You are on page 1of 29

FILIPINO BLEPT REVIEWER SEPTEMBER 2015

1. WIKA – Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit
ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon,
pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan.

2. HENRY GLEASON – Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at


isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao kabilang sa
isang kultura.

Barayti o Rehistro ng Wika

3. DAYALEKTO - Homogenious ang wika, na ang ibig sabihin ay pare- parehong magsalita o
bumigkas ng mga salita ang lahat ng taong gumagamit ng wika.
Hal. Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog Laguna atbp.

4. IDYOLEK - Kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t ibang salik na nakapaloob
dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o
interes, at istatus sa lipunan.
Hal. Mike Enriquez, Noli De Castro, Mon Tulfo, Rey Langit atbp.

5. SOSYOLEK - Sinasalita ng isang tao sa lipunan. May barayti ng wika ayon sa kinabibilangan nito
sa lipunan.
Hal. Oh my God, ikamo, marapat na maipantay, Kosa, chakamae ng bilat na itichamae, Mega.

6. REGISTER - Tinatawag ding istilo sa pananalita. Ang isang tao ay maaaring gumagamit ng iba’t
ibang istilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang
kanyang nadarama.
Hal.

7. PIDGIN – Ang tinatawag sa Ingles ng nobody’s native language. Nagkakaroon nito kapag an gang
dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika
nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift.
Hal. Suki, ikaw bili tikoy. Sarap, mura.

8. CREOLE – Ay isang wikang na unang naging pidgin ngunit kalaunan ay naging likas na wika.
(nativized).
Hal. Chavacano

TEORYA/ PINAGMULAN NG WIKA

9. Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling
tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang
nagpapakahulugan sa mga bagay.
Hal. kampana, relo, tren, atbp.

10. Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay
ginagad ng tao.
Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, atbp.

11. Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng
kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.
12. Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit
walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo.
Unconsciously learning the language.

13. Genesis 11: 1-9 –Tore ng Babel. Hango sa Bibliya.

14. Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the
Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para
mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika
natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.

15. Wikang Aramean – May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang
lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa
Syria (Aram) at Mesopotamia.

16. TEORYANG YO-HE-HO - pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong
magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang
nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.

17. TEORYANG MUSIKA- kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad
dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa
komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang
kakulangan sa mga detalye at impormasyon.

18. TEORYA NG PAKIKISALAMUHA - ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Amsterdam


Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may
magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa
likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang
kapwa.

19. TEORYANG MUESTRA - pinaniniwalaan sa teoryang iyo na nuuna ang pagsasalita sa


pamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang
sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit
at magkaugnay.

WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

20. MAY at MAYROON - Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi
ng panalita:Pangngalan, Pandiwa, Pang-uri, Panghalip na Paari,
Pantukoy na Mga, Pang-ukol na Sa

Hal. May prutas siyang dala.


May kumakatok sa labas.
May matalino siyang anak.
May kanila silang ari-arian.
May mga lalaking naghihintay sa iyo.
May sa-ahas pala ang kaibigan mo.

Ginagamit ang Mayroon kung ito’y: Sinusundan ng isang kataga o ingklitik

Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?


Mayroon nga bang bagong Pajero sila?
Sinusundan ng panghalip palagyo

Hal. Mayroon siyang kotse.


Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.

Nangangahulugang “mayaman”

Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.


Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid.

21. KITA at KATA - Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan.
Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa.

KATA - naman ay panghalip panao sa kaukulang palagyo at may kailanang


dalawahan. Ang kita ay tumutukoy sa kinakausap, at ang kata naman sa
magkasamang nagungusao at kinakausap.

Hal. Nakita kita sa Baguio noong Linggo.


Kata nang kumain sa kantina.

22. KILA at KINA - Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.

Hal. Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.


Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.

23. NANG at NG - Ginagamit ang ng bilang:

a. Katumbas ng of ng Ingles

Hal. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.


Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan.

b. Pang-ukol ng layon ng pandiwa

Hal. Umiinom siya ng gatas bago matulog.


Naglalaro ng chess ang magkapatid.

c. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak

Hal. Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.


Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto.

ANG NANG BILANG:

a. Katumbas ng when sa Ingles

Hal. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting.


Tapos na ang palabas nang pumasok ng tanghalan si Ben.
b. Katumbas ng so that o in order to sa Ingles

Hal. Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y makapasa.


Magsumikap ka nang ang buhay mo’y guminhawa.

c. Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng

Hal. Kumain (na+ng) nang lugaw ang batang maysakit.


Tinanggap (na+ng) nang nahihiyang bata ang kanyang regalo.

d. Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa

Hal. Siya ay tawa nang tawa.


Kumain nang kumain ang nagugutom na bata.

24. DAW/DIN at RAW/RIN - Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos
sa katinig; at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig.

Hal. May sayawan daw sa plasa.


Sasama raw siya sa atin.

25. KUNG at KONG - Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito ang if sa
Ingles.
Ang kong ay panghalip panao sa kaukulang paari.

Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.


Nabasâ ang binili kong aklat.

26. KUNG DI at KUNDI - Ang kundi ay galing sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles; ang kundi
naman ay except.

Hal. Aaalis na sana kami kung di ka dumating.


Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.

27. PINTO at PINTUAN - Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.

Ang pintuan (doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto.

Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.


Natanggal ang pinto sa pintuan.

28. HAGDAN at HAGDANAN - Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan.

Ang hagdanan (stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.

Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.


Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

29. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN


Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin.
Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan.
Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.
Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.

30. OPERAHIN at OPERAHAN - Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi
ng katawan na titistisin.
Ang operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis.

Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.


Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.

31. WALISIN at WALISAN - Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na
aalisin o lilinisin.
Ang walisan ay tumutokoy naman sa lugar (to sweep the place).

Hal. Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.


Walisan ninyo ang sahig.

32. IKIT at IKOT - Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa
loob.
Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.

Hal. Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila
nakita ang daan palabas.

33. SUNDIN at SUNDAN - Ang sundin (to obey) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o
pangaral;
Ang sundan (to follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.

Hal. Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon sa iyong
kabutihan.
Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan.
Sundan mo siya baka siya maligaw.

34. SUBUKIN at SUBUKAN


Subukin (to test, to try) – masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain;
Subukan (to see secretly) – palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng isang tao

Hal. Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko bilhin.


Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-bahay.

35. HATIIN at HATIAN


Hatiin (to divide) – partihin;
Hatian (to share) – ibahagi

Hal. Hatiin mo sa anim ang pakwan.


Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.
36. IWAN at IWANAN
Iwan (to leave something or somebody) – huwag isama;
Iwanan (to leave something to somebody) – bigyan

Hal. Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.


Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

37. NABASAG at BINASAG


Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto;
Ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.

Hal. Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.


Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang mga plato.

38. BUMILI at MAGBILI


Bumili (to buy);
Magbili (to sell) – magbenta

Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

39. KUMUHA at MANGUHA


Kumuha (to get);
Manguha (to gather, to collect)

Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.


Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

40. DAHIL SA at DAHILAN


Dahil sa – ginagamit bilang pangatnig na pananhi;
Dahilan – ginagamit bilang pangngalan

Hal. Hindi siya nakapaglaro ng basketbol dahil sa taas ng kanyang lagnat.


Ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong pananalita.

41. TAGA at TIGA


Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga-
kung sinusundan ng pangngalang pantangi.

Hal. Si G. Caniete ay taga-Bikol.


Taganayon ang magandang babaeng iyon.
SET A
FILIPINO
POST – TEST

I. Panuto: Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Agad na sumigaw ang bata ____ makitang dumating ang kanyang kapatid
a. ng b. nang

2. Ang mga mag-aaral ay nagkasundo _____ sa iminungkahi ng guro.


a.din b. rin

3. Ang bawat tao _____ ay kailangang isakatuparan ang kanyang mithiin sa buhay.
a.Daw b. raw

4. Ang kirot ay unti-unti ______ nawawala.


a.ng b. nang

5. Ayon kay Jose Rizal, ang mga bata _____ ang siyang pag –asa ng bansa.
a.daw b. raw

6. Sa Sabado _____ gabi mawawalan ng kuryente.


a.ng b. nang

7. Hindi na nakaramdam ng gutom si Kuya mula _____ siya ay natulog.


a. ng b. nang

8. _____ dalang pusa ang Inay nang umuwi.


a.May b. Mayroon

9. Maya-maya ay sisingaw _____ ang amoy ng Patay.


a.din b. rin

10. Ang dunong ay kailangan ng tao ngunit kailangan _____ niya ang tulong ng Maykapal.
a.din b. rin

11. Sino ba ang sumisigaw _____ at nagtatakbuhan ang mga tao.


a.doon b. roon

12._____ tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


a.May b. Mayroon

13. Ang bawat tao sa mundo ___ ay dapat magkaunawaan para sa kanilang ikabubuti.
a.Daw b. raw

14. Ang Pilipinas ay malakas ____ tulad ng Singapore kung karapatan ang Pag-uusapan.
a.din b. rin

15. Unti- unti ____ humuhupa ang kanyang galit.


a.Ng b. nang

II. Ibinigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.


16. Narinig ko ang alawat ng mga bata sa silid ng mag-asawang Maria at Jose.
a. ingay c. sigaw
b. mahinang alingawngaw d. tawanan

17. Ang Itay ay alimbuyaw nang dumating kanina.


a.Aburido c. Patakbo
b.Masaya d. sumigaw

18.Si Tj ay isang anluwagi nang mapangasawa ni Luisa.


a. Guro c. karpintero
b. katulong d. pulis

19. Kakarampot ang nakuha kong ulam sa mesa.


a.marami c. malalaki
b.katiting d. mamhahaba

20. Alumpihit ang Itay habang hinihintay ang Inay.


a. Kabang-kaba c. Di-mapalagay
b. Siyang- siya d. Tuwang-tuwa

21. Iyon ang kinamihasnan ng babaeng iyon sa bundok kaya di-makaunawa sa iyo.
a.natutuhan c. napag-aralan
b.kinagawian d. nagustuhan

22. Ang alipustahin ang mga dukha ay di kanais-nais na pag-uugali.


a.layuan c. talikdan
b.apihin d. kagalitan

23. Nakita kong pakimod na sumagot ang babae sa dalaga nang mag-usap sila.
a.Paismid c. patawa
b.Pangiti d. pasigaw

24. Isang indihente ang tumawag ng aking pansin dahil sa nakakatawang ayos nito.
a.Maralita c. mag-asawa
b.Matanda d. paslit

25. Naging Cum Laude si Memi dahil siya ay nagsunog ng kilay gabi-gabi.
a.nagbubunot c. nag-aahit
b.puspos sa pag-aaral d. nag-aayuno

26. Parang balat-sibuyas ang kutis ng babaeng ito.


a.namumula sa bilog c. mahaba at payat
b.napakaputi at malinis d. pino at malambot

27. Kapit-tuko sa isat’-isa habang naglalakad ang magkasintahang Heart at Echo.


a.away nang away
b.mahigpit na magkahawak-kamay
c.malayo ang agwat
d.patakbo
28. Ang langitngit ng mga bintana ay gumigising nang lubos sa katahimikan ng silid-aralan.
a. Alatiit c. dekorasyon
b. kulay d. sira

29. Mataginting na tinanggap ng batang paslit ang pangaral ng guro.


a. maingay c. mapayapa
b. pasigaw d. paismid

30. Ang paswit ay sa aso, ang Oo ay sa tao.


a. Palo c. buto
b. Sipol d. sigaw

III. Ibinigay ang tamang sa mga tulang bayani

31. Ang tawag sa mga tulang bayani


a.dalit c. senakulo
b.epiko d. duplo

32. Tinaguriang Joseng Batute ng Pilipinas


a.Jose Garcia Villa c. Jose Corazon de Jesus
b.Francisco Baltazar d. Modesto de Castro

33. sagisag na ginamit ni Rizal


a.Piping Dilat c. Pudpod at Plaridel
b.Dolores Manapat d. Dimasalang at laong laan

34. Ang “ prinsipe” ng makatang Tagalog


a.Modesto de Castro
b.Francisco Baltazar
c.Fernando bagong Lanta
d.Jose Garcia Villa

35. Siya ay tinaguriang “ Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa”


a.Jose Villa Panganiban c. Severino Reyes
b.Lope K. Santos d. Rafael Palma

36. Isang dula noong panahon ng Hapon na isinulat ni Francisco Soc Rodrigo
a.Panibugho c. Panday Pira
b.Sa pula, Sa Puti d. Luha ng Buwaya

37. Ama ng Katipunan


a.Emilio Jacinto c. Apolinario Mabini
b.Andres Bonifacio d. Marcelo H. del Pilar

38. Isang uri ng panitikan na nagsasaad ng simulain ng mga bagay o tao sa daigdig
a. tula c. alamat
b. tibag d. maikling kwento

39. Pinakabantog at pinakamahalagang awit na nasulat ni Francisco Baltazar


a. Senakulo c. duplo
b. epiko d. Florante at Laura
40.Ang kauna-unahang Pilipinong manlilimbag
a. del Pilar c. Jose Maria Panganiban
b. Tomas Pinpin d. Emilio Aguinaldo

41. Ang tawag sa ating unang alpabeto


a.Alpabetong Romano c. Kartilya
b.Alibata d. Romanisasyon

42. Ang taong may “memorya fotograpica”


a.Jose Maria Panganiban
b.Jose Garcia Villa
c.Jose Corazon de Jesus
d.Jose Rizal

43. “Ama ng Dulang Pilipino”


a.Julian Balmaceda c. Lope K. Santos
b.Severino Reyes d. Emilio Jacinto

44. Siya ay tinaguriang Joseng Sisiw


a.Jose Villa Panganiban c. Jose dela Cruz
b.Pedro Paterno d. Modesto de Castro

45. Ang kilalang epiko ng mga Muslim


a.Hudhud c. Hinalawod
b.Darangan d. Bantugan

46. Ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa pilipinas


a. Pasyon c. Doctrina Christiana
b. Barlaan at Josaphat d. Florante at Laura

47. Ama ng Wikang Pambansa


a.Emilio Aguinaldo c. Aurelio Tolentino
b.Manuel L. Quezon d. Florante at Laura

48. Ang “ Orator ng Pagbabago”


a.Graciano Lopez Jaena c. Urbana at Feliza
b.Mariano Ponce d. Jose Buhain

49. Isang dulang nagwagi ng kauna-unahang Gatimpalang Palanca


a.Medusa c. Urbana at Feliza
b.Tibag d. Hulyo 4, 1946 A.D

50. Ang may-akda ng “Ang Cadaquilaan ng Dios”


a.Emilio Aguinaldo c. Julian Felipe
b.Marcelo H. del Pilar d. Lopez Jaena

51. Baston ni Adan Hindi mabilang-bilang


a.buhok c. dahon
b.ulan d. palay

52. Ang dalawa’Y tatlo na. Ang maitim ay maputi na. Ang bakod ay lagas na
a. aso b.kalabaw c. matandang tao d. punong kahoy
53. Ang anak ay nakaupo na. Ang ina’y gumagapang pa
a. kalabasa c. sanggol
b. saging d. aso
54. Kung araw ay bumbong. Kung gabi ay dahon
a. saging c. atip ng bahay
b. banig d. paying

55. Isang reyna. Nakaupo sa tasa


a. kandila c. kasoy
b. kapa d. santol

56. Dalawang magkaibigan, unahan nang unahan.


a. trak c. bibig
b. paa d. mata

57. Dalawang bolang sinulid. Umaabot hanggang langit


a. bola c. lobo
b. mata d. saranggola

58. May ulong walang mukha. May katawan, walang sikmura. Namamahay nang sadya
a.pako c. upo
b.palito ng posporo d. talong

59. Bumili ako ng alipin. Mataas pa sa akin


a.payong c. sombrero
b.atip d. bahay
60. Tubig sa ining-ining. Di mahipan ng hangin
a.ilog c. ulan
b.balon d. dagat

61.
a. eskursiyon c. exkursion
b. iskursiyon d. excursion

62.
a. scout c. iskawt
b. escout d. skawt

63.
a. colisiyon c. koliseum
b. kolisiyum d. coliseum

64.
a. Istadyum c. Estadyum
b. Stadium d. estadium
65.
a. Matematika c. matimatika
b. Mathematica d. matemateka
66. Karamihan sa mga sugapa ay mula sa wasak na tahanan.
a. malaki ang sita ng bahay
b. maliit lamang ang bahay
c. magkahiwalay ang magulang
d. walng magulang

67. Matagal na lumagay sa tahimik si Marcia. Ang ibig sabihinay _______.


a. matagal na namatay c. hindi na nagpakita
b. nag-asawa na d. nanganak na

68.Alin ang salawikain sa sumusunod:


a. Nasa Diyos ang awa, NasaTao ang gawa
b.Di-maliparang uwak
c. May puno walang bunga, May dahon walang sanga
d. Nag-bubuhat ng sariling bangko

69. Ang bagong alpabetong Filipino ay may ______ ng letra.


a.20 b. 24 c. 28 d. 30

70. Ito ay bahagi ng aklat na makikita sa likod. Ito ay talaan ng lahat na mahalagang paksa kasama
ang pahina. Ang mga paksa ay nakasulat sa paalpabeto.
a.Talatuntunan c. Talahulugan
b.Talatinigan d. Talaan ng nilalaman

71. Isang kuwento ng ang gumagapang ay mga hayop na kumikilos at nagsasalita na parang tao.
a. Parabola c. kuwento
b. pabula d. alamat

72. Ito ay isang uri ng dula na nawawakas a pagkamatay ng pangunahing tauhan.


a.komedya c. melodrama
b.epiko d. trahedya

73. Isang kuwento hango sa banal na kasulatan na umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.
Ito ay may aral.
a.Anekdota c. parabola
b.alamat d. sanaysay

74. Isang tagisan ng mga talino sa pamamagitan ng katwiran sa pamamaraang patula.


a. balagtasan c. tula
b. talumpati d. duplo

75. Si severino Reyes na lalong kilala sa tawag na Lola Basyang ay higit na kilala sa larangan ng:
a.dulaan c. pag-awit
b.pagtula d. balagtasan

76. Ang Kumitang ay isang uri ng awiting bayan. Ito ay may karaniwang inaawit sa:
a. paghaharana c. paghehele
b. pakikidigma d. pamamangka

77. Ang senakulo ay isang panrelihiyon; ito ay naglalayon na


a. ipaala ang kapanganakan ni Hesukristo
b. ipakita ang pagkakapatiran ng mga Kristiyano at Muslim
c. magsalarawan ngmga pinagdaanang buhay at kamatayan ni Hesukristo
d. magligtas sa mga kasalanan

78. Sa akda niyang “Guryon”, ipinalintulad ni Idelfonso Santos ang Guryon sa:
a.buhay ng tao c. anyo ng pagpapalipad
b.tibay ng pisi d. hanging habagat

79. “Unupo si Itim, sinulot ni Pula, heto na si Puti na bubuga-buga.” Ito ay halimbawa ng isang:
a.bugtong c. alamat
b.salawikain d. kuwentong bayan

80. “Ang sinuman ay makabubuo ng matibay na lubid kung pagsasamahin ang sinulid.” Ang ibig
sabihin ng kasabihang ito ay:
a.Mahirap magkaisa ang mga tao.
b.Madali ang gumawa ng lubid kung may sinulid
c.Kailangan natin ang lubid sa ating mga Gawain.
d.Magkakaroon tayo ng lakas kung tayo’y magkakaisa.

81. “Ang taong nagigipit sa patalm kumapit.” Ano ang ibig sabihin ng salawikaing ito:
a.Ang kaligtasan ng taong nagigipit ay sa tapang ng dibdib
b.Susuungin ng tao kahit ani mang panganib upang malunasan ang kanyang problema
c.Malapit sa panganib ang mga taong nagigipit.
d. Huwag makiharap sa taong nagigipit sapagkat siya ay siguradong galit

82. Alin sa sumusunod ang hindi tuluyang anyo ng panitikan?


a.korido c. kuwentong bayan
b.alamat d. maikling kuwento

83. Tukuyin kung anong uri ng panitikan ang “Isang bayabas, pito ang butas.”
a.Sawikain c. Salawikain
b.Idyoma d. Bugtong
84. “Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa.” Isinasasaad ng
salawikaing ito ang kahalagaan ng :
a. pagkakaisa’t pagtutulungan
b. tibay ng dibdib at lakas kahit nag-iisa
c. pagkakaroon ng lakas kahit nag-iisa
d. pagpapalakas ng loob lalo’t nag-iisa
85. Sa akin lipain doon nagmula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
Ano ang ipinahihiwatig ng saknong?
a. Lahat ng pagkain ay sa magsasaka nagmumula
b. Lahat ng magsasaka ay may lupang sinasaka
c. Lahat ng tao’t bagay ay galling sa lupa
d. Lahat ng umaasa sa biyayang galling sa magsasaka.

86. Ang kaibigan ko ay isa lamang maralita.


a.mangmang c. mabait
b.maliliit na tao d. mahirap
87. Si Nena ay inaruga ng kanyang Lola mula pa noong siya’y maulila.
a.pinabayaan c. inalagaan
b.pinamigay d. kinuha

88. Palasak na ang desenyong iyan.


a. pambihira c. magastos
b. pangkaraniwan d. wala sa moda

89. Ang mga salbahe ay kinamuhian niya


a. kinakalinga c. kinatatakutan
b. kinukumusta d. kinasusuklaman

90. Ang mga kawal na lumabag sa utos ay binigyan ng babala.


a.sundalo c. kusinero
b.kaibigan d. pulis

91. Nangangamba ka ba na hindi ka niya pagbibigyan?


a.nasisiyahan c. nababanas
b.natatakot d. naiinis

92. Ang pagpunta sa Saudi Arabia ay di-gawang biro.


a.Madali c. mahirap
b. masayang Gawain d. maayos

93. Si Miguel ay sumakabilang buhay na noong Linggo.


a.nagpaalam c. nagpunta sa siyudad
b.namatay d. nagbayad ng utang

94. Bakit mukhang Biyernes Santo si Marko.


a.malungkot c. mukhang masaya
b.lumuluha d. tumatawa

95. Nakaririmarim ang nangyaring sakuna sa dagat.


a. nakalulungkot c. nakaiinis
b. nakatatakot d. nakapangingilabot

96. Ang dayuhang siyang pinakamatalik na kaibigan ni Rizal ay


a. Austin Craig c. Otley beyer
b. Ferdinand Blumentritt d. Don Eulogio Despujl

97. Dahil sa tulong at pagmamalasakit ni


a. Dona Aurora A. Quezon
b. Tandang Sora
c. Luz B. Magsaysay
Sa kapakanan ng mga sinalanta ng sakuna, siyay tinaguriang Ina ng Kruz na Pula.

98. Kung ano ang “Urbana at felisa” sa mga tagalog ang


a.Lagda c. Bidasari
b.Maragtas d. Hudhud
ay siya naman sa mga Bisaya.
99. Sa mga tauhan ng Noli Me Tangere ni Rizal, si
a. Basilio c. Capitan Tiago
b. Elias d. Simon
Ang nagligtas kay Ibarra sa kapahamakan.

100. Ang aklat ng mga tinipong tula sa Tagalog ni Lope K. Santos ay pinamagatang.
a. Damdamin c. Tungkos ng Alaala
b. Puso at Diwa d. Mga Dahong Ginto
SET A. Filipino Post Test Answer key

1 B 51 B
2 B 52 C
3 B 53 A
4 B 54 B
5 B 55 C
6 A 56 B
7 B 57 B
8 A 58 B
9 B 59 C
10 A 60 B
11 A 61 B
12 A 62 C
13 B 63 B
14 A 64 A
15 B 65 A
16 B 66 C
17 A 67 B
18 C 68 A
19 B 69 C
20 C 70 A
21 B 71 B
22 B 72 D
23 A 73 C
24 A 74 A
25 B 75 A
26 D 76 B
27 B 77 C
28 A 78 A
29 C 79 A
30 B 80 D
31 A 81 B
32 C 82 A
33 D 83 D
34 B 84 A
35 B 85 D
36 B 86 D
37 B 87 C
38 C 88 B
39 D 89 D
40 B 90 A
41 A 91 B
42 A 92 C
43 B 93 B
44 C 94 A
45 B 95 D
46 C 96 B
47 B 97 A
48 A 98 D
49 D 99 D
50 B 100 B
SET B. Filipino Post Test

I. Piliin ang salitang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa mga sumusunod na


pangungusap.

1. Matapos ang maghapong gawain siya ay lugami na.


A. Lubog C. Nalungkot B. Yumaman D. Lupaypay
D –Ang lugami ay may kaugnay na diwa sa maghapong gawain na panglupaypay o pagod.

2. Hindi ko sukat akalain na siya pala ay isang balakyot.


A. Marumi C. Mapanlinlang B. Makasalanan D. Mabaho
C-Ang angkop na diwa sa salitang balakyot ay mapanlinlang na may konseptong diwa na hindi
nagpapakita ng totoong pagkatao o ugali.

3. Ang damuho ay may asawa pala.


A. Salbahe C. Tanga B. Kabiyak D. Di- mapagkakatiwalaan
A – Ang salitang salbahe ay mas angkop na gamitin sa damuho dahil ito ay magkatulad ng
diwa.

4. Ang magkaibigan ay mag karatig pook lamang.


A. Kamasa C. Kasing laki B. Kabihasnan D. Kalapit
D – Ang salitang karatig ay kasing diwa ng kalapit na nangangahulugan din ng katabing pook.

5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay.


A. Pamaypay C. Balabal B. Tela D. Banig
C –Ang salitang abrigo ay kahulugan ng balabal na may makukulay na disenyo noong
panahon ng Kastila.

II. Piliin ang tamang salita na kasalungat ng salitang nakasalungguhit sa pahayag.

6. Masalimuot ang mga pangyayari sa pagkamatay ni Ramgen.


A. Magulo C. Maalalahanin B. Makulay D. Mapayapa
D – Kabaligtaran ng masalimuot o magulo ang mapayapa sa diwa ng pangyayaring naganap
sa pagkamatay ni Ramgen.

7. Katunggali niya sa paligsahan ang kanyang matalik na kaibigan.


A. Kasamahan C. Kakampi B. Katalik D. Kasulatan
C – Kabaligtaran ng katunggali ang kakampi sa konsepto ng pakikipaglaban sa matalik na
kaibigan.

8. Ang pamilya Yulo ay may mababang-loob sa mga taong nangangailangan.


A. Maawain C. Matabil B. Mapagpala D. Mayabang
D – Kabaligtaran ng mababang-loob ang mayabang na may diwa ng pagmamalaki sa mga
taong nangangailangan.

9. Maalyaw na buhay ang ibibigay ko sa aking mga anak.


A. Masarap C. Masagana B. Mahirap D. Mahigpit
B – Kabaligtaran ng maalyaw ang mahirap sa buhay na may diwa ng kakulangan o kakapusan
sa buhay.
10. Malabay na punungkahoy ang makikita sa bakuran ni Mang Baste.
A. Mataba C. Payat B. Malusog D. Putol
C – Kabaligtaran ng malabay ay payat na may kaugnay na diwang kanipisan ng sanga ng
punungkahoy.

III. Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.

11. Nagbasa ______ maayos ang mag-aaral.


A. siya C. ng B. nang D. sila
B – Ginagamit ang nang kapag sinusundan ng pang-abay.

12. ______iinumin ka bang gamot?


A. Mayroon C. May B. Meron D. Nang
C – Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.

13. Ang mga regalong natira ay ______ Ayeng, Miguel at Joffrey.


A. para sa atin C. para sa iyo B. para sa kanila D. para kina
D – Ang kay at kina kapag sinasamahan ng para ay nagiging panandang kaalaman sa tao.

14. Anong uri ng tayutay ito?


Dumadagundong ang tunog ng loud speaker sa mahinang dibdib ng matanda.
A. Onomatopeya o paghihimig C. Alliteration o pag-uulit B. Apostrophe o pagtawag D.
Antithesis o pagtatambis
A –Ang dumadagundong ay paghihimig na nailalahad sa tulong ng tunog o himig ng salita.

15. Ang mukha niya’y animo’y maamong tupa na sunudsunuran.


A. Metaphor o pagwawangis C. Metonomi o pagpapalit-tawag B. Simile o pagtutulad D.
Epigram o pagsalungat
B – Ito ay payak na pagpapahayag na ginagamitan ng pagtutulad na gaya ng animo’y.

16. Ang paalala ay gamot sa taong nakalilimot.


A. Simile o pagtutulad C. Hyperbole o pagmamalabis B. Personification o Pagtatao D.
Metaphor o pagwawangis
D – Naghahambing ito subalit gumamit din ng tuwirang pagtutulad sa salitang gamot.
17. Sumisipol ang hanging amihan.
A. Hyperbole o pagmamalabis B. Irony o pag-uyam C. Metonymy o pagpapalit-tawag D.
Personification o pagsasatao
D – Nagbibigay katauhan ang salitang pagsipol sa hanging amihan.

18. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang nagbibilang ng poste?


A. mahusay magbilang B. mahusay magtrabaho C.walang poste D. walang trabaho
D – Matalinhagang salita ito na may kahulugang walang trabaho kung ikaw ay nagbibilang ng
poste.

19. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang buwaya sa katihan?


A. mapang-api C. mapanukso B. mapang-imbot D. mapagmalabis
B – Ang buwaya ay talinghagang naglalarawan sa taong mapag- imbot o sakim.

20. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na ito?


IPANSULAT MO ANG LAPIS NA MAY TASA.
A. tagaganap C. sanhi B. tagatanggap D. gamit
D – Ang ipansulat ay nasa pokus ng gamit na lapis.

21. Ang alpabeto ng ating mga ninuno noong panahong pre- kolonyal ay tinatawag na
A. alibata C. talibaba B. alibaba D. abakada
A – Tinatawag na alibata ang sinaunang alpabeto ng ating mga ninuno

22. Ayon sa Bagong Saligang Batas (1987), ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging
A. Pilifino C. Pilipino B. Filipino D. Filifino
B – Ang salitang Filipino ay opisyal na wikang pambansa ayon sa 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas.
23. Kapag tayo ay nabigo, bumangon tayo agad. Sakaling dumating ang daluyong, sandal siyang
iiwas.
A. Payak C. Hugnayan B. Tambalan D. Langkapan
C – Ito ay may 2 sugnay na di makapag-iisa at isang sugnay na makapag-iisa.

24. Ang mga mag-aaral ng Nolasco High School ay nagsayawan at nag-aawitan.


A. Payak C. Hugnayan B. Tambalan d. Langkapan
A – Ang pangungusap ay may isang sugnay na makapag-iisa.

25. Ang kasiphayuan-kaligayahanay isang halimbawa ng______________.


A. pagkakatulad B. pagsasalungatan C. pagbibigay ng katangian D. pagbubuo
B – Magkabaligtad ito ng kahulugan.

26. Ano ang nagaganap na pagbabagong morpoponemiko sa salitang may salungguhit?


Nasa mesa ang mga kagamitan sa panlinis.
A. pagkaltas C. metatesis B. asimilasyon D. reduplikasyon
B – Ang salitang panlinis ay may panlaping pan na sinusundan ng katinig na l na nag-aasimila
sa tunog na N.
27. Marumi ang kamay niya nang kumain.
A. pagpapalit ng ponema C. paglilipat diin B. metatesis D. reduplikasyon
A – Ang ponemang r sa salitang marumi ay malayang nagpapalitan sa letrang d na hindi
nagbabago ang kahulugan. (Madumi-marumi)

28. Asnan mo ang binili kong isda.


A. pagkakaltas ng ponema C. asimilasyon B. paglilipat diin D. metatesis
A – Ang salitang asnan ay mula sa salitang asinan na kinaltasan ng ponemang /i/ na hindi
nagpabago sa kahulugan nito.

29. Aptan mo ang nasirang bubong.


A. metatesis C. pagkakaltas ng ponema B. paglilipat diin D. pagpapalit ponema
A – Ang salitang aptan ay mula sa salitang atipan na nagkaltas ng ponema at ang nagpalitan
ng posisyon.

30. Ano ang ibig sabihin nito “ wika ang kaluluwa ng isang lahi”
A. Ang wika ay kaluluwa ng isang lahi dahil naitatala nito ang kasaysayan B. Ang wika ay may
damdamin C. Ang wika ay nakapagpapahayag ng niloloob ng tao D. Ang tao at wika ay kapwa
may kaluluwa.
C – Napapahayag ng isang lahi sa pamamagitan ng wika ang kanyang niloloob.

31. Sina Nora Aunor at Vilma Santos ay kapwa mahuhusay na artista. Taglay nila ang kahusayan sa
pag-arte, halos lahat ng kanilang pelikula ay nagbigay sa kanila ng acting awards. Si Nora ay
tinaguriang “Superstar” at si Vilam naman ay tinaguriang “Star for all seasons”. Bagamat pareho
silang sikat na artista, si Nora ay mahusay rin na mang-aawit at si Vilma ngayon ay mahusay na
pulitiko.
A. Problema at solusyon B. Depinisyon C. Order o pagkakasunud-sunod D. Paghahambing at
Pagkokontrast
D – Sa una pinaghambing na mahusay na artista sina Nora at Vilma at sa huli ipinakita ang
pagkakaiba nila.

32. Ang gitara ay isang uri ng instrumentong pangmusika na nahahanay o nauuri sa string. Upang
tumunog ang instrumentong ito ay kailangan mo itong kalabitin ng kanang kamay at titipahin
naman ng kaliwang kamay.
A. Paghahambing at Pagkokontrast B. Sanhi at Bunga C. Depinisyon D. Enumerasyon
C – Binigyan ng depinisyon kung ano at paano ginagamit ang gitara.

33. Ang isang set ng kompyuter ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi: CPU, monitor, mouse,
key board at avr. Ang opsyunal na bahagi nito ay printer at scanner. Ibig sabihin, maaaring
wala ang mga kagamitang ito.
A. Enumerasyon C. Sanhi at Bunga B. Depinisyon D. Order
A – Inisa-isa ang pangalan ng mga bahagi ng kompyuter.

Basahin ang teksto sa ibaba at sagutan ang mga kasunod na aytem.


Mag-isip ka, Binata
Ikaw ay baguntao…. Malakas, makisig, matatag, maginoo, ikaw, tulad ng iyong ama ay magiging
haligi ng tahanan.
Huwaran mo ang iyong ama. Siya ang utak na namamatnugot sa inyong tahanan samantalang ang
iyong ina ang siyang katuwang sa pagpapaligaya nito. Ikaw ay galamay ng iyong mga magulang.
Ikaw ang pag-asa nila sa kanilang pagtanda. Ikaw ang dahilan ng kanilang pagpapakasakit. Dapat
mong gantihan ng kabutihan ang kanilang paghihirap.
Ngayong nag-aaral ka pa’y maaari kang tumulong sa anumang paraan. Ngunit ang higit nilang
inaasahan sa iyo ay ang pagtatapos mo ng pag-aaral. Para kanino ang iyong pag-aaral? Ito’y para sa
iyong kinabukasan, ipang ikaw ay maging matatag at nakahandang tumanggap ng pananagutan.
Kaya dapat mong ibigin at igalang ang iyong mga magulang. Tungkulin mong paglingkuran sila nang
buong lugod at kasiyahan. Huwag mo silang biguin sa pangarap nila sa iyo!

34. Ang pananaw na ginamit sa teksto ay _____________


A. Unang panauhan B. Ikalawang panauhan C. Ikatlong panauhan D. Walang ginamit
B – Ang ikaw ay nasa ikalawang panahunan.

35. Ang tono ng teksto ay __________________.


A. Mapangutya C. Mapanghikayat B. Mapagbiro D. Mapanumbat
C – Ang tono ay nanghihikayat sa binata na pagbutihin ang pag- aaral.

36. Sa pamagat ng teksto ay mahihinuhang______________.


A. Ang teksto ay nangangaral sa mga binata B. Ang teksto ay nagbababala sa mga binata C.
Ang teksto ay isang pagsusulit para sa mga binata D. Ang teksto ay isang pagtawag sa
atensyon para sa mga
binata
B – Nagbababala ang tono ng pamagat sa pamamgitan ng pag-iisip.

37. Ang ikalawang talata ng teksto ay gumamit ng hulwarang________________.


A. Depinisyon B. Paghahambing at Pagkokontrast C. Problema at solusyon D. Enumerasyon
C – Ibinigay sa teksto ang problema ng binata at binigyan din ito ng solusyon sa katapusan.

38. Anong uri ng tayutay ang napapaloob sa pahayag na ito?


NALIGO NA SA HAMOG NG GABI ANG MGA BULAKLAK.
A. pagmamalabis C. pagpapalit-tawag B. Pag-uuyam D. pagsasatao
D – Ang salitang naligo ay isang pagsasatao.
39. Ano ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao?
A. register C. sosyolek B. idyolek D. mode
B – Ang bawat tao ay may kanya-kanyang katangianng pagsasalita na tinatawag na idyolek.

40. Ang mga sumusunod na bokabularyo gaya ng court, pleading at exhibit ay tinatawag na___.
A. Sosyolek C. Jargon B. Dayalek D. Idyolek
. C – Ang mga ito ay tanging bokabularyo ng mga lawyer na tinatawag na jargon

41. Sa pagbasa, ang kakayahan sa pagsasama-sama at pag-uugnay- ugnay ng mga nakaraan at ng


mga bagong karanasan ay tinatawag na________.
A. persepsyon o pagkilala C. paghawan ng balakid B. pag-unawa D. asimilasyon
D –Asimilasyon ay pag-uugnay-ugnay ng mga bagong kaalaman sa dating mga kaalaman.

42. Upang matamo ang mahahalagang layunin sa maunlad na pagbasa, kailangan ang________.
A. kritikal na pag-iisip at pagpapahalaga sa mga binasa
B. imahinasyon
C. pagkilala sa
kahinaan
D. interes at hilig ng bumabasa
A – Layunin ng pagbasa na malinang ang kritikal na pag-iisip at pagpapahalaga sa binasa
upang mapaunlad ito.

43. Upang matiyak kung paano magkaroon ng interaksyon ang nauunang kaalaman at karanasang
pangkapaligiran na kaugnay sa binasa ang layunin ng teoryang_________.
A. panimulang pagbasa C. schema B. pinatnubayang pagbasa D. semantic webbing
C –Ang schema ay nag-uugnay sa karanasan at kaalaman na kaugnay sa binasa.

44. Sa pagtuturo ng pagbasa sa pangalawang wika,dapat isaalang- alang__________________.


A. ang simulain ng pagkakasunud-sunod ng mga yunit ng paksang aralin
B. ang pagtatala ng mahahalagang bahagi ng araling sasaklawin
C. ang bawat bahagi ng balarila
D. ang pagsasanay na transisyon
A – Ang mga simulain at ang pagkakasunud-sunod nito ang unang isinasaalang- alang sa
pagtuturo ng pagbasa gamit ang pangalawang wika.
At sa mga pulong dito’y nakasabog, nagkalat, nagpunla, nagsipanahan, nangagsipamuhay,
nagbato’t nagkuta.

45. Sa saknong na ito, ang mga tunog na may salungguhit ay isang halimbawa ng ___________.
A. aliterasyon C. asonasyon B. tugma D. onomatopeya
.
A – Aliterasyon ay paggamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng pangungusap.

“Kung tatanawin mo sa malayong pook Ako’y tila isang nakadipang krus.” (Halaw sa “ISANG
PUNUNGKAHOY’ ni Jose Corazon De Jesus)

46. Ang taludtod sa itaas ay _______________.


A. patulad (simile) C. patalinghaga (allegory) B. pahalintulad (analogy) D. padiwangtao
(personification)
A – Payak na pagpapahayag na ginagamitan ng mga karaniwang parirala na tulad ng, gaya
ng, tila at iba pa.

47. Ang proseso ng paggamit sa Filipino sa iba’t ibang disiplina lalo na sa mga disiplinang siyentipiko
at teknikal ay tinatawag na______________.
A. Istandardisasyon C. Bilinggualismo B. Intelektwalisasyon D. Lingua-Franca
B –Ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang disiplina ay proseso ng intelektwalisasyon.

48. Ang wikang ginagamit sa isang partikular na lugar ay tinatawag na_____________.


A. Wikang Pambansa C. Lingua-Franca B. Wiklang Ofisyal D. Unang Wika
C – Ang lingua-franca ay isang wika na sinasalita sa isang partikular na lugar gaya ng Maynila.

49. Ang pinakatanyag sa dulang isinulat ni Julian Cruz Balmaseda ay ang _____________.
A. Sa Bunganga ng Pating C. Isang Kualtang Abaka B. Ang Piso ni Anita D. Dahil saAnak
A – Ito ang popular na kuwento Julian Crux Balmaseda.

50. Ang kalipunan ng mga tula mula kina Huseng Sisiw at Balagtas hanggang sa makabagong
makata ay ipinalimbag niAlejandro G. Abadilla ay ang _________________.
A. Buhay at Iba pang Tula C. Ako ang Daigdig
B. Tanagabadilla D. Parnasong
Tagalog
D – Ito ay kalipunan ng tula na nalimbag niAbadilla na mula kina Huseng Sisiw at Balagtas.

51. Si Jose Corazon De Jesus, ang pangunahing makatang liriko ng panulaang Tagalog ay lalong
kilala sa tawag na __________________.
A. Huseng Sisiw C. Huseng Batute B. Batukaling D. Taga-Ilog
A – Ito ang bansag kay Jose Corazon de Jesus.
Hala gaod tayo, pagod ay tiisin Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin, Palayu-layo man, kung
ating ibigin Daig ang malapit na ayaw lakbayin

52. Ang awit na ito ay tinatawag ____________.


A. Oyay C. Soliranin B. Tikam D. Kundiman
C- Ito ay awit sa pamamangka.
Palay siyang matino Nang Humangi’y yumuko Ngunit muling tumayo Nagkabunga ng ginto
(Halaw sa “PALAY” ni Ildefonso Santos)

53. Anong uri ito ng tula?


A. Elehiya C. Oda B. Soneto D. Tanaga
D – Ito ay uri ng tula na may 4 na taludtod at 7 pantig sa bawat taludtod.
Sa mata’y dilim At hindi pa liwanag Ang tumatabing.

54. Anong uri ng tula ito?


A. Pantun C. Tanaga B. Haiku D. May sukat at tugma
B – Ito ay tulang may 17 pantig na nahahati sa 3 taludtod.
At buhat noon, tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon. Gayon
din ang bayan ng Lukban at Tayabas na nagmula sa pangalang Bayabas at Lukban, na ang
mga magulang ni Limbas

55. Ang talata sa itaas ay wakas ng isang _____________.


A. Alamat C. Kuwentong Bayan B. Pabula D. Mitolohiya

56. Alin sa mga ito ang karaniwang nasasaksihan sa paglalamay sa patay at paligsahan sa
pangngatwiran sa paraang patula?
A. Duplo C. Juego de Prenda B. Karagatan D. Balagtasan
A – Ito ay katulad ng isang debate sa paraang patula na ginagawa sa lamayan ng patay.
57. Alin sa mga maikling kuwentong ito ang unang nagwagi ng Carlos Palanca Memorial Awards
A. Mabangis na Lungsod C. Kuwento ni Mabuti B. Sampaguitang Walang Bango D. Lihim ng
isang Pulo
C – Ito ay sinulat ni Genoveva Edrosa Matute na nagkamit ng unang Palanca Award.

58. Ang dulang ito ay itinuturing na drama simboliko noong 1903.


A. Nena at Neneng C. Kahapon, Ngayon at Bukas B. Sampaguitang Walang Bango D. Lihim
ng isang Pulo
C – Ito ay simbolo ng pananakop ng Kastila, Amerikano, at Hapon sa Pilipinas.

59. Sa tulang ito pinahalagahan ni Jose Rizal ang mga kabataang Pilipino.
A. Sa Aking mga Kabata C. Filipino Dentro de Cien anos B. Mi Ultimo Adios D. Ala Juventud
Filipino
D – Sa tulang ito sinabi ni Rizal na ang kabataan ay pag-asa ng bayan.

60. Ano ang anyo ng salitang may salungguhit sa, “Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.”
A. Pandiwa C. Pangngalan B. Pawatas D. Pang-abay A – Ito ay salitang nagbibigay kilos.

61. Ano ang pokus ng pandiwang nagluluto?


A. Layon C. Tagatanggap B. Tagaganap D. Sanhi
B – Ito ay pokus ng tagaganap dahil sa panlaping nag.

62. Sa ________ ng gabi gaganapin ang pulong sa mga manunulat.


A. Ika-walo C. Ika 8 B. Ika-8 D. Ikawalo
B – Ginagamit ang gitling kung numero ang kasunod nito.

63. Kunin mo ang walis at ________ at maglilinis ako.


A. Pangdakot C. Pamdakot B. Pandakot D. Pang-dakot
B –Ang PAN ay sinusundan ng mga titik d,l,r,s,t sa pagbabagong morpoponemiko.

64. Ang isang maliit na pangkat ng formal o makabuluhang katangian na nauugnay sa partikular na
uri ng katangiang sosyo- sitwasyonal
A. idyolek C. mode B. varayti D. rehistro
B – Ang varayti ay anyo ng wika na mauuri sa dalawa, permanente at pansamantala na may
kanya-kanyang katangian.

65. Ang mga mata ng may matataas na tungkulin ay maagap sa pagbibigay ng ulat. Ano ang
kumakatawan sa salitang nasalungguhitan?
A. gamit sa paningin C. espiya B. maganda d. matitikas
C – Ang mga mata ay talinghaga na kumakatawan sa espiya.
SET C. FILIPINO POST TEST / Gen. Ed

Piliin ang salitang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa mga sumusunod na


pangungusap.

1. Ang banghay na ginagawa nya ay may kahirapang gawin.


A.Buhay
B.Balangkas
C.Plano
D.Pangako

2. Ang panukalang inihain niya ay lubhang malalim at mahirap abutin.


A. Proyekto
B. Layon
C. Mungkahi
D.Hiling
3. Matapos ang maghapong Gawain siya ay lugami na.
A. Lubog
B. Yumaman
C. Nalungkot
D. Lupaypay

4. Ang mga nangyari sa kanya ay hampas lamang ng panahon.


A. Hataw
B. Hagupit
C. Palo
D. Sampal

5. Hindi ko sukat akalain na siya pala ay isang balakyot.


A. Marumi
B. Makasalanan
C. Mapanlinglang
D. Mabaho

6. Ang damuho ay may asawa pala.


A. Salbahe
B. Kabiyak
C. Tanga
D. Di-pagkakatiwalaan

7. Ang magkaibigan ay mag karatig pook lamang.


A. Kasama
B. Kabihasnan
C. Kasing laki
D.Kalapit

8. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay.


A. Pamaypay
B. Tela
C. Balabal
D. Banig
9. Magalang na ipinakilala ng binata ang kanyang kasintahan sa kanyang ama.
A. Mapagmahal
B. Mapagmataas
C. Mabait
D.Mapitagan

10. Mahalaga ang dangal sa pamilya Formaran kaysa sa pansariling materyal na kagustuhan.
A. Puri
B. Bayani
C. Pagmamalaki
D. Kaugalian

Piliin ang tamang salita na kasalungat ng salitang nakasalungguhit sa pahayag.

11. Naglaho ang mga pangarap ng ina sa kanyang anak ng ito ay mag-asawa.
A. Nawala
B. Lumitaw
C. Lumisan
D. Namatay

12. Maraming dukha na Filipino ang humihingi ng tulong sa DSWD.


A. Nakakaawa
B. Nakaririwasa
C. Nakasimanot
D. Nakasisira

13. Masalimuot ang mga pangyayari sa pagkamatay ni Ramgen.


A. Magulo
B. Makulay
C. Maalalahanin
D. Mapayapa

14. Katunggali niya sa paligsahan ang kanyang matalik na kaibigan.


A. Kasamaan
B. Katalik
C. Kakampi
D. Kasulatan

15. Ang kanyang kapatid ay masintahin sa mga bata.


A. Masayahin
B. Malupit
C. Mapagmahal
D. Mapagmura

16. Ang dalangin ng mga Filipino sa taong 2012 ay magkaroon ng kasaganaan sa buhay.
A. Kahirapan
B. Kasipagan
C. Kaperahan
D. Kayamanan
17. Ang pamilyang Yulo ay may mababang-loob sa mga taong nangangailangan.
A. Maawain
B. Mapagpala
C. Matabil
D. Mayabang

18. Karamihan sa mga kabataan sa ngayon ay mga pasaway sa mga patakaran ng paaralan.
A. Sumasama
B. Palaaway
C. Palaangal
D. Sumusunod

19. Maalyaw na buhay ang ibibigay ko sa aking mga anak.


A. Masarap
B. Mahirap
C. Masagana
D.Mahigpit

20. Malabay na punong-kahoy ang makikita sa bakuran ni Mang Baste.


A. Mataba
B. Malusog
C. Payat
D. Putol

Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.

21. Sila ay kabilang _____ sa mga inanyayahan.


A. Daw/din
B. Din
C. Rin
D.Raw/rin

22. Nagbasa ______ maayos ang mag-aaral


A. Siya
B. Nang
C. Ng
D. Sila

23. _______ iinumin ka bang gamot?


A. Mayroon
B. Meron
C. May
D. Nang

24. Ano ang kahulugan ______ iyong ipinaliliwanag?


A. Nang
B. Ng
C. Din
D. Rin

25. Ang mga regalong natira ay ________ Ayeng, Manuel at Joffrey.


A. Para sa atin B. Para sa kanila C. Para sa iyo D. Para kina
SET C. FILIPINO POST TEST

1. C
2. C
3. D
4. B
5. C
6. A
7. D
8. C
9. D
10. A
11. B
12. B
13. D
14. C
15. B
16. A
17. D
18. D
19. B
20. C
21. C
22. B
23. C
24. B
25. D
FILIPINO / Gen Ed.

TAYUTAY (FIGURE OF SPEECH)

TINATAWAG DIN ITONG “PATALINGHAGANG PAHAYAG”


LUMALAYO ANG NAGPAPAHAYAG SA KARANIWANG PARAAN NG PAGSASALITA UPANG SA
GANOON ANY MAGAWANG HIGIT NA MAGANDA AT KAAKIT-AKIT ANG KANYANG SINASABI.
NAGBIBIGAY SA BUMABASA NG DAGDAG NG KAKAYAHANG MAGBIGAY KAHULUGAN SA
KANYANG BINABASA.

MGA URI NG TAYUTAY:

1. PAGTUTULAD (SIMILE) - GINAGAMIT SA PAGHAHAMBING NG DALAWANG MAGKAIBANG


BAGAY, TAO, PANGYAYARI, AT IBA PA.

ITO AY GINAGAMITAN NG MGA SALITANG TULAD NG:


GAYA NG PARA NG KAPARA
KAWANGIS TILA KATULAD
Hal.
ANG UGALI NG BATANG IYON AY KAWANGIS NG PANAHON, MADALING MAGBAGO.

2. PAGWAWANGIS (METAPHOR) - ITO AY NAGHAHAMBING DIN GAYA NG PAGTUTULAD


NGUNIT ITO AY TIYAKANG PAGAHAHAMBING.
Hal.
ANG KAMAY NG AMA AY BAKAL SA TIGAS

3. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE) - SADYANG PINALALABIS O PINAGKUKULANG ANG


KALAGAYAN O KATAYUAN NG TAO O BAGAY NA TINUTUKOY.
Hal.
BUMAHA NG LUHA SA BUROL NG AMA DAHIL SA MATINDING PAGSISISI NG ANAK.

4. PERSONIPIKASYON - PAGSASALIN NG TALINO, GAWI, AT KATANGIAN NG TAO SA MGA


BAGAY-BAGAY SA PALIGID NATIN.
Hal.
LUMUHA ANG LANGIT NANG MASAWI ANG KANYANG AMA.

5. PAGPAPALIT-TAWAG (METONOMIYA) - PAGPAPALIT NG KATAWAGAN NG MGA BAGAY NA


MAGKAKAUGNAY, HINDI KAHAMBINGAN KUNDI SA MGA KAUGNAYAN.
Hal.
NAGNGALIT ANG BAGANG (MATINDING GALIT) NG AMA NANG SUMUWAY SA
KANYANG UTOS ANG NAG-IISANG ANAK.

6. PAGPAPALIT-SAKLAW(synecdoche) - SA PAGPAPAHAYAG NA ITO, MAARING BANGGITIN


ANG BAHAGI NG BILANG PAGTUKOY SA KABUUAB AT MAARI NAMANG
ANG ISANG TAO AY KUMATAWAN SA ISANG PANGKAT.
Hal.
DALAWANG MAPAGPALANG KAMAY ANG HUMUBOG SA PAGKATAO NG BATANG IYAN.

7. PAGTATANONG (RHETORICAL QUESTION) - GINAGAMIT UPANG TANGGAPIN O DI


TANGGAPIN ANG ISANG BAGAY.
ANG PAGPAPAHAYAG NA ITO AY HINDI NAGHIHINTAY NG SAGOT.
Hal.
MATIIS MO KAYANG NAGHIHIRAP ANG IYONG MAGULANG HABANG IKAW NAMAN AY
NAGPAPAKALIGAYA SA MARAMING BAGAY?

8. PAGTAWAG (APOSTROPHE) - PAKIKIPAG-USAP SA KARANIWANG BAGAY O ISANG


DINARAMANG KAISIPANG PARA BANG NAKIKIPAG-USAP SA ISANG BUHAY
NA TAO O ISANG TAONG GAYONG WALA NAMAN AY PARANG NAROO’T
KAHARAP.
Hal.
PAG-IBIG, HALIKA AT PUNUIN MO NG PAGMAMAHAL ANG LAHAT NG PUSO NG TAO.

9. PAGTANGGI (LITOTES) - GUMAGAMIT ITO NG PANANGGING “HINDI” UPANG


MAGPAHIWATIG NG ISANG MAKABULUHANG PAGSANG-AYON.

Hal.
HINDI KO SINASABING MATAAS KA, LAMANG NAPAPANSIN KO NA HINDI KA
MARUNONG TUMANAW NG UTANG NA LOOB.

10. PANG-UYAM (IRONY) - GINAGAMITAN NG PANANALITANG NANGUNGUTYA SA


PAMAMAGITAN NG MGA SALITA KUNG KUKUNING LITERAL ANG
KAHULUGAN AY TILA KAPURI-PURI.
Hal.
KAY BAIT MONG ANAK. PAGKATAPOS KITANG TULUNGAN SA IYONG MGA KAGIPITAN
AY NAGAWAN MO PA AKONG PAGSINUNGALINGAN.

You might also like