You are on page 1of 2

Sa bawat araw na lumipas marami tayong nakikilala madalas malaki ang naidudulot nito sa ating

buhay. Gaya na lamang ng mga nakakasalubong natin sa daan na sa simpleng ngiti mo lang
nagpapakahulugan na masaya ka na makita mo sila o sa mga bagong kaklase na sa una’y
nahihiya kapa pero di naglaon naging masaya ka sa piling nila. Mga kaibigan na makakasama
mo sa lokohan na sadyang nagbibigay ng kulay sa buhay mo pero alam mo ba na may isa akong
kaibigan na masasabi kong siya’y natatangi sa lahat dahil nasa kaniya na lahat ng mga katangian
na mayroon ang isang mabuting kaibigan… ang sarap lang sa pakiramdam na mayroon pa palang
ganoon na kaibigan.

Dumating siya sa buhay ko na para bang may kung ano sa kaniya kaya agad nakuha atensyon ko
sa kaniya kaya nga sinabi ko sa sarili ko na magiging kaibigan ko ito balang araw.

Iyon nga dumating ang araw na naging kaibigan ko siya ang sarap sa pakiramdam kapag pagod
ako nakikita ko lang siya nawawala ang aking pagod lalo na sa tuwing lumalapit siya sa akin na
na may kasamang ngiti hay… bakit ba sa tuwing nakikita ko siya nawawala ang aking pagod ang
sarap sa pakiramdam na may kaibigan ako na gaya niya. At sa tuwing nalulungkot ako isang
yakap ko lang sa kaniya nawawala ito para siyang isang gamot na kahit anong sakit mo
nalulunasan niya kaya lalo ko siyang minahal… oo, minahal ko siya ng hindi ko namamalayan
sana ang pakiramdam na ito’y wag nang magwakas.

Siguro isa sa mga naging dahilan kung bakit ko siya minahal kasi magkaugali kami kahit na
marami ang nagkakagusto sa kaniya na babae hindi niya ito pinapansin ang sungit niya kaya
natatawa nga ako sa tuwing nakikita ko ang senaryo na iyon para bang nakatingin lamang ako sa
salamin.

Madalas nagagalit ako sa kaniya paano ba naman lagi nalamang siyang tumatakas para lumibot
hay, iyon at iyon ang lagi kong pinapaalala sa kaniya na wag na wag siyang aalis ng bahay lalo
na kapag gabe wala pa man siyang pinipiling oras basta nagustuhan niyang lumabas lalabas siya
kahit paulit-ulit ko nang sinabi sa kaniya na wag siya aalis.

Ito pa ang kinababahala ko dahil sa aming lugar nauso nananaman ang mga nagliliparang mga
masasamang tao kaya kahit masakit man sa aking loob pinilit ko siyang ikulong sa aming bahay
para lang hindi siya umalis ng bahay kaso ang akala ko matagumpay iyon kaso ang sakit- sakit
pala sa pakiramdam kung nagiging malungkot ang mahal mo sa piling mo alam mo ba ang
pakiramdam sa tuwing naririnig mo siyang nagmamakaawa para lang makalaya pero ikaw
nagkikibit balikat kalang hindi dahil sa hindi mo siya pinapansin kaso kapag pinalaya mo siya
buhay naman niya ang maaaring mawala at iyon ang ayaw kong mangyari.

Sa bawat pag-iyak niya unti-unting nadudurog ang aking puso kaya nagpasya akong palayain
siya malungkot ako dahil nag-aalala ako baka dahil sa ginawa kong paglaya sa kaniya buhay
niya’y mawala pero kung hindi ko naman siya pinalaya baka tuluyan ng madurog ang puso ko.

Nagpasya akong palayain siya sinabihan ko siya hanggang sa huling pagkakataon


nagbabakasakali na naunawaan niya ako. Pero lalong akong nawasak nang tumakbo siya palayo
sa akin. Kaibigan patawad sambit kong nagbabakasakaling narinig niya ako.
Dumaan ang mga araw bumabalik ang dati naming samahan na ikinatuwa ko naman sa kaniya.
Akala ko wala ng katapusan ang kasayahan namin kaso isang umaga nakita ko siya ang putla-
putla niya wala na ang ngiting aking lagging sinasubaybayan na palitan ito ng lungkot sa
kaniyang mga mata.

Dumating ang mga araw tuluyan na siya nanghina at…namatay…

Sabi nga nila kung mahal mo palayain mo kung iyon ang magpapasaya sa kaniya.

Kahit gaano pa kabait ang isang tao meron at meron parin masasabi ng masama sa kaniya…

Hayaan mo na lang sila, dahil kung papansin mo sila wala naman mangyayaring maganda.

You might also like