You are on page 1of 4

KABANATA 3

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang bahaging ito ay tumatalakay ng disenyo at pamamaraan sa Kaalaman ng

Panghihiram ng Salita sa Piling Mag-aaral ng Filipino sa Unibersidad ng NWSSU. Ang

disenyo at paraan ng ginamit sa pananaliksik ay tungkol sa pagkuha ng impormasiyon,

datos, respondent at intrumentong ginamit sa pananaliksik.

Ginamit ng pag-aaral na ito ang resirts na kuwalitatibo. Ang kuwalitatibo na resirts

ay tumutukoy sa paggamit ng mga pertinenteng obserbasyon subalit ito ay gumagamit ng

sekondaryang balidasyon mula sa nakalap na impormasyon at nilalapayan ng angkop na

paglalarawan sa bawat antas ng tugon mula sa respondent.

Pananaliksik
Isinigawa ng mananaliksik ang pananaliksik tungkol sa Kaalaman ng Panghihiram

ng Salita Sa mga Piling Mag- aaral ng Filipino sa Unibersidad ng NWSSU; upang

malaman kung ano ang gamit at kung saan nag mula ang mga salitang Hiram. Sa

pagsasagawa ng pananaliksik, kumuha ang mananaliksik ng mga reperensiya sa aklat,

internet, at ilan pang mga magazine na konektado sa nasabing pag-aaral o pananaliksik.

Ito ay ginawa ng mananaliksik upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagsasagawa

ng pag-aaral.

Instrumento

Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik upang makuha ang mga datos sa

pag-aaral na ito ay ang talatanungan. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-

kwestyoner na nag mimithi na makakalap ng impormasyon patungkol sa kaalaman ng

mga piling estudyante sa unibersidad ng NWSSU tungkol sa mga hiram na salita.

Nangolekta din ang mga mananaliksik ng mga mahahalagang impormasyon na

higit pang makakatulong patungkol sa paksa na inaaral. Nanggaling ang mga

impormasyong ito sa iba’t ibang maaaring mapagkuhanan kagaya na lamng ng libro,

internet at iba.
Paraan ng Pagsasagawa

Sa pagsasagawa ng nasabing pananaliksik, isinaalang- alang ang paglikom ng mga

impormasyon may tiyak na kaugnayan sa pag-aaral. Sa pagsasagawa ng pananaliksik

nagkaroon ito ng maayos na proseso upang matugunan ang kamang mangan ng mga mag-

aaral. Ito ay higit na makakatulong upang mabigyan ng kaalaman ang bawat mag-aaral

kung anon ga ba ang mga hiram na salita na karaniwang ginagamit ng mga tao sa pang

araw-araw.

Pagtatalaga ng Paksa- Bawat mag-aaral ay itinalaga sa iba’t ibang bahagi ng salita at

pananalita. Bawat bahagi ng kaantasan ng salita at pananalita ay inaasahang mapag-

aralan at lubos na maipa intindi sa bawat mag-aaral kung ano ang mga saklaw at

kahalagahan nito.
Paghanda ng Talatanungan-Tseklist- Ang talatanungan- Tseklist ay nakabatay sa paksa na

pinag-aaralan.

Pangangalap ng mga Respondent- Isinagawa ang pangangalap ng respondent sa

unibersidad ng NWSSU upang mangalap at magkaroon ng sapat na impormasyon tungkol

sa isinasagawang pag-aaral.

Pagpasagot sa Talatanungan- Tseklist- Naisagawa ang pagpapasagot ng talatanungan sa

mpiling mag-aaral ng NWSSU noong November 5,2022.

Paglikom ng Datos- Inilikom ang lahat ng Datos na nakuha mula sa mga respondent upang

maidadag sa mga naunang datos.

You might also like