You are on page 1of 2

Patibayin ang mga Bigkis ng Mag-anak

Maraming puwersa sa mundo ngayon na naghahangad paghiwa-hiwalayin ang mag-anak at ang tahanan.
Magsusumikap ang matatalinong magulang upang patibayin ang mga bigkis ng maganak, pag-ibayuhin
ang espirituwalidad sa tahanan, at tumuon kay Jesucristo at gawain sa templo. Sinabi sa atin ni
Pangulong Howard W. Hunter:

“Idinadalangin ko na ituring natin ang isa’t isa nang may higit na kabaitan, higit na paggalang, at higit na
pagpapakumbaba at pagtitiis at pagpapatawad… .

“Ikalawa, at sa gayunding diwa, inaanyayahan ko rin ang mga miyembro ng Simbahan na itatag ang
templo ng Panginoon bilang dakilang simbolo ng kanilang pagkamiyembro at ang panlangit na tagpo
para sa kanilang mga pinakasagradong tipan. Magiging pinakamarubdob na pagnanais ng aking puso na
maging marapat sa templo ang bawat miyembro ng Simbahan.”6

Ang tagubiling ibinigay ni Pangulong Hunter ay maaaring dagdagan nang husto ng anumang mangyayari
sa paligid ng lamesang pangkusina.

Sa ating mga tahanan dapat tayong magsanay kung paano pakikitunguhan ang iba. Gaya ng mahusay na
pagkakasabi ni Goethe, “Kung pakikitunguhan ninyo [ang isang tao] nang ayon sa kung sino siya
mananatili siyang gayon, ngunit kung pakikitunguhan ninyo siya na parang katulad ng…maaari [at
nararapat siyang maging], magiging katulad siya [ng dapat niyang maging].”7

Gawing mga Lugar ng Pagsamba ang mga Tahanan

Ipinahayag ni Elder Boyd K. Packer na: “Ang maipasok sa tahanan ang ilan sa mga bagay ng langit ay ang
masiguro na mauuwi ang mga miyembro ng mag-anak sa pakikilahok sa simbahan. Ang gabing
pantahanan ng mag-anak, mangyari pa, ay sadyang ginawa para dito—isang pagkikita-kita sa tahanan na
maoorganisa upang maiakma sa pangangailangan ng bawat isa; at katulad lamang ito ng isang pulong sa
simbahan, o maaari, gaya ng mga idinadaos sa kapilya.”8

Ang payong ito ay sumasang-ayon din sa sinabi sa atin ni Elder Dean L. Larsen na: “Ang mga gusali ng
ating simbahan ay hindi lamang mga lugar kung saan tayo sumasamba. Dapat ding maging mga lugar ng
pagsamba ang ating mga tahanan. Makabubuti kung bawat araw ay ‘makauuwi tayo sa simbahan.’
Walang ibang lugar dapat kung saan ang Espiritu ng Panginoon ay mas tatanggapin at mas madaling
matatamo kaysa sa sarili nating mga tahanan.”9

Sa pagsisikap nating maisakatuparan ang lahat ng ito sa ating mga tahanan, makabubuti sa atin na
tandaan ang mahalagang pahayag ni Pangulong Harold B. Lee na: “Tandaan na ang pinakamahalaga sa
gawain ng Panginoon na gagawin mo [at ko] ay…sa loob ng mga dingding ng [ating] sariling tahanan.”10

Ang samo ko ngayon ay maingat na pagmasdan ng bawat isa sa atin ang ating mga tahanan at ang
lamesang pangkusina at patuloy na magsumikap na dalhin ang langit sa loob ng ating mga tahanan at
lumapit kay Jesucristo.

Mula sa talumpati ni Elder Curtis sa pangkalahatang komperensiya ng Simbahan noong Abril 1995
(tingnan sa Conference Report, Abr. 1995, 109–11; o Ensign, Mayo 1995, 82–83).

You might also like