You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
PAMPAARALANG SANGAY NG MAKATI
Lungsod ng Makati, Kalakhang Maynila

DIAGNOSTIC TEST
Araling Panlipunan (AP) 7
Taong Pampanuruan 2021-2022

LRN: _______________________________ Iskor: __________________________


Buong Pangalan: _______________________________________________________
Pangkat/Seksyon: _____________________ Petsa: __________________________
Guro: _________________________________________________________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag/katanungan.


Isulat ang letra ng wastong sagot sa guhit/linya.

__1. Ang mga sumusunod ay kabilang sa greenhouse gases maliban sa _______.


A. Carbon dioxide B. Methane gas C. Oxygen D. Sulfur Oxide

__2. Ito ay tumutukoy sa mabilis na pagbabago ng mga pook rural tungo sa modern at
progresibong mga pook.

A. climate change B. desertification C. overgrazing D. urbanisasyon

__3. Ano ang isang patunay ng ugnayan ng tao at kaniyang kapaligiran?


A. Mahalaga ang kakayahan ng tao na makiangkop sa kaniyang kapaligiran.
B. Walang gaanong ugnayan ang tao sa kaniyang kapaligiran.
C. Ang kapaligiran ang dapat umangkop sa kagustuhan ng tao.
D. Nakagagawa ng paraan ang kapaligiran upang matuwa ang tao.

__4. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa tinatawag na greenhouse gas?


A. chloroflourocarbon C. liquified petroleum gas
B. green gas D. oxygen
__5. Anong bansa sa Timog Asya ang nagtatagalay ng maraming batong hiya o
gemstones?
A. India B. Nepal C. Sri Lanka D. Bangladesh
__6. Ang mga bansa sa Asya sa kontinente ng Asya ay nakararanas ng samu’t saring
suliraning pagkapaligiran. Ano ang tawag sa sa pagkaubos at pagkawala ng mga
punongkahoy sa gubat?
A. siltation B. deforestation C. salinization D. desertification
__7. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang pangunahing nagluluwas ng palay sa
daigidig?
A. Laos B. Thailand C. Singapore D. East Timor
__8. Bilang kabataan, paano mo maipahahayag sa ibang tao ang kahalagahan ng
pangangalaga ng timbang na kalagayang ekolohikal?
A. Alagaan ang mga hayop na may karamdaman.
B. Isuplong sa pamahalaan ang mga nagtatapon ng basura.
C. Mag-post sa social media ng mga impormasyon tungkol sa epekto ng hindi
tamang pangangalaga ng kalikasan.
D. Magpunta sa mga kalbong bundok at amgtanim ng mga puno upang muling
mabuhay ang mga nasirang kagubatan.
__9. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?
A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon.
B. Pagkakaroon ng mas mataas na porsiyento ng kriminalidad.
C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang-yaman.
D. Pagkaroon ng maraming trabaho para sa mga mamamayan.
__10. Ito ay bahagi ng populasyon na may kakayahang paunlarin ang kaniyang sarili at
bansang kinabibilangan.
A. yamang tao C. karaniwang tao
B. mayayamang tao D. populasyon ng tao
__11. Ito ang tawag sa mga taong nasa edad 0-14 taong gulang na dumedepende sa
mga naghahanapbuhay.
A. batang populasyon C. matandang populasyon
B. malakas na populasyon D. umaasang populasyon
__12. Ano ang suliraning dulot ng malaking populasyon?
A. Dadami ang mga basura at mga kalat sa paligid.
B. Maaaring magkaroon ng maliit na oportunidad sa paghanap ng trabaho.
C. Magkakaroon ng malawakang pagkonsumo sa ating likas na yaman.
D. Lahat ng mga nabanggit ay tama.
__13. Tawag sa isang organisadong lipunan na may makabago at mataas na antas ng
pamumuhay.
A. kabihasnan C. pamahalaan
B. sibilisasyon D. relihiyon
__14. Ang pagkakaroon ng sentralisadong kapangyarihan na nagkokontrol sa mga
mamamayan at nagbibigay ng batas at alituntunin ay halimbawa ng anong katangian ng
kabihasnan?
A. relihiyon C. sentralisadong pamahalaan
B. sining at akitektura D. istema ng pagsulat
__15. Naging basehan ng mga tao sa Indus ang templo ng Ziggurat ng mga Sumerian
sa pagtatayo ng mga lungsod. Ano ang tawag sa kambal na lungsod na itinayo sa
kabihasnang Indus?
A. Taj Mahal at Somnath Temple C. Kedarnat Temple at Sanchi Stupa
B. Harappa at Mohenjo-Darro D. Gangotri at Yamunotri Temple
__16. Bakit mahalaga ang Sistema ng pagsulat sa isang kabihasnan?
A. Ito ang nagsilbing batayan sa mga pangyayari sa kabihasnan.
B. Ito ang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa isang pangkat ng tao.
C. Ito ang nagiging batayan ng kaunlaran at kayamanan ng kabhisnan.
D. Ito ang nagsisilbing palamuti sa katawan ng mga Maharlika sa kabihasnan.
__17. Ang ilog Huang Ho ay isa sa pinagmulan ng kabihasnan sa Asya. Ito ay
tinatawag ding China’s Sorrow dahil sa ___________.
A. May hindi mabubuting element ang naninirahan sa ilog.
B. Marami ang namamatay na Tsino sa tuwing angdudulot ito ng matinding
pagbaha.
C. Madalas dito nagaganap ang mga labanan ng mga magkakatunggaling dinastiya.
D. Madali itong mapasok at maagaw ng mga kalabang barbaro.
__18. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa paniniwalang Mandate of Heaven
ng mga Tsino?
A. Ang pamumuno ng hari ay may basbas ng langit.
B. Tinatawag na “anak ng langit” ang sinaunang mapiling mamuno sa imperyo.
C. Ang hari ay may katumbas na responsibilidad na maging Mabuti at huwaran.
D. Ang Diyos ay nagkatawang tao at bumaba mula kalangitan upang mamahala sa
imperyo.
__19. Paano nakaimpluwensiya ang Sinocentrism sa katatagang ekonomikal ng
kahariang Tsino?
A. Nakaimpluwensiya sa pamantayang moral ng mga hari.
B. Naging sentro ng kaalaman at at kalinangan ang kaharian.
C. Nagpatawa ng tributo ang kaharian sa mga karatig na lugar.
D. Naging mahigpit sa pagpapapasok ng dayuhan sa kanilang lugar.
__20. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Asya ang inilalalrawan ang kanilang
pinagmulan sa Diyos at Diyosa ng mga araw?
A. China C. Korea
B. India D. Japan
__21. Alin ang hindi kabilang sa mga imperyong naitatag sa India?
A. Imperyong Persian C. Imperyong Gupta
B. Imperyong Mogul D. Imperyong Maurya
__22. Kinikilalang Ginintuang Panahon ng India ang imperyong Gupta. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. Ginto ang pangunahing yamang likas na nilinang ng mga Hindu.
B. Panahon ng pamumukadkad at pag-unlad ng kulturang Hindu sa mundo.
C. Naging pangunahing kabuhayan ng mga katutubong Indian ang pagmimina ng
ginto.
D. Gawa sa ginto ang mga kagamitan ng mga Hindu sa India panahong ito.
__23. Isang tradisyon noon sa India na kung saan isinasagawa ng pagpapatiwakal ang
mga byudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa bilang tanda ng
kanilang walang hanggang pagmamahalan.
A. suttee C. mutilation
B. foot binding D. infanticide
__24. Ang pagsuot ng purdah ng kababaihan ay kilala sa tradisyong Muslim. Ano ang
kahalgahan ng tradisyong ito?
A. Pinapakita ng paniniwalang ito ang pagiging superior ng kababaihan sa lipunang
Muslim.
B. Pinapatunayan ng tradisyong ito ang pagbibigay ng mataas na katayuan sa
kababaihang Muslim.
C. Pinapahiwatig ng kaugaliang ito ang paniniwalang banal ang katawan kung kaya
nararapat itong ingatan.
D. Pinapahayag nito ang kahusayan ng mga kababaihang Muslim na sila ay
mahusay sa larangan ng fashion.
__25. Alin ang hindi nagpapatunay sa mataas na antas ng kaalaman sa arkitektura ng
mga Sinaunang Asyano?
A. Sila ay likas na malikhain
B. Sila ay magagaling na inhinyero
C. Sila nagpapahalaga sa kalikasan
D. Sila ay may kaalaman sa pagsukat at pagtimbang

Inihanda ni:

BONNIE JAY A. TAGUINOD


Guro, Araling Panlipunan 7
Key to Correction

1. C
2. D
3. A
4. A
5. C
6. B
7. B
8. D
9. D
10. A
11. A
12. D
13. A
14. C
15. B
16. C
17. B
18. D
19. C
20. D
21. A
22. B
23. A
24. C
25. B

You might also like