You are on page 1of 4

Chapter 1 - Bangungot

Pare pareho lang tayo ng mga pupuntahan sa dulo ng mundo.

Nakatingin na lang sila sa isa't isa, gustong umiyak, gustong sumigaw, kahit na kanina lamang ay nagtatawanan
lang sila, ngayon ay tinititigan nila ang kaibigan nilang nasa dulo na ng mundo, hindi nila alam ang gagawin,
hindi nila alam ang sasabihin, gusto lang nilang makatulong, pero hindi na nila alam kung anong susunod na
mga mangyayari, sa lakas at lamig ng hangin, at sa tahimik nilang lahat, may nagsalita din sa dulo.

Pero bago ang lahat, nagising muna siya mula sa kanyang bangungot, noong Lunes, at ang layunin, "mahalin mo
ang sarili mo."

Chapter 2 - Adam

Lahat ng tao'y mayroong tinatakbuhan.

"Lahat nalang ng mga ginagawa ko palpak, pagkakamali, maski ngayon, dahil sa akin ay nalulunod ako."

"Hinatak ako nang hinatak, pababa ng pababa, hindi ko kinaya ang lakas nila, sa dilim ng paligid, sa malabo
nilang mga mukha, wala akong makita, hindi ko magalaw ang sarili kong katawan, hindi man masakit, hindi ko
pa rin gusto ang pakiramdam, ang pakiramdam na hinahatak ang kaluluwa ko, pagkatao ko, pababa sa
impyerno, hinahanap na ako, mamamatay na ako."

"Kaso nagising parin ako, kahit sabihin kong nakita ko ang kamatayan, nandito parin ako, humihinga,
nagsasalita, at tulala."

Makatapos ay lumabas siya, nararamdaman niya ang lakas ng hangin pagbukas ng pinto, sa bundok na tinitirhan
nila ay tahimik at maaliwalas, kasama ay ang mga kaibigang matalik, sina Franko, Mannie, Erina, at Mary.

Magkakaibigan simula pagkabata, walang mga magulang, isa't isa lang ang mayroon sila, hindi nagtagal at
nagkaroon sila ng sarili nilang bahay sa tuktok ng isang bundok, walang gulo, tahimik, perpekto para sa
kanilang lima, mahigit sampung taon na silang magkakakilala, ngayo'y kapatid na ang turing sa isa't isa, at kahit
na hindi sila magkakadugo, hinding hindi sila maghihiwalay.

Chapter 3 - Franko

Hindi mo lang alam pero kakayanin mo lahat ng bagay.

"Pinili ko ito para sa sarili ko, ayaw ko na magsisi, pagod na ako, ayaw ko na, ayaw ko na talaga."

"Unti-unting lumalabo ang paningin ko, lumulutang ako, nawawalan na ako ng hininga, kahit malabo, nakikita
ko pa rin kayo, tumatakbo papalapit sa akin, bakit? Ano ba ang meron sa akin? Bakit kayo tumatakbo papalapit
sa akin? Kitang kita sa mga mata nyo ang luha, wag na kayong maghirap pa, hayaan niyo na lang ako dito, sa
puno na tinatambayan nating lahat araw-araw, hayaan niyo na lang ako dito magpahinga, hayaan niyo na lang
ako ditong mamatay."

"Kaso nagising parin ako, kahit sabihin kong nakita ko ang kamatayan, nandito parin ako, humihinga,
nagsasalita, at tulala."

Makatapos ay bumangon siya, nararamdaman niya ang lakas ng hangin sa mga bintana, sa bahay na tinitirhan
nila ay tahimik at mapayapa, kasama ay ang mga kaibigang matalik, sina Adam, Mannie, Erina, at Mary.
Chapter 4 - Mannie

Nasasaktan ka lang dahil sa maling bagay ka palagi nakatutok.

"Sa lahat pa naman ng bagay kung saan ako nahulog, dito pa talaga, sadyang malas talaga ako."

"Ramdam ko ang lakas ng hangin, tagos sa katawan ko, wala na akong magagawa, nandito na ako, hindi ko na
ito maiiwasan, papunta na ako sa kamatayan, hindi ko alam kung ako ba ang pumili nito, pero tanggap ko pa
rin ang lahat, nakikita ko sila sa lupa, sapat ba lahat ng mga ginawa ko? Alam ko na nagkamali din ako, pero
tinanggap niyo pa rin ako, bakit? Hindi ko alam, pero nandito pa rin kayo, hindi nagbago tingin niyo sa akin,
hanggang sa pinaka dulo ng buhay ko."

"Kaso nagising parin ako, kahit sabihin kong nakita ko ang kamatayan, nandito parin ako, humihinga,
nagsasalita, at tulala."

Makatapos ay nakatitig siya, nararamdaman niya ang lakas ng hangin sa labas ng bahay nila, sa lugar na
tinitirhan nila ay tahimik at masaya, kasama ay ang mga kaibigang matalik, sina Adam, Franko, Erina, at Mary.

Chapter 5 - Erina

Takot ka lang harapin ang katotohanan kaya ka nagtatago.

"Hindi ko inaasahang magkakaganito ako, wala na, tapos na, patay na ako."

"Nakatulog na ako, hindi na ako magigising, hindi ko magalaw ang katawan ko, tapos na lahat ng mga
pinaghirapan ko, may pinaghirapan ba ako? Parang lahat naman ng mga nagawa ko nasisira, hindi ko
makontrol ang mga bagay bagay, lahat nalang nasisira kahit ginagawa ko ang lahat, bakit? wala akong
magawa, naririnig ko kayong lahat na sumisigaw, naririnig ko ang pangalan ko, kaso, tapos na."

"Kaso nagising parin ako, kahit sabihin kong nakita ko ang kamatayan, nandito parin ako, humihinga,
nagsasalita, at tulala."

Makatapos ay nagulat siya, nararamdaman niya ang lakas ng hangin sa ingay nila, sa tambayan na tinitirhan nila
ay tahimik at maingay, kasama ay ang mga kaibigang matalik, sina Adam, Franko, Mannie, at Mary.

Chapter 6 - Mary

Lahat ng tao'y mayroong tinatago.

"Lahat ng bagay matatapos din, lahat may katapusan, hindi mo lang alam kung kailan mawawala"

"Pagpikit palang ay nawala na ang lahat, may ginawa ba ako? Anong dahilan kung bakit nandito ako? Bakit?
Hindi ko alam ang sagot, basta nandito ako, wala na sa mundo, sila lang ang maalala ko, sila lang ang nasa
isip ko, ngayon wala na ako para sa kanila, lumulutang, nahuhulog, walang marinig, walang makita, sadyang
oras ko na, wala na akong magagawa pa, tapos na lahat ng bagay."

"Kaso nagising parin ako, kahit sabihin kong nakita ko ang kamatayan, nandito parin ako, humihinga,
nagsasalita, at tulala."

Makatapos ay nagising siya, nararamdaman niya ang lakas ng hangin sa bahay nila, sa mundong na tinitirhan
nila ay tahimik at misteryoso, kasama ay ang mga kaibigang matalik, sina Adam, Franko, Mannie, at Erina.
Chapter 7 - Tama at Mali

Masyado tayong pabaya sa buhay.

Minsan, masyado tayong nag iisip sa kung ano ang tingin ng iba sa atin, sa dulo ay hindi natin maintindihan na
kahit anong mangyari ay tanggap parin tayo ng mga mahal natin, masyado nating iniiwasan ang tunay nating
sarili, at sa dulo ay hindi natin malaman kung sino ang totoo sa atin.

Minsan, masyado nating minamaliit ang mga sarili natin, sa dulo ay hindi natin nakikita kung gaano ka
importante tayo sa mga taong nagmamahal sa atin, masyado tayong lumalayo ang mga sarili natin, at sa dulo ay
hindi natin ginagawa ang mga gusto natin.

Minsan, masyado tayong nakatutok sa mga bagay na gusto natin, sa dulo ay hindi natin napapansin ang mga
bagay na kailangan talaga natin, masyado nating tinututukan ang mga maling bagay, at sa dulo ay hindi natin
napapansin ang mga bagay para sa atin.

Minsan, masyado nating iniisip na importante ang mga pagkakamali natin, sa dulo ay hindi natin nakikita na
kaya nating itama ang lahat para sa atin, masyado tayong nagiisip ng mali sa sarili, at sa dulo ay nagkakamali
tayo sa tunay na halaga natin.

Minsan, masyado tayong natutulala sa kalawakan at sa misteryo ng mundo, sa dulo ay hindi natin nagagawang
mabuhay ngayon kasama ang mga mahal natin, masyado nating nilalayo ang sarili natin sa mundong ito, at sa
dulo ay naninibago kapag may nagmamahal sa atin.

Chapter 8 - Kaibigan

Pare pareho lang tayo ng pinagdadaanan.

Nakatingin na lang sila sa isa't isa, gustong umiyak, gustong sumigaw, kahit na kanina lamang ay nagtatawanan
lang sila, ngayon ay tinititigan nila ang kaibigan nilang nasa dulo na ng mundo, hindi nila alam ang gagawin,
hindi nila alam ang sasabihin, gusto lang nilang makatulong, pero hindi na nila alam kung anong susunod na
mga mangyayari, sa lakas at lamig ng hangin, at sa tahimik nilang lahat, may nagsalita din sa dulo.

"Hindi ko alam kung anong nararamdaman mo ngayon, ang alam ko lang ay matagal na tayong magkasama,
kahit na sabihin mo na hindi tayo magkadugo, kapatid pa rin ang turing ko sayo, isipin mo lahat ng iiwanan mo
sa mundong ito, isipin mo kami, mahal mo kami diba?"

Hindi siya sumagot, nakatitig lamang siya sa kanila.

"Hindi ko alam kung anong nasa isip mo, hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa, ang alam ko lang ay may
dahilan ka, ang tanong ko lang, handa mo bang isakripisyo ang lahat? At para saan? Hindi ko alam, ang alam
ko lang ay lahat tayo ay may pinagdadaanan, may mga taong kayang magsalita, pero may mga taong patuloy
na nagtatago at sa dulo ay hindi nagpapatuloy sa mundong ito, at ang tanong ko, sino ka sa kanila? Sino ka?
Magsasalita ka ba para sa amin? O tatahimik ka para sayo? Kakayanin mo ba o hindi? Magsalita ka parang
awa mo lang, sabihin mo sa amin ang nararamdaman mo, magsalita ka."

Ngumiti na lang siya at tumalon, kahit na ano ang ginawa nila para sa kanya, sa dulo ay ginawa niya pa rin ang
pagtalon, hindi dahil malungkot siya, hindi dahil galit siya, kundi para sa kanya, sapat na ang oras na ginamit
nya para manatili sa mundong ito, natupad niya narin naman ang una't huli niyang hiling, mamatay na
mapayapa, habang nakangiti, ng walang pagsisisi, at kasama ang mga mahal niya sa buhay, sapat na itong lahat
para sa kanya, dahil para sa kanya, dito na dapat nagtatapos ang kwento niya, wala na siya, wala na ang bida, at
pagkatapos nito, bagong kwento naman ang magsisimula.
Chapter 9 - Pagsisisi

Isang tsansa lang ang mayroon ka sa buhay.

At sa pagtalon niya'y nakita niya lahat ng mga nangyari sa kanyang buhay, lahat ng kahirapan, pagmamahal,
sakit, at ginhawa na ibinigay sa kanya ng mundo, at huli ay nagsisi siya, at nang nahawakan ng katawan niya
ang lupa, lahat ng bagay ay nasira, at lahat na lang ay puno ng pagsisisi.

"Pero kahit na, hindi pa ako handa, ayaw ko pang mamatay, ayaw ko silang iwanan, sila na lang ang meron
ako, sila na lang ang importante para sa akin, sila na lang ang nagmamahal sa akin, sila na lang ang pamilya
ko, sila na lang dahilan ko, ayaw ko pa, ayaw ko pa, ayaw ko pa."

"At sa dulo ay nagising din ako, hindi ako namatay, isang bangungot lamang iyon, at sa pagtayo ko, nakita ko
ang araw, at ngayo'y Lunes, at ang layunin, 'mahalin mo ang sarili mo.'"

You might also like