You are on page 1of 8

LEARNING ACTIVITY SHEET

Quarter: 3
Name: _______________________ Score: ______________
Section: Kalabasa
Week No: 1 Learning Area: Filipino
Date: ________________ Teacher: Leonila D. Quinones
Time: 8:50-9:40

I. Learning Competency/ies:
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa
pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar,
hayop, bagay at pangyayari. F2WG-Ic-e-2
MGA TIYAK NA LAYUNIN;
Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Nakikilala ang mga pangngalan;
2. Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa
pagbibigay ng pangalan ng tao, bagay, hayop,
lugar, at pangyayari; at
3. Naibabahagi ang sariling karanasan bilang
bata.

II. Lesson/Topic: Pangngalan


III. SUBUKIN
Sagutin ang sumusunod na bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang ay tumutukoy sa ngalan ng tao,
hayop, bagay, lugar at pangyayari.
A. pang-abay C. pang-uri
B. pangngalan D. pandiwa
2. Ano ang pangngalan na ginagamit sa pangungusap
na nasa loob ng kahon?
A.Si C. Jessa
B.jessa D. matalino
Si Jessa ay matalino.
3. Alin sa mga pangngalan sa ibaba ang ngalan ng
bagay?
A.tasa C. ilog
B. bata D. kaarawan
4. Piliin sa pagpipilian ang tumutukoy sa ngalan ng lugar.
Nagpunta sina Roy at Rex sa Balanan Lake sakay ng
motorsiklo.
A. motorsiklo C. Roy
B.Rex D. Balanan Lake
5. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang may wastong
pagkakasulat?
A. Bakit umiyak si marco?
B. bakit umiyak si Marco?
C. Bakit umiyak si Marco
D. Bakit umiyak si Marco?
TUKLASIN
Hanapin sa loob ng kahon ang katumbas na
pangngalan ng mga larawan sa bawat bilang. Isulat ang
iyong sagot sa kuwaderno.
Magaling! Mabuti naman at naiugnay mo ang lahat ng mga
larawan sa mga pangalan nito.
1. Mahirap bang tukuyin ang mga larawan?
2. Pamilyar ba sa iyo ang mga pangalang nabanggit?
3. Paano isinulat ang mga salitang nasa loob ng
kahon? Nagsimula ba sa malaki o maliit na titik?
4. Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito?

Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao,


hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ito ay nagsisilbing
panawag natin sa mga bagay-bagay upang madali
nating matukoy ang mga gusto nating sabihin sa ating
kausap.
Pansining mabuti ang salitang makikita sa loob ng
kahon.

May dalawang uri ang pangngalan. Ito ay ang


pantangi at pambalana. Kung ang pangngalan ay
pantangi o tiyak, nagsisimula ito sa malaking titik ngunit
kapag ang pangngalan naman ay pambalana o di- tiyak,
nagsisimula ito sa maliit na titik.
Ang salitang Colgate, Amlan, Unitop at Whitey ay
mga pangngalang pantangi sapagkat tiyak ang ibinigay
na pangngalan. Samantala, ang salitang kuwaderno,
pulis, tuko at pista ay mga pangngalang pambalana
sapagkat ito ay di-tiyak.
Narito ang mga halimbawa:
1. Tao
Pantangi Pambalana
Victoria ina
Hector kaklase
Bb. Santos guro
Father Raul pari
➢ Si Victoria ay isang huwarang ina.
➢ Pupuntahan ko ang aking kaklase.
2. Bagay
Pantangi Pambalana
Elmer’s glue pandikit
Oppo selpon
Converse shoes sapatos
Honda motorsiklo
➢ Magkano na kaya ang Oppo na selpon? ➢ Hinahanap ko ang aking
sapatos.
3. Hayop
Pantangi Pambalana
Muning pusa
Lolong buwaya
Nemo isda
Mickey Mouse daga
➢ Si Lolong ang pinakamalaking buwaya sa Pilipinas.
➢ Napakaraming huling isda si ama.
4. Lugar
Pantangi Pambalana
Mama Mary’s Garden hardin
Siaton Public Market palengke
Dumaguete Rizal Boulevard pasyalan
St. Anthony de Padua Parish simbahan
➢ Kami ay namasyal sa Dumaguete Rizal Boulevard. ➢ Napakaraming
bulaklak ng inyong hardin!
5. Pangyayari
Pantangi Pambalana
Alex & Mikee’s Wedding kasal
Bagyong Ulysses bagyo
Buglasan Festival pagdiriwang
Graduation Day pagtatapos
➢ Taon-taon ipinagdiriwang ang Buglasan Festival. ➢ Nagdulot ng
malaking baha ang Bagyong Ulysses.

ISAGAWA
A. Pangkat-pangkatin ang mga pangngalan sa loob ng
kahon kung ito ay ngalan ng tao, hayop, bagay,
lugar o pangyayari. Isulat ang pangngalan sa loob ng
tsart.

TAYAHIN
Basahing mabuti ang bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang Victoria, bag, manok, Manila
at
Araw ng
Kalayaan ay mga halimbawa ng
.
A. pang-abay
C. pangngalan
B. pang-uri
D. pandiwa
2. Ano ang pangngalan na ginagamit sa pangungusap
na nasa loob ng kahon?

A.lakas C. Cooper
B.Ang D. tumahol
3. Alin sa mga pangngalan sa ibaba ang bagay?
A.unan C. ospital
B. pista D. pulis
Basahin ang pangungusap sa loob ng kahon.

4. Alin dito ang


tumutukoy sa ngalan ng lugar na
isinasaad sa pangungusap?
A. eksperto C. nakamamatay
B.COVID-19 D. China

Mga Sanggunian:
Gomez, Precious. Ang Pangngalan. Published January 4,
2018, https://www.buhayofw.com/ano-angkahulugan-ng-pangngalan-ano-ang-dalawang-uri- ng-
pangngalan-at-5a4de8d015c29#.YCTUnTHivIU
Soriano, Queensy. Fiilipino 2- Nagagamit nang Wasto ang
Pangngalan sa Pagbibigay ng Ngalan ng Tao, Bagay,
Hayop, Lugar at Pangyayari. Published Enero 29, 2021,
https://www.youtube.com/watch?v=C80WZOxvBzU

Signature/printed name of parent or guardian:


Date submitted:

Teacher’s Feedback/Recommendation:

Prepared by: Reviewed & Quality Assured by

LEONILA D. QUINONES MARIA LEZA A. GEMINA


Name of Teacher Name of QA Chairman
Date: Date:

Recommending Approval: Approved by:


MILAGROS B. REDULA JANICE GAIL A. JOROLAN
Master Teacher Head Teacher
Date: Date Approved:

You might also like