You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Schools Division of Catbalogan City
Catbalogan III District
EASTERN VISAYAS REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Catbalogan City
Contact No. (55)543-8077; Email Add: 303604@deped.gov.ph

MAHABANG PAGSUSULIT SA ARALPAN 10

Pangalan:_________________________________________________________Grade Section:_____________________
PANUTO: (40pts) Isulat ang T kung ang pangungusap ay TAMA at M kung MALI.

___1. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
___2. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang maunawaan ang bumubuo, ugnayan, at kultura ng
isang lipunan.
___3. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa
isang lipunan.
___4. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang
mga inaasahan mula rito.
___5. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary social group.
___6. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t isa.
___7. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan.
___8. Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan ng mga taong nakatira sa isang lipunan.
___9. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan
ng pagkilos sa isang lipunan.
___10. Ang norms ay batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan.
___11. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggap- tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan.
Ang pagpapahalaga ay batayan kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi
nararapat(Mooney, 2011).
___12. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay may kaukulang kaparusahan o sanctions.
___13. Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o lipunan sa kabuuan.
___14. Ang wika ay halimbawa ng simbolo at ang pagmamano ay halimbawa ng norm.
___15. Ang material na kultura ay binubuo ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at
nahahawakanat gawa o nilikha ng tao.
___16. Ang norm at mores ang dalawang uri ng folkways.
___17. Ang pagtayo ng tuwid habang kinakanta ang pambansang awit ay halimbawa ng folkways.
___18. Ang pakikiapid ay isang isyu ng paglabag sa isang social mores.
___19. Ang mga paglabag sa mores na pinatawan ng parusa ng pamahalaan ay tinatawag na batas.
___20. Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito.

Suriin ang mga sumusunod na pangungusap ayon sa yugto ng Disaster Management na inilalarawan. Isulat ang
titik ng tamang sagot.
a. Disaster Prevention and Mitigation c. Disaster Response
b. Disaster Preparedness d. Disaster Recovery and Rehabilitation

___1. Pagsasagawa ng hazard-mapping.


___2. Pagtataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
___3. Pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang
sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
___4. Paggawa ng historical profile o timeline of events upang makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan
sa isang komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.
___5. Pagtukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan,
damit, at gamot.
___6. Pagsasagawa ng vulnerability and capacity assessment.
___7. Pagbibigay ng paalala at babala sa mga mamamayan.
___8. Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at
kuryente.
___9. Pagbuo ng disaster management plan, pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at
batas.
___10. Pagtukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad.
___11. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga
sakuna, kalamidad, at hazard.
___12. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng
tullong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
___13. Pagsasagawa ng Loss Assessment.
___14. Pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo . D
___15. Pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang baha, paglalagay ng mga sandbags, pagpapatayo ng mga flood
gates.

You might also like