You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 2

I. Isulat ang tsek (/) kung ang pangungusap ay tumutukoy ng tama tungkol sa komunidad at ekis (x)
kung hindi.

_____1. Ang komunidad ay tumutukoy sa pangkat ng mga namumuhay nang sama-sama sa isang tiyak na
lokasyon at nakikibahagi sa uri ng pamumuhay, kultura at interaksiyon.
_____2. Ang populasyon ay tumutukoy sa bilang ng mga taong naninirahan sa komunidad.
_____3. Ang mga tao sa isang komunidad ay gumagamit ng iisang wika lamang.
_____4. Ang paaralan, simbahan, parke, ospital, palengke at barangay hall ang bumubuo sa isang
komunidad.
_____5. Ang bawat komunidad ay walang tiyak na lokasyon.

II. Isulat ang T kung Tama ang inilalahad ng pangungusap at M naman kung Mali.

_____6. Nananatili pa ring walang kuryente ang lahat ng bahay sa kasalukuyan.


_____7. Baro at sáya ang pang-araw-araw na damit sa kasalukuyan.
_____8. Marami ng lansangan sa kasalukuyan ang sementado.
_____9. Gumagamit na ng bagong makinarya sa pagtatanim ang mga magsasaka.
_____10. Ibinoboto na ngayon ng mga tao ang kanilang nais na pinunò.

III. Sagutin ang mga tanong tungkol sa aralin. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa
patlang.
_____11. Alin sa mga sumusunod ang nagbabago sa isang komunidad?
A. tulay B. gusali C. kagamitan D. lahat ng nabanggit

_____12. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin sa isang gusali tulad ng aklatan na nananatili pa rin
sa komunidad hanggang sa kasalukuyan?
A. ingatan ang mga kagamitan C. panatilihin ang kalinisan nito
B. gamitin nang maayos D. Lahat ay tama.

_____13. Sino ang higit na makapagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa naganap na mga
pagbabago sa komunidad?
A. nakababatang kapatid B. kamag-aral C. dayo D. nakatatanda

_____14. Alin sa mga katangiang ito ang dapat ipakita ng mga tao kaugnay ng pananatili o hindi pagbabago
ng mga bagay sa ating komunidad?
A. pagmamahal C. pagmamalaki
B. pagpapahalaga D. lahat nang nabanggit

_____15. Ano ang dapat gawin sa mga bagay na nanatili sa ating komunidad?
A. Palitan ng mas maganda.
B. Ingatan, alagaan at ipagmalaki.
C. Bigyan ng pansin tuwing may okasyon.
D. Pabayaan hanggang masira.

File Created by DepEd Click

KEY:

1. /
2. /
3. x
4. /
5. x
6. M
7. M
8. T
9. T
10.T
11.D
12.D
13.D
14.D
15.B

You might also like