You are on page 1of 4

Aralin #3

LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD: ANG


KATANGIAN, KAHALAGAHAN, AT KAUGNAYAN NG
UNANG WIKA AT PANGALAWANG WIKA
“Kasabay sa paglago ng ating pagkatao ang mga wikang tumutulong sa
pagbuo nito”

Hindi mawawala sa anomang komunikasyon ang wika. Laging layon nitong maunawaan ng bawat isa ang
mensaheng nais natin iparating. Ibig sabihin, mahalagang alam ng mga taong kasangkot dito ang mga
ginagamit ng wika sa loob ng komunikasyon. Kaugnay nito, hamon sa bansa ang pagiging multilingguwal
(maraming wika). Madalas na nagiging balakid ang pagkakaroon ng iba-ibang wika sa pagkakaunawaan
ngunit ang bawat tiyak na komunidad ay may pare-parehong wika at ang kalagayang ito ay tinatawag na
lingguwistikong komunidad o komunidad pangwika. Ayon sa talakay ni Samson sa academia.edu,
binanggit niyang ang wika sa isang komunidad ay may malaking bahagi sa pagtupad sa tungkulin at
kolektibong pagkilos sa ikauunlad ng bawat isa. Binibigyang-halaga ng lingguwistikong komunidad ang
pagkakaroon ng sariling identidad gamit ang wika sa loob ng isang lugar o pook. Sa konteksto ng
Pilipinas, iba-iba tayo ng lingguwistikong komunidad at sa pakikipagsabayan natin sa ibang bansa,
nagiging malaking tanong kung paano tayo nagkakaunawaan at magkakaunawaan. Kung kaya’t narito
ang mga terminong makatutulong upang ganap mong maunawaan ang iba’t ibang mga kalagayan sa
lingguwistikong komunidad na mailalapat mor in sa iyong kinabibilangang komunidad.

MGA TERMINO KAHULUGAN


Homogeneous na Wika Nangangahulugang isa, na ang ibig sabihin ay may
isang sinusunod na tuntunin o gramatika ang
bawat wika. Lahat ng wika ay maituturing na
homogenous ngunit nagkakaroon ito ng
baryasyon batay sa iba’t ibang konteksto.
Heterogeneous na Wika Nangangahulugang marami, na ang ibig sabihin
ay maraming salik ang nakakaapekto sa
pagkakaroon ng pagpapakahulugan sa mga salita
batay sa pangkat o komunidad na kinabibilangan
ng mga tao. Isa sa mga halimbawa nito ay ang
salitang daga, na ang ibig sabihin sa Tagalog ay
isang hayop ngunit sa Bikolano, ito ay lupa.
Estandardisado ang baybay ngunit magkaiba sa
pagpapakahulugan sa salik rehiyonal.
Lingua Franca Wikang ginagamit ng mga taong kasangkot sa
komunikasyon ng iba-iba ang mga wika. Ang
bawat komunidad ay may mga lingua franca.
Ayon kay Jesus F. Ramos, sa kanyang aklat na
“Ang Wika ng Lingguwistika”, nahahati sa dalawa
ang lingua franca sa Pilipinas, ang rehiyonal at
pambansang lingua franca.
Unang Wika Wikang kinagisnan, sinusong wika, o inang wika
ang iba pang katumbas na katawagan nito. Ito
ang pangunahing ginagamit ng wika ng isang tao
batay sa kaniyang kinabibilangang komunidad.
Pangalawang Wika Ito ang wikang natutuhan ng isang tao matapos
niyang masanay sa paggamit ng unang wika.
Maaaring bunga ito ng iba’t ibang salik gaya ng
pag-aaral at pandarayuhan.

PAANO NAGKAUGNAY ANG UNANG WIKA AT PANGALAWANG WIKA

UNANG WIKA

Madalas na sa tahanan
natatamo, natural na
natututuhan sa pang-araw-
araw

Halimbawa: Kung Ingles ang


pangunahing ginagamit ng
isang pamilya, Ingles ang
kanilang unang wika
PANGALAWANG WIKA

Natututuhan sa paaralan o iba


pang dala ng pagkakataon at
siywasyon

Halimbawa: Dahil naituturo


ang Filipino sa paaralan,
maaaring ang pamilyang
Pilipinong ang unang wika ay
Ingles, Filipino ang
pangalawang wika.

Sa kahalagahan ng paggamit ng unang wika at pangalawang wika, pinatunayan ni Shielee Boras-Vega,


Ph.D sa kaniyang pananaliksik na ‘Ang Patakarang Pangwika sa Pilipinas at Mga Pag-aaral Kaugnay Nito”,
na iba’t iba ang paraan ng mga bata upang matuto ng pangalawang wika. Higit n amabilis na natututo
ang matatanda kaysa sa mga bata kung kaya’t unahin munang maituro ang unang wika sa kanila.

Nabuo rin ang kongklusyon na:

1. Batayan ang unang wika sa pagkatuto ng pangalawang wika.


2. Dapat nakauunawa, nakapagsasalita, at nakagagamit ng wika ng pagtuturo ang sinomang guro
ito man ay una o pangalawang wika.
3. Mahalaga ang suporta at pakikiisa ng mga magulang at pamayanan sa lahat ng mga programang
kaugnay nito.

Nangangahulugang marapat na magkasabay nma natututuhan ng mga bata ang unang wika kasama ang
kulturang kinabibilangan nito. An ganitong pagkatuto ay nagbubunga ng pagiging natural at magaan sa
pagkatuto ng pangalawang wika na kapwa malahaga para sa kaniyang pag-unlad at sa kolektibong
pagkilos sa kaniyang kinabibilangang komunidad o lipunan. Parehas maaaring matutuhan sa pormal na
paraan ang una at pangalawang wika ngunit hamon ang pagtuturong batay sa sosyo-kultural sa
konteksto nito dahil marapat na nakabatay sa danas sa pinanggagalingan ng lipunang kinasasangkutan
ng sinomang gagamit ng mga ito.

Gaya ng banggit ni Dr. Paraluman Giron sa isang lektyur-forum sa Unibersidad ng Pilipinas noong 2008,
mahalagang bihasa muna ang bata sa kaniyang unang wika upang matutuhan ang pangalawang wika. Isa
pa, higit na madaling matuto kung ang wikang gagamitin ay amlaoit sa ating puso. Mahalagang matanaw
nating lahat tayo ay may unang wika, maaaring magamit natin ito upang patuloy na tumuklas batay sa
ating TRACK na nakalapat sa pangangailangan ng ating lipunan. Maaaring gawing pantulong ang
pangalawang wika sa paggamit ng unang wika sa higit na pagpapaunlad hindi lang sarili kundi ng buong
komunidad.

- Mula sa TUON-DUNONG: Komuniksyona at Pananaliksik sa Wika at kulturang Filipino.


- Nina: J.R. Ipaz at V.M. Villanueva, Ph D.

You might also like