You are on page 1of 28

Magandang

hapon.
-Ma’am Arriza
Sino ako,
Ano kami?
Simulan na natin!
Ano ba ang BANTAS?
Ang BANTAS ay kumakatawan sa
mga patlang at himig ng
pagsasalita sa pagitan ng mga
titik at pantig, sa pagitan ng mga
salita at mga parirala at sa
pagitan ng mga pangungusap.
TULDOK O PERIOD
TULDOK
Karaniwang gamit ng tuldók (period) ang pananda
para sa pagwawakas ng pangungusap na paturol o
pautos.

HALIMBAWA:
1. Maipapasa ko ang pagsusulit namin bukas.
2. Magaling magsulat ng tula si Ian.
3. Tulungan nating mapanatili ang kalinisan sa ating
paligid.
4. Hali ka dito. May kulang sa ginawa mo.
TULDOK O PERIOD
TULDOK
Sa pagpapaikli. Ginagamit ang tuldok sa
pagdadaglat ng mga salita.

HALIMBAWA:
1. Filipinas Institute of Translation, Inc. (Ang “Inc.” ay
daglat ng Incorporated.)
2. G. Hermino L. Santos ( Ang “G.” ay daglat ng ginoo.)
TULDOK O PERIOD
TULDOK
Paglilista o enumerasyon. Sa paglilista, naglalagay
ng tuldok pagkatapos ng numero/ titik.

HALIMBAWA:
1. a.
2. b.
3. c.
4. d.
TULDOK O PERIOD
TULDOK
Sa Agham at Matematika. Sa Matematika,
ginagamit ang tuldok sa sistemang desimal.

HALIMBAWA:
1. 3.75 sintemetro
2. 6. 75 milyon
TULDOK O PERIOD
Sa Sanggunian. Bukod sa tuldok sa dulo, TULDOK

ginagamit din ang tuldok upang paghiwalayin ang


mga detalye hinggil sa awtor at sa pamagat ng
aklat bílang isang lahok o entri sa sanggunian.

HALIMBAWA:
1. Almario, Virgilio. Balagtasismo Versus Modernismo.
Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press,
1984.
1. Magsilbing aral sana ito sayo
2. 6 77 milyong salapi ang nawala sa
kanyang bangko
3. Pinagpala sa talento si Bb Marriane
4. Atty Diaz, sasama ako sainyo sa
munisipyo
? PANANONG o QUESTION MARK
Ginagamit sa pagpapahayag ng tanong,
usisa, alinlangan (sa datos na nakalap.)

HALIMBAWA:
1. Kailan ang binyag ng iyong anak?
2. Paano mo ginawa ang iyong proyekto?
3. Si Mother Ignacia (1663? –1748) ay tunay na
mapagkalinga.
? PANANONG o QUESTION MARK
Mga Tuwiran at Di-tuwirang Tanong. Ginagamit
din ang pananong sa mga tuwirang tanong na
matatagpuan sa pangungusap.

HALIMBAWA:
1. Káya ko kayâ ito? usisa niya sa sarili.
2. Makatatakas kayâ ang mga kasáma natin? tanong sa
kaniya ng kaibigan.
3. Bakit di siya takót? pagtataká ng batà sa kaniyang
kalaro.
? PANANONG o QUESTION MARK
Ngunit hindi nilalagyan ng pananong kung
ito ay di-tuwirang tanong.

HALIMBAWA:
1. Inusisa niya ang sarili kung káya niya ito.
2. Nagtaka ang bata kung bakit hindi natakot
ang kanyang kasama sa nangyari.
1. “Huli na ba ang lahat para ako’y humingi ng
tawad ” tanong ni Sabel sa kanyang kasintahan
2. Tinanong niya ang kanyang sarili kung saan ba
siya nagkulang
3. Para kanino ba iyang hawak mong bulaklak
4. Pangit ba ako Kapalit-palit ba ako
5. “Mahilig ka rin pala sa ganiyang musika “ tanong
niya sa kaibigan
!
PADAMDAM o INTERJECTION
Ginagamit ang tandang padamdam sa mga
pahayag na dulot ng bugso ng damdamin,
sigaw, o pahayag na mapang-uyam.

HALIMBAWA:
1. Manahimik ka! Hindi ikaw ang kausap ko!
2. Itigil ang kasal!
3. Oh, Tukso! Layuan mo ako!
4. Inay! Bakit mo kami iniwan?
!
PADAMDAM o INTERJECTION
Iwasan ang Doble o higit pang Padamdam. Sa pormal na
sulatín, hindi gumagamit ng higit pa sa isang padamdam sa mga
pahayag o pangungusap. Kailangan ang disiplinang ito para
magpahayag sa pinakamaikli ngunit pinakamalinaw na paraan.
Ngunit sa mga islogan, karaniwang dinadamihan ang
padamdam upang ipahiwatig ang marubdob na saloobin.

HALIMBAWA:
1. Tama na! Oo na!! Tama kana!!!
2. Grabe!!! Ang sarap nito!!
3. Aray!!!!
4. Hindi pa tayo tapos!!
1. Aray May kumagat sa paa ko
2. Ahhh Magnanakaw Tulong
3. Pulis Itaas ang kamay
4. Yes Pumasa ako sa entrance exam
5. Ayoko na Sawang-sawa na ako sayo
, KUWIT o COMMA ( , )
Ginagamit ang KUWÍT (comma) upang matukoy
ang pinakamaikling pagputol ng idea o
pinakamaliit na paghinto sa daloy ng isang
pangungusap. Tanda ito ng pansamantalang
pagtigil sa daloy ng idea (at pagbása).

HALIMBAWA:
1. Hindi ko nais ang mawalay sa iyo, ngunit ito ang
nararapat nating gawin.
, KUWIT o COMMA ( , )
Sa mga Serye. Ginagamit ang kuwit sa serye ng
tatlo o mahigit na mga idea sa isang pangungusap
na pinagsasáma ng isang pang-ugnay. Kailangang
tandaan na naglalagay din ng kuwit bago ang
pang-ugnay.

HALIMBAWA:
1. Bibili ako ng sakahan, manokan, palayan, bahay,
at lupa.
2. Ano kaya ang magandang kurso sa kolehiyo,
edukasyon, nursing, architecture, o engineering?
, KUWIT o COMMA ( , )
Pambukod ng mga Idea. Ginagamit din ang kuwit
upang paghiwalayin ang magkahawig o
magkasalungat na mga ideya, malimit upang
kumatawan sa inalis na “ay” o “at”.

HALIMBAWA:
1. Kapag may itinanim, may aanihin.
2. Sa hinaba-haba ng prosisyon, sa simbahan din
ang tuloy.
3. Sipagan mo lang, giginhawa ka rin.
, KUWIT o COMMA ( , )
Pambukod ng mga Detalye. Ginagamit ang kuwit
sa pagbubukod ng mga titulo/ posisyon ng isang
tao, pagbubukod sa mga elemento sa tirahan, at
sa petsa (kung ang sinusundang format ay
buwan-petsa-taón).

HALIMBAWA:
1. Sinabi ni G. Kenneth Young, pangulo ng klase ng
4th year, na pipili siya ng sasali sa patimpalak sa
darating na buwan ng wika.
, KUWIT o COMMA ( , )
Sa pagsipi. Sa tuwirang pagsipi ng mga pahayag (bahagi
man o buo), naglalagay ng kuwit bago ang siniping bahagi.
Kung ang sinipi ay matatagpuan sa simula ng
pangungusap, pinapalitan ng kuwit ang tuldok mulâ sa
orihinal nitó.

HALIMBAWA:
1. “ Hindi ako nagkamaling piliin ang kursong ito,” wika ni
Anna habang tinatanggap ang parangal na natanggap nito.
2. Napaisip si Cris sa nangyari sa kanilang kaibigan, “ Ang
bata pa niya para magkaroon ng malughang sakit,” wika
nito sa sarili.
, KUWIT o COMMA ( , )
Bílang Pamalit sa Detalye. Sa paglilista, maaaring
palitan ng kuwit ang mga pahayag o pariralang
maaaring naipahihiwatig na ng pangungusap.

HALIMBAWA:
1. Marami ang nakilahok na mag-aaral sa patimpalak sa
pagdiriwang ng buwan ng sining. Apat (4) na mag-aaral
ang nakilahok mula sa Grade 7; isa (1) sa Grade 8; Grade 9,
7; Grade 10, 14; Grade 11, 22; at Grade 12, 28.
2. Noong 2019, nalugi nang 60% ang negosyo ni aling Mira
dahil sa pandemya, bumaba pa ito nang 65%, noong 2020;
noong 2021, 80%; noong 2022, 93%; at noong 2023, 97%.
, KUWIT o COMMA ( , )
Sa mga Liham. Sa korespondensiya opisyal,
ginagamit ang kuwit sa dulo ng batìng pambungad at
batìng pangwakas ng iba’t ibang uri ng liham.

HALIMBAWA:
1. Mahal na Bb. Sandor Abad, (batìng pambungad)
2. Lubos na gumagalang, (batìng pangwakas)
, KUWIT o COMMA ( , )
·Pansamantalang pagtigil. Ihinihiwalay
pamamagitan ng kuwit ang mga madamdaming

kahawig na mga salitang nakapagbibigay ng


pansamantalang pagtigil sa pangungusap.

HALIMBAWA:
sa

pahayag, bulalas padamdam “O” at “A”, at iba pang

1. Ay, naku! Sabi na nga ba may nakalimutan ako.


2. Oh, sayo na!
3. Ah, talaga?
4. Ay, hindi ako papayag!
1. Ay kanina kapa ha
2. Nagpahayag ng saloobin si Gng Marie Santos
pinuno ng kanilang samahan patungkol sa
isyung kumakalat sa kanilang lugar
3. Kapag may tiyaga may nilaga
4. Mahal kong Ernesto
5. Sa aking kaarawan maghahanda raw si mama
ng adobong manok lumpia pansit salad at
cake
May
katanongan
po ba?
Indibidwal na Gawain:
PANUTO: Punan ng tamang bantas ang bawat pangungusap. Isulat ito
sa isang ‘kapat (1/4) na papel.
1. Naku_ Late na ako sa klase_
2. Kumuha ng isang buong papel_Ma’am­­_isang buong papel_ Opo_
isang buong papel_
3. Maganda ba ang bag ko_
4. Si G_ Adrian ay nagkaroon ng kapangyarihang lumipad_
5. Noong nakaraang linggo_ ipinanganak ang panganay ni Tiyo
Fernan_

You might also like