You are on page 1of 2

Prepared By: T.

Ellene
Grade 6 AP Teacher

Nationalismo – Kamalayan ng ang isang bansa ay umiiral at binubuo ng mga taong tapat hindi
lamang sa angkan, lipi, o rehiyon o manging sa isang relihiyon o pangkat pampolitika/
- ang nationalismo ay masidhing pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-Bayan kasabay ang
matinding hangarin na magkabuklod-buklod at maging malaya sa pang-aalipin ng mga
dayuhan.

Uri o antas ng tao sa panahon ng mga Espanyol

1. Peninsulares: Ito ay ang pinakamataas na antas. Sila ay ipinanganak sa Spain ngunit ang
kanilang nationallity ay Espanya.
2. Insulares: Ito ay ang pangalawang pinakamataas na antas. Sila ay Espanya pa rin ngunit
ipinanganak sila sa Pilipinas
3. Mestizo: Mga Espanya pa rin sila ngunit nahalo ang kanilang dugo sa mga Tsina.
4. Principalia: Sila ay ang mga maharlikang Pilipino. Ang tawag din sa kanila ay Katipunan.
5. Indio: Ito ay mga Pilipino pa rin pero sila ay ang pinakamababa na antas sa lipunan.
EKONOMIYA sa panahon ng mga Espanyol
 Polo Y Servicio – Sapilitang paggawa ng walang kabayaran. Sa sistemang ito, lahat ng
kalalakihan na may edad 16 hanggang 60 ay sapilitang pinagtratrabaho ng mga
mabibigat na gawain gaya ng paggawa ng simbahan, kalsada at tulay.
 Encomienda – Ito ay lupang ipinagkatiwala sa mga espanyon upang pamahalaan,
kapalit ng kanilang matapat na serbisyo.
 Kalakalang Galyon - ang kalakalang galeon ay naging monopolyong kalakalan na ang
nangasiwa ay pamahalaan.kilala rin ito sa tawag na acapulco na naganap noong ika-17
dantaon hanngang ika-19 dantaon.
 Tributo a buwis - ibinayad ng pilipinong sakop ng encomienda sa pamamagitan ,
kadalasan , ng produkto katulad ng bigas , manok , ginto.
 Monopolyo - ay isang uri ng sistema sa pangangalakal na kung saan ang isang produkto
ay iisa lamang ang pinanggagalingan o producer at madami naman ang nangangalingan
o consumer

Pag-alsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol

- ang mga Pilipino ay nag-alsa laban sa mga Espanyol upang mapigilan ang mga pagmamalupit
at pang-aapi sa kanila at para sa kanilang kalayaan bilang isang bansa.

EDUKASYON
Ilustrádo - tawag sa mga Filipinong itinuturing na may mataas na pinag-aralan at nakababása
at nakapagsa-salita ng wikang Español noong siglo 19.

Mga kilalang Ilustrado ng Pilipinas:


Graciano López Jaena
Marcelo H. del Pilar
Mariano Ponce
Antonio Luna
José Rizal

Dikretong Edukasyon ng 1863- Sa batas na ito, walang magkakasamang babae at lalake sa


paaralan

S e k u l a r i s a s y o n ng mga Parokya
- Ang sekularisasyon ay isang kilusan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ng mga
paring Pilipino na naglalayong mabigyan ng sari-sariling parokya ang mga ito.

Ang Kilusang Propaganda


- ay isang Kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1872 hanggang 1892. Sinimulan ito dahil sa
pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza).

Ang tatlong Paring Martir


GOMBURZA - tatlong martir na paring Pilipinong sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at
Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote na wala man lamang abugado noong
Pebrero 17, 1872

KKK - Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan


- Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal
May apat na layunin ang Katipunan:
Upang makapagbuo ng matatag na alyansa sa bawat Katipunero;
Upang mapagkaisa ang mga Pilipino sa pagiging isang matatag na bansa;
Upang makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang armadong
pakikipaglaban (o rebolusyon)
Upang makapagtatag ng isang republika matapos ang kasarinlan.

La Liga Filipina - ay isang samahan na itinatag ni Dr. Jose Rizal sa Pilipinas noong Hulyo 3,
1892. Binubuo ito ng mga taong nagnanais na maputol ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga
Pilipino. Ito ang nagpasimula ng pagkakaroon ng nasyolisasyon ng mga Pilipino.

Ang pag-aalsa ng Kabite (Cavite Mutiny) - ay isang pag-aalsa noong 1872 ng umaabot sa
200 Filipinong sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite. Madaliang nasugpo ng pamahalaang
kolonyal ang pag-aaklas ngunit naging makabuluhan ito sa kasaysayan dahil ginamit itong
dahilan upang supilin ang mga Filipinong makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan.

You might also like