You are on page 1of 3

Grades 1-12 School Sta.

Rita Elementary Grade Level 6


Daily Lesson Log School
(Pang-araw-araw na Teacher Joanette G. Rodrigo Learning Area ESP
Pagtuturo) Date & December 12-16, 2022 Quarter Second
Week

I. OBJECTIVES

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagan ng pakikipagkapwa-tao na


may kaakibat na paggalang at responsibilidad

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan at kahinahunan sa


pagpapasiya para sa kapayapaan ng sarili at kapwa

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa


(Isulat ang code ng bawat kasanayan) EsP6P-IId-i-31

II. NILALAMAN Valuing: Pagkilala at pagpapahalaga sa sarili at sa opiniyon ng iba

III. LEARNING RESOURCES


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro
2. Mga pahina sa kagamitang pang- ESP SLM Module 2 Ikalawang Markahan – Paggalang sa Ideya o
mang-aaral Suhestiyon sa Kapuwa

3. Mga pahina sa teksbuk Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6


Pahina 54-59
4. Karagdagang kagamitan muna sa
Learning Resource portal (LR)
Comprehensive Sexuality Education para sa Elementarya:
Personal na Pag-iingat sa Sarili
B. Iba pang kagamitan
Laptop, slide deck, kwaderno, Manila paper, pentel pen, scotch tape
IV. PAMAMARAAN
Kilala mo ba ang iyong sarili?

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Paano ang pagkakakilala mo sa iyong sarili?


at/o pagsisimula ng bagong (masayahin, malungkutin, matulungin, at iba pa)
aralin (ENGAGE)
Sa araw na ito ay susubukan nating kilalanin ang ating mga sarili.

B. . Paghahabi sa layunin ng aralin Maaari na ninyong ilabas ang inyong mga kagamitan:
(ENGAGE)  2 Manila paper
 Pentel pen
 Pandikit o scotch tape

Gawain 1.
1. Kumuha ng kapareha.
2. Sa tulong ng kapareha, iguhit ang hugis ng iyong sarili sa isang
Manila paper. (pagdutungin ang 2 Manila paper)
3. Lagyan ito ng patayong guhit sa gitna
4. Sa kanang bahagi, isulat ang iyong mga katangian ayon sa
pagkakakilala mo sa iyong sarili.

(Huwag kalimutang lagyan ng pangalan ang Manila paper)


Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang gawa.

Gawain 2.
1. Kunin ang Manila paper na may guhit ng iyong sarili. Idikit ito sa
pader o di kaya ay ilatag sa sahig.
2. Ngayon naman ay hayaan ang iba na magsulat ng isang (1) katagian
ayon sa kanilang pagkakilala sa iyo.

(Ang bawat mag-aaral ay iikot sa bawat Manila paper ng kamag-aral


at magsusulat ng isang katangian tungkol sa kamag-aral na
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
nagmamay-ari ng Manila paper)
bagong aralin (ENGAGE)
3. Sa inyong kwaderno, sagutin ang sumusunod:
A. Paghambingin ang mga katangiang isinulat ayon sa iyong
pagkakakilala sa sarili at ayon sa pagkakakilala sa iyo ng iba.
Ano ang napansin mo?
B. Ano-ano ang pagkakapareho ng mga katangiang naisulat?
Bilugan ang mga ito.
C. Ano-ano naman ang pagkakaiba? Ilista ang mga ito.
Basahin ang kwento sa teksbuk na may pamagat na “Isang Magandang
Aral Mula sa Bully”(pahina 56-57)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong Sagutin ang mga tanong pagkatapos ng kwento.
kasanayan #1 (EXPLORE)
Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Talakayin ang “Pagkilala at Pagpapahalaga sa Sarili (Privacy and Bodily
paglalahad ng bagong kasanayan Integrity) – (CSE module pahina 5-8)
#2 (EXPLORE)
Balikan natin ang ating mga Manila paper at sagutin ang mga tanong na
ito.
1. Sa iyong palagay, alin sa mga katangiang ito ang mas
F. Paglinang sa Kabihasnan nakapaglalarawan sa iyo? Bakit?
(Tungo sa Formative Assessment) 2. Alin sa mga katangiang naisulat mo ang nais mong mapaunlad sa
(EXPLAIN) iyong sarili? Bakit?
3. Alin naman sa mga katangiang naisulat ng iba ang ibig mong
mapaunlad o maiwaksi? Bakit?

Gaano kahalaga ang opiniyon ng iba sa iyo?


G. Paglalapat ng aralin sa pang-
Gaano naman kahalaga na maibigay mo ang opinyon mo tungkol sa ibang
araw-araw na buhay
tao?
(ELABORATE)
Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.
H. Paglalahat ng Aralin Tandaan: Ang lahat ng tao ay may sari-sariling kaisipan. Ito ang dahilan
(ELABORATE) ng ating pagkakaiba-iba. Dahil dito mahalagang maunawan na hindi sa
lahat pagkakataon ay magkakatulad ng kaisipan o paniniwala ang bawat
isa, ngunit mahalaga na maging bukas tayo sa opiniyon ng iba lalo na
kung ito’y makapagpapaunlad sa ating pagkatao.
Paghambingin ang mga katangiang ayon sa pagkakakilala mo sa iyong
sarili at ayon sa nakikita ng iba sa iyo.

Ano ang iyong naging damdamin sa mga hindi magandang katangiang


nakikita ng iba sa iyo? Aling mga katangian naman ang ibig mong
I. Pagtataya ng Aralin paunlarin? Bakit?
(EVALUATE)
Isulat ang iyong sagot sa mga tanong pamamagitan ng isang sanaysay na
may pamagat na:

“Ako sa Mata ng Iba”


Gawin ito sa isang buong papel. Tandaan na maglagay ng margin at indentasyon
sa bawat talata.
Sa iyong kwaderno, ipaliwanag, gamit ang hindi bababa sa 5
pangungusap, ang katagang ito:

J. Karagdagang Gawain para sa “Ang paggalang sa ideya ng kasamahan na kasalungat ng iyong


takdang- aralin at remediation paniniwala ay magbibigay-daan sa maayos na pakikitungo sa
kapwa.”

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
Inihanda ni: Sinuri ni:

JOANETTE G. RODRIGO JOCELYN N. GUTIERREZ


Teacher I Master Teacher 1

Binigyang pansin:

LOLITA DG DAYAO
Principal IV

You might also like