You are on page 1of 7

COLUMBAN COLLEGE BASIC EDUCATION DEPARTMENT-ASINAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO AT CHRISTIAN LIVING EDUCATION


GRADE 5
MODYUL 1
YUNIT 1
PANANAGUTANG PANSARILI AT PAGIGING MABUTING KASAPI
NG PAMILYA

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pagiisip


sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa sarili at sa
pamilyang kinabibilangan

Pamantayang Pagganap
o Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin sa kung ano ang
dapat at
di-dapat
o Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa pagpapahayag at
pagganap ng anumang gawain.
o Naisasagawa ang mga kilos,gawain at pahayag na may kabutihan at katotohanan

Mga Pagpapahalaga

✓ Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)


✓ Pagkabukas ng isipan
✓ Pagkamatiyaga (Patience)
✓ Katatagan ng Loob (Fortitude)
✓ Pagkamatapat (Honesty)
ARALIN 1
PAGKABUKAS NG ISIP (Open Mindedness)

I. Panimula at Paglalahat
“Huwag ipagkatiwala ang iyong hinaharap sa mga kamay ng iba. Sa halip ay
magdesisyon ka mismo sa tulong at patnubay ng Diyos. Mahigpit na hawakan ang
iyong mga paniniwala at huwag mong pabayaan ito! "

May nagawa na ba kayong pagpapasya na mahalaga sa inyong buhay mag-aaral?


Naging matagumpay ba ito? Sino o ano kaya ang nakaapekto sa naging bunga ng iyong
pagpapasya? Sa araling ito, tatalakayin natin ang kahalagahan ng mabuting pagpapasya.
Sa buhay ng isang tao, maraming pagpapasya ang kinakailangang gawin. Kaya naman
kailangan ang sapat na pagsusuri ng mga impormasyon sa lahat ng bagay upang matiyak
na magiging kapaki- pakinabang at hindi pagsisihan ang gagawing desisyon. Ang modyul
na ito ay makakatulong sa iyo upang magkaroon ng balanse at matalinong pagpapasya
upang mapaunlad ang pagkakaroon bukas na isipan o open-mindedness.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na malinang ang mga


sumusunod na Pamantayang Pagkatuto:
o Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga:
▪ Balitang napakinggan
▪ Patalastas na nabasa/narinig
▪ Napanood na programang pantelebisyon
▪ Nabasa sa internet at aklat

Upang mas maging makabuluhan ang pag-aaralnatin, narito ang mga inaasahang
gampanin o gawain na inaasahang makamit mo habang ating tinatalakay ang aralin.

Ikaw bilang mag-aaral ay inaasahan na… Ang iyong mga magulang/tagapag-alaga ay


• Basahing mabuti ang mga hinihikayat na…
katanungan at sagutin ng buong • Gabayan at tulungan ang kanilang mga
galak ang bawat Gawain sa modyul anak sa pagbuo ng balanse at
• Matapos basahin ang modyul na ito makabuluhang desisyon nang may
ang mga bata ay matututunang suriin bukas na isip.
ang mga impormasyon na kanilang • Makapagbigay ng mungkahi na
makikita, mababasa, mapapakinggan makatutulong sa pagkatuto ng kanilang
at mapapanood. mga anak.

II. PAGTALAKAY SA ARALIN

A. PANIMULA AT PAGGANYAK
Bago magsimula ang ating aralin, nais kong simulan natin ito sa isang gawain.

A B C D E

Pamilyar ka ba sa mga larawang nakikita mo sa itaas?


Maaari mo bang pangalanan ang mga ito?
A. __________________________________
B. __________________________________
C. _________________________________
D. _________________________________
E. _________________________________

Maaari mo bang isulat sa kahon ang maganda at masamang epekto ng mga larawang nasa
itaas?

Magandang Epekto Masamang Epekto

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

B. PAGTALAKAY
Santiago 1:5
Maraming paraan upang mangalap ng mga Ngunit kung ang
kinakailangang impormasyon at kaalaman. Maaaring magbasa sinuman sa inyo
ay kulang sa
ng mga aklat, pahayagan, magasin at iba pang babasahin.
karunungan,
Ang radyo, telebisyon, pelikula at internet ay mabisa at napapanahon
humingi siya sa
din. Bagamat hindi lahat ng nababasa, napapakinggan o napapanood Diyos at siya'y
ay makatotohanan kung kaya’t kailangang buksan natin ang ating bibigyan,
isipan upang lubos na masuri ang mga impormasyon na ating sapagkat ang
nakukuha mula sa mga ito. Diyos ay
Bilang isang mag-aaral mahalaga ring suriin ang magiging nagbibigay ng
desisyon sa mga bagay na gagawin. Mag- isip ng mabuti bago gumawa sagana at di
nanunumbat.
ng anumang aksiyon o desisyon. Ang pagiging mapanuri ay isang
katangiang makatutulong sa iyo sa pagkakaroon ng maayos na
pamumuhay.
May mga taong dalubhasa sa ibat-ibang sangay o paksa na maaaring lapitan at tanungin
katulad na lamang ng iyong mga guro at magulang na may sapat na malasakit sa iyo upang
magbigay ng tamang impormasyon para sa pagpapasyang gagawin.

Bukod sa mga nabanggit, isa sa pinakamabisa nating mapagkukunan ay ang ating mga
karanasan sa buhay. Negatibo man o positibo ang mga karanasan ay kongkretong o tiyak na
batayan sapagkat ito ay tunay na naganap at kaakibat nito ang damdaming napapaloob. Sabi
nga ng ating mga magulang, natututo raw tayo mula sa ating pagkakamali. Dahil dito mag-
iingat na tayo kung sakali mang maulit ang karanasang iyon.

Gawain: Pagsusuri sa sitwasyon. Ano ang gagawin mo bilang isang mag-aaral na may
pagpapahalaga sa pagkakaroon ng bukas na isipan?

1. May kumakalat na tsismis sa twitter na ang isang mag-aaral sa Grade 5 ay nagkaroon


ng kapansanang pisikal kaya’t kinukutya sya ng ibang mag-aaral.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Dahil sa pandemya nararanasan natin, marami ang nawalan ng hanap-buhay,kasama
ang iyong tatay. Dahil dito, kailangan nyong magtipid sa lahat ng bagay lalo na sa
pagbili ng mga pangangailangan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

“Huwag kayong mabalisa patungkol sa anumang bagay. Sa halip, ipaalam ninyo ang inyong
mga kahilingan sa Diyos na may pasasalamat sa pamamagitan ng panalangin at ng
panalanging may paghiling. At ang kapayapaang mula sa Diyos, na higit sa anumang pang-
unawa, ang siyang mag-iingat sa inyong mga puso at pag-iisip sa pamamagitan ni kristo
Jesus.”

Filipos 4:6-7

C. PAGLINANG NG IBA PANG KASANAYAN

TALAMBUHAY NI SAN PABLO


Si San Pablo Apostol, bagamat hindi kasama sa
labindalawang tinawag ng Panginoong Hesukristo sa kanyang
pangangaral sa Galilea, ay itinuturing na isa sa mga
pinakadakilang apostol. Ito ay dahil sa kanyang pagpupunyagi
na ikalat ang Mabuting Balita sa mga Hentil sa lahat ng dako ng
mundo na kanyang kayang marating. Subalit hindi nagsimula si
San Pablo na kasa-kasama ng mga sumasampalataya kay
Kristo.
Siya mismo ang nagsasabi ng kanyang kasaysayang personal sa kanyang mga sulat. Sa
Sulat ni San Pablo sa mga taga Galacia (1: 11-24), inamin niya kung paanong nagsimula siya
bilang isa sa mga namumuhi at tumutuligsa sa mga unang Kristiyano. Sa Gawa ng mga
Apostol, si San Pablo na noon ay tinatawag pang Saulo (ang kanyang pangalan bago siya
sumunod kay Kristo), ay isang saksi sa pagpatay kay San Estebang diyakono na pinaslang sa
pamamagitan ng pagpukol ng mga bato.

Naging mapusok si Saulo noon sa paghahanap at pagdakip sa mga unang Kristiyano


upang ikulong at parusahan dahil sa inaakala niyang maling paniniwala ng mga ito kay Kristo.

Nagbago ang lahat ng isang malaking himala, malamang ang


Iclick ang link upang
pinaka-malaking himala, sa batambata at nagsisimula pa lamang
makita sa internet :
na simbahan, ang naganap sa pagbabagong-buhay ni Saulo.
https://www.youtube.
Nagpakita sa kanya sa daan patungong Damasco ang com/watch?v=m67yx
Panginoong Hesukristo upang akayin siya sa pagsunod sa cCc3qs
kanyang handog na bagong buhay at gawin siyang kasangkapan
ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Si Saulo ay naging si Pablo,
na ngayon ay punong-puno ng pananabik na maging alipin ni
Kristo at alipin ng kanyang mga kapatid sa simbahan.

Ang doktrina ng Katawang Mistiko ni Kristo (na ang simbahan ay katawan ni Kristo;
Siya ang Ulo at tayo ang mga bahagi ng katawan) ay nabuo sa isip at puso ni San Pablo
noong magpakita ang Panginoon sa kanya at tanungin siya: “Saulo, Saulo, bakit mo ako
inuusig?” (Gawa 9:4b) Ang hinahabol ni Pablo noon ay ang mga Kristiyano subalit iniugnay ng
Panginoong Hesus ang kanyang sarili sa kapalaran at buhay ng kanyang mga alagad. Hindi
maaaring paghiwalayin si Hesus at ang sinumang nagmamahal sa kanya. Iisang katawan na
sila ngayon dahil sa Espiritu Santong nagbubuklod sa Panginoon at sa mga Kristiyano. Tulad
ni San Pablo, tayo nawa ay makaranas ng tunay na pagbabago ng ating puso at isip, ng ating
ugali at gawi.

Sagutin ang mga tanong upang maunawaan ang kwento ni San Pablo:

1. Ano uri ng tao si Saulo bago pa man sya naging mananampalataya ni Kristo?
__________________________________________________________________
2. Paano nagkaroon ng pagbabago sa kanyang buhay?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Pagkatapos ng himala na nangyari sa buhay nya, ano na ang kanyang naging gawain?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Ipaliwanag ang pagbabagong naganap kay Pablo, sa kanyang puso at isip.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Bakit siya tinawag na isa sa mga pinakadakilang apostol ni Hesus?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Magaling! Dito nagtatapos ang iyong Modyul para sa araling ito!Bilang katibayan ng
iyong pagkatuto, pakisulat sa mga kahon ang iyong mga natutunan, mga nakapukaw
ng iyong pansisn at nabuong katanungan.
3 BAGAY NA NATUTUNAN KO 2 BAGAY NA NAKAPUKAW NG 1 BAGAY NA HINDI PA RIN
SA ARALIN AKING ATENSYON LUBUSANG MALINAW
PARA SA AKIN

Nais kong marinig ang iyong opinyon/ebalwasyon patungkol sa araling ito. Gayun din
mula sa iyong mga magulang. Mangyari na pakisulat na lamang sa mga kahon ang iyong mga
opinyon, obserbasyon, paglilinaw o suhestiyon.

Comments:
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suggestions:
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Observation:
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Question (if there’s any):
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Suggestion/s:
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Cellphone No.

Teacher’s Note
MGA SANGUNIAN

Conche at Tesoro (2017). Abiva Publishing House Inc, GAWI Edukasyon sa


Pagpapakatao 5.Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave., Quezon City

Cristobal,(2018). RBS Serye sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Gintong Butil 5.


Bagong Edisyon 2018. Rex Book Store, Inc. (RSBI). 856 Nicanor Reyes SR. St.
Sampaloc, Manila.

Ang Pagbabagong-Buhay ni San Pablo Apostol(2014, December 04. Our Parish


Priest[blogpost]. Retrieved from
http://ourparishpriest.blogspot.com/2014/11/meet-saints-san-pablo-
apostol.html

[Photograph of a radio].(n.d.).QFX R-24 Portable AM/FM/SW1/SW2 Radio


(Silver).
Retrieved from
https://www.bhphotovideo.com/c/product/1274905-
REG/qfx_r_24_am_fm_sw1_sw2.html

[Photograph of a television].(n.d.).TCL Basic 24D3100D. Retrieved from


https://www.abenson.com/tcl-basic-24d3100d.html

[Photograph of an Android Phone](2020, July 1). The best Android phones (July
2020). Retrieved from https://www.androidauthority.com/best-android-
phones-568001/

Filipos 4:6-7 Ang Salita ng Diyos(n.d.). retrieved from


https://www.biblegateway.com/passage/?search=Filipos+4%3A6-
7&version=SND

You might also like