You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN II

Pangalan: _______________________Paaralan: _____________________


Baitang/ Pangkat:__________________ Iskor:__________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
I. Piliin ang tamang sagot mula sa mga salitang nasa loob ng panaklong. Bilugan ang
sagot.

1. Ang Pasko ay pagdiriwang na (pansibiko,panrelihiyon).

2. Ang Araw ng Kalayaan ay pagdiriwang na (pansibiko, panrelihiyon).

3. Ang Mangyan ay nagmulasa (Marinduque,Mindoro).

4. Ang pinuno ng komunidad ay ang (Kapitan, Mayor).

5. Ang katapat ng Hilaga ay (Timog, Silangan).

Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

6.Ano ang pinakamalaking anyong-tubig?


A.Dagat B. karagatan C. Ilog D. Lawa

7.Anong pagkakaiba ang makikita sa kalagayan ng ating mga ilog noon at ngayon?
A. bilang o dami ng ilog C. kalinisan ng mga ilog
B. sukat at laki ng mga ilog D. Walang pagkakaiba

8.Aling simbolo ang dapat iguhit ni Maria kung pinaguguhit siya ng simbolo para
sa ilog?
A. C.

B. D.

Isulat kung anong anyong lupa o anyong tubig ang nakalarawan.

9. _____________10. ______________
11. ____________12. ____________

13. ___________

14. Isang araw, narinig mo sa radio na walang pasok. Malakas na malakas ang ulan
kasabay ang malakas na pag-ihip ng hangin. Anong natural na kalamidad
Ang nararanasan ng inyong komunidad?
A. bagyo C. pagbaha
B. pagsabog ng bulkan D. paglindol

15. Alin sa sumusunod ang maaaring maging epekto ng La Niña?


A.pagsasaya ng mgatao C. pagkatigang ng lupa
B.pagbaha D. pagkatuyo ng mga halaman

16.Nakatayo ito dahil sa ipinakitang katapangan ni Lapu –lapu na lumaban kay


Magellan. Ito ang bantayog ni Lapu-lapu namatatagpuan sa _____________.
A. Maynila B. Batangas C. Laguna D. Cebu

17. Dito isinilang ang ating pambansang bayani. Ayusin ang mga titik upang
mabuo ang sagot.
U N A L G A

A. Luneta B. Laguna C. Batangas D. Maynila

18.Isulat ang ngalan ng lugar kung saan binaril ang ating pambansang bayani na si
Dr. Jose Rizal. _____________________________

19. Kapag mahal na araw, inaalala natin ang paghihirap, pagkamatay at muling
pagkabuhay ni Hesukristo. Ito ay nakasulat sa banal na aklat. Anong aklat ang
tinutukoy?
A. Batayang Aklat B. Koran C. Diksyunaryo D. Banal na aklat

20.Anong pagdiriwang ang isinasagawa sa inyong komunidad tuwing unang araw


ng Enero?
A. binyagan B. Pasko C. BagongTaon D. Araw ng mgaPuso

21-23. Pagsunud-sunorin ang mga pagdiriwang ayon sa araw ng petsa kung kalian
ito ipinagdiriwang. Gumamit ng bilang at isulat ito sa patlang.
_______ Mahal na Araw
_______BagongTaon
_______Pasko
24. Noon, ang bilang ng bahay sa isang barangay ay binubuo lamang ng 50,
ngayon ay 400. Ano ang ipinahihiwatig nito.
A. lumapad ang lupa C. Dumami ang mahirap
B. dumami ang populasyon D. Dumami ang mayaman

25. Gumagamit ang mga tao noong unang panahon ng sasakyang hinihila ng
kabayo kaya hindi ito nagdulot ng polusyon sa hangin. Ano ang sasakyang ito?
A. Kalesa B. Bisekleta C. Kariton D.Paragos

26. Ayon kay lolo at lola, kapag sila ay pumupunta sa bayan, nakasuot sila ng
mahabang damit. Subalit nakikita mo sa iyong mga kaibigan na hindi gaanong
mahaba ang kanilang damit. Kailan mo maaaring isuot ang mahabang damit?
A.kapag sisimba B. Kapag papasok C. Kapag mamasyal D. Kapag
maliligo

27. Iguhit ang karaniwang bahay noon at ang mga yari ng bahay ngayon.

NOON NGAYON

28.Karaniwan itong inihahanda sa kaarawan dahil sinasabing ito ay pampahaba ng


buhay ng may kaarawan.
A. pansit B. suman C. spaghetti D. Cake

29.Anong local na pagkain ang maluluto gamit ang bigas na malagkit, asukal, gatas
at tsokolate?
A. sopas B. tsamporado C. bibingka D. pansit

30. Dito ipinahayag ang kalayaan ng bansang Pilipinas at dito rin unang
iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.
A. Kawit, Cavite B. Luneta Park
C. Fort Santiago D. Cebu

G O O D L U C K
ARALING PANLIPUNAN

KEY TO CORRECTION

1. Panrelihiyon
2. Pansibiko
3. Mindoro
4. Kapitan
5. Timog
6. B
7. C
8. D
9. Bundok
10.Kapatagan
11.Karagatan
12.Talampas
13.Ilog
14.A
15.B
16.D
17.Laguna
18.Rizal Park
19.D
20.C
21.2
22.1
23.3
24.B
25.A
26.A
27.Ibat iba ang sagot ng bata
28.A
29.B
30.A

You might also like