You are on page 1of 2

SOLIDO NATIONAL HIGH SCHOOL

SOLIDO, NABAS, AKLAN

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10

PANGALAN___________________________________TAON/PANGKAT_______________________

I- Pagpipilian ng Sagot. Basahing mabuti ang bawat katanungan at guhitan ang letra ng
tamang sagot lamang.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
a. Lipunan b. bansa c. komunidad d. organisasyon
2. Ito ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
a. Social groups b. status c. gampanin d. institusyon
3. Isa sa mga institusyong Panlipunan na unang humubog sa pagkatao ng isang nilalang.
a. Simbahan b. hospital c. paaralan d. pamilya
4. Pinag aralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
a. Simbahan b. paaralan c. ekonomiya d. hospital
5. Ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon
ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
a. Status b. social group c. gampanin d. institusyon

II- Ibigay ang hinihingi sa bawat katanungan

_____________________1. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan


ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal
_____________________2.Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isan gindibidwal sa
lipunan.
_____________________3. Uri ng social group na binubuo ng mga indibidwal na may pormal
na ugnayan sa isa’t isa.
_____________________4. Isa sa komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan
sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
_____________________5. Uri ng kultura ng binubuo ng mga gusali, likhang sining, kagamitan
at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan.
_____________________6. Ito ay tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa
pinaniniwalaan at tinatanggap natotoo.
_____________________7.Tumutukoy sa mga asal, kilos, o gawi na binubuo at nagsisilbing
pamantayan sa isang lipunan.
_____________________8.Ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong
gumagamit dito.
_____________________9. Ito ay isyung nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit
sa kanya.
_____________________10. Ito ay isyung pampubliko na karaniwang kaugnay sa krisis at
suliranin sa mga institusyong panlipunan.
III- Modified True or False: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap kung
ito ay mali, Itama ang salitang may salungguhi tupang maiwasto ang pahayag. Isulat ang
iyong sago sa patlang.
____________________1.Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng
mga mamamayan sa isang lipunan.
___________________2.Ang paniniwala ay isang element ng kultura na tumutukoy sa mga asal,
kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan.
___________________3.Ang kultura ay naglalarawan sa isang lipunan
___________________4.Anghindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay may kaukulang
kaparusahan.
___________________5.Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos nakatanggap tanggap sa grupo
ng mga tao .

IV- Pagtugmain ang hanay A at B. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

___1.Tumutukoy sa mga basura mula sa mga tahanan a. illegal logging


___2.Porsyento ng basura na mula sa Metro Manila b. 25%
___3. Kilo ng basura na nalikha ng bawat tao sa Manila
Araw araw c. Solid Waste
___4.Porsynto n gbasura na nakukuha sa mga tahanan d. 56.7%
___5.Porsynto ng bio degradable na basura e. 18.3%
___6. Best practice ng Davao del Norte f. 52.31%
___7.Tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga Barangay g.No segration. No collection
___8.Paggamit ng media upang mamulat ang mama- h. 0.7%
Mayan sasuliraning pangkapaligiran i. BantayKalikasan
___9.Paglipat ng pook panirahan j. Mother Earth Foundation
___10.Paggamit ng puno bilang panggatong k. Fuel wood harvestinG
l. Migration
V- A. Iguhit ang bahagdan ng pinanggalingan ng solid waste ayon sa National Solid Waste
Management Status Report, 2015 ( 10points)

B. Iguhit ang Compositon of Municipal Solid Waste in the Philippines 2008-2013 (10points)

VI-Enumerasyon. Ibigay ang hinihingi ng bawat katanungan.

a. Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan (1-3)


b. Dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas (4-8)
c. Uri ng status (9-10)
d. Mga elemento ng kultura ( 11-14)
e. Mga bansa sa mundo na may mataas na marka at itinuturing na very clean (15-19)
f. Mga sosyologo na nagbigay kahulugan sa lipunan (20-22)
g. Mga elemento ng istrukturang panlipunan ( 23-26)
h. Mga institusyong panlipunan ( 27-31)
i. Uri ng kultura ( 32-33)
j. Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management ( 34-37)
k. Halimbawa ng hindi materyal na kultura ( 38-40)

GOOD LUCK AND GOD BLESS!!!!!!!!!!!!!!!!!

You might also like