You are on page 1of 5

Daily International School, Aralin 4: Alamat; Pang-abay

Inc.
NLAD Bldg, New Site Bakakeng, Markahan: Ikatlong Markahan
2600 Baguio City
Tel. No. (074) 424 3143
dailyschool2011@gmail.com Asignatura: Filipino 9

Buwan: Marso 2023 Guro: Bb. Beatriz Erica M. Buaquen

Pangalan: ___________________________________________________

I. MGA LAYUNIN
a. Naipaliliwanag ang mga pagbabagong nagaganap dahil sa paglalapi.
b. Napatutunayan ang pagiging makatotohanan o di-makatotohanan ng akda.
c. Natutukoy at nauuri ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.
d. Nakabubuo ng pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan gamit ang itinalagang pandiwa, pang-uri o
kapwa pang-abay.

II. PAMAMARAAN

A. PANITIKAN
Basahin Natin!
Basahin at unawain ang tampok na akda na isang halimbawa ng alamat na pinamagatang “Ang Kastilyo
ni Anoush” sa pahina 321-325 ng iyong aklat. Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang mga kalakip na mga
pagsasanay at gawain.

Alamin Natin!
Mga Uri ng Alamat

Alamat – ay isang kuwentong-bayang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng isang bagay. Ipinahahayag ito sa

paraang pasalindila.

Dalawang pangunahing uri ng mga alamat:

 ETIYOLOHIKAL – mga alamat na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng kalikasan gaya ng mga anyong
lupa, anyong tubig, mga hayop,mga halaman at iba pa. Kabilang dito ang mga alamat na nagsasalaysay
kung bakit taglay ng mga bagay ang mga katangiang mayroon sila.

 DI-ETIYOHIKAL – mga alamat ng kabayanihan at kasaysayan, alamat ng relihiyon, alamat ng

pambihirang nilalang, alamat ng mga pangalan ng mga pookat ang iba pang uri ng alamat.

B. GRAMATIKA

Pang-abay: Mga Salitang Nagpapahayag ng Kailana, Saan at Paano

Ang PANG-ABAY ay isang kayariang pangwika na naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-
abay. Sa pamamagitan nito, mas nagiging kongkreto o mas nagiging espisipiko ang isang kilos o salitang
panlarawan dahil nakakapitan ito ng tiyak na mga detalye gaya ng panahon kung kailan ginawa, lugar kung saan
ito ginawa, at paraan kung paano ito ginawa.

Mga Uri

 Pang-abay na Pamanahon
- Nagsasaad kugn kailan naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Sumasagot sa tanong na “Kailan”

Halimbawa:
ngayon bukas sa makalawa sa tag-init
kanina sa umaga sa Linggo sa Disyembre
Daily International School, Aralin 4: Alamat; Pang-abay
Inc.
NLAD Bldg, New Site Bakakeng, Markahan: Ikatlong Markahan
2600 Baguio City
Tel. No. (074) 424 3143
dailyschool2011@gmail.com Asignatura: Filipino 9

Buwan: Marso 2023 Guro: Bb. Beatriz Erica M. Buaquen

 Pang-abay na Panlunan
- Tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.
Karaniwang ginagamitan ng katagang sa/kay ang ganitong pang-abay. Sumasagot sa tanong na
“Saan”.

Halimbawa:
sa UST sa silid sa amin sa ganito
kay Marvin kina MangLino kay Ate kina Lola

 Pang-abay na Pamaraan
- Naglalarawan kung paano isinagawa, isinasagawa, o isasagawa ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwao ng isang kayariang hango sa pandiwa. Sumasagot sa tanong na “Paano”.
Halimbawa:
dahan-dahan tahimik maaga maingat
mabilis pababa biglaan palihim

III. PAGSASANAY
A. Talas-Salitaan!
Tukuyin ang pagbabagong naganap sa salita sahil sa paglalapi. Pagkaraan ibigay ang kahulugan ng salita.
Punan ang talahanayan.

Salita Salitang-ugat Panlapi Pagbabago sa Salita Kahulugan

Halimbawa: Pinalitan ang titik “o” Anomang

tuntong -an
tuntungan ng titik “u” maaaring tapakan

1. nagpiit

2. mabihag

3. magpasakop

4. tumilaok

5. napapalamutian

6. inihasik

7. hinubog

8. sumirit

9. magara

10. nagpapakalango

11. marubdob

12. nilinlang
Daily International School, Aralin 4: Alamat; Pang-abay
Inc.
NLAD Bldg, New Site Bakakeng, Markahan: Ikatlong Markahan
2600 Baguio City
Tel. No. (074) 424 3143
dailyschool2011@gmail.com Asignatura: Filipino 9

Buwan: Marso 2023 Guro: Bb. Beatriz Erica M. Buaquen

IV. GAWAIN
A. Suriin ang sumusunod na mga pangyayari mula sa alamat kung makatotohanan o hindi. Lagyan ng tsek
(/) ang angkop na talahanayan. Pagkaraan, pangatwiranan ang sagot. (15 puntos)

Pangyayari Makatotohanan Di-Makatotohanan Paliwanag

1. Nabubuhay
lamang si Farhat
nang nag-iisa sa
kabundukan.

2. Mag-isang
nakagawa si
Farhat ng palasyo
sa paglililok
lamang ng bato.

3. Mag-isang
nakagawa si
Farhat ng mga
daanan ng tubig
upang magkaroon
ng fountain sa
palasyo.

4. Pitong araw nang

nagpapatuloy ang
pagdiriwang ng
isang kasal at
bumabaha ng
mga pagkain at
alak.

5. Inihagis ni Farhat
sa ere ang
ginamit niyang
maso at tumama
ito sa kanyang
ulo.

B. Batay sa pamagat ng mga sumusunod na mga alamat, tukuyin kung uring Etiyolohikal o Di-etiyolohikal
ang mga ito. Ilagay ang pamagat ng alamat sa angkop na talahanayan. (14 puntos)

Alamat ng Ampalaya Si Bernardo Carpio ng mga Tagalog

Ang Kapre ng Balayan Alamat ng Pinya
Engkwentro sa Tiktik Alamat ng Lumubog na Kampana
Alamat ng Dama de Noche Alamat ng Olongapo
Alamat ng Gagamba Alamat ng Puno ng Saging
Alamat ni Maria Makiling Alamat ni Mariang Sinukuan
Alamat ng Santo Niňo Alamat ng Bundok Arayat
Daily International School, Aralin 4: Alamat; Pang-abay
Inc.
NLAD Bldg, New Site Bakakeng, Markahan: Ikatlong Markahan
2600 Baguio City
Tel. No. (074) 424 3143
dailyschool2011@gmail.com Asignatura: Filipino 9

Buwan: Marso 2023 Guro: Bb. Beatriz Erica M. Buaquen

Etiyolohikal na Alamat Di-etiyolohikal na Alamat

C. Bilugan ang pang-abay at salungguhitan ang pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay na binibigyang
turing nito. Pagkaraan, tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap. Sa nakalaang
patlang, isulat ang:
A – kung pang-abay ng pamanahon
B – kung pang-abay na panlunan
C – kung pang-abay na pamaraan

_____ 1. Nagtatrabaho sa Qatar ang kaniyang matalik na kaibigan.

_____ 2. Masayang ibinalita ng tagapagsalita ng pangulo ang pagbaba ng implasyon.
_____ 3. Sa Hunyo magpapakasal ang magkasintahan.
_____ 4. Nagtakutan sa haunted house ang magkakaibigan.
_____ 5. Marahas na itinaboy ang mga demonstrador.
_____ 6. Nakapagtapos nang may karangalan ang estudyanteng walang paningin.
_____ 7. Lilipat na bukas ang bagong tityra sa aming paupahang bahay.
_____ 8. Sa Dubai namili ng ginto ang mag-asawa.

D. Batay sa itinalagang pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay sa bilang, bumuo ng tig-iisang halimbawa
ng pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan gamit ito. Bilugan ang ginamit na pang-abay.
(30 puntos)

1. naglakbay
Pamanahon: _________________________________________________________________________
Panlunan: ___________________________________________________________________________
Pamaraan: ___________________________________________________________________________

2. nagtrabaho

3. kumain
Pamanahon: _________________________________________________________________________
Panlunan: ___________________________________________________________________________
Pamaraan: ___________________________________________________________________________
Daily International School, Aralin 4: Alamat; Pang-abay
Inc.
NLAD Bldg, New Site Bakakeng, Markahan: Ikatlong Markahan
2600 Baguio City
Tel. No. (074) 424 3143
dailyschool2011@gmail.com Asignatura: Filipino 9
4. masaya
Buwan: Marso 2023 Guro: Bb. Beatriz Erica M. Buaquen
Pamanahon: _________________________________________________________________________
Panlunan: ___________________________________________________________________________
Pamaraan: ___________________________________________________________________________

5. talagang nakatulog

You might also like