You are on page 1of 10

MENU

o BACK

o Panimula

o Panitikan ng iba't ibang lalawigan

o Español

o Pambansang Alagad ng Sining

o Mula sa mga Alagad ng Sining

o Balagtasan

Panimula
Ang Abril ay Buwan ng Panitikang Filipino, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 968, s. 2015. Sa
buwang ito, ipinagdiriwang natin ang mga akdang pampanitikan na gawa ng mga anak ng
masalimuot at kawing-kawing na kasaysayan ng Pilipinas. Sa pakikipagtulungan ng National
Commission for Culture and the Arts, Komisyon sa Wikang Filipino, at iba pang katuwang na
ahensiya, kinikilala ng Pambansang Buwan ng Panitikang Filipino ang mahalagang papel ng
panitikan sa pagkikintal sa darating na henerasyon ng mga pagpapahalagang minana natin mula
sa ating mga ninuno.

Panitikan ng iba't ibang


lalawigan
Bago pa ang panahon ng mga Español, mayroon nang mayamang lawas ng panitikan sa
Pilipinas. Nang mga panahong iyon, karaniwang binibigkas ang panitikan o ipinapasang
salimbibig sa halip na nakasulat. Ang prekolonyal na panitikan ay isang gawaing
pangkomunidad, isang pagtitipon-tipon ng pamayanan, at isang pinagsasaluhang ritwal.

Bukod sa mga anyo ng panitikan, matatagpuan din sa pahinang ito ang iba’t ibang tanyag na
epiko, at awiting bayan na kumakatawan sa bawat lalawigan.

Ang mga impormasyong ito ay mula sa Komisyon sa Wikang Filipino na hinango mula
sa Sagisag Kultura ng National Commission for Culture and the Arts.

[efsrow]
[efscolumn lg=”3″ md=”3″ smoff=”0″ mdoff=”0″ lgoff=”0″ ]

Luzon

 Álim (epikong-bayan ng mga Ifugaw)


 ambáhan (1981, Mangyan, Mindoro)
 Bíag ni Lám-ang (epikong-bayan mula sa Hilagang Luzon)
 daglî
 dalít (katagalugan)
 dállot (Ilokano)
 Hudhúd (mahabang salaysay na patula ng Ifugaw)
 Ibalón (pinaniniwalaang sinauna’t mitolohikong salaysay ng mga Bikolano)
 Kudaman (epikong-bayan ng pangkating Palawan)
 kumintáng (Tagalog region, Batangas)
 Mánang Bidáy (pangharanang awit na katutubo sa Kailokohan)
 Manimimbin (epikong-bayan ng Palawan)
 Mariáng Makiling (alamat, Laguna)
 Mariáng Sinukúan (alamat, Pampanga)
 Pámulináwen (awiting-bayan ng Ilokano)
 salidúmmay (Kalinga)
 tagulayláy (katagalugan)
 talingdáw (Tagalog)
 Ullalim (epikong-bayan ng Kalinga)
[/efscolumn]
[efscolumn lg=”3″ md=”3″ smoff=”0″ mdoff=”0″ lgoff=”0″ ]

Visayas

 ambáhan (1668)
 balak (Cebu, Leyte, Bohol, Samar)
 balítaw (Cebu)
 Dandansóy (awiting-bayan mula sa Panay)
 Hiniláwod (epikong-bayan ng mga Sulod)
 hurubaton (Hiligaynon)
 Juan Púsong (kuwento ng panlilinlang sa Pilipinas, lalo na sa Kabisayaan)
 Pandagúan (mitolohiyang Bisaya)

[/efscolumn]
[efscolumn lg=”3″ md=”3″ smoff=”0″ mdoff=”0″ lgoff=”0″ ]

Mindanao

 Agyu (epikong-bayan na Olaging at Ulahingan)


 baléleng (Samal, Sulu)
 daman (Tausug)
 Bantugën (mula sa epikong-bayang Darangën ng mga Mëranaw)
 darangën (Meranaw/Maranao)
 gindaya (Bagobo, timog Mindanao)
 gúman (Suban-on ng bulubundukin ng Zamboanga)
 human-human (Mansaka)
 Indarapátra at Suláyman (epikong-bayan ng mga Magindanaw sa Mindanao)
 káta-káta (Sáma Diláut)
 kíssa (Tausug, Muslim)
 liyángkit (Tausug)
 nahana (Yakan)
 Olaging (epikong-bayan ng Bukidnon)
 párang sábil (Tausug)
 saliada (Mansaka)
 Sandáyo (epikong-bayan ng Suban-on)
 síndil (Tausug)
 tarasul (Tausug)
 ténes-ténes (Sáma Diláut)
 Tudbulul (epikong-bayan ng Tiboli)
 Tuwáang (epikong-bayan ng Manobo)
 Ulahingan (epikong-bayan ng mga Livunganen-Arumanen Manobo)
 Ulod (epikong-bayan ng Matigsálug)

[/efscolumn]
[efscolumn lg=”3″ md=”3″ smoff=”0″ mdoff=”0″ lgoff=”0″ ]

Umiiral sa tatlong kapuluan

 alamát
 awit
 bugtóng
 duplo
 Juan Tamban (kuwentong-bayan ng Pilipinas)
 oyáyi
 pábulá
 púsong
 saláwikaín
 tanagà

[/efscolumn]
[/efsrow]

Español
Namulaklak ang panitikang Filipino sa wikang Español matapos ang pananakop ng mga Español
sa bansa. Habang karamihan ng mga tanyag na akda noong panahon ng Español ay nag-ambag sa
reporma at sa himagsikang hinahangad ng mga Pilipino, noon lamang napalaya ang Pilipinas
nabawasan ang pagiging politikal ng panitikan.

Breve Antologia De La Poesia Filipina

Isang maikling kalipunan ng mga tulang isinulat ng mga Pilipino sa wikang Español. Kabilang sa
antolohiya ang mga akda nina Jose Palma, Vicente de Jesus, Claro M. Recto, Jose Rizal, at iba
pang makatang Pilipino. [I-click]
Instituto Cervantes

Maaaring i-download nang libre ang mga PDF books ng Instituto Cervantes mula sa kanilang
digital library. Matatagpuan din sa ibaba ang link para sa espesyal na seksiyon na nagtatampok
ng mga Pilipinong manunulat sa wikang Español. (Nasa wikang Español) [I-click]

Bisitahin ang portal ng Instituto Cervantes ukol sa wikang Español sa Pilipinas. Makikita rito
ang mga koleksiyon ng literatura sa wikang Español ng mga Pilipinong manunulat. (Nasa
wikang Español) [I-click]

Kilalanin ang mga Pilipinong manunulat sa wikang Español na tampok sa espesyal na pahina,
Literatura Filipina en Español, sa website ng Instituto Cervantes. (Nasa wikang Español) [I-
click]

Pambansang Alagad ng Sining

Sa paglipas ng mga taon, pinarangalan ng pamahalaan ang natatanging mga katauhan ng arte at
literatura para sa kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng panitikan at sining sa Pilipinas.
Mula sa pagkakatatag nito sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1001, s. 1972, iginagawad
ang Orden ng Pambansang Alagad ng Sining sa mga Pilipino kada tatlong taon. Maaaring
igawad ang titulo nang posthumous, gaya ng una itong iginawad sa pintor na si Fernando
Amorsolo, na pumanaw ilang buwan bago ang paggawad.

Mga Pambansang Alagad ng Sining

 Francisco Arcellana
 Cirilo F. Bautista
 Lazaro Francisco
 N. V. M. Gonzalez
 Nick Joaquin
 F. Sionil Jose
 Jose Garcia Villa
 Edith L. Tiempo
 Virgilio S. Almario
 Amado V. Hernandez
 Carlos P. Romulo
 Alejandro R. Roces
 Bienvenido Lumbera
 Rolando S. Tinio
 Levi Celerio
 Carlos Quirino

Mula sa mga Alagad ng Sining


“Have you eaten?”
I turned around. It was Aida. My bow tie seemed to tighten around my collar. I mumbled
something, I did not know what.
“If you wait a little while till they’ve gone, I’ll wrap up a big package for you,” she added.
I brought a handkerchief to my mouth. I might have honored her solicitude adequately
and even relieved myself of any embarrassment; I could not quite believe that she had
seen me, and yet I was sure that she knew what I had done, and I felt all ardor for her
gone from me entirely.
— NVM Gonzalez,  Bread of Salt

All that I love


I fold over once
And once again
And keep in a box
Or a slit in a hollow post
Or in my shoe.
— Edith Tiempo,  Bonsai

Here, one man’s dream explodes in


water, carved in splashing splendour
by lion teeth, angel mouth, breasts
of virgins that do not rest.
— Cirilo Bautista,  The Fountains At Villa D’Este, Tivoli

 
The crowd parted, and up the street came the prancing, screaming, writhing women,
their eyes wild, black shawls flying around their shoulders, and their long hair streaming
and covered with leaves and flowers. But the Tadtarin, a small old woman with white
hair, walked with calm dignity in the midst of the female tumult, a wand in one hand, a
bunch of seedlings in the other. Behind her, a group of girls bore aloft a little black
image of the Baptist— a crude, primitive, grotesque image, its big-eyed head too big for
its puny naked torso, bobbing and swaying above the hysterical female horde and
looking at once so comical and so pathetic that Don Paeng watching his wife n the
sidewalk, was outraged. The image seemed to be crying for help, to be struggling to
escape— a St. John indeed in the hands of the Herodiads; a doomed captive these
witches were subjecting first to their derision; a gross and brutal caricature of his sex.
— Nick Joaquin,  Summer Solstice

Out of the lush green of these seven thousand isles, out of the heartstrings of sixteen
million people all vibrating to one song, I shall weave the mighty fabric of my pledge.
Out of the songs of the farmers at sunrise when they go to labor in the fields, out of the
sweat of the hard-bitten pioneers in Mal-lig and Koronadal, out of the silent endurance
of stevedores at the piers and the ominous grumbling of peasants in Pampanga, out of
the first cries of babies newly born and the lullabies that mothers sing, out of the
crashing of gears and the whine of turbines in the factories, out of the crunch of plough-
shares upturning the earth, out of the limitless patience of teachers in the classrooms
and doctors in the clinics, out of the tramp of soldiers marching, I shall make the pattern
of my pledge:“I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall
have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s
children—forever.”
— Carlos Romulo,  I am a Filipino

I did not think that the chief of the village was the man who could solve our problem, for
the chief was the barrio philosopher. By this I mean that he was a man who explained
his strange views with ever strange reasons…
The chief, however, had one merit. He was the oldest man in the barrio, and while this
did not make him an authority on chickens, still anything said always carries more
weight if it is said by a man with grey hairs. So when Kiko suggested consulting the
chief, I voiced no objection. He untied the chicken and we both took it to the chief.
“Is this chicken a male of a female?” Kiko asked.
“That is a question that should concern only another chicken,” the chief replied.
— Alejandro Roces,  My Brother’s Peculiar Chicken

 
I poured some lambanog on two polished coconut shells and gave one of the shells to
Joe. I diluted my drink with some of Joe’s whiskey. It became milky. We were both
seated on the floor. I poured some of my drink on the bamboo floor; it went through the
slits to the ground below.”Hey, what are you doing,” said Joe, “throwing good liquor
away?””No, Joe,” I said. “It is the custom here always to give back to the earth a little of
what we have taken from the earth.””Well!” he said, raising his shell. “Here’s to the end
of the war!””Here’s to the end of the war!” I said, also lifting my drink.I gulped my drink
down. I followed it with a slice of calamansi dipped in rough salt. Joe took his drink, but
reacted in a peculiar way. His eyes popped out like a frog’s and his hand clutched his
throat. He looked as if he had swallowed a centipede.
—  Alejandro Roces,  We Filipinos are mild drinkers

Natatalisod ng tao kung minsan sa landas ng buhay ang isa o dalawa o ilan mang
pangyayaring nauukit nang malalim sa gunita at di nalilimot. Maaaring yaon ay isang
pangyayaring naging sanhi ng malaking poot o galak o lungkot o habag o lagim o
sindak, nguni’t magkaiba-iba man sakali ay gayon ding may iisang matingkad na kintal
sa alaala na di napapawi. Sa linakad-lakad ng mga araw, ang alaala ng mga nangyari
ay maaaring mahimbing at lumabo sa gunita, subali’t ang alaalang iyan ay naroroon
ding hindi nagbabago at di nawawala: napupukaw, huwag na di mapingki; nagigising at
nananariwa, huwag na di masalang-tila isang aninong lumapad-kumitid, humaba-
humiksi, tumingkad-lumabo ay nakakawil ding di hurnihiwalay at bubuntut-buntot sa
pinagmumulan.
— Lazaro Francisco,  Maganda Pa Ang Daigdig

Philip Latak explained later on the way back to the town: “I had asked him where we
could get a god and he said he didn’t know. And when I told him it was for an American
friend he got mad. He never liked strangers, Sam. He said they took everything away
from him – tranquillity, me. Hell, you can’t do anything to an old man, Sam. We
shouldn’t have bothered with him at all. Now, tell me, have I spoiled your first day here?”
— F. Sionil José, The God Stealer

Balagtasan
Nagpatuloy ang impluwensiya ng makatang si Francisco Balagtas ilang siglo na ang lumipas
mula sa kanyang panahon. Ilang ulit siyang binanggit ni Rizal sa kanyang mga nobela, at
panahong 1920s, sinimulan ang isang tradisyon sa kanyang ngalan. Sa balagtasan,
pinangingibabaw ang oral at perpormatibong panitikan na nagpapamalas ng mga makatang may
matatalas at mabibilis na isip sa pagtalakay ng mahahalagang usapin, pansarili man o pambansa.
Isa itong angkop na pagdakila sa pinakadakila sa kanilang lahat, si Balagtas.

Basahin:

Hindi kay Balagtas galing ang Balagtasan

Paano Ba Mag-Balagtasan?

PASASALAMAT
Nais pasalamatan ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office
at Presidential Museum and Library ang sumusunod para sa kanilang di-matatawarang tulong at
ambag sa proyektong ito: National Commission for Culture and the Arts, Cultural Center of the
Philippines, Instituto Cervantes of Manila, at Komisyon sa Wikang Filipino.

Mga Pambansang Alagad ng Sining: Virgilio Almario, Cirilo F. Bautista, at F. Sionil Jose; at
mga pamilya ng yumaong Pambansang Alagad ng Sining na sina Bb. Rowena Tiempo
Torrevillas, Dr. Floriño A. Francisco, Bb. Elizabeth Roces-Pedrosa, Bb. Selma Gonzalez-Cortes,
Gng. Charo Villegas, at G. Anton Joaquin.

You might also like