You are on page 1of 12

Mga Uri ng

Teksto at
Pagsasalin
Pagbibigay depinisyon sa iba’t
ibang teksto.
– Pagpapakuha ng isang buong papel sa mga mag-aaral at paglalaan ng ilang minute
para sa pagbibigay ng kanilang mga sariling depinisyon sa mga tekstong ilalahad.
– Tekstong Impormatibo
– Tekstong Deskriptibo
– Tekstong Nanghihikayat
– Tekstong Naratibo
– Tekstong Argumentatibo
– Tekstong Prosidyural
Ano ang teksto??

– Ito ay isang uri ng sulating nababasa ninuman.


– Mahalaga ito sa isang mananaliksik dahil ang mga
ito ang nagiging batayan niya ng mga datos na
kaniyang isusulat.
– Anumang tekstong mababasa ay may layunin. Ang iba ay
nagbibigay ng impormasyon, direksyon, o paglalarawan.
– Ang pagkakabuo ng isang teksto ay naaayon sa layunin
nito.
Tekstong Impormatibo

– Ito ang nagagamit bilang pangunahing sanggunian ng isang


mananaliksik.
– Naglalahad ng mga bagong puntos o kaalaman tungkol sa isang
paksa.
– Ito ay puno ng mga impormasyong bago sa kaalaman ng bumabasa.
– Karaniwan, ito ay nagsasaad ng mga bagong pangyayari, datos, at iba
pang kaalamang makatutulong sa isang mananaliksik upang
mapagyaman ang kaniyang isinusulat na papel.
Sino ang maaaring gumawa o
sumulat ng ganitong teksto?
– Iyong mga taong may sapat na kaalaman tungkol sa
paksa.
– Dahil layunin ng ganitong uri ng teksto na pataasin ang
kaalaman ng mambabasa tungol sa isang paksa o
konsepto at tulungan ang mambabasa naa maunawaan
niya ito.
Ano ang nilalaman ng tekstong
ito?
– Hindi piksyon o hindi kathang-isip lamang.
– Ang nilalaman nito ay mula sa mga aktwal na datos, katotohanan,
o pangyayari.
– Kaya inaasahan na ang tekstong ito ay may tumpak, wasto,
napapanahon, at makatotohanang nilalaman o impormasyon na
batay sa mga tunay na datos at ipinahahayag sa malinaw na
pamamaraan.
Ano ang mga impormasyon
na makukuha natin sa
teksto?
Impormasyong hango sa isang
sangguniang nasaliksik
– Tinutukoy nito ang mga kaalamang mula sa
nasaliksik ng sumulat ng tekstong impormatibo
Impormasyong natuklasan buhat
sa tekstong binabasa
– Ito ang mga babasahing hindi matutukoy bilang
impormatibo sa teknikal na aspekto subalit dahil sa
laman na mayroon sa bawat pagtalakay, matutukoy na
rin ito bilang isang pangunahing sanggunian – daan
bilang maging tekstong impormatibo.
Impormasyong nauugnay sa isang
realidad na naging impormatibo

– May mga impormasyong nahahango sa


isang teksto at nauugnay sa kasalukuyang
estado ng buhay na malaon ay nagagamit sa
realidad.
Impormasyong hango sa mas
malalim pang pananaliksik ng
sumulat
– Natutulungan ng pagbasa at lubos na pananaliksik ang
pagtuklas ng mga kaalamang buhat sa kakayahan ng
isang manunulat. Nagiging batayan ang mga ito ng
pagkuha ng mga sanggunian at nakatatawid ang isang
nananaliksik sa pagbuo ng kanyang landas na
pananaliksik bilang bagong kaalaman na hahamon sa
kaniyang karunungann at pagkatao.

You might also like