You are on page 1of 2

Name: Calvadores, Reese Mae, S.

Awtput 8

1. Tungkol saan ang nasyonalisasyon at modernalisasyon ng wikang Filipino?

Sagot:

Ang Nasyonalisasyon ay ang pagsusuri sa mga problema ng pagpapatanggap sa wikang Pambansa sa


mga pook na di-tagalog at pagdudulot ng kaukulang gawain upang maigpawan ang mga natukoy na
problema. May mga historical nang impormasyon hinggil dito.Ang Nasyonalisasyon may higit na
amlusog na aspekto ang tunggalian sa isang modernisasyong alpabetong Pambansa na may 28 titik
at ganap na nagwawaksi sa abakadang Tagalog/Pilipinp. Ang modernisasyon ay tumutukoy sa
pagbabagong anyo mula sa isang tradisyunal at rural na lipunan sa isang pang-industriyang lipunan
na kung saan ginagamitan ng makabagong pamamaraan, mga ideya, kagamitan at iba pa upang
mapabilis ang gawain ng mga tao.

Dagdag sa ‘king nakalap na impormasyon paano po natin masasabi na ang bansa ay modernisado na
sa larangan ng wika at kultura? Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at mga bagong paraan ng
komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi maiiwasan na may mga sinaunang
salita na nababaon na sa limot o nalilipasan na ng panahon.Jejemon, bekimon, balbal, kolokyal, at
mga salitang kalye, iilan lamang ito sa mga nakakaapekto sa ating wika na dulot ng pag-usbong ng
teknolohiya. Sa kultura ng Pilipino naman, na kung saan ay ang Pilipinas ang isa sa mga bansang may
pinakamayamang kultura at kaugalian na tinatangkilik at pinapahalagahan ng bawat mamayang
pilipino, subalit sa paglipas ng dekada tilanapakabilis rin ng pagbabago ng mga pilipino. Ilan sa
halimbawa ng pagiging modernisado ng ating kultura ay ang paraan ng pan-liligaw, noon ay sa
paraang panghaharana ngunit ngayon ay ginagamitan na lamang ng makabagong teknolohiya tulad
ng pakikipag text o chat. Ang mga halimbawang ito’y nagpapatunay na nagiging modernisado na an
gating wika at kultura.

2. Ano ang mga balakid sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon at modernalisasyon ng wikang Filipino?

Sagot:

Isang malaking kumunoy hinggil sa pagpapalagana ng Wikang Pambansa ang kasong “purismo” na
sumiklab noong kalagitnaan ng dekada 60. Nag-umpisa ito noong 1965 sa paghahabla ni Kongresista
Inocencio Ferrer hinggil sa pagsuway ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa tadhanang pangwika ng
1935 Konstitusyon. Tagalog diumano ang pinalalaganap na Wikang Pambansa at “purista” ang SWP.
Sinundan ito ng mga kontra-Wikang Pambansa—na tinatawag na noong “Pilipino”—gaya nina Geruncio
Lacuesta, Leopoldo Y. Yabes, Ernesto Constantino, na pawang nagpapanukala ng isang fusyon ng mga
wikang katutubo para mabuo ang isang ipinalalagay niláng totoong Wikang Pambansa na tinatawag
niláng “Filipino.” Inabutan ang kontrobersiyang ito ng kumbensiyong ipinatawag ni Pangulong Marcos
para baguhin ang konstitusyon, sinamantala ng mga delegadong mayorya mulang mga probinsiyang di-
Tagalog, at nagresulta sa bagong tadhana ng 1972 Konstitusyon para sa pagbuo ng isang bagong Wikang
Pambansa sa pangalang “Filipino.” Isang malaking kontrobersiya ang yugtong ito. Sa pananaw ni Dr.
Andrew Gonzalez, umatras ang SWP, natálo sa labanán ang “Pilipino”—na naging kasingkahulugan ng
“Tagalog” sa tingin ng marami—at sumigla ang mga mungkahing reporma para sa pagbuo ng “Filipino.”
Ngunit ang totoo, nagsukdol lámang ang lahat sa paghinà ng reputasyon ng SWP at ng pamumunò ni
Direktor Ponciano B.P. Pineda, at sa pagdomina sa larang pangwika ng mga ekspertong Linggwistasero—
ang tawag ko sa mga matabil.

3. Paano magkakaroon ng nasyonalisasyon at modernalisasyon ng wikang Filipino?

Sagot:

Paano natin bubuhayin ang diwa ng nasyonalismo sa araw-araw na pamumuhay? Igalang ang
watawat ng Pilipinas at pahalagahan ang pagiging Pilipino. Dapat nating igalang ang ating watawat
at layunin nito, Maging isang produktibong mamamayan, Magkaroon ng kamalayan ng mga isyu sa
ating bansa, Ipagmamalaki ang mga Pagtatagumpay ng mga Pilipino, Tumangkilik at suportahan ang
sariling mga produkto, Panatilihin ang mga kulturang Pilipino, Igalang ang lahat ng tao at
pahalagahan ang tradisyon, Magsalita ng pambansang wika, Tandaan at gunitain ang mga bayani
nagsakripisyo sila para sa ating bansa, Mahalin ang pamilya, kapitbahay, at ang mga kababayan,
Mayroong mga paraan upang ipakita ang ating pagmamahal sa ating bansa. Sa ating henerasyon,
may mga bagay na may pagsubok na may kaugnayan sa Nasyonalismo. Ano ang mahalaga ay
tumayo tayo at nagkakaisa bilang mamamayang Pilipino at iniibig natin ang Pilipinas bilang ating
bansa. Ipaalam at ipakilala ang kakanyahan ng pagiging nasyonalismo natin sa bawat aspeto ng ating
buhay.

Ang mga kabataan ay natutong magkaroon ng modernong pag-iisip sa kasalukuyang panahon


pagdating sa mga isyung panlipunan.

You might also like