You are on page 1of 4

SCRIPT

Entitled (MYSTERY?)

MEMBERS:

1. Arvin Gabrang

2. Fran Louis Garcia

3. Arnie Sta.ana

4. Michaela Moldon

5. Terence Alaban

6. Kathleen Acopiado

7. Jasmine David

8. Aerun Allado

9. Angelica Serrano

10. Gabriel Lebrilla

11. Joshua Cortez

12. Justin Doniña

(1st SCENE) - INVITATION

(1 character - girl)

• nag-eedit ng invitation card for the party na gaganapin. (Mapa laptop or computer gumawa oks lang
basta makita sa shoot na gumagawa ng invitation card)

(VENUE)

• kahit sa house lang or comlab sa school.

(2nd SCENES) - PARTY

(All the members are belong)

• magrereunion ang magttropa or magcclassmates then merong wine in each person. Lahat iinom ng
wine pero yung isang glass wine is may lason at maiinom to ng unang mamamatay. Dapat makikita rin
sa shoot na lalagyan ng lason (candy) yung mismong wine (ice tea apple).
• pupunta yung dalawang (2) mag tropa sa cr dahil sasamahan nya yung isa kasi medyo nakaramdam
sya ng hindi nya maintindihan kung ano yun kaya nag-cr sya at dumiretso ito sa cubicle habang yung
kasama nya is nasa tapat ng mirror while waiting sa kaibigan nyang nasa cubicle.

• magugulat sya dahil sa narinig nyang malakas na kalabog galing sa cubicle at bigla syang napatingin
at dun nya nakita na ang kaibigan nya ay makahandusay na at walang buhay.

(VENUE)

• house or admin building.

(3rd SCENES) - DAMUHAN

(2 characters, the revenger and girl member)

• mag tatapon ng basura sa gilid ng damuhan at may mahahagip yung mata nya na isang tao na
sinusundan sya ng tingin at napansin nyang papalapit sa kanya ito at agad nyang nabitawan ang
basurang hawak nya at onti onting umaatras para tumakbo. Agad naman syang hinabol at nang
mahuli nya ito agad naman nyang pinukpok ito ng bato hanggang sa mawalan na ng buhay.

(VENUE)

• Antipolo, kahit park, foot ballan or subdivision park.

(4th SCENES) - HOME

(3 characters, the revenger and 2 friends)

• nagkayayaan ng inuman para mapag-usapan ang nangyaring patayan sa party at kung sino ang
paghihinalaan. Halos lahat ay nasa bahay na ng isa nilang kaibigan at magsisimula narin ang inuman
pero ang dalawa nilang kaibigan ay papunta pa palang, habang nagsisimula na ang pag-uusap bigla
silang may narinig na sigaw sa hindi kalayuang lugar sa kanilang tahanan at agad Naman silang
napatingin at hinanap kung saan nagmula ang sigaw. Bigla naman nilang naalala yung dalawa nilang
paparating pa lamang na kaibigan at agad nila itong pinatawagan ngunit cannot be reached, agad
namang nag-iwan na lang ng message at tinuloy na ang kwentuhan.

• habang naglalakad ang dalawang magkaibigan ang isa ay nagkukwento habang naglalakad at ang isa
naman ay biglang napahinto dahil inayos ang sintas ng sapatos. Ang isa ay tuloy tuloy parin sa
pagkukwento at hindi namalayan na tumigil pala ung isa para mag-ayos ng sintas at hindi rin napansin
ng nag-aayos ng sintas na hindi rin pala sya napansin nang isa.

• agad namang napatigil sa pagsasalita at paglalakad itong kaibigan nya dahil sa naramdaman
kakaibang katahimikan na para bang wala na syang kasama, agad sya napalingon at napansin na may
nakahandusay nang katawan sa di kalayuan sa kanya at ito ang dahilan para sya ay mapasigaw sa
takot at gulat o halo halo ng emosyon ang kanyang naramdaman.
(5th SCENES) - FRIEND

(The revenger and the friend of girl in 4th scenes)

• sa sobrang takot nya napasigaw sya at nanginginig na tila hindi na mawari kung ano na ang kanyang
maramdaman at onti onti syang umaatras na takot na takot nang biglang may nabangga sya
papaatras at onti onti nya itong nilingon at agad namang tinakpan ang kanyang muka ng bimpo na
may pampatulog ngunit ito ay nanlalaban pa kaya nagawa nyang suntukin ito sa tiyan at tuluyang
mawalan ng malay. Nang magising sya ay itoy nanghihina pa at medyo nahihilo dahil sa pwersa ng
pagkasuntok sa kanya, may naaninagan syang nakablack sa kanyang harapan at tila sobrang laki ng
kasalanan nya rito dahil sa tingin na matalas.

• may napansin syang isang picture frame na medyo familiar sa kanya ang muka at nang mag sink in
na sa kanya kung sino iyon agad syang nakaramdam ng lamig sa katawan tila ba'y nagtataka na ewan.
Napansin ito ng nakatayo sa harapan nya at kinuha ang frame para ibato sa kanya upang mas lalo
nyang Makita kung sino iyon, napabulong sya ng pangalan ng dati nila nabully na tranferee. Tinanggal
nya ang kanyang taklob sa muka at ito'y nagpakilala at kwinento ang pangyayaring sinapit ng kapatid
nya sa kamay nila.

(VENUE)

• kahit sa house na may kwartong bakante.

(6th SCENES) - FLASHBACK

(All the members)

• nag flash back simula nung naging transferee sya at naging puluta sa kanilang magkakaibigan at one
time nakita nila itong mag-isa at ito'y tila bitbit buong mundo dahil sa problemang mabigat na
dinadala. Nakita sya ng kaniyang mga kaibigan at pinuntahan nila ito at inakbayan at agad itong
binully at hindi nila alam na ito'y may dinadalang mabigat na problema at dahil sa kanilang pambully
nung araw na iyon, iyon din ang araw na natriggered ito dahilan para makapag-isip ng kung ano ano at
ito'y naging dahilan para madulas at mauntog ang ulo sa hagdanan. At nang maitakbo na sya sa
hospital medyo nanghihina na ito at naikwento pa sa kanyang kambal na kuya ang nangyari kahit
pautal-utal na bago sya mawalang buhay ng tuluyan.

• ito ay hindi na nakarating sa mga kaibigan nya ang kwento kung ano talaga ang nangyari at ang
kanilang alam ay lumipat na ito papuntang states.

(VENUE)

• School

(7th SCENES) - BUGBOG BAGO LAYA

(Lahat nang natitirang Hindi pa patay maliban sa killer)


• Doon nalaman nang kaibigan nya na meron palang kambal yung binully nila at ito'y nag rerevenge
dahil sa pagkawala nang kanyang kambal. Nagulat Ito at sobrang paghihingi nang tawad sa kanyang
kambal at nagmamakaawang wag sya nitong patayin at hindi nya na gagawin pa ang nangyari sa
kanilang isang kaibigang nabully. Ito'y binugbog hanggang sa mawalan ng malay at ito'y iniwan na
lamang sa bahay ng isa nilang kaibigan na kung saan sila nag-iinuman dapat at nagising na lamang sya
sa iyakan nang kanyang kaibigan na akala nila ito'y wala na.

• agad syang tinulungan at ang daming tanong ang bumungad sa kanya na tila hindi alam kung sino
ang uunahing sagutin. Kaya agad itong sumigaw nang (SANDALEEE!!!!). Agad silang tumahimik lahat
at nagsimula itong magkwento at kita mo sa kanilang reaksyon ang pagkagulat na medjo naiiyak dahil
sa nangyari. Agad namang napayuko ang isa at may napansing papel sa bulsa nang nabugbog at agad
nya itong kinuha upang basahin. Ito'y may address na kung saan nakalibing ang kapatid ng kambal.

(VENUE)

• PARK

(Last SCENES) - END

• Pumunta sila kung saan naroroon ang labi nang binully nila at silay nanghingi ng patawad at
nangako na hindi na nila ito gagawin pa sa ibang Tao. After nila magtirik ng kandila at manghingi ng
tawad agad na silang sumakay sa sasakyan nang makasakay na silang lahat at nakaandar na ito hindi
nila namalayan na may nakasakay pala sa pinaka dulong vacant seats na nagtago at agad silang pinag
babaril sa ulo at nang siniguradong wala ng buhay itong tumalon na lamang sa sasakyan at naglakad
pabalik sa puntod ng kambal nya na para bang walang nangyari sabay nagtirik syang kandila habang
kausap ang kapatid sa hangin sya ay nagpaalam na sa kapatid at nauwi na sa kanyang bahay.

• agad itong Pumunta sa kanyang kwarto para lagyan ng X ang lahat ng litrato sa black board.

You might also like