Professional Documents
Culture Documents
Grade 3 - AP Assessment Tool
Grade 3 - AP Assessment Tool
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
DIAGNOSTIC TEST
ARALING PANLIPUNAN 3
Pangalan: _________________________________Petsa:_____________
Paaralan: _________________________________ Iskor: _____________
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga tanong sa ibaba. Piliin
ang titik ng tamang sagot. Isulat sa inyong sagutang papel.
1. Ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar. Nakikita ito sa araw
araw nilang pamumuhay, sa kanilang mga tradisyon, paniniwala
panlalawigang pagdiriwang, kasangkapan, kasabihan, pananaw, awit at
iba pang sining.
A. di-materyal na kultura C. materyal na kultura
B. kultura D. pagdiriwang
2. Ang kulturang ito ay mga bagay na nakikita, naisusuot, nagagamit o
nahahawakan.
A. di-materyal na kultura
C. materyal na kultura B. kultura D. kaugalian
3. Ang banga, kwintas na yari sa kabibe, pana at palaso ay mga
halimbawa ng anong uri ng kultura?
A. kaugalian C. kasuotan
B. kasangkapan D. paniniwala
4. Ano ang impluwensiya ng klima sa pamumuhay ng mga tao?
A. sa uri ng bahay
B. sa uri ng kasuotan
C. sa uri ng pananim
D. lahat ng nabanggit
5. Ano ang maaring trabaho ng mga taong nakatira sa pook urban?
A. mangingisda C. nagmimina
B. magsasaka D. sa pabrika
6. Anong klaseng lugar o kapaligiran ang tinitirhan ng mga taong
nagsusuot ng maninipis at maluluwang na damit?
A. mainit na lugar
B. malapit sa dagat
C. matataas na lugar
D. malamig na lugar
7. Anong lalawigan at pagdiriwang o festival sa Rehiyong III ang
ginaganap tuwing ika-8 hanggang 15 ng Setyembre?
A. Aurora – Sabutan Festival C. Bulacan – Singkaban Festival
B. Bataan – Pawikan Festival D. Zambales – Mango Festival
8. Ano ang kaugnayan ng mga pagdiriwang sa pamumuhay ng tao?
A. kaugnay nito ang mga hanapbuhay ng tao
B. kaugnay nito ang mga paniniwala ng tao
C. kaugnay nito ang mga kaugalian ng tao
D. lahat ng nabanggit
9. Bakit kailangang pahalagahan ang mga pagdiriwang sa inyong
lalawigan?
A. upang mapanatiling buhay ang kultura sa lalawigan
B. upang maging masaya ang mga tao sa lalawigan
C. upang umunlad ang bawat lugar sa lalawigan
D. upang lalong gumanda ang kultura ng lalawigan
10. Saang lalawigan makikita ang Zero Kilometer Marker kung saan dito
nagsimula ang nakalulunos na Death March.
A. Aurora C. Tarlac
B. Bataan D. Zambales
11. Isa sa kahalagahan ng impraestruktura sa kabuhayan ng mga lalawigan
ay sa pamamagitan ng pag-uugnay ang magkahiwalay na lugar upang
madaling naitatawid ang mga produkto at serbisyo. Ito ay dahil sa A.
bangka C. tulay
B. pantalan D. trak
12. Sa paanong paraan nakatutulong ang sementadong daan sa kabuhayan
ng isang lugar?
A. Mas nagiging mabilis ang transportasyon.
B. Maiiwasan ang pagkasira ng mga produkto dahil sa bako bakong
mga kalsada.
C. Madaling napupuntahan ang mga sakahan at lugar kung saan
naroroon ang kabuhayan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
13. Ano ang dulot sa pagkakaroon ng sentralisadong pamilihan sa mga
mamamayan?
A. Nawawalan ng direksyon sa pagbili ng mga produkto. B. Nalulugi dahil
maraming kakompitensya sa pagbebenta ng produkto. C. Nabibigyan ng
pagkakataon na paunlarin ang kanilang kabuhayan dahil may tiyak na
lugar na pagdadalhan ng mga produkto. D. Nalilito sa dami ng mga bilihin
na nakikita sa pamilihan