You are on page 1of 2

Unang Markahang Pagsusulit

Araling Panlipunan II
I.Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na
magkakaulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan.
A. mag-anak B. komunidad C. pamahalaan D. Mall
2. Ano ang dapat na nahuhubog sa isang komunidad?
A. pagkakaisa C. pag-uugnayan
B. pagtutulungan D. lahat ng nabanggit
3. Saan maaring matagpuan ang isang komunidad?
A. tabing dagat/ ilog C. kabundukan
B. kapatagan D. lahat ng nabanggit
4. Dito nakatira ang aking pamilya. Masaya kaming naninirahan dito.
A. Paaralan B. simbahan C. tahanan D. pamilihan
5. Dito hinuhubog ang kaalaman ng mga kabataan / mamamayan tungo sa
pag-unlad.
A. palaruan B. paaralan C. pamayanan D. simbahan
6. Isang bahagi ng komunidad na pinamumunuan ng Kapitan.
A. barangay B. pamilihan C. health center D. palaruan
7. Dito nagsamasama ang mga tao upang maglaro at maglibang.
A. Health Center B. Pamilihan C. Parke/Palaruan D. paaralan
8. Bawat komunidad ay may pagkakaiba at pagkakatulad.
A. Mali B. Tama C. Siguro D. Hindi ko alam
9. Si Timmy ay nakatira sa Barangay Libis. Anong impormasyon ang tinutukoy?
A. Pangalan ng komunidad C. Wika
B. Relihiyon D. Grupong Etniko
10. Tagalog ang ginagamit naming sa pakikipag-usap sa mga tao. Anong
Impormasyon ang tumutukoy sa Tagalog?
A. Dami ng tao C. Relihiyon
B. Pangkat Etniko D. Wika
11. Ang mag-anak na Gonzales ay relihiyosong Kristiyano. Anong impormasyon
ang tinutukoy?
A. Dami ng tao C. Relihiyon
B. Grupong Etniko D. Wika
12. Sina Niko at Marlo ay mga kalaro ko. Si Niko ay Waray at Ilocano naman si
Marlo. Ano ang tinutukoy ng Waray at Ilocano?
A. Dami ng tao C. Relihiyon
B. Grupong Etniko D. Wika
13. Ang aming Kapitan ay si Kapitana Diana Espinosa. Ang kapitan ay
tumutukoy sa____.
A. Pinuno B. wika C. relihiyon D. grupong etniko
14. Mayroong 123 lalaki at 145 babae sa aming komunidad. Anong
impormasyo ang tinutukoy?
A. Pangkat Etniko B. wika C. populasyon D. relihiyon

II. Kilalanin ang mga larawan. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

A – ospital B – palaruan C – pamilihan


D – tahanan E – paaralan

15. 16. 17. 18.


19. 20.

21. Ano ang isinusuot mo tuwing panahon ng tag-init?

22. Ito ang panahon kung saan masarap kumain ng ice cream at halo-halo.
A. Tag-ulan B. Tag-lamig C. Tag-init D. Bagyo
23. Ang sumusunod ay sakuna o kalamidad na maaring mangyari kung
panahon ng tag-ulan maliban sa isa.
A. baha B. sunog sa bundok C. pagguho ng lupa D. bagyo
24. Hindi makapasok sa paaralan ang batang si Kayla. Baha sa kanilang lugar.
Maraming gumuhong lupa sa kanilang daraanan. Anong uri ng panahon
ang kanilang nararanasan?
A. tag-init C. tag-ulan
B. tag-araw D. tagtuyo
25. Maaliwalas ang paligid sa komunidad nina Ramon. Maraming bata ang
naglalaro. Ang mga magsasaka ay nagbibilad ng palay. Anong uri ng
panahon ang nararanasan nila?
A. taglamig C. tag-ulan
B. tag-init D. tagtuyo
III. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung
hindi.
26. Ang sunog nangyayari sa bundok dahil sa matinding init ng panahon.
27. Ang pagguho ng lupa ay sanhi ng paglambot ng lupa dahil sa matinding
pag-ulan.
28. Ang pagsabog ng bulkan ay nagiging dahilan ng pagganda ng ating
kapaligiran.
29. Ang lindol ay malakas na hangin na may kasamang pag-ulan.
30. Ang lindol ay ang pagyanig ng lupa, sanhi upang masira ang mga
estruktura, bahay at kalsada ng isang komunidad.

You might also like