You are on page 1of 5

FILIPINO –REVIEWER muna

LUPANG HINIRANG

-Ang pamagat ng ating pambansang awit at hindi "Bayang Magiliw".

-Si JOSE PALMA ang sumulat sa titik nito at nilapatan ng musika ni JULIAN FELIPE.

PEDRO PATERNO

-Ay ang may-akda ng "Ninay". Ang "Ninay" ay ang kauna-unahang nobelang Panlipunan sa wikang Kastila
na sinulat ng isang Pilipino.

AMADO HERNANDEZ

-Ama ng mga Manggagawa

-Ang mga sagisag niya sa panulat ay ang : "Amante Ernani ", "Julio Abril", at "Herminia dela Riva". Kilala
sa kanyang akdang Isang Dipang Lang it.

BAYBAYIN o ALIBATA

-Ito ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino.

PAGMAMALABIS O HYPERBOLE

-Ay pag eeksaherada o pagmamalabis sa isang kalagayan at kaya nman ay naging hindi kapani-paniwala.

Halimbawa :

"Hindi ko kaya ang mabuhay sa mundo kung mawawala ka sa piling ko."

LIWAYWAY ARCEO

-Siya ang may-akda ng kwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa".


-Ito ay tungkol sa kwento ng mga taong uhaw sa pag-ibig, at silang lahat ay maihahambing sa tigang na
lupa na nauuhaw sa patak ng ulan.

GENOVEVA MATUTE

-Siya ang may-akda ng maikling kwento na "Kwento ni Mabuti".

-Ito ay tungkol sa buhay ng isang karaniwang guro na may suliranin sa buhay ngunit ito ay hindi naging
sagabal sa kanyang tapat na paglilingkod.

KUNDIMAN

-Isang awitin tungkol sa pag-ibig.

GRACIANO LOPEZ JAENA

Kilala sa sagisag panulat na "Diego Laura"

-Siya ang may-akda ng "Fray Botod".

-Ang akdang "Fray Botod" ay isang akdang tumutuligsa sa kamangmangan at pagmamalabis ng mga
prayle.

HERMOGENES ILAGAN

-Siya ang may-akda ng dulang ang "Dalagang Bukid" na siyang naging batayan ng awiting pan-Zarsuela.

INDARAPATRA AT SULAYMAN

-Ito ay isang kwento tungkol sa pagpapadala ng prinsipe sa kanyang kapatid na lalaki upang patayin ang
mga halimaw sa kabilang bundok.

-Ito ay tinaguriang alamat ng Mindao.

LUALHATI BAUTISTA
-Siya ang may mga akda ng mga sumusunod, "Dekada `70" , "Gapo" , " Bulaklak ng City Jail" at ang
"Nena", at "Bata, Bata, Pano ka Ginawa".

CELSO AL CARUNUNGAN

-Siya ang may-akda ng "Satanas sa Lupa" .

JUAN ABAD SANTOS

-Siya ang may-akda ng "Tanikalang Ginto". Ito ay ang unang dulang itinanghal sa panahon ng Amerikano.

AURELIO TOLENTINO

-Siya ang may-akda ng "Kahapon ,Ngayon at Bukas".

BODABIL

-Ito ay isang uri ng dula na pinaghalu-halong awitan,sayawan, drama at katatawan.

MARCELO H. DEL PILAR

-Siya ay si "DOLORES MANAPAT".

-Ilan pa sa mga sagisag sa panulat ni del Pilar ay ang "Plaridel", "Piping Dilat".

DAELENG

-Ay isang awit sa pista .

SAMBOTANI

-Ay isang awit sa tagumpay.

SALAGINTOK
-Isang awiting bayan na tungkol sa pakikipagkaibigan.

ANDRES BONIFACIO

-Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na "Agap-ito Bagumbayan".

-Iba pang sagisag sa panulat niya ay "May pag-asa", "Magdiwang ".

DASALAN AT TOCSOHAN

-Ay akda ni del Pilar . Ito ay kahawig ng mga dasal na itinuturo ng mga prayle sa mga Pilipino. Sa dasal na
ito, lantaran niyang tinutuligsa ang mga kasalanan ng mga prayle noon.

CAIINGAT CAYO

-Ay isang akdang isinulat ni Del Pilar na nagtatanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal. Ito ay sagot sa Caiingat
Cayo ni Padre Jose Rodriguez.

APOLINARIO MABINI

-May sagisag panulat na Paralitiko at ang tinaguriang "Utak ng Himagsikan".

-Siya ang kanang kamay ni Emilio Aguinaldo.

EMILIO JACINTO

-Isang Pilipinong manunulat na may sagisag panulat na "Dimas-ilaw".

JOSE DE JESUS

-Isang manunulat na Pilipino na may sagisag sa panulat na "Huseng Batute".

ANTONIO LUNA

-Isang Pilipinong manunulat na may sagisag panulat na "Taga-ilog".


JOSE DELA CRUZ

-Isang Pilipinong manunulat na may sagisasag panulat na "Huseng Sisiw".

LOPE K. SANTOS

-Ay isang tanyag na Pilipinong manunulat at tinaguriang "Ama ng Balarilang Tagalog."

You might also like