You are on page 1of 2

Marithoughts . . .

Liham para sa nagmamadaling baguhan,


CW_14

Sa nakalipas na taon, nakita ko ang iyong pagsasanay bilang isang batang mamamahayag.
Nahubog na sa iyo ang kasanayang pandyornalismo.

Batid mo rin ang mga paunang gawain sa larang ng pagsulat kung kaya naman batid ko rin
na ikaw ay naging kampante sa pagtanggap sa hamon ng pagiging School Paper Adviser.

May magaganap daw palang School Paper Adviser Training ang APSTaP. Naabisuhan ka na
siguro ng inyong paaralan. Nabalitaan ko rin na kasama pala sa inyong pribadong paaralan
sa mga tinatawag na Core Group ng APSTaP.

May malaking papel na pala kayong ginaganap sa larang ng pahayagang pangkampus. At


alam kong nagustuhan mo ang ideya na sa pagiging baguhan ay mayroon kaagad na
nakaabang na malaking gampanin para sa iyo.

Ang limang araw mo raw na pagsasanay ay ang inyong magiging puhunan upang kayo
naman ang maging tagapagsanay sa mga kapwa ninyo SPA. Malaking hamon nga naman
ito.

Pero matanong ko lang sa iyo bilang isang baguhan, handa ka ba sa ganitong


responsibilidad? Handa mo bang ibahagi nang buo ang kasanayang natutunan mo lang sa
loob ng limang araw?

Tila yata nagpakampante ka. Nagpakampante sa ideya ng pagsasalita sa harapan kung


yaong pagsulat mo nga ay hindi matukoy kung akma ba sa esensya ng dyornalismo.
Nagpakampante sa malaking papel na gagampanan bilang isang nagsisimulang SPA.
Nagpakampante sa ilang taong pagsusulat sa pahayagang pangkampus at hindi na naisip
mga nagbago na ring impormasyon sa larang ng pagsulat. Masyado ka yatang
nagmamadali bilang baguhan sa kasanayan.

Tandaan na magkaiba ang kasanayan mo sa pagsulat at pagiging tagapagsanay. Magkaiba


ang trabaho ng pagiging manunulat mo noon sa pagiging SPA ngayon.

Hindi ito magiging madali. Kagaya ng naging mahigit walong taon mong karanasan sa
pagsulat, ganoon rin ang taong gugugulin mo sa kaalaman ng pagiging SPA.

Walang masama sa layunin mong maipalamalas ang isa sa iyong naging bentahe noon
ngunit huwag maging marahas at nagpapatiuna sa mga panibagong responsibilidad bilang
bagong SPA dahil maging mga batikan ay dumadaan sa mahabang panahon na pagsasanay.

Para sa iyong nagmamadaling baguhang SPA isaisip na kahit tila ba may karanasan ay hindi
na mawawala ang pakiramdam ng pagiging baguhan at may pagkukumahog sa kaisipan.

Ang nagmamadali ay madalas na nagkakamali.

Nagmamahal,
Your future SPA-self

You might also like