You are on page 1of 6

SUMMER HILL SCHOOL FOUNDATION, INC.

Tejero St., Patag Cagayan de Oro City

2nd Monthly Pre-Examination


Araling Panlipunan 3

Pangalan: ______________________________________________ Guro: ____________________


Baitang & Pangkat: _______________________________________ Petsa: ___________________
I. Multiple-Choice Test
Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat sa patlang.

_____ 1. Ito ay guhit na representasyon ng isang lugar.


A. mapa C. compass rose
B. isla D. pananda o legend

_____ 2. Ito ay mahalagang gamit sa pagtukoy ng direksiyon.


A. mapa C. compass rose
B. isla D. pananda o legend

_____ 3. Ito ay nagpapaliwanag kung ano ang kahulugan ng mga palatandaan at simbolo sa isang
mapa.
A. mapa C. compass rose
B. isla D. pananda o legend

_____ 4. Ito ay anyong lupa na napapaligiran ng tubig.


A. mapa C. compass rose
B. isla D. pananda o legend

_____ 5. Ito ang tawag sa taong gumuguhit o gumagawa ng mga mapa.


A. pintor C. doktor
B. kartograpo D. konduktor

_____ 6. Ito ang kabuuang dami ng tao sa isang lugar.


A. kasarian C. relihiyon
B. etnisidad D. populasyon

_____ 7. Ito ang pagiging babae o lalaki tapos maipanganak.


A. kasarian C. relihiyon
B. etnisidad D. populasyon

_____ 8. Ito ang pagiging kabilang ng isang populasyon o grupo ng mga tao at pagtataglay ng
katangian o kultura na karaniwan sa lahat.
A. kasarian C. relihiyon
B. etnisidad D. populasyon

_____ 9. Ito ang paniniwala at pagsamba sa isang/maraming nakatataas o makapangyarihang Dios o


mga dios.
A. kasarian C. relihiyon
B. etnisidad D. populasyon

_____ 10. Ito ay tumutukoy kung ilang taon na ang mga naninirahan sa isang lugar, tulad ng bata,
matanda, sanggol at iba pa.
A. gulang C. kaarawan
B. edad D. kapanganakan

_____ 11. Ito ang mga pinagkukunan ng mga bagay, materyal at sangkap para sa ikabubuhay ng
tao. Ito ay mga yamang natural at hindi ginawa o binago ng tao.
A. Yamang Lupa C. Yamang Mineral
B. Yamang Tubig D. Likas na Yaman

II. Punan ang patlang.


Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon.

Mapa Luzon Mindanao Bar graph Hilaga Labimpitong Ilog Dagat Lawa
(17)
Timog Silangan Bukal Kanluran Visayas Relihiyon Talon Bukal Metal
Baha Bagyo Lindol Landslide Pagsabog Yamang Yamang Yamang Yamang
ng Bulkan Mineral Tubig Gubat Lupa

1. Ang _______ ay patag na representasyon ng mundo o isang bahagi nito.

2. Ang tatlong pangunahing isla na bumubuo sa Pilipinas ay __________, __________, at ________.

3. Ang apat (4) na pangunahing direksiyon ay ____________, __________, _________, at


________.

4. Ang ___________ ay isang representasyon na gumagamit ng mga bar o kahon upang mailarawan
ang bilang.

5. Nahahati ang buong bansa sa ______________ rehiyon - walo (8) dito ay nasa Luzon, tatlo (3) ay
nasa Visayas, at anim (6) ay matatagpuan sa Mindanao.

6. Malawak at hindi umaagos; pinapalibutan ng lupain ____________.

7. Pinaka-malaking Anyong Tubig ____________.

8. Anyong tubig na nanggagaling mula sa mataas na lugar pababa ____________.

9. Minsan mainit at minsan malamig ang tubig na nanggagaling dito ____________.

10. Makipot na anyong tubig at umaagos hanggang dagat ____________.

11. Mailalarawan ang populasyon batay sa edad, kasarian, etnisidad, at _________.

12. Ito ay isang weather system na may malakas na hanging kumikilos nang paikot na madalas may
kasamang kulog, kidlat, at malakas at matagal na pag-ulan. __________________

13. Ito ay mga yamang galing sa lupa, hayop man o halaman. ___________________

14. Ito ang pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan ng tubig bunga ng pag-
apaw nito sa lupa o sa mga lugar na hindi karaniwang inaabot nito. _______________

15. Ito ang mga likas na yaman na galing sa tubig. _________________

16. Ito ang biglaan at mabilis na pagyanig o paggalaw ng fault sa ibabaw ng daigdig o earth crust.
________________

17. Ito ay mga yamang nanggaling sa gubat. ______________

18. Ito ay ang pagbagsak ng lupa, putik, o malalaking bato dahil sa pagiging mabuway ng burol o
bundok. ___________________

19. Ito ay makikita sa mga kuweba o sa kalaliman ng lupa. _________________

20. Ito ay isang mapanganib na kalamidad na dulot ng pagpapakawala ng lava mula sa bunganga ng
bulkan. ________________________

21. Isa itong matibay at solidong bagay na mabisang kagamitan at tagapaghatid ng kuryente.
___________________
III. Enumeration Test
Panuto: Punan ng wastong sagot ang hinihingi ng bawat bilang.

1-6. Ibigay ang anim na Anyong Lupa

1 . _____________________
2. ______________________
3.______________________
4. _____________________
5_______________________
6. _____________________

1-5. Ibigay ang limang Anyong Tubig

1 . _____________________
2. ______________________
3.______________________
4. _____________________
5______________________
6. _____________________

1-5. Ibigay ang limang natural na kalamidad o sakunang madalas maganap sa Pilipinas

1 . _____________________
2. ______________________
3.______________________
4. _____________________
5______________________
6. _____________________

1-5. Ibigay ang apat na uri na likas na yaman

1 . _____________________
2. ______________________
3.______________________
4. _____________________

1-3. Ibigay ang tatlong uri ng yamang mineral

1 . _____________________
2. ______________________
3.______________________

You might also like