sa pelikula, maihahalintulad ito sa ating
gawain kapag nais natin itong itaboy o puksain. Mahihinuha natin na sa akto ng pagbuhos ng
tubig ay nangangahulugang pinupuksa na sila at nararanasan na nila ang bunga ng ginawa
nilang kasamaan. Dagdag pa na hindi ito malinis na tubig kung hindi tubig baha, na masasabi
rin nating pinakamarumi at mababang uri ng tubig. Mas naipamukha nito na iyon ang tubig na
nababagay sa gaya ng pamilya na meron sila.

Isa pang maaring ibigay pagpapakahulugan sa eksenang ito ay ang pagpapaligo sa


ama. Matatandaan na nabanggit sa isang parte ng pelikula na nababahuan ang lalaking amo
na pinagmamaneho ng ama nila. Narinig ng tatlo na amoy basahan at mabaho raw ang
alingasaw ng kanilang ama ayon sa lalaking amo. Ito ang naging paraan upang siya ay
mapaliguan, ngunit nanatili pa rin siyang mabaho sapagkat tubig ulan nga ang ginamit. Kahit
anong paligo na gawin niya ay mananatili siyang magkaroon ng parehong amoy sapagkat
pinapakita nito ang buhay na kinalalagyan nila; mababa, marumi, at mabaho. Pinapakita rin
ng eksenang ito na sanay na ang ama sa tubig baha, kahit siya pa ay natamaan at naliguan
nito ay wala siyang naging reaksyon na malaki bagkus siya ay patuloy lang sa pagaalala sa
kanilang bahay.
“TRIANGLE OF DEATH”

Makikita naman natin sa Mise-en-scene na ito yung pwesto ng mga characters,


kabilang yung tatay na nasa kanan at unahan, anak na lalaking pangalawa na nasa kaliwa at
ang anak na babaeng nasa gitna at bandang likuran. Ito ay nagpapahiwatig ng kanilang
magiging gampanin pag dating sa pagtakas sa isang suliranin o problema. Ang tatay ang
nauuna sa posisyon na ang ibig sabihin ay mas naunang nakatakas sa nangyaring kaguluhan
at maging sa krimen sa nangyaring kaarawan. Ang anak na lalaki ang pangalawa na
nagpapahiwatig na siya’y napuruhan sa ulo, hindi man nito kinamatay ang pagpukpok sa
kaniyang ulo ngunit mananatiling panghabang-buhay na pasakit niya na itong dala-dala hindi
man siya namaalam. At ang anak na babaeng nasa likod na nasa bandang gitna, na
nagpapahiwatig na sa nangyaring krimen hindi niyo nakayanang labanan ang naging
pagsaksak sa kaniya at nag resulta sa kaniyang pagkamatay. May koneksyon ang ulan sa
posisyon ng tatlong bida sa palabas, marahil isa ang ulan sa nagiging balakid para sa kanilang
estado ng buhay.

“PANGANIB NG ULAN”
Panlimang 'Mise-en-Scène' Analysis ay ang kahulugan ng ulan sa pelikula na ito. May
mahalagang gampanin ang ulan dito dahil ito ang naging daan para sa mga manonood na
maintindihan at maipakita na ang pamilyang Kim ay unti-unting nararanasan ang kanilang
pagbagsak mula sa itaas patungo sa ibaba kung saan sila nabibilang sa simula ng istorya.

Nagsimulang magbigay simbolo o representasyon ang ulan nang banggitin ni Mrs.


Park na paborito ng kanyang bunsong anak ang ulan at labis itong natutuwa sa tuwing ang
langit ay nagbubuhos ng malakas na pag-ulan. Napatunayan ang teorya na ito noong maglaro
si Da-Song (bunsong anak ni Mrs. Park) sa kanilang bakuran habang bumubuhos ang
napakalakas na ulan. Mapapansin na sa kabila ng ulan, nagagawa ng mga mayayaman na
mag-saya. Para sa kanila, blessing ang malakas na ulan at halimbawa nito bukod sa paglalaro
ng bunsong anak ay ang Pagtatalik ng mag-asawang Park sa kanilang sala sa kadahilanang
ang pag-ulan ay nakapagbibigay ng 'relaxation feeling'.

Sinundan naman ito ng ulan na makikita sa larawan na naka-lakip. Sa ulan naman na


ito, ipinahihiwatig ang epekto ng ulan para sa mga nasa baba o mga mahihirap. Alam naman
natin na ang bahay ng mga Kim ay nasa 'basement' ngunit pinalala pa nito nang malaman
natin na ang kalye nila ay nasa pinaka-baba rin kaya naman kung umulan nang malakas ay
siguradong lubog sila sa baha.

Habang ang mga nasa taas o mga mayayaman (Pamilyang Park) ay nagsasaya sa
kani-kanilang ginagawa sa gitna ng ulan, ang pamilyang Kim naman ay walang kapaguran na
sinugod at nilusong ang baha para lamang maisagip ang kanilang mga gamit na kaya nilang
dalhin.

Ulan din ang naging sanhi ng baha sa kanilang bahay nang puntahan pa nila ito, baha
na umabot sa kanilang leeg na para bang nagpapahiwatig na kailangan na nilang tumigil o
bitawan ang kanilang mga ginawang masama o illegal dahil nasa dulo na sila ng sitwasyon at
kung ito'y ipagpapatuloy pa nila ay maari silang mapahamak. Ang Ulan sa pelikulang ito ay
isa sa mga simbolo o representasyon sa malaking pagitan ng mga mayayaman at mahihirap.

You might also like