You are on page 1of 2

Pangalan: James Ivan H.

Lamadrid
Instruktor: Bb. Karen A. Padua
“Kahulugan at Kahalagahan ng Komunikasyon”

1. Ano ang salitang ugat ng komunikasyon?


 Ang salitang komunikasyon ay galling sa salitang Latin na communis na
nangangahulugang common o karaniwan.
 Ayon kay Greene at Petty ang komunikasyon ay isang intensyonal o konsyus na
paggamit ng anumang simbolong tunod o anumang uri ng simbolo upang
makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang
indibidwal tungo sa iba.
 Ayon naman kay Bernales.et al.. (2002) ito ay proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal
o di-berbal.
2. Mayroon bang komunikasyon kung walang sangkot na katalimitan?
1. Oo, tulad na lamang ng intrapersonal na komunikasyon na ang kahulugan ay ang
komunikasyon kung saan ang tao ay nakikipag-usap sa kanilang sarili bago
makipag-ugnay sa ibang tao.
Kalikasan: Nagaganap sa pagitan ng tao at kanilang isipan.
Pangangailangan: Laging umiiral kapag ang tao ay nagnanais na mag-isip
tungkol sa isang partikular na bagay.
Mga elemento: Ang siklo ng imahinasyon kung saan sinasabi, nakikita, at
natatanggap ng tao.
3. May komunikasyon ba kahit walang wika at may komunikasyon ba kahit walang
komunikasyon?
 Oo may komunikasyon kahit walang wika ito ay tinatawag na di-berbal ang di berbal na
komunikasyon ay mahalagang salik upang ating maunawaan ang  mga aksyon o galaw
ng katawan. Sa pamamagitan ng di berbal na komunikasyon o sensyas, nagiging
kasangkapan upang maipabatid ang mensahe.Malalaman din natin ang tunay na emosyon
ng isang tao sa pamamagitan ng di berbal na komunikasyon. Ang mga uri ng di-berbal
na komunikasyon ay ang sumusunod:  choronemics, haptics, Iconics,
Kinesics,Oculesic,Olifactorics,Pictics,.Proxemics at Vocalics/Paralanguage.
 May komunikasyon din kahit walang komunikasyon tulad na lamang ng sagot ko sa
ikalawang bilang dahil ito ay may kaugnayan sa isa’t-isa.
 Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao
ang kanyang sarili at nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba. Dahil
sa wika nakatatanggap at nakikibahagi siya sa kapwa ng bisang dala ng pagbabago sa
kultura at kabihasnan.
 Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at
kasama sa isang kultura sa kanilang pakikipagtalastasan.

4. Sa mga nakalatag na element ano ang katanggap-tanggap na di-masangkot na hindi


makaaapekto sa komunikasyon?
 Ito ay ang sagabal o interference na elemento ng komunikasyon na nagsisilbing
sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob sa
tunog. Sa katunayan, sakop nito ang pisikal/teknikal na sagabal, semantikong
sagabal, pisyolohikal na sagabal, kultural na sagabal at sikolohikal na sagabal.

You might also like