You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
III Central Luzon
Division of Bulacan

BULACAN STATE UNIVERSITY, MENESES CAMPUS


TJS Matungao Bulakan,Bulacan

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang :
a) Nasusuri ang tula sa pamamagitan ng pagtalakay dito.
b) Naiuugnay ang ilang pangyayari sa tulang tinalakay sa tunay na buhay.
c) Skd

II. PAKSANG ARALIN


a) PAKSA: Manggagawa ni Jose Corazon De Jesus (TULA)
b) KAGAMITAN: cellphone , laptop at powerpoint
c) SANGGUNIAN: intenet

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
Tatayo ang lahat para sa panalangin Mananalangin ang mga mag-aaral
(magtatalaga ng mangunguna para dito)

2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga din po Gg.Jerwin

Bago tayo magsimula, Pwede bang pulutin ninyo (Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga kalat sa
muna ang mga kalat na nakikita ninyo sa ilalim ng ilalim ng kanilang upuan at aayusin ang mga upuan
inyong mga upuan? pagkatapos nito)

3. Pagtatala ng liban sa klase


Mayroon bang lumiban sa ating klase ngayon ? Ikinalulugod ko pong sabihin na wala pong
lumiban sa klase po natin ngayon.
Batid ko na kayang walang lumiban sa araw na
ito ay dahil gusto ninyong magkaroon ng
bagong kaalaman sa ating tatalakayin ngayong
umaga.

B. PAGBABALIK ARAL
Ngunit bago tayo tumungo sa ating bagong aralin,
balikan muna natin ang ating tinalakay noong
nakaraang lingo.
Ang tinalakay po natin noong nakaraang linggo po
Ano nga ulit yun? ay tungkol sa epiko.

Mahusay!

Ano nga ba ang epiko? Ang epiko po ay isang uri po ng panitikan na


tumutukoy sa tunggalian at kabayanihan ng tauhan
po.
Magaling!
Ano pa ? Ang epiko po sir ay isang kathang isip po lamang
ng may akda dahil sa taglay po nitong hindi
kapanipaniwalang pangyayari sa kuwento.
Magaling!

May iba pa bang kasagutan ? Wala na po.

C. PAGGANYAK
Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin mayroon
akong ipapakitang larawan.

Maaari ninyo bang sabihin kung ano ang nakikita Nagpupukpok po.
ninyo sa larawang ito ?

Ano pa? Martilyo at bakal po.

Ito ay martilyo at bakal ano pa kaya ? Panday po sir.

Magaling!

Salamat sa inyo. Lahat ng inyong sagot ay tama

Siguro ay alam ninyo na kung ano ang kinalaman


ng larawang ito sa takdang aralin na pinabasa ko sa
inyo kahapon.

Ngunit bago tayo magsimula sa ating talakayan,


Mayroong mga salitang maaring makasagabal sa
inyong mga pang-unawa

D. PAGHAHAWAN NG SAGABAL
(Tatawag ng limang estudyanteng sasagot sa
talasalitaan)

Sino ang nais sumagot sa unang bilang?

Panuto: Ayusin ang mga gulong letra upang mabuo


ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit.

1. Ang mga bituin sa kalangitan ay animoy


NAGLILIWANAG.
INKMIUKANG Sagot : KUMIKINANG

2.KUMIKISLAP ang mga mata ni Maria kapag


siya’y sumusulyap sa akin. Sagot: ALIPATO
OAPTALI

3. Pinatunog ng kampanero ang BATINGAW sa


simbahan.
KAANMAP Sagot: KAMPANA
4.Ako’y NAPAKISAP ng akoy mapuwing ng
alikabok sa aking mata.,
PKTII Sagot: PIKIT

5.Si Jose Corazon De Jesus ang YUMARI ng


tulang “mangagawa”
GWUMAA Sagot: GUMAWA

You might also like