You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 2
I. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Kung ang globo ay bilog na representasyon ng mundo, ano naman ang tawag
sa lapad o patag na paglalarawan ng isang lugar?
A. mapa
C. komunidad
B. direksiyon
D. pangunahing direksiyon
2. Sa anong direksiyon matatagpuan ang bulkan?
A. Hilaga
B. Kanluran
C.
Silangan

D. Timog

3. Kinuha ni Mark ang kaniyang ginawang mapa. Itinatanong ng guro ang


pananda para sa pamahalaan. Alin sa sumusunod ang ituturo niya?
A.

B.

C.

D.

4. Suriing mabuti ang mapa. Saang kalye matatagpuan ang talon?


Sa
Kalye________________
A. Macapagal
B. Magsaysay
C. Quezon
D. Roxas

5. Ang bulkan ay isang mataas na anyong lupa na may bunganga sa tuktok, ano
naman ang anyong lupa na napaliligiran ng tubig?
A. bundok
B. burol
C. lambak
D. pulo
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa grupo?
A. dagat
B. kapatagan
C. look

D. sapa

7. Ako ay nanggagaling sa ilalim ng lupa. Kalimitang mainit na tubig ang


nagmumula sa akin. Maraming katulad ko ang matatagpuan sa lalawigan ng
Laguna. Sino ako?
A. bukal
B. ilog
C. lawa
D. talon
8. Nanghuhuli si Mang Isko ng mga sugpo at alimasag sa tabi nilang ilog. Ngunit
wala na siyang mahuli, mga plastic at mga balat ng pagkain ang nasa kaniyang
lambat. Ano ang konklusyon na maaaring ipahiwatig nito?
A. Marumi na ang mga anyong tubig ngayon.
B. Malinis pa rin ang mga anyong tubig tulad noon.
C. Inaalagaan ng mga tao ang mga anyong tubig.
D. Pinalalaki ng mga tao ang mga nakatira sa ilog at mga dagat.
9. May takdang aralin si Neriza sa Araling Panlipunan. Kailangan niyang iguhit
ang pananda para sa sapa. Alin sa mga sumusunod ang iguguhit niya?
A.
B.
C.
D.

10. Maaga pa ay pumasok na sa paaralan si Edna. kailangan niyang gumamit ng


payong upang hindi siya mabasa. Anong panahon ito?
A. Tag-init
B. Tag-lamig
C. Tag-tuyo
D. Tagulan
11. Sa aking komunidad ay may dalawang uri ng panahon. Ito ay ang tag-ulan at
tag-init. Kung ang tag-init ay nararanasan mula sa buwan ng Nobyembre
hanggang buwan ng Abril, kalian naman nararanasan ang tag-ulan?
A. Pebrero at Marso

C. buong taon
B. Mayo hanggang Oktubre
D. Disyembre at Enero
12. Ang sumusunod ay natural na kalamidad na nagaganap sa komunidad
maliban sa isa. Alin ito?
A. bagyo
B. brown out
C.
kidlat
D. lindol
13. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi nagsasabi ng epekto ng
mga kalamidad?
A. Pagguho ng lupa.
B. Pagkabuwal ng mga puno.
C. Pagkasira ng mga pananim.
D. Pagkakaroon ng mga sulat ng mga pader.

14. Alin ang tamang naglalarawan sa Puerto Galera?


A. Maunlad ang Puerto Galera.
B. Madumi pa rin ang paligid ng Puerto Galera.
C. Walang mga turistang pumupunta sa Puerto Galera.
D. Kailanman ay hindi naging maganda ang mga tanawin sa Puerto Galera.
15. Paano mo mailalarawan ang komunidad noon?
A. Malalaki ang mga gusali.
B. Maraming tao na ang nainirahan.
C. Malalawak na lupain ang sakop ng mga pabrika.
D. Pagsasaka at paghahayupan ang hanapbuhay ng mga tao.
16. Patuloy ang pagbabago ng kapaligiran ng ating kinabibilangang komunidad.
Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng halimbawa nito?
A. Pagtatanim lamang ang hanapbuhay ng taong naninirahan dito.
B. Marami ng mga tao ang may sariling sasakyan.
C. Sa itaas ng puno pa naninirahan ang mga tao.
D. Nanatiling lubak-lubak ang mga daan.
17. Anong pagbabago ang naganap sa mga ilog?
A. Naging sementado at maluwag na.
B. Tinayuan na ng mga gusali at tanggapan
C. Ginawa ng mga bato na dati ay mga pawid.
D. Tinabunan ng lupa at tinayuan ng mga bahay.
18. Bakit nakilala sa katawagang White Beach ang komunidad ng San isidro?
Dahil sa _______________________.
A. dito naganap ang pagpapalitan ng mga produktong katutubo at Tsino.
B. nakabibighaning ganda ng maputing dalampasigan nito.
C. ito ang unang naging kabisera ng Mindoro.
D. mga halamang lagundi na tumubo dito.
19. Isulat ang pinagmulan ng pangalan ng iyong komunidad.
20. Marami sa mga komunidad ng Distrito IX ay malapit sa tabing dagat. Alin sa
mga sumusunod na estruktura ang nakatutulong sa pag-unlad nito?
A. bahay
B. beaches
C. rebulto
D. tindahan
21. Paano mo pinahahalagahan ang mga makasaysayang bantayog, estruktura,
lugar at bagay na makikita sa iyong komunidad? Ang mga sumusunod ay
nagpapakita ng pagpapahalaga maliban sa isa, alin ito?
A. Gamitin nang maayos.
B. Sulatan ang mga pader nito.
C. Ikuwento at ipagmalaki sa ibang tao.
D. Linisin ang mga makasaysayang bantayog o estruktura dito.
22. Ito ang araw ng Kalayaan. Ang araw na ipinahayag ni Heneral Emilio
Aguinaldo ang kalayaan ng mga Pilipino laban sa mga Kastila. Kailan ito
ipinagdiriwang?
A. Abril 9
C. Disyembre 30
B. Hunyo 12
D. Nobyembre 30

23. Ang pagdiriwang pansibiko ay mga pagdiriwang na pinagtibay ng batas. Sa


mga araw na ito, nakadeklarang walang pasok sa mga paaralan at tanggapan
pampubliko o pangpribado. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
A. Ati-Atihan
C. Santakruzan
B. Bagong Taon
D. Santa Sena
24. Ang Mahal na Araw ay isang pagdiriwang kung saan ginagawa ang pagbabasa
at pag-awit ng pasyon bilang pag-alala sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling
pagkabuhay ni Hesukristo, ano naman ang pagdiriwang kung saan ginugunita ang
mga patay?
A. Araw ng mga Patay B. Hariraya Puasa
C. Pista D. Ramadan
25. Paano ipinagdiriwang ang Pasko?
A. Pinagtatagpo ang Reyna Elena at Constantino sa banal na krus.
B. Naghahandog ang mga tao ng mga bulaklak at nagtitirik ng kandila.
C. May sumasayaw na kung saan ang mga kalahok ay may uling sa buong
katawan.
D. Bilang paghahanda, nagsasagawa ng simbang gabi sa loob ng 9 na araw
bago sumapit ang kapanganakan ni Hesus.
26. Ang mga sumusunod na gawain ay naglalarawan sa paggunita sa mga
pagdiriwang maliban sa isa, alin ito?
A. Pag-aayuno ng mga Muslim.
B. Paghahanda ng mga pagkaing bilog.
C Pagsulat ng talata para kay Dr. Jose Rizal.
D. Pag-aalis ng mga bulaklak at kandila sa mga puntod.
27. Bakit mahalaga ang mga pagdiriwang pansibiko at panrelihiyon?
A. Nagkakaroon ng pag-iinggitan.
B. Namamayani ang pagiging makasarili.
C. Dumarami ang mga problema dahil sa gastos.
D. Nagkakaroon ng pagkakabuklod-buklod ang bawat miyembro ng
pamilya.
II. Iguhit ang mga pagbabagong naganap sa mga sumusunod:

28.

_________________ 29.

_______________

III. Isaayos ang larawan sa pamamagitan ng paglalagay ng kaugnay na


letra sa bawat timeline. (30 33)

IV. Isulat ang pangalan ng bagay na nanatili o di nagbabago sa


komunidad.

34.

35.

Key to Correction

1. A

14. A

2. C

15. D

3. C

16. B

4. C

17. D

5. D

18. B

6. B

19.

7. A

20. B

8. A

21. B

9. C

22. B

10. D

23. B

11. B

24. A

12. B

25. D

13. D

26. D
27. D

III.

30. A
31.D
32.C
33. B
34. pagkain
35. kalsada

You might also like