Topic- Karma, Reincarnation
Plot
Isang tao na sobrang malas tapos nalaman niya na dahil masama
siyang tao nung mga past life niya, ang mission niya ay gumawa
ng mabuti
Genre- Action, Drama, Psychological
[ Intro ] = scene 1
( Naglalakad si Kyle)[monologue][flashback]
Si Kyle ay sobrang malas, wala ng magandang nangyari sa buhay
niya. Pinaka masakit don, naaksidente ang pamilya nung bata pa
siya,kaya mag isa nlang siya.
Isang araw naisipan niyang mag-tanong sa internet kung bakit
siya malas.
May nag reply na baka kasi wala siyang lovelife at mag isa
lang sa buhay.
Naisipan tuloy ni Kyle na mag-confess dun sa crush niya sa
school.
Niyaya niyang kumain sa cafeteria yung crush niya para mag
yaya mag date.
[End of Monologue] [End of scene 1]
Scene 2 = Cafeteria incident
( May dala ng pagkain si Kyle papunta sa table nila)
Kaso habang dala-dala niya yung pagkain nila, isang bola ang
nalaglag sa tabi niya, nakaiwas naman si Kyle kaso sa pag-iwas
niya natapon lahat ng pagkain sa crush niya.
Nag tawanan lahat ng tao sa paligid, sa sobrang hiya tumakbo
nalang palayo si Kyle.
[End of Scene 2]
Scene 3- Computer Chat
(Nakaupo sa harap ng computer)
Nagagalit siya at sinisisi ang pagka malas niya.
Dali-daling umuwi si Kyle, galit niyang binuksan ang computer
at pagalit na chinat yung nag reply, naisip ni Kyle na kung
hindi dahil dun sa nag suggest, hindi siya mapapahiya.
Ang reply lang kay Kyle ay isang address, bigla naman nalito
si Kyle, anong ibig sabihin niyan?.
Nag sorry yung tao, at sinabi na malas din siya dati at yung
advice niya kay Kyle ay gumana naman sa kanya. Yung address ay
bahay nang isang manghuhula at doon siya humingi ng advice.
Kaya kung gusto ni Kyle ng tulong ay pwede siyang magpunta
mismo sa manghuhula.
Natawa nalang si Kyle , manghuhula?
Nung sandali na yon, tumunog ang cellphone niya at binuksan
ito ni Kyle.
Nakita niya ang video nang pagka dulas niya at kumalat na nag
video sa buong school.
Desperado na si Kyle, wala na siyang mukang ihaharap dahil sa
kahihiyan, napa tingin siyan ulit sa address.
Manghuhula? Bat hindi ko subukan? Wala ng mawawala sakin...
[End of scene 3]
Scene 4= Looking for the address
(Montage ng paghahanap ng address)
Kinabukasan nag punta si Kyle dun sa address, kaso lang
nahirapan siyang hanapin ito.
Nag tanong at naghanap siya ng ilang oras at sa pagod ay gusto
na niyang sumuko.
[End of scene 4]
(Nag-papahinga si Kyle)
Napaupo nalang siya sa tabi .
Nung sandali na iyon naka rinig siya ng sigawan.
(Tumayo si Kyle at lumapit sa kaguluhan)
Dahan dahan nag lakad si Kyle patungo sa mga boses.
Nakita niya sa isang eskinita, ay grupo mg mga lalaki na
hinaharas ang isang babae. Nacorner ang babae at takot na
sinisigawan ang mga lalaki.
Hindi alam ni Kyle ang gagawin, aalis na dapat siya nang
tumunog bigla ang cellphone niya, bigla kasing tumawag ang
isang niyang classmate.
Nagulat ang lahat at nag tinginan ang mga lalaki kay Kyle.
Sino ka! Sigaw nila, pinapaalis nila si Kyle habang sumigaw
naman ng tulong ang babae.
Natatakot na si Kyle at patakbo na, nung sandali na iyon,
[Insert blurry flashback]
nakita niya ang muka nung babae, takot at nahingi ng tulong,
parang deja vu, may naalala siya bigla... Ano yon? napatigil
si Kyle at ba tanong sa sarili.
[End of scene 4]
Scene 5= Kick!
(Naka tayo si Kyle kaharap ang mga lalaki)
Nakita ng mga lalaki na tumigil si Kyle at inisip nila na
lalaban si Kyle sa kanila.
Tumatawa silang lumapit kay Kyle balak siyang saktan.
Nagpapanick na si Kyle, napansin niyang may mga dalang armas
ang mga lalaki.
Nang palapit na ang mga lalaki, nag pakita ng katapangan si
Kyle at biglang sinipa ang isa, tinamaan ito sa ari at
napahiga sa sakit, nagulat ang lahat, doon na sumigaw si Kyle
nang takbo!
[End of scene 5]
Scene 6= Chase
(Hinahabol si Kyle )
Dali dali naman tumakbo si Kyle at ang babae, mag kaiba sila
ng direksiyon na tunakbohan. Malas ni Kyle, lahat ng lalaki ay
sa kanya humabol.
Nag habulan sila hanggang na nadapa si Kyle.
[End of scene 6]
Scene 7= Beat up
(Nakadapa si Kyle at binubugbog ng mga lalaki)
Pinaligiran siya ng mga lalaki at doon na siya binugbog at
pinag sisipa.
Buti nalang dumating yung babae na may kasamang mga tao.
Tumakbo paalis ang mga lalaki at hinabol nama sila ng mga tao
at pulis. Habang naiwan si Kyle na naka higa sa lupa.
Nahihilo na si Kyle na na parang gusto ng matulog, ang huli
niyang nakita ay ang babae na patakbo sa kanya.
[End of Scene 7]
Scene 8= Waking Up
( Nananaginip si Kyle )
Habang tulog si Kyle may mga flashback at memories siyang
napanaginipan, sa mga panaginip isang babae ang nangingibabaw.
Nagising si Kyle ng parang takot at biglang napaupo
Napansin niya na nakahiga siya sa kama at sa kwarto na hindi
niya kilala. Nakita niya rin na may nag gamot na ng mga sugat
niya.
Ilang sandali pa, tumayo si Kyle at lumabas sa kwarto.
[End of Scene 8]
Scene 9= Manghuhula
(Curious na inikot ni Kyle ang bahay)
Siniyasat ni Kyle ang bahay, dahan dahan siyang naglakad at
inikot ang bahay.
Pag lapit niya sa may kusina, naka kita siya ng mga baraha.
Hindi normal ang mga baraha, ito ang mga ginagamit sa mga
panghulala.
Dahan dahan lumapit si Kyle sa mga baraha.
Nang biglang may nagsalita at nagulat si Kyle.
Pag talikod ni Kyle, nakita niya ang isang matandang babae.
Lumapit ang matanda kay Kyle at inayos ang mga baraha.
Umupo ka sabi ng matanda.
[End of Scene 9]
Scene 10= Big Reveal
( Magkarap at nakaupo si Kyle at ang manghuhula)
Si Kyle na nalilito parin ay sumunod nalang at naupo sa harap
ng matanda.
Ilang sandali ang dumaan at tanging tunog lang ng baraha ang
maririnig.
Sa huli hindi na nakapag tiis si Kyle at nagtanong siya.
Sino ka? Nasaan ako? Anong nangyare?
Ang daming tanong ni Kyle pero kalmado siyang sinagot ng
matanda.
Pinaliwanag nito na siya ang hinahanao ni Kyle na manghuhula
at bahay niya ito.
Ang babae na niligtas ni Kyle ay pamangkin ng matanda kaya
doon siya dinala upang gamutin.
Hindi makapaniwala si Kyle, akala niya hindi na niya mahahanap
and manghuhula, pero pag tapos ng lahat nakarating parin siya
ng walang malay.
Biglang nagising ang diwa ni Kyle.
Agad niyang tinanong kung pwede ba siyang hulaan.
Pinaliwanag ni Kyle ang kamalasan niya at ang kagustuhan na
mawala ito.
Nakinig lamang ang manghuhula habang nagbabalasa at binigay
kay Kyle ang mga baraha upang siya naman ang magbalasa.
Bumunot ng baraha ang manghuhula at inilatag ito sa lamesa.
Napatahimik ang manghuhula ng makita ang mga baraha
Habang kinakabahan naman si Kyle.
Hindi na nakapag tiis si Kyle at tinanong ang resulta.
Kamatayan, yan ang sabi ng manghuhula.
Nang narinig ni Kyle ang kamatayan, nagulat siya na parang
nalanta, napayuko nalang si Kyle .
Doon na pinaliwanag ng manghuhula ang mga tungkol sa karma.
Sinabi nito na noong mga nakaraang buhay ni Kyle ay naging
masama siyang tao.
Sa dami ng kasamaan na ginawa niya ay nararanasan niya ang mga
kamalasan.
Hindi makapaniwala si Kyle sa mga narinig niya.
Mamatay siya ngayon dahil lang sa nakaraan niyang buhay?
Napalitan ng galit ang emosyon ni Kyle.
Tinanong niya kubg may paraan paba para mawala ang masamang
karma.
Sanabi ng manghuhula na hindi na mawawala ang masasamang
karma, ngunit pwede itong labanan ng mabuting karma upang
hindi na gaanong malasin si Kyle.
Natuwa si Kyle at tinanong kung anong dapat niyang gawin
Pinaliwanag ng manghuhula na kailangan lang gumawa ng mabuti
ni Kyle upang magkaroon ng mabuting Karma.
[End of scene 10]
Scene 11= Kyle and Amanda
( Naka upo parin si Kyle at pumasok ang babae)
Napaisip nalang si Kyle at napatahimik.
Nang sandali na iyon pumasok ang babae na may dalang meryenda.
Napatulala si Kyle sa babae, pinanood niya itong ilagay ang
mga pagkain sa lamesa, bigla niyang naalala ang isa aa mga
panaginip niya
Doon sa panaginip may isang babae na lagi siyang pinaghahanda
bg meryenda, katulad ng babae na nasa harapan niya.
Nag overlap ang mga imahe ng dalawa
Habang nakatitig si Kyle, nahihiya naman ang babae dahil sa
malalim na pagtingin ni Kyle.
Okay ka lang ba? Tanong ng babae
Nagising sa pag iisip si Kyle at nahihiyang tinanggap ang
pagkain.
Nung sandali na iyon tumayo ang manghuhula at umalis para mag
pahinga.
Naiwan nalang si Kyle at ang babae sa lamesa.
Nagpakilala sila sa isat isa, at maya maya lang gumaan narin
ang pakiramdam nila sa isat isa.
Nag kwentuhan ang dalawa
Nabanggit ni Kyle ang misyon niya na paggawa ng mabuti.
Bilang kapalit sa pagligtas sa kanya tutulungan ng babae si
Kyle sa paggawa ng mabuti.
Ilang sandali pa, tinawag na ng manghuhula ang babae, at umuwi
na si Kyle.
[End of scene 11]
Scene 12= Redemption arc
( Binuksan ni Kyle ang pinto at dumeretso sa kama)
Malalim ang pagiisip ni Kyle mg umiwi siya.
Pagod na si Kyle at masakit pa ang katawan, agad siyang
nakatulog ng mahimbing.
(Nakahiga sa kama si Kyle)
Paggising niya ay napatingin siya sa altar ng kanyang mga
magulang. Hindi malinis at hindi naaalagan ang altar,
nagpapakita ito ng pag walang bahala ni Kyle sa mga pumanaw
niyang mga magulang.
Napaisip si Kyle na baka hindi lang ang nakaraan buhay biya ng
dahilan sa kamalasan niya, ngunit pati narin ang mga kilos
niya ngayon.
Naalala niya ang mga salita ng manghuhula
Kung kailangan niyang gumawa ng mabuti ay sisimulan niya ito
sa kanyang mga magulang.
Nilinis ni Kyle ang altar at nagsindi ng kandila, humingi siya
ng gabay mula sa kanyang mga magulang.
[End of scene 12]
Scene 13= montage of Kyle's good deeds
Simula noon ginawa na ni Kyle ang lahat ng makakaya niya sa
paggawa ng mabuti, tumulong siya sa matatanda, sa kalikasan at
malimit na nag-vovolunteer.
Paminsan minsan ay katulong niya sa paggawa ng mabuti ang
babae.
Matagal man, ay nararamdaman na ni Kyle na nababawasan na ang
pagka malas niya
Nagkamabutihan narin sila ng babae
Magaan ang pakiramdam ni Kyle sa babae na parang kilala na
niya ito ng matagal
[End of scene 13]
Scene 14= Kidnap
(Naglalakad papunta si Kyle sa bahay bg manghuhula)
Isang araw nag punta si Kyle sa bahay ng manghuhula upang
yayain lumabas ang babae.
Tumawag siya sa labas ng ilang beses at walang nasagot
Pumasok si Kyle at nakita niyang bukas ang pinto.
Pag pasok niya, nakita ni Kyle ang nagkagulo na bahay.
Gulo gulo ang mga gamit na parang may nag wala na tao.
Nagulat si Kyle at nag isip na ng masamang nangyari.
May narinig na boses si Kyle
Nakita niya ang isang kwarto na bukas at sa loob ang
manghuhula ay nasa sahig.
Dali dali niyang tinulungan ang manghuhula at tinanong kubg
anong nangyari.
Pinaliwanag ng manghuhula na ,pinasok sila ng grupo ng mga
lalaki. Ninakawan sila at ang masama ay dinukot nila ang babae
Nagulat nalang si Kyle at napuno ng galit.
Naisip niya na pareho lang ng mga bumugbog sa kanya ang mga
lalaki na dumukot sa babae
Nang sandali na yon, tumunog ang telepono ni Kyle.
Tumawag pala ang mga lalaki at gusto nilang magpunta si Kyle
sa kanila upang iligtas ang babae
Dinukot nila ang babae bilang ganti sa pagkakakulong nila.
Galit na galit si Kyle, lalo na ng marinig niya ang boses ng
babae sa telepono
Sinabi ng lalaki kung saan sila makikita at pinatay na ang
tawag .
Si Kyle ay dali daling umalis upang iligtas si Amanda.
[End of scene 14]
Scene 15= Rescue
Sa pag alis ni Kyle naisipan niyang humingi ng tulong sa mga
pulis, kaso nga lang binanggit din ng kidnaper na may mga tao
siyang nagbabantay sa istasiyon.
Kung hihingi ng tulong si Kyle ay papatayin nila si Amanda.
Agad ng pumunta si Kyle sa bahay.
Muka itong abandonado, sa labas ay hindi kita ang mga lalaki
Nag aalangan man si Kyle at sigurado siyang trap ito, handa
parin siyang sumunod para kay Amanda.
Dahan dahan naglakad si Kyle patungo sa bahay.
[End of scene 15]
Scene 16= Bonk!
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad agad si Amanda.
Nakatali ito sa upuan at may takip ang bibig, pinipilit nitong
pumalag at sumigaw.
Natuwa naman si Kyle at agad na tumakbo papunta kay Amanda.
Ang hindi alam ni Kyle ay may lalaki sa likuran niya at
hinampas siya bigla ng kahoy sa ulo.
Lalong pumiglas si Amanda nung nakita niya ang pangyayari
Si Kyle naman ay napaluhod nalang sa sakit, nakita niya ajg
reaksiyon ni Amanda at nakaiwas ng konti. Sa may leeg lang
siya tinamaan.
Lumaban siya sa mga lalaki pero dahil sa dami nila nabugbog
lamang si Kyle at nawalan ng malay.
[End of scene 16]
Scene 17= Lider
Nang magkaroon ng malay si Kyle, ay napansin niyang nakaluhod
siya at hawak hawak ng mga lalaki
Kaharap niya si Amanda. Kakausapin sana ni Kyle si Amanda
Nung sandali na iyon , may humawak ng buhok niya
Napa ngiwi nalang sa sakit si Kyle.
Nag pasukan at nagpakita na ang mga lalaki
Isa sa kanila ang nagpakilala na lider ng grupo
Ipinaliwanag nito kung bakit nila ito ginagawa.
Ginagawa nila ito dahil sa paghihiganti
Galit na kinuwento ng lider ang pangyayari pagkatapos silang
mahuli ng mga tanod.
Sila ay nabugbog din ng mga tao, pagkatapos noon ay nakulong
sila. Nasira narin ang reputasiyon ng gang nila.Tumakas lamang
sila at balak ng tumakbo sa malayong lugar.
Ngunit bago yon ay pinili nilang maghiganti muna at sirain ang
buhay ni Kyle.
Nakikinig lamang si Kyle at walang masabi.
Hindi niya maintindihan ang mababaw na pananaw ng grupo.
[End of scene 17]
Scene 18= Memories
( Naka luhod parin si Kyle, kaharap ang lider)
Lumapit ang lider kay Amanda at tumayo sa likuran nito.
Dahan dahan nitong itinaas ang muka ni Amanda hanbang
nakatingin kay Kyle.
Agad namang nagalit si Kyle at sumigaw na bitawan si Amanda.
Pumiglas si Kyle ngunit hawak hawak siya ng iba pang grupo
Nang aasar na sinabi ng lider ang plano nila.
Balak nilang paglaruan si Amanda sa harap ni Kyle habamg
nanonood ito. Nagtatawanan na ang lahat.
Huhubaran na ng lider si Amanda
Sa sandali na iyon ,may naalala si Kyle na mga memorya, ang
pangyayari sa harapan niya ay parang nangyari na noon.
(Flashback memory)
(Isang babae ang hawak ng isang lalaki at may nakatutok na
kutsilyo sa babae.
Nakita ito ni Kyle?, at agad na sumugod ngunit bigo siyang
gawin , nasaksak na ang babae at agad rin namatay sa harap
niya)
Naalala na ni Kyle ang lahat, ang babae sa panaginip niya ay
si Amanda at ang lalaki ay siya noong nakaraan niyang buhay.
Dati na silang magasawa ngunit sa masamang pagkakataon ay
pinatay si Amanda, sa galit ni Kyle? ay doon na nagsimula ang
pagiging masama niya.
Ngayon nasa parehas na sitwasyon na naman sila, parang tadhana
na hindi mo kayang iwasan.
Pero ngayon determinado na si Kyle na baguhin ang lahat,
ililigtas niya si Amanda!
[End of scene 18]
Sa pagpiglas ni Kyle nailabas niya ang kamay niya.
May kinuha siya sa pantalon niya at binato ito.
Biglang itong sumabog at naglabas ng mga usok.
Nagubuhan ang lahat ng lalaki at hindi makahinga
Samantala si Kyle naman ay pinipigil ang paghinga niya
Tiningnan niya ang resulta ng usok at namangha sa manghuhula.
Naalala niya ang pangyayari bago siya umalis sa bahay ng
manghuhula.
(Flashback)
( Galit na paalis si Kyle upang iligtas si Amanda, sa sandali
na iyon ay pinigilan siya ng manghuhula at may kinuha sa
aparador. Isa itong pellet na naglalaman ng nakalalason na
usok, gamitin mo ito kung kailangan,paliwanag ng manghuhula. )
Sa ilalim ng usok, habang paralisado ang mga lalaki ay dali
daling tumakbo si Kyle patungo kay Amanda.
Sinuntok niya ang lider at tumalsik ito palayo
Agad namang kinamusta ni Kyle si Amanda.
Tinanggal niya ang tali nito at balak ng tumakbo
Lahat ng mga lalaki ay nawalan na ng malay dahil sa usok
Agad na tumakbo ang dalawa palabas, ngunit may sumigaw sa
kanila
Sige tumakbo kayo! Pero isa lang ang lalabas ng buhay!!
Paglingon nila ay nakatayo na ang lider, hindi na maganda ang
kondisyon nito dahil sa usok pero pilit parin tumayo
Hawak nito ang isang baril na nakatutok sa kanila
Malaki ang ngiti ng lider at tumatawa nitong pinaputok ang
baril
Bang!!!
Agad na humarang si Amanda sa harap ni Kyle, balak saluhin ang
bala, kitang kita ang pagmamahal niya kay Kyle.
Nagulat nalang si Kyle sa kilos ni Amanda, naalala niya ang
memorya ng pagkamatay nito noong nakaraan na buhay
Hinde! Hindi ko na hahayaan na mangyari muli iyon! Sigaw ni
Kyle sa isip
Agad niyang niyakap si Amanda at tumalikod
Arghh!
Saktong dating naman ng bala na bumaon sa likod ni Kyle.
Parang tumigil ang lahat
Ang lider ay nakahiga na at walang malay
Si Amanda ay yakap yakap naman si Kyle
Ramdam na ni Kyle ang paglamig ng kanyang katawan
Naiyak na si Amanda at nahingi ng tulong
Nilagay ni Kyle ang kamay niya sa mukha ni Amanda at hinaplos
ito.
Sa wakas, nailigatas din kita, mahal na mahal kita....
Sana swertihin ako sa susunod kong buhay...
Pumikit na si Kyle at bumagsak ang kanyang kamay
Patuloy na naiyak at ginigising ni Amanda si Kyle.
Biglang may ingay sa labas, dumating na ang maghuhula at mga
pulis na kasama
Pumasok ang manghuhula at lumapit kay Amanda.
Ang mga pulis naman ay nilapitan ang mga lalaki
Parang isang malungkot na imahe , isang babae ang nahugulgol
yakap ang mahal niya sa buhay.
[End of scene 18]
-----END------