You are on page 1of 5

Banghay – Aralin sa Filipino 8

Inihanda ni: Jerwin Calimon

I. Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahan nang:

A. Makapag-isip ng ka-aya-ayang pamagat;

B. Unawain ang mensahe na nais iparating ng may akda sa kaniyang binuong tula;

C. Bumuo ng tula gamit ang matatalinhagang mga salita.

II. Paksa: Tula “Malayang taludturan”

Pamagat: “Isang Liham” ni Chum Ocenar

Konsepto: Pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan.

III. Kagamitan:

Digital cellphone, laptop, Powerpoint, Zoom app

IV. Pamamaraan:

MGA GAWAIN NG GURO: MGA GAWAIN NG MAG-AARAL:

A. Panimula:

1. Pagbati Magandang umaga din po Gg.

Magandang umaga, mga mag-aaral! Jerwin!

Tayo ay yumuko para sa panalangin.

2. Panalangin
(Nanalangin)
Krishanne, ikaw ang mamuno para sa panalangin.
3. Pagmamasid

Opo, Gg. Jerwin


Bago tayo magsimula, nais ko munang ipa-alala sa

inyo na patayin ang inyong mga microphone kung

hindi kinakailangan at buksan ang inyong mga

camera.

4. Pagtatala ng liban

Tatawagin ko ang pangalan ng bawat isa at magsabi

ng “Narito po.” kung sila ay nandito sa aking klase.

B. Takdang-aralin

Tungkol sa inyong takdang-aralin na ipinagawa ko Opo, Gg. Jerwin.

kahapon, inaasahan ko na ang lahat ay makakapag-pasa

sa tamang oras sa aking gmil account.

C. Balik-aral
(Nagtaas ng kamay)
Bago tayo magsmiula sa ating talakayan, balikan muna

natin kung ano ang ating tinalakay kahapon. Sino ang

nakakatanda kung ano ang ating pinag-aralan?


Tinalakay po natin kahapon

kung ano ang mga elemento


Sige, Joseph. Ano ano ang ating paksa kahapon?
ng tula, sukat, tugma, at

talinhaga.
Mahusay!

Ngayon naman, ano nga ulit ang tula? Ang tula po ay…

Ikaw, Rona?

Tama! Sino naman ang nakakatanda kung ano ang


Ito po ay ang mga…
sukat at tugma? Ikaw naman, Angelo?

Tama ulit! Natutuwa ako na kayo ay may natutunan sa

ating tinalakay kahapon.

D. Pagtalakay sa Aralin:

Pagganyak:

Pagpapabasa ng isang piyesa ng tula na may malayang

taludturan.

Ihahalimbawa ko sa inyo ang tulang “Isang Liham” ni (Nagtaas ng virtual hand)


Chum Ocenar. Sino ang nais magbasa? (Ibinasa ang tulang “Isang
Kassandra, paki-basa. Liham” ni Chum Ocenar)

Magaling, Kassandra! Maraming salamat.

Paglalahad:

Kung mapapansin ninyo na ang tulang ibinasa ni

Kassandra ay tungkol sa pandemya na ating

nararanasan ngayon, ito ay pumapatungkol sa kung

paano natin haharapin at sa kung saan tayo kakapit sa

mga ganitong oras. Ngayon, ang tulang ito ay isang

Malayang taludturan. Ang malayang taludturan ay

tawag sa isang porma ng tula na ipinakilala ni


Alejandro G. Abadilla na kilala rin sa tawag na AGA.

Ayon kay Alejandro, ang tulang may malayang

taludturan ay isang tulang walang sukat at tugma,

ngunit mananatili pa din ang paggamit ng karikitan at

matatalinhagang mga salita. Isang halimbawa dito ay

ang tulang binasa ni Kassandra. Kung mapapansin

ninyo na ang tulang “Isang Liham” ay hindi gumamit

ng sukat at tugma, ngunit ito ay nanatiling may

matatalinhagang mga salita. Mapapansin din ninyo na

ang pamagat na ginamit ay ka-aya-aya. Upang mahikayat ang mga

mambabasa na basahin ang


Sa tingin ninyo, bakit mahalaga na ang isang tula ay
isang tula?
mayroong ka-aya-ayang pamagat? Mayroon bang nais

magbigay ng kanilang ideya?

Tama! Mahalaga na ka-aya-aya ang isang pamagat

dahil ang pamagat ang unang nababasa ng

mambabasa, at kung makikita nila na ka-aya-aya ang

isang pamagat ay mae-engganyo silang basahin at


Opo, Gg. Jerwin.
tapusin ang akda.

Wala na po, Gg. Jerwin.


Naiintindihan?
Mabuti, may katanungan pa ba kayo tungkol sa

pagbuo ng tulang may malayang taludturan?

Kung gayon ay dumako na tayo sa ating pagsasanay.

E. Ebalwasyon:

Sa isang klase, bumuo ng tatlong pangkat. Gumawa ng tula na may malayang taludturan

tungkol sa COVID-19. Siguraduhing ito ay may ka-aya-ayan pamagat at matatalinhagang

mga salita.

F. Asignatura:

Pumili ng isang piyesa ng tula at ilista sa sagutang papel ang mga matatalinhagang mga

salita at ipaliwanag. Pagkatapos, ipaliwanag kung ano ang nais iparating na mensahe ng

may-akda sa klase.

You might also like