You are on page 1of 2

Name:______________________________________ Date: __________

Araling Panlipunan Reviewer


A. Isulat ang titik ng tamang kasagutan.
_________1. Ano ang isang salaysay o kuwento ng tao o lugar na may saysay?
A. Timeline C. Rehiyon
B. Kasaysayan D. Alamat
_________2. Ito ay pangalan ng lalawigan na nagmula sa salitang “Kawit”
A. Cavite C. Batangas
B. Laguna D. Quezon
_________3. Ano ang dating pangalan ng lalawigan ng Rizal?
A. Lago C. Kalilayan
B. Tayabas D. Morong
_________4. Lalawigang tinaguriang “Kanlungan ng mga Bayani”
A. Cavite C. Batangas
B. Laguna D. Quezon
_________5. Ano ang lalawigan na inilipat sa Gitnang Luzon?
A. Quezon C. Aurora
B. Rizal D. Antique
_________6. Alin sa mga sumusunod na lalawigan ang hindi kasama sa Rehiyong IV-A?
A. Cavite C. Laguna
B. Romblon D. Quezon
_________7. Ano ang dating pangalan ng lalawigang Quezon?
A. Morong C. Tayabas
B. Kalilayan D. Bantayan
_________8. Tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga panyayari.
A. Timeline C. Rehiyon
B. Kasaysayan D. Alamat
_________9. Ito ay pangalan ng lalawigan na nagmula sa salitang “Lago” na ang ibigsabihin ay lawa.
A. Laguna C. Legazpi
B. La Union D. La Trinidad
_________10. Anong lalawigan ang ipinangalan sa pambansang bayani?
A. Rizal C. Batangas
B. Laguna D. Quezon
_________11. Ito ay mga pangyayari na may mahalagang kasaysayan para sa mga naninirahan sa isang tiyak na lugar.
A. Lokal na kasaysayan C. Pangalan ng lugar
B. Alamat na pinagmulan D. Pandaigdigang kasaysayan
_________12. Ito ay naglalahad at naglalarawan ng mga mahahalagang kahulugan?
A. Simbolo C. Himno
B. Welcome Arch D. Official Seal
_________13. Ito ay naglalarawan at nagpapaalala sa mga mamamayan nito ng mga yaman at hangarin ng lalawigan
A. Simbolo C. Himno
B. Historical Marker D. Official Seal
_________14. Ito ay may mga pangalan ng lungsod, ang huigis nito ay bilog, at may mga larawan ito na may kahulugan.
A. Simbolo C. Himno
B. Historical Marker D. Official Seal
_________15. Ito ay isang panandang naglalahad ng maikling kasaysayan tungkol sa isang lugar.
A. Simbolo C. Himno
B. Historical Marker D. Official Seal

B. Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung katotohanan ang sinasaad ng bilang at MALI naman kung hindi.
________________16. Ang bawat tao, bagay, at lugar ay may kanya-kanyang kasaysayan.
________________17. Nakakatulong ang pag-aaral ng kasaysayan ng isang lalawigan sa pagmamalaki ng panirahan.
________________18. Bawat tao ay may pagbabagong nagaganap sa paglipas ng panahon.
________________19. Nakalarawan sa sagisag ng Pilipinas ang mga kulay ng ating watawat.
________________20. Ang sagisag ng Pilipinas ay binubuo ng araw na may walong sinag, leon, at agila.
________________21. Lahat ng mga sagisag ng lungsod ay may kulay pula, asul, at dilaw.
________________22. Magkakatulad ang hugis ng kalasag sa sagisag ng mga lalawigan sa CALABARZON.
________________23. Makikita ang mukha ni Jose Rizal sa Official Seal ng lalawigang CALABARZON.
________________24. Ang mga bundok ng Sierra Madre at Makiling ay makikita sa Official Seal ng CALABARZON
________________25. Ang Himno ay naglalarawan at nagpaalala sa mga mamamayan nito ng mga yaman at hangarin
ng lalawigan.

C. Pagtapat-tapatin: Isulat ang titik ng tamang kasagutan.


____26. Alagad ng Sining sa Biswal
____27. Alagad ng Sining sa Musika A. Angono, Rizal
____28. Carving Capital of the Philippines B. Lumban, Laguna
____29. Embroidery Capital of the Philippines C. Paete, Laguna
____30. Art Capital of the Philippines D. Lucio San Pedro
E. Carlos “Botong” Francisco
D. Isulat sa patlang kung edukasyon, kalakan, kalusugan, kapaligiran, populasyon o transportasyon ang
isinasaad ng bawat pahayag.

______________________31. Tuwang-tuwa si Minda kasi maaga siyang makakauwi dahil mabilis naubos ang
kaniyang paninda.
______________________32. Naghanda si Tiyo Miyo dahil sa pagtatapos ng kanyang anak sa Kolehiyo.
______________________33. Masaya at nagpasalamat ang mag-anak dahil sa ligtas nilang paglalakbay.
______________________34. Agad na gumaling sa sakit si Nine dahil sa magagaling niyang doktor.
______________________35. Ang dating mapunong lugar na ito ay naging sentro na ng komersiyo dahil sa
daming mga gusali na nakatayo na rito.
______________________36. Natugunan ng mga kawani ng pagamutan ang mga batang nangangailangan ng
bitamina.
______________________37. Ang dating iilan na pamilyang nakatira sa Barangay 1 ay umabot na sa isang libo
ngayong taon.

You might also like