You are on page 1of 2

Bryan L. Servando E-1R C.N.

:22

3rd Reaction Paper Sir Fernan Talamayan

Nasyonalismong Asyano: Sandata Laban Sa Kanluraning Imperyalismo Sa panunupil ng mga Kanluranin sa ating mga Asyano, ay ating naranasan ang kawalan ng katarungan at kalayaan sa atin lupang sinilangan. Dahil sa pananakop nilang ito, ay isinilang ang isang uri ng reaksyon laban dito: Ang Nasyonalismong Asyano. Kung ating susuriin, ang salitang Nasyonalismo ay konseptong nanggaling mismo sa mga Kanluranin ngunit nagawa nating mga Asyano na mabigyan ito ng panibagong kahulugan. Tayo ay nagkaroon ng kanya-kanyang uri ng nasyonalismo hindi lang dahil sa kultura, relihiyon at lahi na nagbubuklod sa atin, kung hindi dahil din sa pareho nating mga karanasan sa pagdaan ng panahon sa ilalim ng mga mananakop. Kung ating mapapansin, na sa hinahaba-haba ng panahon na tayoy nasakop, bakit tila natagalan bago umusbong ang damdamin nating makabansa? Kung anumang dahilan ang nasa likod nito ay nasisiguro ko na itoy dahil sa wala tayong pagkakaisa at hindi tayo sigurado kung ano talaga tayo, sa madaling salita, wala pang damdaming patriotismo o pagmamahal sa bayan. At higit sa lahat, ay ang pagpapaikot na ginawa sa atin ng mga Kanluranin at ang paggamit nila ng pwersa upang tayoy kanilang makontrol. Ngunit hindi ito nagtagal dahil ang nasyonalismo ang naging bala nating mga Asyano upang matigil na ang pangbubusabos ng mga Kanluranin. Tila isang kandila na bigla na lang nag-alab at naipasa sa mga kasunod pa nitong mga kandila kahit na may banta ng malakas na hangin( representasyon sa mga mananakop). Dito sunud-sunod na umusbong ang ibat ibang uri ng rebolusyon at pakikibaka, mapa-diplomatiko o mapa-dahas mang pamamaraan, ay nagsilbing inspirasyon sa mga bansang nagpakasakit at uhaw sa kalayaan gaya ng Pilipinas na mahigit 300 taong nasakop.

Sa Asya ay nagkaroon ng dalawang pagkalaban sa mga dayuhan: Una ay sa mapayapang paraan at ang pangalawa naman ay sa pamamagitan ng rebolusyon o dahas na paraan. Ang unang paraan ang ginamit ng mga Indian, sa pangunguna ni Mahatma Gandhi, upang tuluyang mapaalis sa kanilang teritoryo ang mga aroganteng Briton. Nagsilbing inspirasyon ang ginawa nito ni Gandhi sa ibang bansa, lalo na sa mga kumikilos batay sa relihiyon, upang tutulan ang anumang kalapastanganan ng mga dayuhan. Sa pangalawang paraan naman kumapit ang mga Vietnamese upang kalabanin ang mga Pranses na nagsamantala sa kanila at nakinabang sa kanilang likas na yaman at ekonomiya. Ipinasa ng mga Pranses ang problema nilang ito sa Amerikano, ngunit maging sila ay wala ring nagawa sa nabuong galit ng mga Vietnamese nang sumiklab ang Vietnam War. Kung ang India ay naging mapayapa at ang Vietnam naman dinaan sa pagdanak ng dugo sa pagkamit ng kalayaan, ang Pilipinas naman ay nasa pagitan ng dalawa. Ang mapayapang paraan ay sinimulan ng mga ilustrado o yung may taong pinag-aralan sa pangunguna ni Jose Rizal na naniniwala na ang kalayaan ay makakamit lamang nating mga Pilipino kung tayoy karapat-dapat nang tanggapin ito. Ang pangalawang paraan naman ang ginawan ng mga Katipunero sa pangunguna ni Andres Bonifacio. Naging inspirasyon niya si Rizal upang maglunsad ng isang rebolusyon na nagbunsod upang maideklara ang ating kalayaan mula sa pamahalaang Kastila noong ika-12 ng Hunyo 1898. Kung ang tatlong nabanggit na bansa ay ginamit ang nasyonalismo laban sa mga dayuhan, iba naman ang kaso sa Tsina. Nasakop din ng mga dayuhan ang Tsina( Sa ilalim ng mga Manchu) ngunit ang nasyonalismong Tsino ay mas nakita sa loob ng bansang ito. Nagkaroon sila ng mga magkakalaban na partido na may ibat ibang ideolohiya. Dito nakilala sina Sun Yat Sen at Mao Zedong na ipinakita an kanilang pagiging makabayan sa pamamagitan ng paggamit ng mga ideolohia na makakapagpabuti sa pamahalaan at lipunan ng Tsina.

You might also like