You are on page 1of 2

PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK

Ito ang nagpapakita ng kontribusyon ng mananaliksik sa pag-unlad ng kaalaman sapagkat


binibigyan niya ng panibagong pagsusuri ang mga orihihinal na datos na nalikom sa
pananaliksik.

Ayon kay Catherine Marshall at Gretchen Rossman (1990) sa aklat na "Designing Qualitative
Research", ang pagsusuri ng datos ay binubuo ng pagsasaayos, kategorisasyon, at pagsisiyasat
ng mga ebidensiya upang mapatunayan o mapasubalian ang inisyal na mga proposisyon ng pag-
aaral. Makikita sa bahaging ito ang kinalabasan ng pag-aaral, pagsusuri, at ang interpretasyon
nito.

PRESENTASYON NG DATOS

Pangunahing hakbang dito ang paglikom at pagbilang ng mga bumalik na datos mula sa
ipinamahaging talatanungan, transkripsiyon ng naganap na pakikipanayam, o pag-aayos ng mga
tala mula sa obserbasyon. Kailangan itala ng mananaliksik ang mga hakbang na ito. Kapag
nasala na, maari nang simulan ang tallying sa pamamagitan ng paglalapat ng datos sa working
tables o iba pang paraan ng organisasyon batay sa pagsusuring gagawin.

Magkaiba ang pamamaraan sa presentasyon ng datos para sa kuwantitatibo at kuwalitatibong


uri ng pananaliksik. Sa kuwantitatibong pananaliksik, ang dalawang pangunahing paraan ng
presentasyon ay sa pamamagitan ng graph, talahanayan, o chart.

Ang talahanayan ay ang pinakasimpleng paraan ng pagbubuod ng mga obserbasyon.


Naglalaman ito ng mga tiyak na datos gaya ng mga numero, bahagdan, at iba pa na maaaring
pagmulan ng kalakaran o paghahambing.

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Kapag naiayos na ang mga datos at nakabuo ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan


ng sistematikong presentasyon, tutuloy na ang proseso sa interpretasyon ng datos. Ayon kina
Graham Hitchcock at David Hughes (1995) sa aklat na "Research and the Teacher: A Qualitative
Introduction to School-Based Research," ang interpretasyon ay isang paraan kung saan ang
mananaliksik ay umuusad mula sa deskripsiyon ng kung ano ang kaso tungo sa pagpapaluwanag
kung bakit naging kaso ito.

Sa bahaging ito binibigyang-diin ng mananaliksik ang mahahalagang impormasyon na ipinakikita


ng mga ebidensiya nakalap at ipinaliwanag ang mga pagkakaugnay nito. Kailangang ipaliwanag
ang sinasabi ng datos at hindi basta na lamang uulitin ang nakalagay sa talahanayan. Kailangan
din na idagdag ang mga dahilan at epekto at kung kinukumpirma nito o hindi ang haypotesis ng
pag-aaral.

SA HALIMBAWANG INTERPRETASYON NG TALAHANAYAN


1. Pagtukoy sa mahahalagang datos sa talahanayan. Hindi kailangang basahin ang lahat ng
value o numero na makikita sa talahanayan. Ilagay lang ang pokus ng mambabasa sa
mahahalagang resulta.

2. Pagpapaliwanag ng mga posibleng dahilan mula sa lokal na konteksto ng mga kinalabasan


sa talahanayan. Sinagot ng mananaliksik kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit
mababa o mataas ang antas ng integrasyon sa mga tiyak na bahagi ng pagtuturo ng
pananaliksik.

3. Pagsusog o pagpapasubali sa haypotesis batay sa kinalabasan ng pag-aaral. Ipinaliwanag ng


mananaliksik na hindi nag-iiba ang datos na nakuha mula sa mga naunang pagpapalagay ng
pananaliksik.

4. Pag-uugnay ng mga impormasyon sa iba pang bahagi ng resulta at pagtalakay o cross-


refencing. Iniugnay ng mananaliksik ang pagsusuri sa mga impormasyong nakalap sa ibang
bahagi ng pagtalakay ng resulta na lalong nagpatibay sa interpretasyon.

5. Pag-uugnay ng kinalabasan sa iba pag-aaral o literatura. Kaugnay ng datos, tinalakay ng


mananaliksik ang mahahalagang konsepto ng ibang pag-aaral o literatura.

You might also like