You are on page 1of 5

STO.

NIÑO ACADEMY, INCORPORATED


Mc Arthur Hi-way, Biñang 2nd, Bocaue, Bulacan 3018

Filipino 3
Quarte 2
Week 1
Topic: unit 2 Mahusay na Pilipino
Pamantayang Pangnilalaman: Pagbibigay ng palay sa kuwento o pangyayari.
Pamantayang sa pagganap: Paggamit sa Usapan ng Panghalip o Pamliit sa Ngalan ng tao.

Aralin 9 : “ Ang Pasalubong ni Tatay”


Week 1 Day 1
I. Layunin
Pagkatapos ng klase, inaasahan ang mga mag aaral.
a. Naiguguhit ang mensahe na napakinggang tekso.
b. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento.
c. Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao.

II. Panimula
Ngayon sa araling ito ay mahalagang nagpagsusunod-sunod ang mga salita
nang paalpbeto.

a. PANALANGIN: Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin.


b. PAG-BATI: Magandang araw sa inyong lahat.
c. PAGTALA NG LIBAN: May mga liban po ba ngayong araw sa ating klase?

III. Pamamaraan

a. Motibasyon
Basahin ang mga salita sa kahon. Isulat sa loob ng bawat talulot ang pagkasunod-sunod ng mga
salitang ayon sa alpabeto.
Kendi

Pasalubong

Kapatid

Markahan

b. Talakayan
PANGHALIP - Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na nagamit
na sa parehong pangungusap o kasunod ng pangungusap.
Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao - mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o
"pangtao". Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. (ako, akin, amin, kami, atb.)
HALIMBAWA
Ako ay aalis bukas ng umaga.
Nasa akin ang bolang kristal.

2. Panghalip na Pananong - mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong".


Pinaghahalili sa pangngalan sa paraang patanong. (sino, ilan, ano-ano, sino-sino, atb.)
HALIMBAWA:
Sino ang pangulo ng Pilipinas?
Ano ang binili mo sa palengke?

3. Panghalip na Panaklaw - mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o


"pangsakop". Literal na panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak. (lahat, sinuman , alinman,
anuman, atb.)
HALIMBAWA:
Lahat ng parusa ay haharapin ko.
Alinman sa mga prustas na ito ay masarap.

4. Panghalip na Pamatlig - ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at


iba pa na tinuturo o inihihimaton. (ito, iyon, iyan, doon,diyan, niyan, atb)
HALIMBAWA:
Iyon ang kaibigan ni Ana.
Iiwan niya ang bag doon.

Panghalip na paari - ay nagpapakita ng pag aari. tulad ng panghalip na panao, ang panghalip na
paari ay pinapalit sa pangalang taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan.

Basahin ang dula-dulaan. Alamin ang paksa nito. “ Ang Pasalubong ni tatay”
c. Pagsasanay
A. Sagutin mo muna ang mga tanong.

1. Sino ang dumating mula sa ibang bansa?


2. Ano ang dala ng ama mula sa ibang bansa?
3. Bakit nagtatalo ang magkapatid?
4. Anong nangyari sa pasalubong ni kris? Ipaliwag?
5. Dapat bang tularan ang kaniyang pag-uugali? Bakt?
B. Paglalahat
Ano-ano ang nag papakita ng pag-angkin o pag aari ng bagay na tinatawag na
panghalip Paari.

IV. Pagpapahalaga
Bilugan ang tamang panghalip na paari na angkop sa panglan.
(Buksan ang inyong libro sa pahina-101, sagutan ang (B).)
1. Kay Kris ang pasalubong na iyan. ( Iyo, Kaniya, Akin) ang pasalubong na iyan.
2. Kina G. Perez at Gng. Perez ang tahanang ito. ( Kaniya, Iyo, Kanila) ang
tahanang ito.
3. Sina Fred at Angel ang may ari ng proyekto. ( Kanila, Amin, Inyo) ba ang
proyektong ito?
4. Maghahati sina Kris at Sabrina sapasalubong. Hinati nila ang ( Kanilang, aming,
inyong) pasalubong.
5. Ako po si Jhon. ( kaniya, iyo, akin) ang bag na iyon.
V. Takdang Aralin
Buksan ang inyong libro sa pahina-104, sagutan ang Gintong Diwa.

You might also like