You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 2

SECOND QUARTER 2ND SUMMATIVE TEST

PANGALAN: _____________________________________ ISKOR:


____________
I. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 
1. Alin sa mga sumusunod ang nagbabago sa isang komunidad? 
A. tulay B. gusali C. kagamitan D. lahat ng nabanggit 
2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin sa isang gusali tulad ng aklatan na
nananatili pa rin sa komunidad hanggang sa kasalukuyan? 
A. ingatan ang mga kagamitan C. panatilihin ang kalinisan nito 
B. gamitin nang maayos D. Lahat ay tama. 
3. Sino ang higit na makapagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa naganap na
mga pagbabago sa komunidad? 
A. nakababatang kapatid C. dayo 
B. kamag-aral D. nakatatanda 
4. Alin sa mga katangiang ito ang dapat ipakita ng mga tao kaugnay ng pananatili o
hindi pagbabago ng mga bagay sa ating komunidad? 
A. pagmamahal C. pagmamalaki 
B. pagpapahalaga D. lahat nang nabanggit 
5. Ano ang dapat gawin sa mga bagay na nanatili sa ating komunidad? 
A. Palitan ng mas maganda. 
B. Ingatan, alagaan at ipagmalaki. 
C. Bigyan ng pansin tuwing may okasyon. 
D. Pabayaan hanggang masira.
II. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. 
________6. Lahat ng komunidad ay magkakapareho. 
________7. Ang bawat komunidad ay may sariling kapistahan. 
________8. May ipinagmamalaking produkto ang bawat komunidad. 
________9. Maraming komunidad ang may kilaláng anyong tubig o anyong lupa,
tulad ng bulkang Taal sa Batangas. 
________10. Bawat komunidad ay may sariling katangian.
III. Basahin ang mga nakasulat sa ibaba. Kung sumasang-ayon ka sa mga
isinasaad nito, kulayan ng dilaw ang simbolong ito 😊 . Kung hindi ka naman
sang-ayon, kulayan ng pula ang simbolo na ito. ☹

😊 ☹
11. Ang mga residenteng nagtutulungan
ay may maunlad na komunidad.

😊 ☹
12. Ang pakikilahok sa mga gawaing
pangkaunlaran ng komunidad ay
tungkulin ng responsableng mamamayan.
😊 ☹
13. Ang komunidad ay maunlad kung
ang mga miyembro nito ay nagkakanya-kanya at
laging nagkakagulo.

😊 ☹
14. Ang mga inisyatibo at mga
proyekto ng komunidad ay para sa
ikabubuti ng lahat.

😊 ☹
15. Ang taong ayaw lumahok at
makipagtulungan sa mga proyekto
ng komunidad ay dapat iwan at
hayaan na lang.

IV. Basahin ang bawat kalagayan. Isulat ang T kung tamang Gawain at M
naman kung mali.

____________ 16. Si Ana ay tumutulong sa paglilinis ng kanilang bakuran dahil


sa proyekto ng baranggay na “Bakuran Ko, Linisin Ko”.

____________ 17. Ang mga bata ay nagtatapon ng basura sa ilog.

____________ 18. Ang mga tao sa barangay ay nagtitipon at nagpaplano sa mga


proyekto ng barangay.

____________ 19. Ang taong ayaw lumahok at makipag- tulungan sa mga proyekto
ng komunidad ay dapat iwang mag-isa at hindi na kailangang
kumbinsihin na magbago ang kaniyang isipan.

____________ 20. Ang mga inisyatibo at mga proyekto ng komunidad ay


nakakatulong lamang sa iilang pamilya o miyembro.

You might also like