You are on page 1of 9

Adbokasiyang Pangwika: “Paggamit ng Wikang Filipino sa mga

Memorandum, Kautusan at Polisiya ng Unibersidad ng Lungsod ng


Malabon”
Introduksyon
Karaniwan sa mga inililimbag na Memorandum, Kautusan at Polisiya sa
Unibersidad ng Lungsod ng Malabon ay gamit ang wikang banyaga. Ganun din
ang mga anunsyo sa online kagaya na lamang ng City of Malabon University
Official Page. Ngunit hindi ba mas kahanga-hanga kung ang unibersidad ay
nakikitang magaling at mahusay na ehemplo sa paggamit ng wikang Filipino?
Nang sa ganon ang bawat mag-aaral ng Unibersidad ng Lungsod ng Malabon ay
mas mahasa at malinang ang paggamit ng wikang Filipino. Para bang
nakakalimutan natin na tayo ay Pilipino. Nakakalungkot man isipin pero ito ang
realidad na nangyayari sa unibersidad.
Kaya bilang isang mag-aaral ng Unibersidad ng Lungsod ng Malabon na
kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information
Technology. Adbokasiya namin ang "Paggamit ng Wikang Filipino sa mga
Memorandum, Kautusan ay Polisiya ng Unibersidad ng Lungsod ng Malabon".
Layunin namin na mas mapalakas at gawing pangunahing wika ang Filipino sa
mga polisiya, memorandum at mga kautusan na pinapatupad ng Unibersidad.
Magamit na pangunahing wika ang Filipino sa mga aktibidad at mga kaganapan sa
loob at labas ng Unibersidad. Patatagin ang impluwensya ng wikang Filipino sa
mga mag-aaral, guro at opisyal ng Unibersidad ng Lungsod ng Malabon.
Adbokasiyang Pangwika: “Paggamit ng Wikang Filipino sa mga
Memorandum, Kautusan at Polisiya ng Unibersidad ng Lungsod ng Malabon

Mahal na mga Respondente,


Maalab na pagbati!
Kami ang mag-aaral ng City of Malabon University na naka-enroll sa Bachelor
of Science in Information Technology. Sa kasalukuyan kami ay nagsasagawa ng isang
adbokasiyang pangwika na pinamagatang “Adbokasiyang Pangwika: “Paggamit ng
Wikang Filipino sa mga Memorandum, Kautusan at Polisiya ng Lungsod ng
Malabon”. Makakatiyak na ang lahat ng makakalap na datos ay pananatilihin na
kompidensyal. Ang iyong tugon ay magiging mahalagang kontribusyon para sa
tagumpay na pag-aaral at lubos na papahalagahan.
Maraming salamat sa iyong kooperasyon.
- Mananaliksik

Pangalan (opsyonal): ____________________


Kurso, Taon at Baitang: ____________________
Pirma: ____________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong, lagyan ng tsek ( / ) ang
column ayon sa iyong kasagutan.

4- 2 - Di-
Lubos na 3 - gaanong 1 -
sumasang- Sumasang- sumasang- Hindi
ayon ayon ayon sang-ayon
1. Dapat ang Wikang Filipino ang
gamitin sa pag limbag ng mga
Memorandum, Kautusan at Polisiya ng
CMU.
2. Dapat ang Wikang Filipino ang
gaimitin sa mga anunsyo ng Opisyal na
Facebook Page ng CMU.
3. Dapat ang Wikang Filipino ang
pangunahing wikang ginagamit sa mga
kaganapan sa loob at labas ng CMU.
4. Dapat pagyamanin ang Wikang
Pambansa ng CMU.
5. Makakatulong ang pag gamit ng
Wikang Filipino sa pag limbag ng
Memorandum, Kautusan at Polisiya ng
CMU sa mga nasasakupan nito.
6. Makakatulong ang pag gamit ng
Wikang Filipino sa pag anunsyo sa
Opisyal na Facebook Page ng CMU sa
mga nasasakupan nito.
7. Makakatulong ang paggamit ng
Wikang Filipino bilang pangunahing
wikang ginagamit sa mga kaganapan sa
loob at labas ng CMU sa mga
nasasakupan nito.
8. Ang paggamit ng Wikang Filipino sa
pag limbag ng Memorandum, Kautusan
at Polisiya ng CMU ay patungo sa mas
maunlad na pakikipag komunikasyon sa
nasasakupan nito.
9. Ang paggamit ng Wikang FIlipino sa
pag anunsyo sa Opisyal na Facebook
Page ng CMU ay patungo sa mas
maunlad na pakikipag komunikasyon sa
nasasakupan nito.
10. Ang paggamit ng Wikang Filipino
bilang pangunahing wikang ginagamit
sa mga kaganapan sa loob at labas ng
CMU ay patungo sa mas maunlad na
pakikipag komunikasyon sa
nasasakupan nito.
Interpretasyon ng Datos
Ang bahaging ito ay naglalahad ng presentasyon at interpretasyon ng ma
nakalap na datos. Ang mga nalikom na datos mula sa kasagutan ng mga mag-aaral
ng Unibersidad ng Lungsod ng Malabon sa pagsisiyasat na pinamagatang
"Adbokasying Wika: Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Memorandum,
Kautusan at Polisiya ng Unibersidad ng Lungosd ng Malabon" upang malaman
kung ang adbokasiya ba na ito ay may kabuluhan at epektibo sa mga mag-aaral.
Ang mga datos ay buong husay na sinuri at inilagay sa figure at talahayanan
para sa mas malinaw na interpretasyon.
Panukatan:
4 - Lubos na sumasang-ayon
3 - Sumasang-ayon
2 - Di-gaanong sumasang-ayon
1 - Hind sumasang-ayon

Talahayanan ng Datos
4 - Lubos na Di-gaanong
sumasang- 3 - Sumasang- sumasang- Hindi sang-
Tanong ayon ayon ayon ayon
1 9 5 6 0
2 5 6 9 0
3 5 7 8 0
4 10 7 3 0
5 9 10 1 0
6 8 9 3 0
7 8 12 0 0
8 6 12 2 0
9 8 8 4 0
10 7 10 3 0
Kabuuan 75 86 39 0
Konklusyon
Ang bahaging ito ay naglalagom ng kinalabasan ng pag-aaral at konklusyon
na naka batay sa interpretasyon at analisis ng mga datos at resulta ng pagsisiyasat.
Layunin ng adbokasiyang ito na bigyang kaalaman ang Unibersidad ng Lungsod
ng Malabon na paggamit ng Wikang Filipino ay mas ikabubuti at ikakaunlad ng
unibersidad.

May kabuuang bilang na tagatugon na dalawampung mag-aaral mula sa


kursong BSIT ng Unibersidad ng Lungsod ng Malabon.

Bumuo ng sampung katanungan ang mga mananaliksik kung saan ay


tumutukoy sa kahalagahan ng paggamit ng Wikang Pambansa sa paggawa ng
Memorandum, Anunsyo at Polisiya ng Unibersidad ng Lungsod ng Malabon.

Indekeytors na may bilang mulang 1 - 4 (1 ang pinaka mababa at 4 ang


pinaka mataas) ang ginamit na panukatan upang malaman ang kasagutan ng mga
mag-aaral na tagatugon.

Kinalabasan:

Matapos malikom at masuri ang mga datos, ang mga sumusunod na


kinalabasan ay naitala.

1. Sa dalawampung bilang na tumugon sa aming hinanda na pagsisiyasat, may


kabuuang 75 na bilang at 37.4 porsyento sa kabuuang tugon ang Lubos na
sumasangayon-ayon sa aming adbokasiya.

2. Sa dalawampung bilang na tumugon sa aming hinanda na pagsisiyasat, may


kabuuang 86 na bilang at 43.4 porsyento sa kabuuang tugon ang sumasangayon-
ayon sa aming adbokasiya.
3. Sa dalawampung bilang na tumugon sa aming hinanda na pagsisiyasat, may
kabuuang 39 na bilang at 19.2 porsyento sa kabuuang tugon ang Di-
sumasangayon-ayon sa aming adbokasiya.
4. Sa dalawampung bilang na tumugon sa aming hinanda na pagsisiyasat, walang
bilang o tugon sa Hindi pagsang-ayon sa aming adbokasiya.

Batay sa naging resulta ng pag-aaral aming natuklasan na karamihan sa mga


tumugon base sa datos na may 80.8 na mag-aaral ang sang-ayon sa aming
adbokasiya. Pinapakita lamang nito ang kahalagahan ng paggamit ng Wikang
Pambansa sa Unibersidad ng Lungsod ng Malabon, na mas makakatulong sa
pagpapaunlad ng ating wika at mas epektibong komunikasyon sa nasasakupan nito.

Rekomendasyon
Ang paggamit ng Wikang Pambansa sa paggawa ng Memorandum, Anunsyo
at Polisiya ng Unibersidad ng Lungsod ng Malabon ay mas makatutulong sa
pagpapaunlad ng komunikasyon ng paaralan at nasasakupan nito. Dapat nating
pagyamanin ang ating wikang kinagisnan sapagkat kung hindi natin gagamitin ang
ating wika, ito ay mamatay.

Kaugnay sa ginawang pananaliksik buong pagpapakumbabang imumungkahi ng


mga mananaliksik ang mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral,


Suportahan ang adbokasiya upang mas pakinggan ng nakakataas sa
Unibersidad ang aming adbokasiya.
Para sa mga guro,
Gabayan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay kahalagahan sa
Wikang Pambansa.
Para sa Pamilya,
Pagsasabuhay at pagpapaunlad ng Wikang Pambansa sa loob ng tahanan lalo
na sa mga mas nakababata.

Para sa Kawani ng Gobyerno,


Paggamit ng Wikang Filipino bilang pangunahing wika sa mga
Memorandum, Anunsyo, Polisiya at Transakyon.

Para sa mga susunod na mga mananaliksik,


Marapat na pagbutihin at pagaralan ang opinyon ng bawat taga sagot. Hingil
sa Adbokasiyang Pangwika Paggamit ng Wikang Filipino sa paggawa ng
Memorandum, Anunsyo at Polisiya. Bigyang pansin ang suliraning maaaring
kakaharapin batay sa isinagawang pananaliksik.

Pasasalamat
Bilang isang mag-aaral iapasalamat ng bawat isa ang kalakasan, katalinuhan
at katiyagaan na pinagkaloob ng poong maykapal. At nagpapasalamat din ang mga
mananaliksik sa mga taong naging parte ng adbokasiyang ito.

Nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa kanilang guro na si Dr.Danilo


Flores na patuloy na sumuporta sa kanilang ginagawang adbokasiya. Ang patnubay
at tulong ng aming guro para magawa ang adbokasiyang ito.

You might also like