You are on page 1of 31

Nasyonalismo

Pagmamahal sa bansa
Isang kamalayan sa lahi na nag uugat sa pagkakaroon ng isang
relihiyon,wika, kultura,kasaysayan at pagpapahalaga.
MGA LAYUNIN:
1. Matutunton ang mga pagbabagong naganap sa Pilipinas sa ekonomiya,
Panlipunan at pampolitika noong 19 dantaton
2. Mauunawaan si Jose Rizal sa konteksto ng kaniyang panahon
3. Maipapaliwanag ang paraan ng pakikitungo at pagtutol ng mga Pilipino sa mga
mananakop na Kastila
4. Masuri ang epekto ng patakarang kolonyal sa pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
5. Mapaghahambing ang buhay ng mga Pilipino bago dumating ang mga kastila at
nang sinakop ng kastila ang bansa.
• Ang Pagkamakabansa o Nasyonalismo
• Ang "nasyonalismo" ay galing sa salitang Latin na "natio" na ang ibig
sabihin ay ang "pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas
mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan". Dito rin
nag-ugat ang salitang nasyon na nangangahulugang "pangkat ng mga
indibidwal na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian
nilang interaksiyon sa isa't isa". Batay rito, ang nasyonalismo ay
itinuturing na pananaw ng isang indibidwal bilang kasapi ng isang bansa
o kaya ay pagnanasa ng isang indibidwal na paunlarin at palakasin ang
isang bansa.
MGA SALIK SA PAGSILANG NG
NASYONALISMONG PILIPINO
• Paglaganap ng kaisipang liberal
• Paglitaw ng bagong panggitnang uri ng mamamayan o mga principalia
• liberal na pamamalakad ni Gobernador-Heneral Carlos Maria dela torre y
Nava Cerrada
• Pag-aalsa sa Cavite
• Kilusang Sekularisasyon
• Pagpatay sa GOMBURZA
Uri ng Nasyonalismo
• 1) Pasibong Nasyonalismo - Pagpapakita ng nasyonalismo sa
mapayapang paraan
• 2) Aktibong Nasyonalismo - Pagpapakita ng nasyonalismo sa
pamamagitan ng dahas
• 3) Nasyonalismong Sibiko - Aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa
mga isyung panlipunan na siyang nagpapatibay sa estado bilang
pinakamataas na anyo ng yunit-pulitikal.
• 4) Nasyonalismong Kultural - Binibigyang-diin ang pangangailangan ng
mga mamamayang mapabilang sa isang pamayanan at pagkakakilanlan.
Kaisipang Liberal
• JOHN LOCKE- Nagsulong ng kaisipan na ang mamamayan ay likas na
magkakapantay at malalaya at walang dapat na magbanta sa kanilang
buhay,pagmamay ari at kalayaan
• Thomas Hobbes ayon sa kanya na dapat isuko ng tao ang kanyang likas na
karapatan sa estado at kapangyarihan ng hari.
• Jean Jacques Rousseau
• Sumulat ng The Social Contract ayon dito ang lipunan ay nagkasundo na sila ay
pamamahalaan ng pangkalahatang kagustuhan at ang kanilang interes ay dapat
pumaloob dito.
Nasyonalismo at Patriotismo: Ang
Pagkakaiba
• Bagamat nagkakahawig ito ng kahulugan na “pagmamahal sa bayan”, ito
ay nagpapakita pa din ng lubos na pagkakaiba. Magkaiba ang dalawang
ito sapagkat ang nasyonalismo ay tumutukoy sa nag-aalab na
damdamin ng isang tao para sa kanyang bayan, na maaring magdulot ng
pakiramdam na ang bansa o lahi niya ay nakahihigit sa iba pang bansa.
Samantalang ang patriotismo ay isang paghanga at pagtangkilik ng
isang indibidwal sa kaniyang bayan at mga pinahahalagahan nito, ito
naman ay nagdudulot sa ng pakiramdam ng pagkagiliw. Sa mas simpleng
eksplinasyon, ang nasyonalismo ay maituturing na mataas at
agresibong anyo ng patriotismo.
Patriotismo vs Nasyonalismo
• Greek-Patrios 1653 “of ones father”
• Patriotism or national pride is the feeling of love, devotion, and sense of
attachment to a homeland and alliance with other citizens who share the
same sentiment. This attachment can be a combination of many
different feelings relating to one's own homeland, including ethnic,
cultural, political or historical aspects.
• Positive Values - Freedom,Justice,Equality,Bravery,Values and Devotion
• The system of government and the people of their country are inherently
good and work together for a better quality of life.
Mga Halimbawa ng Patriotismo
• pagsasabuhay ng ating core democratic values: pagkakapantay
pantay, katotohanan, kalayaaan, kabutihan ng nakararami, at
pangkalahatang soberanya.
• pagkilala sa mga karapatang pantao ng bawat isa kabilang na ang
kalayaan sa pagpapahayag, relihiyon, at pagbabalita
• pagkilala sa kapangyarihan ng pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad ng mga batas
• Nasyonalismo-Ika 19 na siglo
• Loyalty and devotion to a nation
• Exalting one’s nation above all others and placing primary emphasis
on promotion of its culture and interest as opposed to those of other
nations.
Ang pagpapairal ng nasyonalismo ay nagbibigay ng pakiramdam na mas
nakahihigit ang lahi ng isa kumpara sa iba pang lahi. At minsan,
nagreresulta ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa.
• Nasyonalismo-Negative Connotation
• It is used for political ideologies and movements that have
more extreme and exclusionary love of one’s country at
the expense of foreigners, and immigrants and even
people in a country who aren’t believed to belong in some
way often on racial or religious grounds.
Patriotismo vs Nasyonalismo

• Sydney J. Harris
“The difference between patriotism and nationalism is that
the patriot is proud of his country for what it does, and the
nationalist is proud of his country no matter what it does;
Patriotism creates a feeling of responsibility, nationalism
a feeling of blind arrogance that leads to war”.
• Nationalism
• Strong motivator for uniting people together in the struggle against
injustice
• Peace can only be achieved thru a strong national identity as
opposed to tribal and religious identity.
Jingoism
• Ang term na jingoism ay tumutukoy sa labis at lalo na masigasig na
pagkamakabayan na humahantong sa isang agresibo o nananakot na
patakarang panlabas.
• Ang termino ay nagsimula noong 1870s, laban sa background ng British na
kinakailangang magpasya kung paano makontra ang pinaghihinalaang paglipat
ng Russia laban sa Turkey.
• Ang salita ay may kakaibang mapagkukunan: ang pariralang "ni Jingo" ay
lumitaw sa isang kanta ng music hall noong 1878 na nagtulak para sa aksyon ng
militar laban sa Russia.
• Ang termino ay naging bahagi ng wika, at ginagamit pa rin upang punahin ang
agresibong patakarang panlabas.
Jingoism kumpara sa Nasyonalismo
• Ang Jingoism ay minsang sinasabay sa nasyonalismo, ngunit may
pagkakaiba-iba silang kahulugan. Ang isang nasyonalista ay isang
taong naniniwala na ang mga mamamayan ay may utang sa
kanilang katapatan sa kanilang nasyon. (Ang nasyonalismo ay
maaari ring magdala ng mga negatibong konotasyon ng labis na
pambansang pagmamataas hanggang sa punto ng pagkapanatiko
at hindi pagpaparaan.)
• Ang Jingoism ay tatanggapin ang isang aspeto ng nasyonalismo,
ang mabangis na katapatan sa sariling bansa, ngunit isasama rin
ang ideya ng paglabas ng isang napaka-agresibo patakaran sa
ibang bansa, at kahit na ang pagsasagawa ng giyera, sa ibang
bansa. Kaya, sa isang kahulugan, ang jingoism ay nasyonalismo
na kinuha sa isang matinding posisyon patungkol sa patakarang
panlabas.
Mga halimbawa ng Jingoism
• Ang term na jingoism ay dumating sa Amerika at ginamit noong 1890s, nang masigasig na
isinulong ng ilang Amerikano ang pagpasok sa naging Digmaang Espanyol-Amerikano. Ang
termino ay ginamit din sa paglaon upang pintasan ang patakarang panlabas ng Theodore
Roosevelt.
• Noong unang bahagi ng 1946, ang term na ito ay ginamit sa isang headline ng New York Times
upang ilarawan ang mga aksyon na isinagawa ni Heneral Douglas MacArthur sa Japan. Ang
headline, na binasa ang "M'Arthur Purges Japan of Jingoes In Public Office" inilarawan kung
paano pinigilan ang matinding militarista ng Japan na makilahok sa pamahalaang postwar.
• Ang termino ay hindi kailanman nawala nang tuluyan nang wala sa paggamit, at pana-
panahong binanggit upang punahin ang mga aksyon na nakikita bilang pananakot o pag-
aaway. Halimbawa, isang kolumnista ng opinyon ng New York Times, si Frank Bruni, ay
sumangguni sa jingoism ng patakarang panlabas ni Donald Trump sa isang haligi na inilathala
noong Oktubre 2, 2018.
Ang Paglitaw ng Gitnang Uri ng mga
Pilipino
• Ang Paglitaw ng Gitnang Uri ng mga Pilipino Ang pag-unlad ng
kabuhayan ng mga negosyante at mangangalakal ang nagbunsod sa
paglitaw ng pangkat ilustrado. Sila ang mga Pilipinong nagkaroon ng
magandang katayuan sa lipunan at nagsimulang humiling ng mga
pagbabago.
• Pinag-aral nila ang kanilang mga anak sa Maynila, sa Espanya at sa
ibang bansa . Di nagtagal ang mga nakapag-aral ay bumuo naman ng
pangkat ng intelligentsia. Dahil sa natamong kaalaman at karunungan ay
lalong lumawak at lumaki ang kanilang pang-unawa sa kahulugan ng
kalayaan na dapat ipaglaban.
Kabilang sa mga Pilipino na nakapag-aral sa
Europa
• Ang mga nabibilang sa gitnang uri ay ang mga nakapag aral sa Europa at
tinawag na Ilustrado o “Naliwanagan”.
• JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO y ALONSO REALONDA-Noli
Me Tangere at El Filibusterismo mga nobela na nailathala
• MARCELO H. DEL PILAR
May akda ng Dasalan at Tocsohan
Isang pagkutya sa mga mapang abusong prayle
• GRACIANO LOPEZ JAENA -Nag aral ng Medisina sa Madrid at
theolohiya sa seminaryo noong siya ay nasa Pilipinas FRAY BOTOD – isang
satirikong paglalahad sa kasakiman,kalupitan at katakawan ng mga prayle
• Pedro Paterno-Ninay ang kauna unahang nobela na nasulat sa Pilipino noong
1851
Pambayang Edukasyon
• Ito ay ipinag-utos ng Monarkia ng Espanya noong 1863. Ito ay sapilitan at
walang bayad ang pag-aaral sa primarya. layunin nitong mapalaganap
ang edukasyon sa ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo
ng mga paaralan doon.
• MGA TINUTURO: 1. Kristianismo 2. Wastong Pag-uugali 3. Moralidad 4.
Heograpiya 5. Wikang Espanyol 6. Kasaysayan ng Espanya 7. Aritmetika
8. Pagsasaka 9. Pag-awit
• Kapalit ng mga ito ang: 1. Pagbuburda 2. Paggagantsilyo 3. Pagluluto Ito
ay itinuturo din sa mga babae maliban sa Kasaysayan ng Espanya,
Heograpiya at Pagsasaka.
Carlos María de la Torre y Navacerrada

• Si Carlos María de la Torre y Navacerrada ay naglingkod


bilang Gobernador Heneral ng Pilipinas mula 1869 hanggang 1871.
Itinuturing siya bilang isa sa mga liberal na gobernador-heneral ng
Pilipinas.
• Ipinatupad niya ang sekulirisasyon sa mga simbahan sa buong bansa.
• Nangahuhulugan ito na ang mga Pilipino dapat ang mamahala sa mga
parokya, halimbawa na dito sila Padre Burgos, Padre Zamora at Padre
Gomez (GOMBURZA).
SEKULARISASYON
• Noong panahon ng mga Espanyol,nahati ang mga pari sa
dalawa:mga paring Regular at Sekular.
• Paring Regular-Ito ang kinabibilangan ng halos mga prayleng
Espanyol.Ito ang mga paring kabilang sa mga ordeng relihiyoso
tulad ng mga Agustino,Dominikano,Heswita,etc.
• Paring Sekular-Ito ang mga paring Pilipino na hindi kabilang sa
mga ordeng relihiyoso na pawang katulong lamang ng mga Paring
Regular sa mga parokya.
• Ang Kilusang Sekularisasyon ay itinatag ni
Padre Pedro Pelaez upang ipaglaban ang
karapatan ng mga Paring Sekular. Maagang
nagtapos ang panunungkulan ni Padre Pelaez
pagkat namatay siya dahil sa lindol sa Katedral
ng Maynila.Ipinagpatuloy ng GomBurZa ang
kampanyang sinimulan ni Padre Pelaez.
ANG PAG-AALSA SA CAVITE
• Noong Enero 20,1872,nagkaroon ng isang pag-aalsa
sa isang arsenal sa Cavite dahil sa sobrang paniningil
ng buwis sa mga empleyado nito.Pinamunuan ito ni
Sarhento Fernando La Madrid.
• Nagresulta ito sa pagkabigo ng mga Pilipino at
marami sa kanila ang ipinapatay at ikinulong,kabilang
na ang sarhento.
ANG PAGGAROTE SA GOMBURZA
• Sinamantala ng mga Espanyol ang pangyayaring ito
upang iligpit ang kanilang mga kaaway kaya idinawit
nila sila Padre Mariano Gomez,Padre Jose Burgos,at
Padre Jacinto Zamora o ang GomBurZa.
• Hinusgahan ang GomBurZa sa korte at kahit walang
matibay na ebidensya sa kanila,hinatulan sila ng
kamatayan sa pamamagitan ng paggarote.
• Naniwala si Arsobispo Meliton Martinez na walang
kasalanan ang tatlo,kaya hindi nila ipinatanggal ang
abito ng mga pari ng garrotehin nila ito.
• Noong Pebrero 17,1872, ginarrote ang GomBurZa sa
Bagumbayan (Rizal Park ngayon). Iniutos ng
Arsobispo ng Maynila na patunugin ang lahat ng
dambana ng simbahan sa bansa upang isimbolo ang
pagdadalamhati at pagluluksa.
ANG DIWA NG NASYONALISMO SA
ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY
• Igalang ang watawat ng Pilipinas at pahalagahan ang pagiging Pilipino
• Maging isang produktibong mamamayan. Maging masipag at gumawa ng
produktibong gawain, hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa ating
bansa.
• Magkaroon ng kamalayan ng mga isyu sa ating bansa.
• Ipagmamalaki ang mga Pagtatagumpay ng mga Pilipino.
• Tumangkilik at suportahan ang sariling mga produkto.
• Panatilihin ang mga kulturang Pilipino.
• MGA SANGGUNIAN:
• Almario, V. S. (2011). Rizal: Makata. Mandaluyong: Anvil Publishing, Inc.
• Coates, A. (1992). Rizal- Filipino Nationalist and Patriot. Manila: Solidaridad Publishing House.
• Coates, A. (1999). Rizal: First Filipino Nationalist and Martyr, Quezon City, UP Press.
• Constantino, R. (2001). Veneration Without Understanding. Quezon City, UP Press Inc.
• Dela Cruz, W. & Zulueta, M. (2002). Rizal: Buhay at Kaisipan. Manila, NBS Publications.
• Francia L. (2014). A HISTORY OF THE PHILIPPINES: From Indios Bravos to Filipinos. The
Overlook Press, Mayers Publishers, Inc.
• Ocampo, A. R. & A. Gonzalez, (2002) (Eds.). Rizal the Scientist: Proceedings of a Seminar in
Commemoration of the Rizal Death Centennial (1896) June 20, 1997. Manila: De La Salle University.
• Odullo-de Guzman, M. (1998). Noli Me Tangere and El Filibusterismo. Manila: NBS Publications.
• Palma, R. (2000). Rizal: The Pride of the Malay Race. Manila, Saint Anthony Company.
• Pasigui, Ronnie E. and Danilo H. Cabalu (2006). The man and the hero (An Anthology of Legacies and
Controversies). C & E Publishing, Inc.
• Romero, M.C. & Sta Roman, J. (2001). Rizal & the Development of Filipino Consciousness (3rd Ed.).
Manila, JMC Press Inc.
• Romero, Ma. C. S., J. R. Sta. Maria, & L. Y. Santos. (2006). Rizal and the Development of National
Consciousness. (2nd Ed.) Quezon City: Katha Publishing.
• Zaide, G. F. & S. M. Zaide (1997). Jose Rizal: Life, Works, and Writings of a Genius, Writer, Scientist and
National Hero.All Nations Publishing Co. Inc.
• Mga Online News Articles:
• Cupin, B. “The Compassionate Scientist in Jose Rizal.” GMA News Online, July 8,
2011, accessed April 6, 2016.
http://www.gmanetwork.com/news/story/225705/lifestyle/the-compassionate-
scientist-in-jose-rizal.
• De Lumen, Ben O. “Rizal, the Scientist.” The Philippine Star, July 20, 2006, accessed
April 6, 2016. http://www.philstar.com/science-and-technology/348367/rizal-scientist.
• Taule, Alan C. "Rizal: A Patriot Who Peered His World and Time Through Science."
October – December 2004. Accessed March 8, 2016.
http://sntpost.stii.dost.gov.ph/frames/OctToDec04/pg56_DrJoseRizal.htm.
• https://tl.kyaaml.org/jingoism-4691810-3491

You might also like